Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Pagsapit ng gabi, nag-ikot kami sa Times Square. Kasama ko si Nyx, Juls at Glev. As usual, moment naman namin laging apat.

Namamangha ako kasi sobrang daming tao sa paligid. Pero kahit napaka daming tao, di ka makakaramdam ng kahit anong init. Di ka nga papawisan eh. Unlike sa Pilipinas, napaka-init.

Pinagmasdan ko ang mga LED signs and oversized ads sa paligid and napangiti ako. Ito siguro ang isa sa dahilan kung bakit isa ang Times Square sa most visited attractions in the world.

 Ito siguro ang isa sa dahilan kung bakit isa ang Times Square sa most visited attractions in the world

"San tayo kakain? Jusko       

"San tayo kakain? Jusko. Hirap pala pag turista. Hula-hula lang ganern. Kapa-kapa." asar na sabi ni Glev kaya natawa kami.

Dahil natakam kami sa mga street foods sa paligid, don nalang kami bumili ng pagkain sa Kwik Meal Cart.

And habang kumakain kami, halos mabulunan ako ng makita ko si Ricci na naglalakad kasama mga kaibigan niya


And habang kumakain kami, halos mabulunan ako ng makita ko si Ricci na naglalakad kasama mga kaibigan niya.

Potek. Panong di ako mabubulunan, eh naka sports attire siya tapos pawis na pawis halatang kakagaling sa training tapos ang lakas ng dating. Jusko, ang hot eh—-CHAROT. DI SIYA HOT. KADIRI. YOKO SAKANYA. SINIRA NIYA CAMERA KO.

"Omg sis, isama natin sila. Mag-ikot ikot tayo!" sabi naman ni Juls.

"Duh. Di naman natin sila close." prangka na sabi ko.

"Duh ka rin. Close ko sila. Thanks to Ricci, nakaclose ko mga kaibigan niya sa airplane HAHAHAHA!"

Napailing nalang kami nila Nyx dahil tinawag ni Juls sila Kobe kaya lumapit sila samin.

"Hi!" bati ni Juls sakanila.

"Sama kayo? Pupunta kaming Ferizi Bar. Itatry lang namin mga drinks don, love na love daw kasi 'yun dito sa New York." sabi pa ni Juls.

"Jusko, wala naman sa plano natin 'yung Ferizi Bar." bulong ni Nyx kaya napailing kaming tatlo nila Glev.

"Sure. Nagbabalak rin kami uminom ngayon eh." sagot naman ni Kobe at sumang-ayon ang iba pa nilang mga kasama.

I rolled my eyes when they asked Ricci to come with us.

"Ayoko na sumama. Babalik na ko sa hotel." wala sa mood na sabi ko.

Napatingin sakin si Ricci at mas lalo akong nainis ng bigla siyang ngumisi.

"Pag di ka sumama, di na rin ako sasama. Sasabayan kita pabalik ng Roxy." sambit niya kaya halos tumaas ang dugo ko dahil sa inis.

"SASAMA NA PALA KO. MAS GUSTO KO PANG MADAMI TAYO KESA TAYONG DALAWA LANG!" Sigaw ko kaya nagtawanan sila.

Ugh!!! Nakakainis bakit kasi nandito rin sila sa New York?!!!! SA DAMI NG BANSA SA MUNDO, BAKIT PAREHO PA KAMI NG PINUNTAHAN NGAYON JUSKO!

Pagdating namin sa Ferizi Bar, muli nanaman akong namangha sa interior design. Grabe, feeling turista talaga ako. Feel na feel eh.

Kinuhaan ko ng picture ang paligid gamit ang phone ko, and syempre nag picture kami nila Nyx.

"Ay ampanget ko dito wait isa pa!" sabi ko sakanila at nagpicture ulit kami pero agad na nawala ang ngiti ko ng makita ko si Ricci na nakatingin sakin.

Umiwas ako ng tingin. Tss, bakit niya ko tinitignan? Ano nanamang trip niya?

Umupo na kami nila Nyx and sabi nila Kobe ay sila na daw magbabayad ng lahat kaya mag enjoy nalang daw kami.

Syempre sino ba naman kami para tumanggi sa libre, diba? Char. Haha!

"Tagal na pala natin di umiinom, halos one month na. Bwisit kasing acads eh! Hirap pag graduating eh." reklamo ni Juls.

"Miss ko na si Ronnie!" nakasimangot na sabi ni Nyx kaya natawa kami nila Glev.

"Cheers tayo dahil wala si Ronnie!" pang aasar ko kay Nyx at sinakyan naman nila Glev at Juls ang trip ko.

"Sino si Ronnie?" tanong ni Joe.

"Boyfriend ko, bakit?" mataray na sabi ni Nyx.

"Grabe sungit. Haha. Magkakaibigan nga talaga kayo. Si Juls lang di masungit eh!" reklamo ni Joe.

"Oh bakit, type mo ko? Sorry. Si Kobe type ko." sabi ni Juls kaya nagtawanan kami.

"Tahimik mo ata Cci." sabi ni Kobe kay Ricci kaya napatingin ako kay Ricci and napansin kong tahimik nga siya.

"Pagod lang." nakangiting sabi ni Ricci sabay inom ng alak.

Tss nakakainis, bakit ba magkatapat kami ng pwesto ni Ricci. Di tuloy ako komportable.

Sa sobrang inis ko, di ko namalayan napadami na pala ang inom ko. Nakaramdam na ako ng hilo.

RICCI'S POV

"Ahhhhhh. Ligawan niyo na 'tong si Glev!" masiglang sabi ni Tiana kila Kobe kaya nagtawanan sila.

"Teh. Bading ako pero di ko need ng jowa!" reklamo ni Glev.

"Si Nyx nalang liligawan ko." sabi ni Joe at agad namang niyakap ni Tiana si Nyx.

"Hindi pwede. Akin lang 'tong kaibigan ko!" reklamo ni Tiana. Natawa ako ng mahina. Pulang pula na 'yung pisngi niya, halatang lasing na.

"Jusko sis bukas mo na ko yakapin! Sobrang amoy alak ka! Lasing kana eh." reklamo ni Nyx habang si Juls at Glev eh kinukuhanan ng video si Tiana at Nyx.

"Cute pala malasing ni Tiana. Possessive sa kaibigan! Haha!" natatawang sabi ni Kobe.

Umalis ang mga kaibigan ko at lumipat sa ibang mesa, as usual naghahanap sila ng babae. Mahilig sa foreigner mga 'yan eh.

Napatingin ako kay Kobe kasi tumabi siya kay Juls at nagsimula silang magkwentuhan. Napailing nalang ako. Dumadamoves nanaman 'tong si Kobe.

Si Nyx naman nagpasama kay Glev mag cr kaya naiwan kaming dalawa ni Tiana sa mesa.

She's singing while drinking. Di ko masyadong marinig kung anong kinakanta niya kasi sobrang hina at halos pabulong na.

Halatang inaantok na siya pero pinipilit niya paring uminom. I sighed. Ayoko sana siyang lapitan pero mukhang kailangan.

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang alak na hawak niya at nilayo ko 'yun sakanya.

Tinignan niya ko ng masama.

"Balik mo sakin 'yan. Wala kang manners. Umiinom ako eh." reklamo niya.

"Lasing kana loko. Tumigil ka."

"Duh! I'm not drunk!"

"Loko."

"Tss akin na kasi!" reklamo niya ulit.

Kahit anong kulit niya sakin, di ko parin binabalik sakanya 'yung iniinom niya.

Napatingin ako sakanya dahil bigla niyang ipinatong ang ulo niya sa mesa habang nakaharap sakin.

Tinitigan niya ako kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala. Ang gwapo mo pala talaga."

Natawa ako bigla.

"Matagal na kong gwapo. Ngayon mo lang nalaman?"

"Tss. Seryoso ngaaaa, ang gwapo mo. Hehe." pag-uulit niya atsaka niya ipinikit ang mga mata niya.

Tinitigan ko siya habang mahimbing siyang natutulog.

Pinatong ko rin ang ulo ko sa mesa at humarap ako sakanya. Tinitigan ko lang siya.

"Oy. Tulog kana talaga?"

Hindi siya sumagot. Mukhang tulog na nga talaga.

Umayos ulit ako ng upo at hinanap ko ang mga kasama namin pero busy silang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa. Mukhang wala pa silang balak bumalik ng Hotel, inaantok na ako.

Tumayo na ako at akmang aalis na sana pero napalingon ako kay Tiana. Mahimbing parin ang tulog niya. Pag iniwan ko naman siya dito, baka may lumapit na iba at baka kung mapano pa siya.

Tss, wala akong choice kundi ang gisingin siya at isinakay ko siya sa likod ko.

Lumabas na kami ng bar habang pasan-pasan ko siya at tumawag ako ng taxi.

Marahan ko siyang isinakay sa loob ng taxi at umupo ako sa tabi niya.

"Roxy Hotel." sabi ko don sa driver and he nodded.

Nakakaramdam na talaga ako ng antok pero pinipigilan ko 'yung sarili ko na makatulog kasi may kasama ako.

Pero halos mawala ang antok ko ng biglang bumagsak ang ulo ni Tiana sa balikat ko.

She's still sleeping.

"Ricci..." mahinang sabi niya habang nakapikit ang mga mata niya.

"Yeah?"

"Wala lang. Just making sure na ikaw ang kasama ko.Atleast alam kong safe ako." mabagal na sabi niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo naman nasabing safe ka sakin?"

"Wala lang. Nararamdaman ko lang."

I chuckled.

"You're really drunk."

"Hmm, good thing 'yon. Kasi honest ako pag lasing." she said and natawa siya ng mahina.

"Eh ikaw, never ka naging honest sakin." dagdag pa niya. Natahimik tuloy ako bigla.

Hindi ako nakapagsalita. Di ko rin kasi alam ang isasagot ko.

Maya-maya lang ay huminto na kami sa tapat ng Roxy Hotel and nagbayad agad ako don sa driver.

Marahan kong binuhat si Tiana at hinayaan ko siyang ipahinga ang ulo niya sa dibdib ko.

The elevator was about to close pero nagmadali ako at hinarang ko agad ang paa ko para di ito magsara.

Muling bumukas ang elevator at isang lalaki ang bumungad sakin. Napatingin siya agad kay Tiana. Napakunot ang noo ko. Grabe kasi siya makatitig, kulang nalang matunaw na 'tong babaeng buhat-buhat ko.

Ng tuluyan ng sumara ang elevator. Nagulat ako dahil biglang nagising si Tiana at bigla rin siyang nagsalita.

"H-Hey! Ikaw 'yung kanina dibaaaa. Hehe. ——Thank you sa panyo——Babalik ko sa'yo next time."

Napakunot ang noo ko.

Magkakilala sila?

Nakita kong napangiti 'yung lalaking katabi ko at tinignan niya ulit si Tiana.

"Kahit 'wag mo na ibalik 'yung panyo ko. Sabihin mo nalang sakin kung anong pangalan mo."

What the——

What the hell?

Naubo ako ng malakas dahil sa narinig ko. Tang*na? Corny brad!!! Sakit sa tenga, nakakabadtrip sa sobrang kacornyhan, nakakasuka.

Napatingin sakin 'yung lalaki dahil sa biglaang pag-ubo ko.

Buti nalang nakatulog ulit si Tiana kaya hindi niya nasagot 'yung tanong nung lalaki.

Ng bumukas ang elevator, tinignan ko 'yung lalaki at ngumisi ako.

"Nana pangalan niya. Panget 'no? Pangalan palang dugyot na. Don't tell me type mo 'tong si Nana?" umiiling iling na sabi ko.

"Nana? Cute pala ng name niya."

What the—?

Kumunot ang noo ko at pagbukas na pagbukas ng elevator ay agad na kaming lumabas ni Tiana. Cute daw 'yung Nana? Tang*na? May problema ata sa utak 'yung lalaking 'yon.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020