Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




IRMA

Image Description TheLadyInBlack09   |   04 February 2019


Mga putang ina ninyo! Pinagtanggol ko kayo! Pinaglaban ko kayo! Araw- araw ay isinasakripisyo ko sa inyo ang buhay ko. Mga baboy kayo! Mga hayop! Mga putang ina ninyo! Mga putang ina ninyong mga drug

"Raliyista, matapang na humarap sa presidente bilang representative ng organisasyon nitong laban sa Oplan Tokhang," basa ni Mira bago ibinaba ang hawak na dyaryo sa ibabaw ng lamesa. Umupo na ito sa bakanteng upuan na katapat ng sa Mama nitong si Irma, bago kumuha ng pandesal at sinimulang lagyan ng palaman. "Ma, ikaw na naman ang nasa front page ng dyaryo oh."

Mula sa kaharap na laptop ay itinaas ni Irma ang mga tingin sa dalagitang anak. "Noong isang araw pa nangyari 'yan ngayon lang nila inilabas."

"Nagsasawa na siguro sila na ilagay ang picture mo sa front page ng dyaryo, nila 'Ma," natatawang biro ni Mira habang nagsisimula nang magtimpla ng kape. "Kung wala ka sa front page ng dyaryo, nasa headline ka naman ng mga balita sa T.V."

"Hindi ka pa nasanay anak," ani Irma na nagpatuloy sa pagta-type sa kaharap niyang laptop. "Saka ngayon lang 'yan, hangga't hindi tumitigil ang mga hayop na gobyerno at pulis sa extrajudicial killings."

"Pero sa tingin ninyo 'Ma, may possibility ba na mawala kaagad 'yon dito sa Pilipinas?"

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Irma bago isinarado ang laptop. Nagta-trabaho siya bilang manunulat sa isang organisasyon na parte ng Karapatang Pantao. Isa rin siya sa pinaka-aktibong raliyista ng grupo dahil sobrang hindi siya sang-angyon na patayin ang sinomang tao dito sa mundo. Para sa kanya kahit pa ang pinaka-makasalanang rapist, mamamatay tao o drug addict ay may karapatan pa ring mabuhay at magbagong buhay. Walang sinomang tao ang may karapatang pumatay ng kapwa niya tao. "Kailangan anak, kailangang matigil na ang madugong patayan na ito. Alam ko namang hindi kaagad natin maiaahon sa hirap ang bansang ito pero kahit man lang sana ang madugong patayan na ito dito sa bansa ay maihinto ng gobyerno. Dahil lahat ng tao ay may karapatang magbagong buhay." Saglit siyang humigop ng kape bago inabot ang cellphone na kanina pa tumutunog. 

'Tumigil ka na sa ginagawa mo kung ayaw mong mamatay.'

'Masyadong ka nang maingay, h'wag mong hintayin na ikaw naman ang patahimikin naming.'

'Ang dapat sa kagaya mo, habambuhay na pinapatihimik.'

Death threats. Hindi na bago kay Irma ang makatanggap ng ganoong klaseng text message mula sa iba't-ibang cellphone number. Noong una ay natakot siya. Takot na takot na halos hindi na siya lumabas ng bahay. Pero naisip niya, kung susuko siya. Kung magtatago siya. Kung magpapatalo siya sa takot... Sino na lang ang magiging bibig ng mga taong pinapatay ng walang laban. Sino na lang ang magiging tagapagsalita ng mga taong gusto pang mabuhay. Sino na lang ang magiging tagapagtanggol ng mga taong pwede pang magbagong buhay? Iilan na lamang silang manunulat at raliyista na may lakas ng loob at kakayahan. At hindi pwedeng mabawasan ang iilang tao na kagaya niya. 

"Pero 'Ma, h'wag tayong masyadong matapang ha? Siyempre ayokong malagay tayo lalo ka na sa panganib. Ikaw na lang ang meron ako eh."

Nabaling ang tingin ni Irma sa nag-iisang anak. Walong taon pa lamang ito nang mamatay ang kanyang asawa dahil sa heart attack. Kaya pitong taon niya nang itinataguyod mag-isa ang pag-aaral ng nag-iisang anak. "Walang mangyayaring masama sa akin, Mira. Tandaan mo 'yan. Kaya kong alagaan at ipagtanggol ang sarili ko, ako pa ba?"

Ngumiti naman si Mira sa isinagot ng Mama nito. Kung may isa man si Mira na hinihiling na mamana mula sa sariling ina iyon ang katapangan nito. "D'yan naman ako bilib sa iyo Mama." Tumayo na si Mira at inayos ang mga notebook bago inilagay sa loob ng bag na dadalhin sa school.

Tumayo na rin si Irma at nilapitan ang anak. Hinding-hindi niya hahayaang mapahamak ang sarili para sa mga taong nais niyang bigyan ng pangalawang pagkakataon na magbagong buhay at para na rin sa nag-iisang anak niya. Sasamahan niya pa itong tuparin ang mga pangarap nito. "Basta tandaan mo anak, hinding-hindi ako mapapahamak sa trabaho at ginagawa ko na ito. Promise."

Mahigpit na niyakap ni Mira ang Mama nito. "Naniniwala naman ako 'Ma. Walang kahit na anong masamang mangyayari sa iyo. Magdi-Disneyland pa tayo sa Paris 'di ba?"

Pangarap ng anak niya na makarating sa Disneyland sa Paris kaya naging pangarap niya na rin iyon. Pangarap nilang dalawa. "Oo anak, sa oras na makatapos ka. Magdi-Disneyland tayo sa Paris."

"Ano ba ito. Ang aga ng dramahan natin 'Ma," natatawang sabi ni Mira bago humalik sa pisngi ng Mama nito. "Sige na 'Ma, papasok na ako sa school."

"Mag-iingat ka, Mira."

"Ay oo nga pala 'Ma," napahinto sa paglabas ng pinto si Mira at muling tumingin sa Mama nito. "Mamaya na pala 'yong stage play naming, h'wag kang mawawala ah."

"Anong oras nga 'yon?"

"3 PM po," sagot ni Mira na gaganap bilang Lura sa stage play na Florante at Laura. 

"Sige, manunuod ako."

"Thank you 'Ma, see you mamaya."

Nakangiti siyang tumango sa muling pagpapaalam ni Irma na tuluyan nang lumabas ng bahay. Naisip niyang napakaserte niya sa anak na iyon. Sa kabila ng pagkukulang niya dito dahil sa trabaho at pagiging isang raliyista ay hindi ito nagpakita ng kahit na anong pagtatampo sa kanya.

Nang maisarado ang pinto ay naglakad na si Irma papunta sa may T.V. at ini-on iyon bago bumalik sa upuan. 

"Dalawang hinihinalang drug pusher ang patay sa shootout kaninang madaling araw, ang umao'y nanlaban daw sa mga pulisya. Samantalang isang bangkay naman ang natagpuan sa may ilog na hinihinalang sinalvage dahil sa hawak nitong karatula na, 'Rapist Ako.'"

Napailing na lang si Irma sa bumungad na balita sa telebisyon. Muli niyang binuksan ang laptop upang tapuisn ang sinusulat na article laban sa gobyerno. Ang article na laban sa mga pulisyang pumapatay sa mga umano'y tulak ng droga. 

"Walang sinomang makasalanan ang karapat-dapat na mamatay. Walang sinoman ang may karapatang pumatay. At lahat tayo ay may karapatang mabuhay at magbagong buhay," basa ni Irma sa mga huling linya ng kanyang sinusulat.

Nang maipasa na niya sa editor ng website ng kanilang organisyon ang kanyang sinulat ay sinimulan na niyang ayusin ang mga gamit na nakakalat sa lamesa. 

Sisimulan na rin sana niyang ayusin ang mga pinagkainan nila ni Mira sa lamesa nang tumunog ang cellphone niya. Isang tawag mula sa kasamahan niya sa organisasyon.

"Hello Irma, busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman, may lakad ako para sa stage play ng anak ko. Pero mamayang hapon pa 'yon," sagot ni Irma. 

"Good, may rally tayo mamaya sa may Mendiola. Go ka?"

Napatingin siya sa bilog na orasang nakasabit sa may dingding habang nagda-dalawang isip. 

"Irma, para ito sa limang drug addict daw na pinagbaba-baril ng mga pulis ng walang laban sa harap mismo ng bahay nila. Namatay 'yong mga tao sa harap mismo ng mga pamilya nila. Limang tao 'yon Irma, limang tao na pwede pa sanang mabigyan ng pagkakataon na magbagong buhay."

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Irma. Alas-otso pa lang naman ng umaga, sigurado ay aabot pa rin siya mamaya sa stage play nina Mira. "Sige, pupunta ako."

***

"Lahat ng tao ay pwede pang magbagong buhay! Lahat ng tao ay dapat na binibigyan ng pagkakataon na makapagbagong buhay!" sigaw ni Irma. Isa siya sa mga nangungunang raliyista na naglalakad patungo sa may Mendiola.

"Walang sinomang tao ang may karapatang pumatay ng kapwa tao!" sigaw ng isa sa mga raliyista.

"Masakit ang mawalan ng kapamilya! Itigil na ang patayan!"

"Karapatang pangtao, ipaglaban! Itigil na ang oplan tokhang!"

"Batas hindi dahas!" muling si Irma ang sumigaw na ginaya na g kanyang mga kasama.

"Batas hindi dahas!"

"Batas hindi dahas!"

Halos may tatlong daan silang raliyista na naglalakad ngayon at may hawak ng kanya-kanyang placard at sabay-sabay na sumsigaw. 

Huminto sila sa paglalakad nang makita ang isang isang grupo ng pulis na naglalakad pasalubong sa kanila. May kasunod ang mga ito na isang malaking truck.

"Ngayon pa lang po ay sinasabihan na namin kayo na ihinto ang pagra-rally na ito dahil wala kayong mga permit!" sigaw ng isa sa mga pulis na may hawak na megaphone. Malaki ang tyan ng pulis na halos tila matatanggal na ang butones ng unipormeng suot nito. 

"Lahat ng tao ay may permiso na ipaglaban ang karapatan ng bawat isa na mabuhay. Kayo ang huminto sa ginagawa ninyong pagkitil ng buhay ng kapwa natin tao! Kayo ang walang karapatan na pumatay ng tao! Mga wala kayong puso!" pasigaw na sagot ni Irma. Para sa kanya ay matatapang lamang ang mga pulis dahil sa armas na hawak ng mga ito. Armas na kumikitil sa buhay ng mga taong naligaw man ng landas ay dapat pa ring muling bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay. "Batas hindi dahas!"

"Batas hindi dahas!" sigaw din ng mga kasama ni Irma na itinataas ang mga hawak na placard.

"Umalis na kayo kung ayaw ninyong magkasakitan tayo dito!" muling sigaw ng matabang pulis. 

"Mga mamamatay tao kayong mga pulis kayo! Mga wala kayong puso!" sigaw ng isa sa mga raliyista na namatayan ng tatay na isang drug addict. Nais na sanang magbagong buhay ng tatay ng raliyista at handa nang isuko ang sarili sa mga pulis, pero huli na pala ang lahat ng biglang sugurin ng mga pulis ang bahay nito. Pinasok sa kwarto ang tatay ng raliyista at pinagbababaril ito hanggang sa mamatay. Nakita ng raliyista na hindi nanlaban ang tatay nito at walang kahit na anong armas na hawak. Pero iba ang lumabas sa balita. Baliktad sa totoong nangyari, namatay ang tatay ng raliyista dahil sa panlalaban sa mga pulis, bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok kaya pinatay ng mga pulis. "Mga sinungaling at mamamatay tao kayong mga pulis!" muling sigaw ng raliyista bago pumulot ng malaking bato at inihagis sa matabang pulis na may hawak ng megaphone. 

"Mamamatay tao kayo!" sigaw rin ng isa sa mga raliyista na naghagis na rin ng bato.

"Mga putang ina ninyo!" sigaw naman ng ilan sa mga pulis bago sumugod sa mga raliyista.

Nagsimula nang magkagulo. 

Hinampas ng mga pulis ang mga raliyista ng hawak na batuta.

Binato ng ilan sa mga raliyista ang mga pulis.

Ang ilan pa sa mga raliyista ay may hawak na kahoy at pinaghahampas din sa mga pulis.

"Mga putang ina ninyo ring mga pulis kayo! Akala ninyo kung sino kayo!" sigaw ni Irma na nakikihampas rin ng hawak na kahoy. Ilang patayan na ang napanood niya sa balita. Ilang patayan na ang nabasa niya sa mga dyaryo. Pagpatay sa mga taong pinaniniwalaan niyang kaya pang magbagong buhay. Mga killer, rapist at drug addict na pwede pang bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay.

"Ang titigas ng ulo ninyong mga putang ina kayo!" sigaw ng pulis na nasa may truck at sinimulang bombahin ng tubig ang mga raliyista.

Hindi nagpatalo ang mga ralisyita. Nasasaktan man dahil sa malakas na tama ng tubig ay nagpatuloy sila sa pagsugod sa mga pulis. Nagpatuloy sila sa paghampas sa mga ito at pagbato ng mga malalaking batong napupulot. 

"Mga mamamatay tao kayong mga gago kayo! Mamatay na kayo!" sigaw ng isang raliyistang nagdurugo na ang ulo dahil sa tama ng batuta pero wala pa ring tigil sa paglaban.

Halos dalawang oras ding nagkagulo sa Mendiola. May dalawang oras ding nagkasikatan ang mga pulis at raliyista. Hanggang ang lahat ay tila nakaramdam ng pagod at huminto. Unti-unti ay naghiwalay na ang dalawang grupong nagkakagulo. 

"Mga walanghiyang pulis na 'yon! Tanggalan mo lang sila ng baril, sigurado akong daig pa nila ang tinaggalan ng mga bayag!" hinihingal na sabi ni Irma sa katabing kapwa raliyista habang pinupanasan ang sarili gamit ang hawak na tuwalya. Nasa isang tabi na sila ng mga kasamahan at nagkakanya-kanya ng ayos sa mga sarili. Naghahalo na ang tubig, pawis at dugo sa kanilang mga mukha dahil as gulong nangyari kanina. Pero hindi na bago sa kanila ang mga ganitong eksena pagkatapos ng rally. Ang matapos ang gulo na sugatan sila at basang-basa ng tubig at pawis ang mga sarili.

"Mga putang ina nila kamo. Ang tatapang lang nila dahil may mga baril sila pero h'wag lang nilang hintayin ang karma na sila naman i-salvage at patayin," sagot ng isa sa mga raliyista.

"Kapag ako lang talaga, nabigyan ng pagkakataon... Ako mismo ang papatay sa kanila," sabi naman ng isa sa mga raliyistang namatayan ng tatay dahil sa Oplan Tokhang.

Nabaling ang tingin ni Irma sa huling nagsalita. Disi nuebe lamang ang binata at isa sa pinakabata nilang kasama sa organisyasyon. Hindi lingid sa kaalaman niya na sa kanilang lahat ay isa ito sa may pinakagustong makaganti sa mga pulis. Alam niya kasi ang kwento kung paano hinuli, pinatay at inakusahan na nanlaban ang tatay nito na nais na sanang magbagong buhay. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit labis ang pagtutol niya sa ginagawa ng gobyerno at mga pulisya ngayon, ang pagtanggal ng mga ito mula sa tao ng karapatang magbagong buhay. 

"Irma, cellphone mo yata 'yong nagri-ring."

Saka lang tila naramdaman ni Irma ang pagba-vibrate ng cellphone sa kanyang bulsa na gumagawa ng munting ingay. Kaagad niya iyong kinuha at inalis mula sa pagkakabalot sa plastic. "Alas-otso na pala ng gabi." Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang makita ang pangalan ni Mira sa screen ng cellphone. Nangako nga pala siya na manunuod ng stage play nito kanina at hindi na naman siya nakapunta. "Hello Mira, sorry kung hindi na ako nakapanood ng stage play ninyo. Nakauwi ka na ba?"

"Hello, ito po ba si Mrs. Irma Adlawan?" isang malalim at boses lalaki ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Ako nga, bakit? Sino ba ito?"

"Kayo po ba ang nanay ni Mira Adlawan?"

Kasunod ng paglunok ng laway ni Irma ay ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. Bakit hindi niya nagugustuhan ang sumunod ng tanong ng estrangherong boses mula sa kabilang linya. At pakiramdam niya ay mas hindi niya magugustuhan ang mga susunod pa nitong sasabihin. "A-ako nga. Sino ka ba? Bakit na sa iyo ang cellphone ng anak ko?"

"Misis, h'wag po sana kayong mabibigla pero wala na po ang anak ninyo."

"H-hindi..." Kaagad na lumandas ang mabibigat na luha sa magkabilang pisngi ni Irma. Naramdaman niya ang pangangatal ng kamay niyang nakahawak sa cellphone kasunod ang panginginig ng buong katawan. Nananaginip ba siya? Hindi. Hindi ito isang panagainip. Isa itong bangungot. Tama, bangungot lamang ito at alam niyang anumang oras ay magigising na siya mula sa napakasamang bangungot na ito. "H-hindi totoo yan... Prank call lang ito. Alam kong prank call lang ito."

"Misis, totoo po ang sinasabi ko. Wala na po ang anak ninyo. Patay na po siya, kung maaari po lamang ay pumunta kayo ngayon dito sa..."

Tuluyan nang nalambot ang mga kamay ni Irma na nabitawan ang cellphone. Pakiramdam niya ay magdidilim na ang lahat sa kanya anumang oras. Kung pwede lang. Kung pwede lang ay magdilim na nga sana ang lahat sa kanya ngayon upang magising na siya sa bangungot na ito. Sana nga... Sana nga ay bangungot lamang ang lahat ng ito. 

****

"Irma, sigurado ka bang kaya mo silang harapin ngayon? Pwede naman nating ipagpabukas ito," tanong ni Sharmaine, ang kaibigan at kasama ni Irma sa trabaho.

"O-oo," sagot ni Irma habang pilit na nilalabanan ang luhang anumang oras ay nararamdaman niyang nais nang kumawala mula sa kanyang mga mata. Tatlong araw na ang nakakaraan buhat nang makita niya ang bangkay ni Mira. Oo, totoong wala na ang anak niya. Hindi bangungot ang lahat at hindi rin isang prank call ang natanggap niya noon. Patay na ang nag-iisang anak niya. Pinatay si Mira.

'Ang sabi po ng mga witness, sumakay ng tricycle ang anak ninyo pauwi ng bahay. At nakita raw nila na may ksamang isang lalaki sa likuran ang driver ng tricycle. Nakatnggap na lang po kami ng tawag kanina sa opisina na may isang bangkay ng babae na walang saplot sa katawan ang nakita sa may likod ng isang babuyan. Kumpleto po ang gamit ng anak ninyo pati na ang cellphone. Mukhang panggahahasa po ang nais talagang gawin ng mga suspek sa inyong anak at wala ng iba pa.'

Pakiramdamm ni Irma ay muli niyang naririnig ang sinabi ng pulis sa kanya nang unang beses niyang makita ang bangkay ni Mira. Ang bangkay ng anak niya na halos durog na ang ulo dahil sa malakas na pagkakapukpok ng martilyo doon, duguan ang pagitan ng mga hita nito at bubog ang mukhang halos hindi na makilala. 

Halos panawan siya ng ulirat nang makita ang kalunus-lunos na sinapit ng anak niya. Pakiramdam niya at naramdaman niya ang lahat ng sakit na dinanas ng katawan ni Mira. Narinig niya kung paano ito umiyak at magkaawa ng...

'H'wag... Tama na po... Ayoko na... Masakit na po... Maawa po kayo sa akin... H'wag ninyo po akong patayin.'

Nakita niya sa kanyang isipan kung paano gahasain si Mira hanggang sa pagpukpok sa ulo nito. Nakita niya kung paano patayin ang nag-iisang anak niya.

"Nandyan na po ang mga suspect sa loob, Misis. Pwede na po kayong pumasok," sabi ng isang pulis na lumapit sa kanila.

Tumiim ang mga bagang ni Irma habang ramdam niya ang panlalambot ng kanyang mga tuhod. 

"Sila po ang dalawang lalaki na itinuro ng mga witness. Inamin na rin po nila ang ginawa nila at sinabi nilang naka-drugs sila kaya nila nagawa ang krimen."

'Naka-drugs sila kaya nila nagawa ang krimen...'

'Naka-drugs sila kaya nila nagawa ang krimen...'

'Naka-drugs sila kaya nila nagawa ang krimen...'

Pakiramdam ni Irma ay paulit-ulit na umalingangaw sa isipan niya ang huling mga salitang binitawan ng kasama nilang pulis. Dahan-dahan ay itinaas niya ang mga tingin sa dalawang lalaking nakaposas. Payat ang mga ito, maitim ang mga balat, makapal ang buhok habang ang mga mata ay namumula-mula pa. Tuluyan na niyang hindi napigilan ang paglandas ng luha kanyang magkabilang pisngi ng mabaling ang tingin niya sa mga braso ng dalawang lalaki, may mga sugat iyon at kalmot na halatang sariwa pa. Muli niyang nakita sa kanyang isipan kung paano nanlaban ang kanyang anak habang ginagahasa ng mga ito, habang pinapatay at habang nagdarasal na sana ay dumating siya upang iligtas mula sa demonyong mga drug addict na kaharap niya ngayon.

"Mga putang ina ninyo!!!" nanginginig at naggigigil na sigaw ni Irma. Sinugod niya ang dalawang lalaking nakaposas, pinagsusuntok, pinagtatadyakan at pinagsasabunutan. May ilang saglit niya iyong nagawa bago niya naramdaman ang mga brasong pumigil sa kanyang katawan at naglayo mula sa dalawang lalaki. "Mga putang ina ninyo. Mga baboy kayo. Mga hayop kayo!" sigaw niya habang patuloy na nagpupumiglas mula sa mararahas na braso ng pulis na nakapulupot sa kanya. 

Hindi siya makapaniwala na ang mga taong pinagtatanggol niya... Ang mga taong ipinaglalaban niya... Sila pa ang sisira ng mga pangarap niya. Mga pangtarap nila ng nang-iisang anak niya. 

"Pinagtanggol ko kayo! Pinaglaban ko kayo! Araw- araw ay isinasakripisyo ko sa inyo ang buhay ko. Mga putang ina ninyong hayop kayo. Ipinaglaban ko kayong mga drug addict kayo. Pero bakit?! Bakit si Mira?! Bakit pati ang anak ko?! Mga putang ina ninyo. Mamatay na kayo! Mamatay na kayong mga drug addict kayo! Mamatay na kayong lahat!!!"


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018