Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Ugh. Sobrang sakit ng ulo ko. Sht.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ricci na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Oh myyy—-Oh my God!

Tinignan ko ang buong kwarto at lalo akong nagulat ng makita ko ang mga kaibigan ni Ricci na mahimbing rin na natutulog sa ibang mga kama.

OH MY GOD! Pano ako napunta dito? Bakit wala ako sa kwarto namin?!

Sht.

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero hanggang doon lang talaga sa bar ang naaalala ko.

Putek.

May nagflashback sa utak ko na nakasakay ako sa likod ni Ricci.

King mother!

Gusto ko nalang umuwi bigla ng Pilipinas.

Muli akong napatingin kay Ricci at napatitig lang talaga ako sa mukha niya. Ang gwapo niya parin kahit tulog. Tangos ng ilong. Tapos....

Napalunok ako ng mapatitig ako sa labi niya.

Bakit masyado siyang biniyayaan? Napaka perfect niya masyado eh, napakagwapong nilalang.

TSS.

GWAPO NGA, sinaktan naman ako. Wala rin.

Napatingin ako sa sarili kong katawan at napansin kong nakabalot ako ng kumot. Sinilip ko ang paa ko at nakita kong wala akong suot na sandals. Ibig sabihin tinanggal ni Ricci ang sandals ko?

Napatingin ako sa gilid ng kama at napansin kong may planggana doon na may tubig at face towel na basa.

Ibig sabihin...

Inalagaan niya ko kagabi?

Pumikit ako at umiling-iling. Ano naman kung inalagaan niya ako kagabi? Kahit sino naman, talagang aalagaan ako kapag ganon ang sitwasyon.

Muli akong napatingin kay Ricci at halos mahulog ang puso ko sa gulat dahil nakatitig siya sakin.

"G-Gising kana pala." nauutal na sabi ko. Eh! Ba't ako nauutal?! Kainis!

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakatitig sakin kaya umiwas ako ng tingin.

"Next time na iinom ka, isama mo ko. Di ka pwedeng uminom ng wala ako."

Tinignan ko siya ng masama. "At bakit naman bawal ako uminom pag di ka kasama?" mataray na sabi ko at nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Malambing ka pag lasing ka eh. Buti nalang ako 'yung kasama mo kagabi."

"A-Anong malambing pag lasing? I'm not!" reklamo ko.

Inis kong tinakpan ng unan ang mukha ko. Shet! Bakit! Ano bang mga sinabi ko kagabi? Saka ano bang mga ginawa ko! Nakakainis naman!

Naramdaman kong bumangon na si Ricci kaya tinanggal ko na 'yung unan sa mukha ko at nakita ko siyang pumunta ng banyo, mukhang naghilamos siya.

Paglabas niya, nagulat ako ng ihagis niya sakin 'yung toothbrush na hawak niya.

"Bago 'yan. Mag toothbrush ka na para medyo mabawasan 'yung amoy ng alak sa bibig mo. Hintayin kita dito, sabay na tayong magbreakfast sa labas bago ka bumalik sa kwarto niyo."

Tss bakit kailangan pang kasabay ko siya kumain?

Di na ako pumalag. Pagkatapos kong magtoothbrush at paglabas ko ng banyo ay inabutan niya ako ng towel.

"Thanks." awkward na sabi ko atsaka ako nagpunas ng bibig at mukha ko.

"Dalian mo, gutom na ko." masungit na sabi niya kaya inirapan ko siya.

Sabay kaming lumabas ng kwarto and pagsakay namin sa elevator, hindi kami nag-uusap o nagkikibuan.

Ugh. Why am I in this kind of situation? Di ko nga alam kung ex ko siya eh kasi di naman totoo lahat ng pinakita niya sakin so I don't know what to call him.

Paglabas namin ng hotel, naglakad kami papunta sa Jack's Stir Brew Coffee. Umorder siya ng pancakes and waffles, pati hot coffee and sabi niya siya na daw magbabayad pero I insisted na ako na ang magbabayad ng akin.

Habang kumakain kami, walang nagsasalita. Di ko siya pinapansin and hindi niya rin ako pinapansin. Medyo napapatingin nalang ako sa paligid and narealize ko na ang sarap siguro tumira dito 'no? Ewan ko, pero dream ko talaga tumira sa ibang bansa.

"Kamusta pala sila mommy mo?"

Napatingin ako sakanya dahil sa biglaan niyang tanong. "Okay lang naman. Hinahanap ka nila lagi sakin, pero sinasabi ko nalang na busy ka. Ayokong malaman nila na ginago mo lang ako. So can you please stop asking me stupid questions? Kumain nalang tayo para makabalik na tayo sa hotel."

Nagmadali na kong ubusin ang pagkain ko pati ang kape ko, pero natigilan ako dahil bigla kong nakita 'yung lalaking nagbigay sakin ng panyo kahapon.

Nasa may counter siya and umorder siya ng kape. Napatulala ako ng bigla siyang mapatingin dito sa direksyon ko.

Umayos ako ng upo and kumaway ako sakanya. Good thing, he recognized me agad and naglakad siya papalapit sakin.

"Hi, Nana."

Nagsalubong ang kilay ko. Nana? Kingina, sino 'yon?

Napatingin ako kay Ricci dahil bigla siyang nabulunan. Nagtaka ako dahil tawa siya ng tawa at napahawak pa siya sa tiyan niya na para bang tuwang tuwa talaga siya. Problema non?

"Hi. Who's Nana?" tanong ko don sa lalaki.

"Ah—-last night he said your name was—-Ahhhh. So Nana isn't really your name?"

Mas lalong tumawa si Ricci kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo maligo ng kape?" iritang sabi ko kay Ricci pero di parin siya tumigil kakatawa. Ugh. He's getting on my nerves!

Muli akong bumaling sa lalaking kausap ko and nilahad ko ang kamay ko.

"I'm Tiana. By the way, thank you sa panyo kahapon——Uhm. Mind if I ask your name? Para alam ko kung ano itatawag ko sa'yo."

Tinanggap niya ang kamay ko.

"I'm Viel."

Wow. Ang gwapo ng pangalan. Pero—-nah. Ayoko lumandi. Wala akong time. And hindi ako interesado. Baka mapaglaruan nanaman ako.

"Thank you for yesterday, Viel."

"I don't accept a simple thank you from
anyone." nakangising sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

Jusko, di ko naman hiniling na bigyan niya ko ng panyo diba? Tapos bandang huli ako pa 'tong may utang na loob? Hanep. Mga lalaki talaga!

"I need you to do something for me, para kwits tayo." he said.

"Ayos ah. Demanding." wala sa mood na sabi ni Ricci kaya inirapan ko ulit siya.

"Sure. What can I do for you, Viel?"

"Perform with me tonight, at Roxy Hotel Upstairs Live Entertainment."

Nanlaki ang mata ko.

"A-Are you serious?  Hindi ako magaling kumanta!"

"Pero magaling ka sumayaw."

Nagtaka ako lalo. Pano niya naman nasabi 'yon? Di pa naman niya ko napapanood sumayaw.

Bago pa ako makapagreact ay naunahan niya na akong magsalita.

"See you later, at 8pm."

I nodded as an answer and I waved at him nung umalis na siya. Napakunot ang noo ko ng mapatingin ako kay Ricci.

"Why are you looking at me like that?" inis na tanong ko.

"Wala. Tapos na ko kumain. Mauna na ko bumalik sa hotel. Sunod ka nalang." he said and bago pa ko magsalita ay umalis na agad siya.

Tss, okay. Like I care?

_____
Author's note: Hmm. Viel or Ricci? Lol.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020