Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




I Love You, Your Highness

Image Description Heir69   |   31 December 2019


Just one night Isang gabi lang at nagbago ang lahat sa buhay ni Quinn Ang dating simpleng college student ay kabilang na ngayon sa Royal Family bilang asawa ni Crown Prince Ethan

QUINN

"Don't tell me ngayon ka pa mag-ba-back-out?" Tanong ni Leigh sa akin habang nasa harapan na kami ng isang high-end bar na nasa loob ng premises ng Orient Pearl, isang seven star hotel.
"I just don't like the feeling... Di ako sanay sa ganito eh." Sabi ko habang pinipiga ko sa hawak ang strap ng body bag na dala ko. Napailing naman si Leigh.
"Quinn.... In a matter of hours eighteen ka na... Wala naman masama kung pumasok tayo sa bar at mag-enjoy... At isa pa pinayagan naman tayo ni Kuya Turs.... Kaya wala kang dapat ipangamba." Paliwanag nito. Well totoo naman ang sinabi nya na pinayagan kami ni Kuya Turs at ito na daw ang bahala kina Mama at Papa kung hahanapin ako. But still I'm not comfortable with it.

"Alam mo.... First timer cold feet lang yan... Tara pumasok na tayo.... Look may live band pa sila ngayon." Nakangiting sabi ni Leigh saka hinawakan ang kamay ko para hilahin ako papasok sa bar. Pagpasok namin sa loob ay masasabi ko na agad na di ko gusto ang lugar na ito. Bukod sa maingay ay medyo mausok at panay galaw ang tao. Marahan kong inayos ang eyeglasses ko saka ako nag-lakad ng maayos.
"Halika dito tayo sa malapit sa stage." Nakangiting sabi ni Leigh saka ito tumawag ng crew para umorder ng maiinom.
"Umorder ka ng drinks?" Tanong ko sa kanya.
"Yes.... Ladies drinks lang ang inorder ko for you." Anito saka ako umupo sa stool bar at nakinig sa vocalist ng banda na di ko naman maintindihan ang kinakanta dahil sa sobrang metal rock ng music nito. Huminga na lamang ako ng malalim at ininom ang drinks na dinala ng crew habang si Leigh naman ay kanina pa tinitingnan ang cellphone mukang may ka-meet up na naman ito ngayon.

"Sino ba ang ka-meet up mo ngayon?" Tanong ko sa kanya mula ng nagkaroon ito ng account sa isang dating app ay lagi na itong may ka-meet up. Buti na lang talaga mga matitinong tao ang nakakasalamuha nito.
"Nagtitingin lang sa phone may ka-meet up na?" Tanong nito.
"Wag ka ng magsinungaling.... Sige na sino yan?" Tanong ko.
"Someone from the app... Pero di naman kami magkikita ngayon... Ka-chat ko lang sya..." Sabi nito saka tinago sa bulsa ang cellphone.
"Oh ayan hah... Wala na.... Nakatago na." Nakangiting sabi nito saka uminom. Napailing na lang ako.

"Ganito ba talaga dito? Ang ingay..." Sabi ko. Napiling naman si Leigh.
"That's why it called bar... Sana sa chapel na lang pala tayo nagpunta...Kung gusto mo ng tahimik." Biro nito. Napatango na lang ako at hinayaan ko ng basagin ng vocalist ang eardrums ko dahil sa metal rock na tugtugan nito.

"Alam mo magsayaw na lang tayo... Were here for fun so let's go." Sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa mga nagsasayaw.
"Ano ba nakakahiya..." Mariing sambit ko.
"Hindi yan... Just go with the music!" Sambit nito saka ito nagsimulang sumayaw. Napailing naman ako at babalik na sana ako sa mesa namin ng biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay isang nakangiting lalaki ang nabungaran ko.
"Care to dance with me?" Tanong nito, di naman na ako nakasagot dito dahil sa pagkabigla pero alam ko at kitang kita ko na lasing na ito. Aayaw sana ako pero hinawakan na nya ako sa bewang ko at mukang di yata ako pakakawalan nito hangga't di ko napagbibigyan sumayaw.

"Bro... Give him a drink..." Nakangiting sabi ng lalaking lumapit sa amin na may dalang mga inumin. Nakangiting kumuha naman ng isa ang lalaking nasa harapan ko at binigay sa akin ang may kataasang baso na may lamang alak.
"No...di ako umiinom." Sabi ko kaagad.
"Please for me... Your new acquaintance?" Nakangiting sabi nito. Napahinga naman ako ng malalim saka napipilitang tinanggap ko ang baso. Mahina kasi ang alcohol tolerance ko pero siguro di naman ako malalasing sa isang baso. Pagkainom ko ay nag-apir pa ang dalawang lalaki saka tinapik ng lumapit kanina ang kasayaw ko bago ito bumalik kung san man naka-upo ang mga ito.

Nginitian ako ng lalaking kasayaw ko ngayon. Sa totoo lang gwapo sya... The model type man, pero kahit na ganon may iba akong nararamdaman sa kanya... Di ako komportable well isang sayaw lang naman ito then lalayuan ko na sya. Maya-maya pa ay inilapit nito ang muka sa may leeg ko. Napahigit ako ng hininga sa ginawa nya.

"Youre f*cking turning me on..." Bulong nya sa akin at naramdaman ko ding idiniin nya sa akin ang harapan nya.
Doon ako na-offend agad ko syang tinulak at sinampal. Wala namang nakapansin sa ginawa ko. Hinaplos nito ang pisngi at napangisi....
"Like that..." Sambit nito. Mukang umakyat na sa utak ang alak at di na alam na lalaki ako.
"Sira ulo ka... Sa susunod sa tiyan lang ang alak. Di sa ulo!" Inis na sabi ko saka ako nagmadaling bumalik sa mesa namin ni Leigh.
"Hahanapin kita....its only a matter of minutes...kakatihin ka din." Nakangising sabi nito.
"Sira ulo!" Inis na sabi ko at di ko na sya nilingon.

Pag balik ko sa mesa namin ay nandoon na si Leigh mukang kababalik lang din nito.
"You okay?" Tanong nito bago ininom ang inorder naming drinks kanina. Tumango na lang ako wala naman nangyaring higit pa kaya naisip kong wag na lang palalakihin ang nangyari. Kinuha ko na lang ang drinks ko at ininom na din ito. Buti na lang at nagpalit na ang banda at di na nabibingi ang tenga ko sa malakas na rock music ng kaninang banda.

Nasa kalgitnaan ako ng pakikinig sa banda ng makaramdam ako ng kakaiba...naiinitan ako gayong mukang naka-full blast naman ang AC ng bar na kinaroroonan namin.
"May problema ba?" Concern na tanong sa akin ni Leigh.
"Wala naman naiinitan lang ako...." Sabi ko.
"Naiinitan....bakit?" anito napailing naman ako saka nagkibit-balikat ng maramdaman kong nag-vibrate sa loob ng bulsa ko ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at si Papa ang tumatawag.
"Leigh..." Lumingon naman ito
"I have to take this call... Si Papa." Paalam ko sa kanya. Nag-thumbs up naman ito saka ako naglakad palayo hanggang sa nakita ko ang CR, agad akong naglakad palapit doon and tama ako medyo di maingay sa area na toh. Agad kong sinagot ang tawag ni Papa.

"Pa?"
"Quinn anak, nasaan ka?" May pag-aalalang tanong nito. Napangiti ako mula ng nag-out ako sa kanila nila Mama at Kuya Turs, three years ago ay naging protective na sila sa akin lalo na si Kuya Turs, pero unlike others na nasasakal kung over protective ang magulang ako ay hindi. I love the way they spoiling me. Pakiramdam ko at pinaniniwalaan ko na ang trato nila sa akin ay babae lalo na si Mama na para bang natupad sa akin ang life long wish nya na magkaroon ng anak na babae.

"Pa... Nasa bar lang kami ni Leigh dito sa may Orient Pearl.... Naipaalam naman ako ni Kuya Turs di ba?" Naku sana lang talaga kung hindi malilintikan sa akin ang kuya ko.
"I know...oo nga nasabi ng Kuya Turs mo... Pero Quinn uwi pa din ng maaga.. Wag magpapagabi masyado." Paalala nito. Napatango naman ako saka ko kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang noo ko. Damn! Bakit ba ang init ng pakiramdam ko?
"O-Okay Pa... Kayo din ni Mama matulog na wag nyo na akong hintayin... I have my own key naman." Sagot ko.
"O sige enjoy anak... Bukas tayo naman ang magse-celebrate ng birthday mo." Sabi nito.
"Okay Pa... Sige na matulog na kayo-----" BLAG! Gulat na napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking halos matumba na palabas ng men's room.

"Hello anak? Ano yun?" Tanong ni Papa sa kabilang linya.
"Ahm may natumbang lasing lang Pa'... Sige na baba ko na toh Pa." Sabi ko na lang.
"Oh sige.... Mag-ingat hah." Paalala muli nito bago ko ini-off ang tawag nya saka ako humarap sa natumbang lalaki.

Kunot-noong lumapit ako sa kanya. Nakayuko ito at mukang lasing na lasing na.
"Mister.... Mister.... Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya saka ko sya dinaluhan. Nag-angat naman ito ng tingin. Halos di na nito mabuka ang mata dahil sa kalasingan.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, sa totoo lang pamilyar ang muka nya di ko lang maalala kung saan ko nakita.
"Y-yung..... B-babae....n-ninakawan akooo---hik!" Disoriented na sabi nito.

"Huh? Eh nasaan na sya... Naku... Teka tatawag ako ng tulong." Sabi ko saka ko sya iniwan at pinuntahan ang bouncer.
"Kuya..."
"Ano po yun?" Tanong nito
"May nangangailangan ng tulong sa Men's room." Sabi ko. Agad naman sumunod sa akin ang Bouncer at nadatnan nga namin sa pintuan ng men's room na halos tulog na ang lalaki.

"Naku nag-passed out na yata... Sir... Sir... Ayos lang ba kayo?" Tanong ng bouncer na medyo tinapik pa ang lalaki mukang nagising naman ito. And he said the same thing katulad kanina.
"Naku eh mahirap makapag-bigay ang ganitong disoriented na tao... Dapat mahulas muna ang pagkalasing nya." Ani ng Bouncer sa akin napatango naman ako.
"Eh ano kayang gagawin natin sa kanya kuya?" Tanong ko muli namang bumaling sa lalaki ang bouncer.
"Sir... Naka-check in ba kayo dito sa Orient Pearl?" Tanong nito marahan naman tumango ang lalaki at nag-kapa sa sarili hanggang nakuha nito sa bulsa ang isang key card.

"Ganito Sir... Iaakyat na lang muna namin kayo ni Ma'am sa hotel room nyo..."
"Lalaki ho ako..." Pagsingit ko sa sinasabi ng bouncer at ipinaypay ang kamay sa sarili ko. I swear di nakakatulong na naiinitan ako sa pagtulong ko sa lalaking ito ngayon. Napalingon naman sa akin ang bouncer ng nakakunot ang noo.
"Talaga muka ka kasing babae Sir... Tapos ang hinhin pa ng boses nyo.. Pasensya na ho." Sabi nito tumango na lang ako. Muli itong bumaling sa lalaki.
"Ayun nga po Sir... Dadalhin namin kayo sa hotel room nyo para mahulasan kayo... Pag-ayos na ang pakiramdam nyo...saka ho natin asikasuhin ang kaso nyo." Sabi nito, muli ay marahang tumango ang lalaki.

"Sir Patulong naman po." Sabi nito tumango naman ako saka namin hinila patayo ang lalaki at inakay ito palabas ng bar. Di na ako nagpaalam kay Leigh mabilis lang naman ito, makakabalik din naman agad ako.
Nagpaalam pa ang bouncer sa kasama nito bago kami sumakay ng elevator. Sa tenth floor naka-check in ang lalaki, sa room 901 ito. Ilang sandali lang ay narrating din namin ang kwarto nito. Buti na lang talaga at nandito ang bouncer kundi di ko sya kakayaing iakyat sa kwarto nya. Nang makapasok kami ay inihiga na namin sya sa kama.

"Sir... Bababa ho ako para sabihin ang incident para pagbaba nya po mamaya magbibigay na lang sya ng statements sa management." Paalam ng bouncer sa akin.
"Sige ho....lalabas na din ako." Sabi ko, Tumango naman ito saka lumabas. Susunod na sana ako sa kanya ng napalingon ako sa lalaki.
Parang naawa naman ako dahil sa likot nito kalahati na lang ng katawan ang nakahiga sa kama. Napailing ako saka ko sya binalikan. Kung makikita lang ako ni Kuya Turs ngayon tutuksuhin na naman nya ako dahil di ko na naman matitiis na di tulungan ito. Minsan mga iniisip ko kung advantage or disadvantage ang traits kong yun.

"Ang likot mo naman." Sabi ko saka ko pinatong ang bag ko sa bedside table at sumampa ako sa kama para hilahin sya pataas.
"Ugh.." anito ng maiakyat ko na sya halos hingalin ako dahil doon. Di talaga madaling magbuhat ng unconscious na katawan. Kumuha ako ng unan saka ko inilagay sa likod ng ulo nito para maging maayos ang tulog nito, di ko tuloy maiwasan na di mapagmasdan ang muka nya.

Maputi ito kumpara sa ibang lalaki pero masasabi kong mas maputi pa din ako. Makinis din ang muka nito na akala mo ay walang pores. Tamang-tama ang tangos ng ilong at may labing natural ang pamumula. All in all gwapo ang lalaki.... Prince charming level kaya lang lasenggo... Ayoko ng ganun.

"May kamukha ka talaga.... Di ko lang mapin-point kung sino... Nagkita na kaya tayo dati kaya pamilyar ka sa akin?" Tanong ko sa kanya na akala mo naman ay sasagot sya, pero mukang narinig yata ako dahil marahang dumilat ito at nagkatinginan kami. Gosh kung gwapo na sya kanina... Mas gwapo sya ngayon. Ang ganda ng mga mata nya, parang nangungusap.


"Lo.... Loraine..." Mahinang sambit nito na halos di ko narinig.
"Ano yun...pakilakasan mo nga!" Tanong ko sa kanya at inilapit ko pa ang tenga ko sa kanya para marinig ang sinasabi nya pero pahina ng pahina ang boses nito.
"Ano ba yan... Sabi ko lakasan mo... Hininaan mo pa lalo... Bahala ka na nga dyan." inis na sabi ko at akmang tatayo na ako ng hilahin nya ako at yumakap sa bewang ko kaya naman napa-upo ako sa kama.

"Ay! Ano ba yan!" Nagulat na sambit ko.
"Wag m-mo akong i-iwan... D-dito ka lang." Sambit nito habang half open lang ang mga mata na nakatingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Alam mo matulog ka na....lasing ka na talaga Sir.... Kung ano man ang pangalan mo... Matulog ka na." Sambit ko saka ko tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin pero ng akmang tatayo ako ay parang umikot ang paningin ko saka ako napahiga.

"Aray...teka bakit ako nahihilo?" Sambit ko sa sarili ko saka ko pinikit ang mata ko. Imposible naman na lasing ako eh dalawang drinks lang ang ininom ko kanina at isa doon ay galing sa bastos na lalaki. Nang biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi nya.

"Hahanapin kita....its only a matter of minutes...kakatihin ka din."

Damn! ito na ba yun? Pero bakit ano ba ang pinainom nya sa akin? Bakit nahihilo at naiinitan ako? Anong klaseng inumin yun? Marahan ulit akong umupo para tumayo na at umalis pero di pa man ako nakaka-upo ng maayos ng yumakap ulit sya sa akin at muli ay napahiga na ako sa kama.

"Ano ba an----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng sakupin ng labi nya ang labi ko. Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa ginawa ng estranghero na ito. My very first kiss.... Nakuha lang ng isang stranger. Agad naman akong pumiglas kahit nahihilo ako at tinulak ko sya.
"Bastos ka!" Inis na sabi ko pero kahit lasing ito ay mas malakas pa din sa akin. Damn! ngayon ko pinagsisisihan na di ko sineryoso ang self defense lesson ko kay Kuya Turs. Pilit ko syang inilalayo sa akin pero hinawakan ng mga kamay ko and he pinned me down.

"Lor.... Please.... Give me a chance!" Sambit nito saka nya ako pilit hinalikan. Damn its look like he mistaken me for another person. Hinawakan nya ang baba ko saka nya ako muling hinalikan sa labi. Pilit kong itinikom ang labi ko pero mapwersa ang halik nya kaya naman bumigay din ako at naibuka ko ang aking labi. At mukang iyon lang ang hinihintay nito saka nya ako hinalikan ng mas mariin.

At aaminin ko kahit na nagsusumigaw ang isip ko na ayoko itong nangyayari ay iba na ang takbo ng katawan at labi ko, parang nagugustuhan na nito ang mga halik na binibigay sa akin ng estrangherong ito. Ito na yata ang epekto ng inumin na pinainom sa akin kanina ng nakasayaw ko.

At wala na ngang nagawa ang isip ko. Gumalaw na sa sariling kagustuhan nito ang katawan ko. Tinutumbasan na nito ang maiinit na halik at haplos na ginagawa ng lalaking nasa ibabaw ko. Gosh ito ba? Ito ba ang eighteenth birthday gift ko?

And soon I felt him thrusting inside me.

........................


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019