Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Lumabas ako ng kwarto para mag timpla ng kape. Tumingin ako sa wall clock and nakita kong 11pm na pala.

Pagtapos ko magtimpla, bumalik ako sa kwarto. Nakaidlip kasi ako kanina, di ko alam kung bakit pero bigla talaga akong nawalan ng gana sa lahat.

Tumunog 'yung phone ko and tinignan ko agad ito.

28 missed calls from Ricci
16 unread messages from Ricci

I sighed.

Kanina ko pa siya hindi nirereplyan. Bakit ako ganito. Nakita ko lang 'yung ex ko pero ito nanaman ako sa mga takot ko sa buhay.

Wala sa loob kong nireplyan si Ricci. Ni hindi na ako nag-abalang basahin kung ano man 'yung mga message niya kanina.

'Wag kana pala pumunta dito bukas. 'Wag mo na rin muna ako itext, ichat or tawagan. Ayoko muna. Sorry.

Sinend ko 'yun sakanya atsaka ko pinatay ang phone ko.

Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay. Nagpunta ako sa Sierra University para magpractice ng sayaw. May practice daw kasi kami for Nationals. Sa March pa 'yung Nationals pero kelangan na namin mag-start ng practice kahit December palang.

"Galaw mo naman 'yang bewang mo Laz!" sigaw ko don sa isang member namin. Kanina pa kasi siya di sumasayaw ng maayos.

"Kung di mo masundan 'yung steps, try harder! Di kami mag aadjust para sa'yo!" dagdag ko pa.

"Water break muna." iritableng sabi ko sakanilang lahat atsaka ako pumunta sa gilid para magpahinga.

Nilapitan naman agad ako ni Glev.

"Wala ka ata sa mood? Napapano ka girl?"

I rolled my eyes.

"Nakakairita kase, di niya masundan steps nakailang turo na ko. Pano pa pag nandito si Miss Anya, diba? Edi mas nalintikan si Laz." inis na sabi ko.

"Sis di ka naman ganyan kasungit pag practice eh. Anyare? May problema ka ba? Tell us." sabat naman ni Nyx.

I sighed.

"Wala. I just don't wanna deal with people. Dealing with people makes me fvckin' tired."

Nag practice na ulit kami, at halos ang dami kong nasisigawan dahil mainit talaga ulo ko sakanila. Pano kami mananalo nyan kung ganyan sila sumayaw. Jusko.

"Ano ba ayusin niyo naman!" sigaw ko.

"Okay naman 'yung sayaw nila, Tiana. Wala naman akong nakikitang mali eh." komento ng partner kong si Ram.

"Wala kang nakikitang mali? Are you kidding me? Everything's wrong!!!" sigaw ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Bakit ako ganito. Sobrang frustrated ko.

Natigilan ako dahil nakita ko si Ricci na nakatayo sa may pinto at nakatitig sakin. I saw him sighed.

Lumapit siya sakin at inabutan ako ng face towel pati tubig. Di ko tinanggap 'yon.

"Anong ginagawa mo dito? Sabi ko sa'yo wag mo na ko puntahan. Sabi ko naman sa'yo ayaw ko ng ituloy 'to. Sinabi ko naman diba. Ayoko. Ayoko muna. Ayoko na ulit magmahal!" basag na boses na sabi ko. Wala akong pakialam kung madaming nakakarinig.

Ang tanging alam ko lang, ayoko na talaga magmahal ulit.

He sighed again and mas lumapit siya sakin. Nagulat ako ng punasan niya ang pawis ko gamit 'yung face towel na inaabot niya sakin kanina. He even wiped my tears.

"The more you push me away, the more I want to stay." he said while staring at my eyes.

Mas lalong kumawala ang mga luha ko.

"W-Why?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Because that's when you need me the most." nakangiting sabi niya atsaka niya ulit pinunasan ang luha ko.

"B-Bakit ka ganyan. Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na ayoko pa. Ilang beses ko na sinabi sa'yo na natatakot ako. Ilang beses na kita tinulak palayo. Bakit ba nandito ka parin."

"Naiintindihan ko 'yung pinagdaanan mo eh. Your past left a scar on you. Alam kong natatakot ka lang kaya mo ko tinutulak palayo. But that won't change the fact na gusto kita."

I saw sincerity in his eyes.

Is this real? May ganitong klase ng lalaki pa pala sa mundong 'to.

Naninibago ako. Di kasi ako sanay na ako 'yung hinahabol. Di ako sanay na ako 'yung sinusuyo. Kasi in my past relationship, I was always the bigger person.

"Why are you smiling like that? Kanina lang umiiyak ka." natatawang sabi ni Ricci.

Ngayon alam ko na kung bakit nagkita pa kami ulit ng ex ko. Nagkita kami ulit para marealize kong it's time for me to start over again and be happy.

Nagkita kami ulit ng ex ko para malaman ko 'yung halaga ng present ko ngayon.

Mas napangiti ako.

Niyakap ko si Ricci at nagulat siya sa ginawa ko.

"Wanna know my answer about sa panliligaw mo?" I asked him.

"Don't tell me you'll reject me again?" natatawang sabi niya.

Kumalas ako sa yakap at tinitigan ko siya sa mata.

"I'm all yours now, Ricci Rivero."

His eyes widened at halatang namula siya dahil sa sinabi ko.

"Is that a yes?" masayang sabi niya.

"Yes." I answered.

Hindi maipinta ang ngiti niya. Niyakap niya ako bigla at nagsigawan naman ang mga kaibigan ko. Kitang kita ko na masaya sila para sakin, samin.

I'm proud of myself. Kahit ilang beses na ko nasaktan, I still choose to love again like I've never been hurt.

This is the start of the new chapter of my life, at alam ko, marami pang mangyayari. Marami pa siyang makikilala.

Am I ready to face the consequences of saying yes to him?

Magawa niya kaya lahat ng nasa listahan kong 8 Things A Great Guy Would Do?

Or he's just like the rest, na sa umpisa lang magaling. At pag tumagal na, aalis rin.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020