Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

Author's note: Pictures of Tiana (Yes ako 'yang nasa pictures hahaha)

Author's note: Pictures of Tiana (Yes ako 'yang nasa pictures hahaha)        

TIANA'S POV       

TIANA'S POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at halos mapapikit ulit ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Ugh. Bakit ko ba ininom lahat 'yon kagabi, napakadami pa naman non. Nakakainis.

Wait...

Sino naghatid sakin dito sa bahay? Imposible namang si Ricci dahil bulag siya.

Ah baka si Herbert. Or si Mang Otep? Ah ewan ko!

Bumangon na ako at nagtimpla ng mainit na kape. Wala parin nga palang laman ang ref ko, so pano ako kakain?

Dinala ko ang kape ko at pumunta ako sa bahay ni Ricci. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala habang nilalaro ang aso niya.

Napatingin siya sa direskon ko ng maramdaman niya ang presensya ko.

"Why are you here?" malamig na tanong niya.

"Nagbreakfast kana?"

"Di pa."

"Ako rin eh. Hmm pano ka nga pala nag luluto? Buti di ka nahihirapan?" tanong ko ulit.

"Herbert cooks for me."

"Eh? As in? Pumupunta pa dito si Herbert para lang ipagluto ka?"

"Yes."

I was about to say something again pero biglang nagring ang phone niya at agad niyang sinagot ito.

"Okay lang, walang problema. Sabihan mo pala ako pag naasikaso mo na para masabihan ko 'yung ibang contractor." sabi ni Ricci atsaka niya binaba ang tawag.

"Sinong tumawag?"

"Si Herbert."

"Ah bakit daw?"

"Di siya makakapunta ngayon dito kase may aasikasuhin pa siya."

"Ahhh, nice! Ako nalang magluluto!" masayang sabi ko atsaka ako duneretso sa kusina. I heard him cussed pero di ko na pinansin kasi gutom na talaga ako.

Sinundan niya ako sa kusina and nakakunot talaga ang noo niya habang nagtitingin ako sa ref niya kung anong pwedeng lutuin.

"Get out of my house, Tiana."

"Bakit ba ang sungit mo? Hello? Para namang di tayo magkakilala noon. Consider me as your friend nalang, para naman maayos akong makapagtrabaho dito."

"You're an architect, not a chef. Kaya umalis kana at tigilan mo 'yang balak mong magluto sa kusina ko."

"Tss pwede ba? Gutom na ako. Pano ako makakapagtrabaho kung kumukulo ang tiyan ko, diba?"

"Kulit mo." iritableng sabi niya atsaka siya bumalik sa sala. Natawa tuloy ako.

I won!

Kinuha ko 'yung cabbage sa ref niya and kumuha rin ako ng cheese, eggs and onions. Tapos binuksan ko 'yung mga cabinet niya and kumuha ako ng Spam.

Niluto ko ito and sinama ko 'yung mga sahog sa fried rice and inihain ko na ito sa mesa.

Naglagay na rin ako ng plates and natigilan ako ng makita ko si Ricci na nakasandal sa pinto habang nakatingin sakin.

"Jusko, hindi kamo halatang bulag ka. Sumasakto lagi sakin 'yung tingin mo eh. Creepy."

He gave me a bored look.

"Kelan ka pa natutong magluto? As far as I know, hindi ka marunong magluto."

Ngumiti ako ng maalala kong madalas nga pala siyang magluto sa bahay namin dati kapag dinadalaw niya ako.

"That was six years ago, Ricci. Madami ng nagbago. And isa pa, kelangan ko talaga matutong magluto kasi wala namang magluluto para sakin." I said.

Agad na napakunot ang noo ko ng bigla  kong maalala ang mga kinwento ko sakanya kagabi. Wtf? Kinwento ko sakanya kagabi 'yung about sa family ko?!

Hindi siya kumibo at umupo nalang siya para sabayan akong kumain. Inabangan ko 'yung reaksyon niya habang kinakain niya 'yung luto ko and  nakita kong tumaas ang kilay niya.

"Not bad."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Tss, hello! Ang sarap kaya ng luto ko! Almusal lang 'yan pero bongga 'yung lasa!

Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang rin ako.

After namin kumain, siya na daw maghuhugas para makapagstart na daw ako sa work ko.

Pagkabalik ko sa bahay ko, binuksan ko na 'yung laptop for autocad. Syempre before ako mag autocad gumawa muna ako ng ilang sketches para sa draft ng design ko.

Lumipas ang tatlong oras, wala parin akong nagagawang matino kaya I decided to bring my laptop and my sketchpad atsaka ako pumunta don sa site kung saan itatayo 'yung hotel.

Umupo ako sa may ilalim ng puno and I started thinking kung ano ang magandang plano ang gagawin ko.

Lumipas ang ilang oras, hindi ko namalayang 3pm na pala. Grabe, tagal kong nakaupo dito. Pero buti nalang may nasimulan na ko kahit papano.

Bumalik muna ako sa bahay para maligo dahil gusto kong pumunta sa palengke para bumili ng mga ilalagay ko sa ref.

Nilakad ko lang dahil may malapit naman na palengke dito sa beach.

Nakabalik rin agad ako ng bahay and nagluto na ako ng tanghalian ko. Grabe sobrang late ng lunch ko ha, 4pm na.

Dadalhan ko sana ng pagkain si Ricci kaso naisip ko baka tapos na 'yun kumain dahil anong oras na.

Napagdesisyunan kong wag nalang pumunta sa bahay ni Ricci pero bigla akong may narinig na malakas na tunog mula sa bahay niya. Para bang may nabasag.

Agad akong nagmadaling pumunta sa bahay niya, and there I saw him sitting on the floor. Bakas ang galit sa mga mata niya habang may mga basag na frame sa sahig.

Lumapit ako sakanya at nakita ko ang mga pictures na nasa sahig, pictures niya nung basketball player pa siya. Pictures niya kasama ang teammates niya, pictures niya bilang sikat na athlete sa Pilipinas. Lahat iyon ay nasa sahig kasama ang mga basag na frames.

I was about to clean it, pero bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang wrist ko. Sa sobrang higpit ay naramdaman ko ang pagsusugat nito.

Ang hapdi...

"Ricci bitawan mo ko, nasasakt—"

"You know what? I fvckin' hate you."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. He hates me? Ako nga dapat ang makaramdam non dahil sa ginawa niya sakin noon.

"You're the reason why I lost everything. Tang ina, mas gugustuhin ko pang namatay nalang ako. Kesa ganito. Buhay nga ako, pero pakiramdam ko wala akong buhay. Pinatay mo lahat ng pangarap ko, Tiana." galit na sabi niya atsaka niya ako malakas na tinulak kaya nasubsob ako doon sa basag na frames.

Napapikit ako sa hapdi dahil nahiwa ang legs at kamay ko.

Agad siyang lumapit sakin ng marinig niya ang pag-aray ko.

"Are you alr—"

"Don't worry, aalis na ako. Sasabihin ko nalang sa boss ko na hanapan ka ng iba pang architect." nakangiting sabi ko. Pinilit kong ngumiti at pinilit kong maging kalmado.

Dahan dahan akong tumayo atsaka ako nagmadaling lumabas ng bahay niya.

Sunod sunod na pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba sa sugat ko o dahil sa mga sinabi niya?

I have no idea kung bakit niya ako sinisisi. Sa totoo lang hindi ko rin alam bakit nasaktan ako sa mga sinabi niya.

Am I really the reason behind his miserable life?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020