Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Saan ba pumunta 'yun? Hay. Kanina pa ako paikot-ikot dito pero hindi ko mahanap si Ricci.

Tumingin ako sa orasan ko, 10pm na pero naghahanap parin ako. Hindi pa kumakain 'yon e, baka malipasan nanaman.

"Ga!" sigaw ko. Kanina pa ko sigaw ng sigaw pero wala naman si Ricci.

I sighed.

Sino ba namang hindi magagalit? Sinurprise lang naman ako ng ex boyfriend ko sa harap ng current boyfriend ko.

Uwi nalang kaya ako? Doon ko nalang hintayin si Ricci sa bahay, baka nakauwi na rin 'yon eh.

Akmang lalakad na ako pauwi pero nakita ko si Ricci na nakaupo sa harapan mismo ng dagat sa di kalayuan.

Lumapit ako sakanya at umupo ako sa tabi niya.

"Sorry, Ga." kagat labi kong sabi.

"Sorry for what? Ako dapat ang magsorry."

"Sorry, Ga. Alam kong galit ka sakin kasi sinurprise ako ni Viel sa harap mo."

"I'm not mad at you, Ga. I'm mad at myself. Naisip ko, bakit ganon, hindi ko alam na birthday mo ngayon. Nainis ako sa sarili ko."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay galit siya dahil sa ginawa ni Viel.

Hindi ko alam kung bakit pero kusa akong napangiti. Ang matured ni Ricci mag-isip. Kung ibang lalaki siguro 'to, malamang nagselos na.

Hinawakan ko ang pisngi ni Ricci at iniharap ko ang mukha niya sakin.

"Ga, ganito nalang. Gusto mo makabawi for not knowing my birthday?"

"Pano?"

"Let's have a date."

"Yun lang pala eh. Sige."

"Not here."

"Ha?"

"Let's have a date around Manila."

Pagkasabi ko non ay agad na kumunot ang noo niya. "Ga, alam mo namang ayoko pang bumalik don. Dib—"

"Okay. Sige wag na pala. Sorry." matamlay na sabi ko atsaka ako tumayo.

"Tara na, kain na tayo. Hindi pa tayo kumakain eh."

Tumayo na rin siya at inakbayan ako.

"Ikaw 'yung galit eh." natatawang sabi niya kaya sumimangot ako.

Ng makabalik kami sa bahay, nanlaki ang mata ko ng makita ko 'yung mama ni Ricci na nakaupo sa sala.

"H-Hi po tita!" masiglang bati ko.

She was surprised too, pero nginitian niya ako.

"Hi ija." bati niya rin sakin.

"Ma?" gulat na sabi ni Ricci.

"Hi anak."

Lumapit siya kay Ricci at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Miss na kita eh, kaya pinuntahan na kita dito."

"Ma, last month naman dinalaw niyo na ako dito eh. Ambilis mo naman akong mamiss? Hahaha. Sweet ng mama ko." pagbibiro ni Ricci kaya natawa si Tita.

"Ah, ma. Si Tiana nga pala. Girlfriend ko."

Bumaling siya sakin at ngumiti ulit. "So ikaw 'yung babaeng mahal na mahal ng anak ko." natatawang sabi ni tita na parang kinikilig pa.

"I remember meeting you on a Christmas Day pero umalis ka rin agad that time kaya hindi kita nabati, sorry, Tiana." pagpapaumanhin niya sakin pero umiling ako.

"Hala, pasensya na po tita. Biglaan rin po kasi 'yung pagpunta ko noon sa bahay niyo. Hehe."

"Tiana, may I talk to Ricci for a while? May kailangan lang kaming pag-usapan." paalam sakin ni tita at agad akong tumango.

"Yes po tita, go lang po. Lalabas po muna ako para magpahangin." nakangiting sabi ko.

Pagkalabas ko ay muntik na ko mahulog sa hagdan dahil sa gulat ko ng makita ko si Viel na nakatayo sa labas.

"Jusko Viel. Papatayin mo ko sa gulat." reklamo ko. I heard him laugh.

"You're still the same. Magugulatin ka parin."

"Bakit ka nandito?" pag iiba ko ng topic.

"I was about to apologize to you, and to Ricci for what I did earlier. Alam ko I was out of line for doing that, kaya sorry."

Napatitig ako sakanya. Hindi ko alam kung bakit may kirot parin akong nararamdaman sa puso ko.

Naglakad ako paalis at sinundan niya ako. "San ka pupunta ng gantong oras? And bakit di mo kasama boyfriend mo?"

"Kasama niya mama niya, eh. May pag uusapan muna daw silang importante."

"Ah. Sana umakyat ka nalang sa kwarto mo and dun ka nag stay. Bakit lumabas ka pa? It's not safe walking around late at night. Lalo na mag isa ka lang."

"Putek. Oo nga 'no? Ba't di ko naisip 'yon? Sana pumasok nalang ako sa kwarto ko! Jusko!" inis na sabi ko.

Biglang kumulo ang tiyan ko at napatingin sakin si Viel.

Fvck. Nakakahiya.

"Di ka pa kumakain?" tanong niya.

"Kumain na ko." pagsisinungaling ko. Pero kumulo ulit ang tiyan ko. King ina.

Natawa siya bigla.

"You're not good at lying, Tiana. Haha. Alam kong gutom ka pag nag-iingay 'yang tiyan mo."

"Tss. Kumain na ng—-"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at agad niya akong hinila papunta sa bahay niya.

Sumimangot ako.

Alam ko na ang gagawin niya. Magluluto siya para pakainin ako.

Siya lagi nagluluto ng pagkain ko dati eh, nung magkasama pa kami sa apartment.

Pinanood ko siyang magluto and I found myself smiling.

Sht.

Inis kong inalis sa labi ko ang ngiti ko.

"Kamusta si Althea?" tanong ko.

Napatingin siya sakin habang nagluluto.

"She's fine. She's with Alexa."

"Mmmm. Kayo ni Alexa, kamusta?" muling tanong ko.

He raised his hand and natahimik ako ng makita kong may suot siyang wedding ring.

"We got married 5 months ago."

Pilit akong ngumiti. "Ah. Good for you." nakangiting sabi ko. "Congrats." dagdag ko pa.

"I did it for Althea. Not for Alexa." paglilinaw niya.

"At least you gave Althea a complete family." nakangiting sabi ko. "You're a good father." dagdag ko pa.

Gustong kumawala ng luha sa mga mata ko pero pilit kong pinipigilan.

Ito naman talaga ang gusto ko 2 years ago, ang ikasal sila. Pero bakit ngayong nalaman kong kinasal na sila 5 months ago, bakit nasasaktan ako?

Tumalikod ako kasabay ng pagpatak ng luha ko. Agad kong pinunasan ang pisngi ko.

Umupo ako sa sala at inayos ko ang sarili ko.

Don't cry, Tiana. Matagal na 'yun. Past is past. Ikaw naman ang nagdedisyon nito. Ikaw ang bumitaw. Ikaw ang nang-iwan sakanya.

Gusto kong tawanan ang sarili ko. Ako ang nang-iwan sakanya pero ako 'tong nasasaktan hanggang ngayon.

"7th birthday ni Althea next month. If you don't mind, you can come at the party with Ricci."

I smiled at him.

"Hindi na kailangan." sagot ko.

"Wala naman akong balak pumunta. And isa pa, baka isipin ni Alexa nang-gugulo ako." dagdag ko.

"Actually, Alexa's the one who's inviting you. She wants to see you." nakangiting sabi niya.

Natawa ako ng mahina.

"Para san? Para pasalamatan ako dahil pinakawalan kita?" I said sarcastically.

"Tiana, you know Alexa's not like that. Alam naman natin pareho na hindi niya hiniling na maghiwalay tayo. Ang gusto niya lang tulungan ko siyang suportahan financially si Althea. Pero hiniwalayan mo parin ako."

"What do you expect, Viel? You expect me to stay, knowing you had a 5 year old daughter 2 years ago? Ang selfish ko naman para gawin 'yon."

Malamig siyang tumingin sakin.

"I begged you to stay, Tiana. Pero nakipaghiwalay ka parin sakin."

"Of course I'll break up with you at that kind of situation! Ayokong lumaki si Althea without her father! You have no right to blame me for breaking up with you Viel."

"Alam mong hindi ko mahal si Alexa. I told you I'll be a good father to Althea, pero ayokong maging kami ni Alexa. But what did you say, Tiana? Tanda mo pa ba 'yung sinabi mo sakin noon?"

Hindi ako makapagsalita.

Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig ng maalala ko 'yon.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko as I remember what I've said to him 2 years ago.

"If you want to be a good father to her, you must marry her mother and give her a whole family."

I laughed while remembering those words.

Ayokong lumaki 'yung anak niya na hindi kumpleto ang pamilya. At mas lalong ayokong ako ang maging dahilan kung bakit hindi sila buo at kumpleto.

I looked at him with tears falling from my eyes and I gave him a weak smile.

"Letting you go was the hardest decision I have ever made, Viel. But it was the right thing to do and you know that."



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020