Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

"Girl, ano na? Nagreply na si Ricci?" tanong ni Juls sakin.

"Hindi pa nga eh."

I sighed. 2 days ng hindi nagpaparamdam sakin si Ricci. Okay naman kami eh, napakilala ko na nga siya sa buong family ko.

"Baka busy lang, kaya ganon." napapaisip na sabi ni Nyx sabay kain sa chocolates ko. Ugh, pag talaga nandito sa bahay namin 'tong mga kaibigan ko, nauubos talaga 'yung laman ng ref namin.

"Girl, sure ka di kayo nag-away?" tanong ni Glev sakin. Inisip ko mabuti pero hindi talaga. Wala naman kaming pinag-awayan.

"Weird lang. Di naman ganyan sa'yo si Ricci ah? Bakit biglang walang paramdam?"

I sighed again.

"Tama na 'yan, napaparanoid si Tiana sa mga sinasabi niyo eh. Malay niyo busy lang talaga 'yung tao. Saka Christmas Eve kasi mamaya, I'm sure busy lang si Ricci sa family niya or basta baka may pinagkakaabalahan siya." sabi naman ni Ronnie.

"Pero sana sinasabi niya sa kaibigan namin na busy siya diba?" mataray na sabi ni Juls.

Hindi na ako nagreact. Baka busy lang talaga siya.

Naghintay ako ng ilang oras, tapos na ang Mass for Christmas Eve pero wala paring paramdam si Ricci.

Nakapag Noche Buena na rin kami, pero wala parin.

Hindi ko na natiis, kinabukasan, mismong Pasko. December 25, nagpasama ako kila Glev para bisitahin si Ricci sa kanila. Halos 5 hrs rin ang naging biyahe namin.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung san mismo ang bahay niya pero dahil sa skills ni Juls as fangirl, nalaman namin kung saan nakatira si Ricci.

Pagdating namin sa bahay nila Ricci, madaming tao. Relatives and friends niya siguro.

"Ayan na girl, pasok kana. Wait ka nalang namin dito. Nakakahiya eh hindi naman kami jowa ni Ricci." sabi ni Glev sabay tulak sakin papasok.

Naglakas loob akong pumasok, and napatingin sila sakin.

"H-Hi po, good afternoon. Merry Christmas po! Hehe. Nasan po si Ricci?" tanong ko. Nagtataka sila, mukhang di pa nila ako kilala. Hindi pa naman kasi ako official na pinapakilala sakanila ni Ricci eh. This is my first time to meet them.

"Hello, ija. Nasa kusina siya kasama mga kaibigan niya. Tuloy ka." mabait na sabi sakin ng mom niya. Yes mom siguro ni Ricci 'yun kasi nakikita ko sa mga post ni Ricci minsan.

Excited ako, dinala ko na rin kasi 'yung regalo ko paraa sakanya. Alam ko may valid reason si Ricci kung bakit hindi niya ako cinocontact.

Pagdating ko sa kusina nila, napahinto ako saglit, I saw Brent Paraiso (his bestfriend) together with other guys na hindi ko kilala. I was about to say hello to them pero napahinto ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Akala niya ata sincere ako sa lahat ng sinabi ko sakanya."

Wait. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Bro, she's not my type. If it wasn't for the bet, hindi ko naman siya i-aapproach." dagdag pa niya.

Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ko 'yon.

Anong pustahan ang sinasabi niya. At—-ano daw? Hindi niya daw ako type?

"Pero bro idol ka talaga namin! Hahaha! Lalo na don sa mga pinost mo sa ig. Dude, artista kana talaga. Galing mo umarte. Daming naniwala na seryoso ka sakanya." pagkukwento ni Brent.

"Buti nga nag I love you sakin agad, atleast nanalo agad ako sa pustahan diba."

At doon nagsimulang kumawala ang mga luha ko.

So it was just a bet.

A fvckin' bet.

"T-Tiana?" gulat na sabi nung isa pa nilang kaibigan ng mapansin niyang nandon ako.

Lumingon sila lahat sakin at hindi rin ineexpect ni Ricci na makikita niya ako.

"Congrats." nakangiting sabi ko. Pinipilit kong 'wag pumiyok ang boses ko.

"Napaniwala mo ako." mariin na sabi ko.

So totoo nga talaga, ito na 'yung karma ko.

"Ah. Narinig mo na lahat? Great. Di ko na kelangan mag explain sa'yo." nakangising sabi niya. Kitang kita na he's not sorry for anything.

Hindi ako makapaniwala. Para bang ibang Ricci ang nasa harap ko ngayon.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Ni hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Merry Christmas, Ricci." bati ko sakanya atsaka ako ngumiti, pinipigilan kong umiyak sa harapan niya.

Nilapag ko sa harap niya 'yung regalo ko, atsaka ako nagmadaling tumakbo palabas ng bahay nila.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, at niyakap ko agad ang mga kaibigan ko.

Umiyak ako na parang bata. Ganito pala 'yung pakiramdam ng mapaglaruan.

Tiana, ang tanga mo.

Ang tanga-tanga mo.

_________

Tweet our hashtag for today, #8TAGGWDLaroLangPala


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019