Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

3 months ng nakakalipas simula nung umuwi kami galing New York. 3 months na kaming dalawa ni Viel.

Viel is really a nice person, and aaminin ko, nagugustuhan ko na talaga siya.

He's note fake, lahat ng pinapakita niya sakin totoo.

Magkahiwalay kami ng University na pinapasukan, pero kaya namin i-manage.

And today, it's our Graduation day! Yes, gagraduate na ako together with my friends.

Umattend ng graduation ko si mommy, daddy, ate Madz, boyfriend ni ate, and syempre umattend rin ang favorite kong pinsan na si Phoenix.

Papahuli ba naman 'yung boyfriend ko? Haha. Before mag start ang graduation ceremony, dumating si Viel na may dalang bulaklak para sakin.

"Congrats, babe." nakangiting bati niya sakin at ngumiti ako ng malapad.

"Thank you, babe!!!"

Legal kami, syempre. At first, nagulat parents ko kasi ang alam nila kami parin ni Ricci pero sinabi kong hindi na. Syempre di ko sinabi 'yung about sa pustahan. Ayokong maging panget ang image ni Ricci sa magulang ko that's why tinago ko ang katotohanan.

After grad, nagpicture kami nila Juls, Glev at Nyx. Syempre umiiyak kami kasi graduate na kami. Ibig sabihin hindi na kami araw-araw magkikita o magkakasama.

Nakasanayan pa naman namin na araw-araw kami talaga ang magkakadikit.

"Hoy mga gaga, may two years apprenticeship pa tayo! Kaso di na tayo magkakasama non. Ipromise niyo na once a week magkikita tayong apat ha!" sabi ko naman and sumang-ayon sila.

"Kamusta na kaya si Ricci? Di ko na siya nakikita ah. Sa fb, ig at twitter ko nalanv siya nakikita pati sa tv pag may game sila and pag may mga interview siya." tanong ni Juls sabay tingin sakin kaya umirap ako.

"Close kami?" mataray na sabi ko.

Simula nung bumalik kami galing New York, hindi na namin nakita pa ulit si Ricci sa personal.

At dahil ito 'yung araw ng Graduation ko, this is the happiest day of my life.

But the happiest day of my life turns out the most tragic moment of my whole life.

~~6 YEARS LATER~~

"Ano ba naman, Architect Tiana! Bakit naman ganyan ang plano? Walang kabuhay-buhay! Do you want to get fired?!"

Halos mapapikit ako dahil sa sigaw ng boss ko. I sighed.

"Sir, maganda naman ang plano ko ah?"

"It's not about the beauty of your design! It's about your personality! Masyado kang malungkot sa buhay. Masyado kang mataray. Pero pwede ba 'wag mong dalhin sa trabaho ang ugali mo? Be professional! I-set aside mo 'yung problema mo sa buhay mo pag nasa trabaho ka. Nadadamay kasi 'yung mga plano na ginagawa mo, walang emosyon, walang buhay ang mga design mo."

Sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa komento ng boss ko. Palagi nalang ganyan ang sinasabi niya sakin. 4 years na ko nagtatrabaho sakanya pero grabe, hanggang ngayon galit na galit parin siya sa mga plano na ginagawa ko.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga atsaka tumingin sakin.

"I need to fire you immediately Tiana, ilang beses na kitang pinagsasabihan pero hanggang ngayon hindi mo parin inaayos ang trabaho mo."

Nanlaki ang mata ko. Sht. Di pwede!

"Sir! 'Wag po, please. I promise aayusin ko na po talaga at susubukan ko po talagang lagyan ng buhay ang mga gawa ko."

"Ilang beses mo na sinabi 'yan."

"Sir 'wag niyo naman po akong tanggalin sa trabaho. Kailangan ko po kasi talaga 'to."

Nagring bigla ang phone niya at ng makita niya kung sino ang tumatawag, dumistansya muna siya saglit at nakipag usap sa phone.

Pagbalik niya ay tinignan niya ako.

"My niece called me awhile ago, and he told me that he needs an architect para don sa new business na itatayo niya. If you want to stay in my company, you need to satisfy my niece when it comes to your project. Pag hindi naging successful ang work mo sakanya, I'm sorry but I need to fire you. This is your last chance, Tiana. You better not disappoint me."

"Yes sir."

"This is his address, puntahan mo nalang siya bukas ng umaga."

"Eh sir pano 'yun may pasok po ako buk—-"

"Di mo na muna kailangan pumasok dito sa company. You'll be assigned to work temporarily for my niece so your attendance to him is required."

"Yes sir." sabi ko atsaka ako lumabas ng office niya.

Tinignan ko ang papel na binigay sakin ni sir, hmm. Base sa address, medyo may kalayuan ang lugar.

Hays. Sana mabait at madaling pakisamahan ang new client ko. Pamangkin pa naman siya ng boss ko so ibig sabihin—-baka masungit rin.

Pagsapit ng 5pm, nag-out na ako sa office and lumabas na ng building.

Sumakay ako ng taxi atsaka ako nagpahatid sa apartment ko.

Syempre nilakad ko 'yung hagdan hanggang 6th floor. Wala naman elevator dito, puro hagdan lang talaga so talagang wala akong choice kundi maglakad.

And isa pa, nasanay naman na ako kaya hindi na masyadong iniinda ng katawan ko.

Pagdating ko sa mismong harap ng apartment ko, napabuntong hininga ako ng makita ko 'yung bill na babayaran ko. Nakadikit ito sa pintuan ko at may red mark pa, pahiwatig na papalayasin na ko dito pag di ako nakapagbayad this week.

Hays.

Ni hindi ako sumasahod ng maayos dahil palpak lagi ang trabaho ko. Wala rin akong sideline projects kasi walang kumukuha sakin as architect dahil nga walang buhay ang mga design ko.

Pagpasok ko sa apartment, dumeretcho ako sa may ref para tignan kung anong pwede kong kainin dahil gutom na ako, pero muli akong napabuntong hininga ng makita kong wala na palang laman ulit ang ref ko.

Humiga nalang agad ako sa sofa at kusang tumulo ang luha ko ng mapatingin ako sa family picture namin sa may gilid ko.

Ang hirap mag-isa, sobra. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020