Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Pagbalik ko sa hotel, syempre tinanong ako ng mga kaibigan ko kung saan ako galing at ano daw nangyari. Syempre, kinwento ko sakanila lahat. And iba-iba sila ng reaksyon. Si Juls kilig na kilig, si Nyx galit na galit, si Glev kinikilig pero galit. Hanep.

Pagsapit ng 1pm, umattend na kami sa seminar for architecture students. Loko ang gwapo nung alumni namin na speaker! Si Architect Cazter. Ang gwapo niya! Halatang nasa 27-30 na ang edad niya pero sobrang gwapo niya parin na para bang college student parin sya dahil sa sobrang kagwapuhan niya.

"Di naman ako nainform, ensherep pele neng elemney neten." Natatakam na sabi ni Juls. Pati si Glev at Nyx naglalaway. Jusko.

Maya-maya lang ay nag start na magsalita si Architect Cazter, and to be honest, sobrang nilalamig na ako. Grabe ganda-ganda ng auditorium nila dito. High class na high class.

"I would like to begin by thanking Professor Addi for honouring us by opening our seminar. So, hi good afternoon everyone. I'm Architect Cazter, and I will be your first speaker for today."

Tahimik ang lahat, nakikinig ng mabuti sakanya kahit na greetings palang an sinasabi niya. Iba talaga kapag gwapo, talagang agaw atensyon eh.

"Today, we will talk about the International Architecture and its significance."

Madami siyang sinabi, and syempre kinuhaan namin siya ng video for academic purposes.

Ng matapos ang buong seminar, kumain muna kami ng dinner kasama mga kaklase ko sa restaurant malapit sa venue, pagdating namin sa loob, nakita namin sila Ricci pati ang mga kaibigan niya. Kumakain sila at nagkukulitan habang nagkukwentuhan. Sa kabilang table kami umupo dahil medyo dami kami ngayon.

Habang kumakain kami, nagulat ako ng biglang dumating si Viel at huminto sa table namin.

"I'll wait for you outside, we need to rehearse for tonight's performance."

Oo nga pala, nawala 'yun sa isip ko.

"O-Osige. Pero bakit sa labas mo pa ko hihintayin? You may sit here with us. My friends won't mind." nakangiting sabi ko.

He smiled at me.

"Are you sure?" he asked.

"Yes."

"Okay, I have no choice but to watch you eat. Tapos na kasi akong kumain." saad niya atsaka siya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ano daw? Papanoorin daw ako kumain?

"Ehem. He's trying to hit on you, sis." bulong sakin ni Nyx.

"Haba ng hair teh." pang-aasar sakin ni Glev.

"Hahahahahahahahahahahahaha!!!!"

Napatingin kami lahat kay Juls dahil sa malakas niyang tawa.

Mas lalo pang lumakas ang tawa niya. What the hell?

"Problema mo girl?" tanong ko.

"Someone could kill you just by looking at you, Tiana. Hahahahahahaha! Cute eh!" sabi ni Juls at agad akong nagtaka sa sinabi niya.

Kinalabit naman ako ni Nyx at pasimple niyang tinuro si Ricci sa kabilang table kaya napatingin ako kay Ricci.

Nagulat ako ng makita ko siyang nakatingin sakin ng masama. Nakakunot ang noo niya at talagang magkasalubong ang kilay niya.

"What?" I mouthed.

Hindi siya sumagot. Umiwas siya ng tingin sakin at may sinabi siya don kay Kobe pero di ko alam kung ano 'yon. Tss.

Nananahimik ako dito eh, kung makatingin kala mo papatay eh.

Pagkabalik namin sa hotel, nagrehearse kami ni Viel sa rooftop.

We helped each other sa paggawa ng sayaw and hindi na kami nahirapan bumuo ng sayaw dahil mahusay rin pala siyang sumayaw.

"Can I ask?"

"Sure."

"Pano mo nasabi na magaling akong sumayaw?" tanong ko sakanya. He smiled.

"I was a member of other dance troupe. And napanood kitang magperform nung competition natin. Bago kayo nagperform, kami ang naunang nagperform." pagkukwento niya.

Ah, kaya pala.

"Wala namang magagalit mamaya pag nagperform tayo, diba? I guess you're single."

"Oo single ako. And bakit naman may magagalit? Sasayaw lang naman tayo mamaya."

"Our dance is a little bit intimate, so baka magalit sakin 'yung lalaki kanina?"

"Ha? Sinong lalaki—-Ah. Si Ricci. Bakit naman magagalit 'yon? Di naman kami magka-ano-ano."

"That's good to hear."

"By the way, bakit nga pala nandito ka rin sa New York?" tanong ko.

"Wala lang, sumama lang ako. Tita ko 'yung prof na kasama niyo. And nakita ko sa record niya na kasama ka sa mga ipapadala dito sa New York para magseminar so I grabbed the chance na sumama sa tita ko."

"Eh? Bakit di ata kita napansin nung nasa airplane tayo?"

"Haha! I was there."

"Eh? Di talaga kita nakita."

"Di mo talaga ako makikita. That guy was pestering you the whole time kaya nasa kanya lang ang atensyon mo."

Hindi ako nagsalita.

Pinagpatuloy lang namin ang pagrerehearse, and to be honest, komportable ako sakanya. Mahusay siyang sumayaw. At hindi ko alam kung bakit, pero bumibilis ang tibok ng puso ko everytime na nagkakalapit ang mukha namin.

"Wala ka bang sasabihin?"

"Ha?" clueless na tanong ko.

"I just confessed na nandito ako sa New York dahil sa'yo. Wala ka bang sasabihin?"

Napatulala ako.

Damn.

Eto nanaman. May lalaki nanamang nag aattempt pumasok sa buhay ko. Papayagan ko ba? Baka pinagtitripan lang rin ako neto.

"If you're thinking na hindi ako seryoso sa'yo, you can ask my tita and all of my friends kung gaano katagal na kitang gusto."

At that moment, napatitig talaga ako sakanya at napahinto kami sa pagsayaw.

"B-Bakit? G-Gaano katagal mo na ba akong gusto?"

"Back in highschool, I was always watching you dance. And you really inspired me because of your passion. That's why I decided to try dancing too. That's how dancing gave me life. Everytime I dance, I feel so alive."

I stared at him.

"So high school palang, k-kilala mo na ko?"

"High school palang, gusto na kita."

Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako.

Ngayon ko lang nalaman na ganon katagal niya na pala akong gusto.

"Bakit never mo ko inapproach?" tanong ko.

"There's a thing called right timing. And naniniwala ako na ito 'yung right time na 'yon."

I smiled.

Pumunta na kami sa babang floor bago mag rooftop dahil doon kami magpeperform.

Tinawag kami ng emcee, and I heard my friends cheering on me, on us.

Nagulat ako ng makita ko si Ricci na nakaupo kasama ang mga kaibigan niya.

Nandito rin pala siya.

"Ready?" tanong sakin ni Viel kaya nabaling ang atensyon ko sakanya. Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Hindi ko inaasahan na madami pala ang manonood.

Binalik ko kay Viel ang tingin ko and I nodded.

(Title of the song: UNSTEADY. Kindly play the video on the multimedia to watch the choreography. Video not mine. Credits to the owner.)

   

As the music started, we expressed the message of the song through a lyrical dance.

Medyo may kahabaan ang naging performance namin pero wala kaming pakialam kasi pareho kaming nag eenjoy sanpagsayaw.

Pagtapos namin magperform, nagpalakpakan ang mga tao and nag-bow kami ni Viel.

Akala ko ay bababa na kami ng stage pero bigla niyang hinatak ang kamay ko para muli akong mapaharap sakanya.

He stared at me for a minute and he smiled at me.

"Will you date me, Tiana?"

Nagulat ako dahil sa biglaang tanong niya. Agad na nagreact ang mga tao sa paligid at sumisigaw sila na I should say yes.

I don't know why pero napatingin ako kay Ricci, he's giving me a blank stare. Wala akong mabasa na expression sa  mata niya. It's as if he doesn't really care.

Stupid me. What do I expect? Hindi niya naman talaga ako nagustuhan.

Binalik ko kay Viel ang paningin ko.

I smiled at him and I said... "Yes"

_________
Author's note: OHEMGEE. AMBILIS NI VIEL! NAIINIS AKO. Char. Who wants dedication for the next chapter?

Donny Pangilinan as Viel


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020