Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Makakahinga na kami ng maluwag kasi nakapagsubmit na rin kami nung scaled model namin aaaahhh best feeling. Pero shet, start na ng midterm exam na namin next week. Take note, isang buong month 'yung midterm exams namin. Nakapadepende sa prof kung kelan sila mag papaexam basta within one month makapag paexam sila.

And I hate that system. Mas gusto ko pa 'yung midterm exam na isang week lang. At least saglit lang 'yung paghihirap mo. Mas prefer ko talaga 'yung hell week kesa hell month. Char.

"Girl, may nagkakagusto sa'yo eh." sabi sakin ni Juls habang kumakain kami dito sa BeauTea. Tambayan kasi namin 'to.

"Sino nanaman?" tanong ni Nyx. Ugh. Oo. Nanaman. Lagi nalang may nagkakagusto sakin kahit di naman ako ganon kagandahan. I mean, syempre madaming mas maganda sakin. Kaya nagtataka talaga ako bakit may mga gustong manligaw sakin.

"Pakisabi di ako interesado." wala sa mood na sabi ko sabay inom ng Coffee Oreo Frappe ko.

"Girl, 4 years ka naman ng single. Mag boyfriend ka na ulit. Para naman inspired ka ulit." nakasimangot na sabi ni Juls kaya I rolled my eyes.

"Inspired naman ako ah. And isa pa, hindi ko kailangan ng lalaki. Mas okay ako mag-isa. Sakit lang sa ulo pag nag nag boyfriend nanaman ako." pagsasabi ko ng totoo.

Si Juls kasi madaming pinapakilala sakin 'yan na lalaki. Mga nagkakagusto daw sakin. Pero kahit isa, wala akong inentertain. Wala lang, wala pa akong balak eh. Masyado akong naubos dun sa past relationship ko.

"Buti pa si Nyx at Ronnie, 4 years ng magjowa." sabi ni Glev kaya umirap ako.

"Magbebreak din 'yan." pang-aasar ko kaya hinampas ako ni Nyx. "Ang bitter mo! Di kami magbebreak 'no. Iba si Ronnie. Di siya tulad ng ibang lalaki."

"Sus. Ganyan rin sabi ko dati nung kami pa ni Jameson." natatawang sabi ko.

"Eh friend, si Jameson naman kasi, dati pa namin sinasabi sa'yo na toxic na masyado relasyon niyo at wala talagang patutunguhan. Di ka nakikinig. Tinotolerate mo lang 'yung walang kwentang treatment niya sa'yo. You had thousand chances para iwan siya hangga't maaga pa, pero di mo ginawa. Hinintay mo pa umabot sa point na nagcheat ka nalang."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nyx. "Edi ikaw na. Ikaw na hindi marupok. Ikaw na magaling pumili ng lalaki. Ikaw na may magandang relasyon. Perfect ka eh." iritableng sabi ko atsaka ko kinuha ang bag ko.

"Alis na ko." cold na sabi ko atsaka ako tumayo.

"H-Huy. 'Wag kayo mag-away." sabi ni Juls.

"Pagsabihan mo si Nyx. Masyadong perfect eh. Palibhasa di niya naman naranasan 'yung mga pinagdaanan ko."

And I walked out.

'Yan ang ayaw ko minsan kay Nyx. Kung sisihin niya ako para bang di niya alam kung gaano kahirap sa part ko.

Uuwi na sana ako pero naalala kong may kukunin pa nga pala ako sa guard ng Sierra University. Iniwan daw ni Ate Madz sa guard 'yung susi ng bahay eh. Late daw kasi sila uuwi nila mommy so baka wala daw akong maabutang tao sa bahay.

"Hi mang Berny!" nakangiting bati ko sa guard namin.

"Magandang hapon, Tiana. Iniwan sakin ng ate mo 'yung susi ng bahay niyo." sabi niya atsaka niya kinuha 'yung susi don sa may locker niya.

"Thank you po!" nakangiting sabi ko pagkaabot niya sakin ng susi.

Habang naglalakad ako pauwi, yes naglalakad lang ako. Malapit lang naman bahay namin. Dami pumapasok sa isip ko.

Naguilty ako kasi nagmaldita ako kanina kay Nyx. Pero kasi naman, naiirita talaga ako sakanya kanina.

Huminto ako sa paglalakad dahil napansin kong parang may sumusunod sakin.

Paglingon ko sa likod, wala namang tao.

Uhhh. Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Pero pagliko ko sa may kanto ay lumalakas talaga ang kutob ko na may sumusunod sakin.

Mabilis akong naglakad para di niya ako masundan pero hanep sinusundan niya parin ako kaya inis akong lumingon para sipain siya.

Bago ko siya masipa ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si Ricci.

"Chill. Ako 'to." gulat na sabi niya dahil muntik ko na talaga siyang sipain.

"I-Ikaw?" gulat na tanong ko. "Sorry! Akala ko kung sino eh!" pagsasabi ko ng totoo.

Tumawa siya ng mahina.

"Sabi mo last week gusto mo ulit ako makita. Bakit parang gulat na gulat ka now that I'm here?"

Nanlaki ang mata ko.

Naalala niya pala 'yung sinabi kong 'yon.

"Sinong di magugulat, eh may sumusunod ba naman sakin eh. Sana tinawag mo nalang kasi ako kanina para di ako kinabahan or nag-isip ng kung ano." reklamo ko.

"Sorry. Hahaha. So, pauwi kana? Eto 'yung way papunta sa bahay niyo diba?"

"Yes." sagot ko. Sabay kaming naglalakad ngayon and just to think of it, kasama ko lang naman ngayon si Ricci Rivero.

"Nagcommute ka lang?" tanong ko. Nagtataka kasi ako bakit wala siyang dalang sasakyan.

"Ah hindi. May dala akong sasakyan. Iniwan ko sa tapat ng bahay niyo kanina. Wala kasing tao kanina nung nagdodoorbell ako so nagpark nalang muna ko don and nag-lakad lakad dito sa lugar niyo. Eh sakto nakita kita kanina sa gate nung University."

Di ko alam irereact ko. Seryoso? Kanina pa siya dumating sa bahay namin? Jusko buti nalang walang tao. Baka isipin nila mommy nililigawan ako neto.

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, na-awkward ako bigla.

Papapasukin ko ba siya sa loob? Wala kasing tao eh baka biglang dumating sila mommy and baka iba isipin nila.

Ahhhhh bahala na. Ayoko naman siyang dalhin sa ibang lugar baka pagkaguluhan siya.

"Tara sa loob." awkward na sabi ko. Napansin niya ata 'yung awkwardness.

"Sure ka? Pwede namang dito nalang sa labas. Or sa ibang lugar." tanong niya sakin. Nahiya naman agad ako sakanya kasi nahalata niya ata talagang naaawkward ako.

"Dito nalang tayo sa bahay. Pagod rin kasi ako eh, madami ako tinapos na requirements." nakangiting sabi ko sakanya.

"Okay, sige. Teka. May kukunin lang ako." paalam niya sakin atsaka siya may kinuha doon sa sasakyan niya. Ang ganda pala ng sasakyan niya, ngayon ko lang napansin. Kung di ako nagkakamali, Mitsubishi Strada 2019 ang gamit niya. Ang pogi ng sasakyan niya ah, kulay black kasi.

"Sunod ka nalang sa loob ha? Magbibihis lang ako." bilin ko sakanya atsaka ako nauna pumasok sa bahay at dumeretcho ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Nag pink ako na sando and white na short, tamang pambahay lang. Tapos nagtali rin ako ng buhok.

Grabe, wala talaga akong pakialam kung may bisita ako o wala. Basta pag nasa bahay ako, pambahay rin talaga ang itsura ko. Haha!

Pagbaba ko sa sala, hinanap ko siya pero wala siya don. Sumilip ako sa kusina and nagulat ako dahil puro pagkain ang mesa namin. What the?

Sobrang dami niyang ginrocery.

"Binili mo ata lahat ng nasa grocery eh." natatawang sabi ko.

"Di ko kasi alam kung anong gusto mo, kaya dinamihan ko nalang 'yung mga binili ko."

"Di mo naman ako kailangan bilhan eh, nag-abala ka pa. Nakakahiya tuloy sa'yo." nahihiyang sabi ko.

Seryoso nahihiya ako. First time 'to eh. Kasi dati, sa ex ko, ako lagi nagbibigay or bumibili eh.

"Mas nakakahiya kung bibisitahin kita tapos wala man lang akong dala para sa'yo."

Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi niya.

Hindi niya ako fan pero king ina, bakit parang nagiging fan niya na ako ngayon. Shet. I mean, uhhh. Crush ko siya, sige crush pwede. Kasi gwapo tapos sobrang bait pa!

"T-Thank you." nakangiting sabi ko sakanya.

"Nasan parents mo?" tanong niya sakin.

"Nasa work sila. Usually late na sila ng  gabi nandito. Weekends lang kami nakukumpleto mula umaga."

Kinuha ko 'yung knife and nag slice ako ng cake na dala niya. Yes, may cake siyang dala! HAHAHA.

Sabay kaming kumain and hindi ko mapigilang mapatitig sakanya or mapanganga minsan kasi hello, si Ricci 'yan. Si Ricci nandito sa bahay namin. Si Ricci dinalhan ako ng pagkain.

"Buti may time kang pumunta dito? Diba usually busy ka sa training and other things." pag oopen ko ng topic.

"I want to grant your wish na sana makita mo ulit ako. Actually hinahanap nga kita everytime na may fans na pumapaligid sakin. Iniisip ko baka nandun ka. Eh kaso wala ka naman ata dun kasi di kita nakita. Kaya ako nalang mismo pumunta dito. And besides alam ko naman kung san bahay niyo kasi hinatid kita last time."

Natuwa naman ako bigla sa sinabi niya. Grabe, ang swerte ko naman pala talaga. Haha.

Kinwento ko tuloy sakanya yung about sa panaginip ko. And tawang tawa siga dahil don sa Star Ciry scene. Inaasar niya ako grabe daw pala ako managinip.

We talked about a lot of things. Nagkwento siya about sa family niya, and nagkwento rin siya about sa career niya.

Magkukwento palang sana ako sakanya about sa family ko pero tignan mo nga naman 'yung timing nila mommy. Saktong dumating sila, narinig ko na 'yung sasakyan ni daddy sa garahe eh.

And tama nga ako, nandyan na sila.

"Anaaaak. kanino 'yung sasakyan sa labas?" tanong ni mommy pagkapasok niya pero natigilan siya ng makita niya si Ricci. Agad na lumapit sakanya si Ricci and nagulat ako kasi nagmano sa kamay niya si Ricci.

"Hi tita, good evening po. I'm Ricci." nakangiting sabi niya kay mommy.

"Mmmm, boyfriend ka ng anak ko?" tanong ni mommy.

"MOMMY HINDI!" sagot ko. Natawa naman bigla si Ricci kasi ako 'yung sumagot.

"Sa ngayon tita, kaibigan palang po ako ni Tiana." nakangiting sabi naman ni Ricci sakanya kaya nanlaki ang mata ko.

Pagpasok nila daddy at ate Madz, pareho silang napatingin kay Ricci.

"Woah. Ikaw 'yung napapanood ko sa tv. 'Yung mahusay na player!" di makapaniwalang sabi ni ate Madz.

Ngumiti si Ricci at agad siyang nagmano kay daddy at nginitian niya naman si ate ko.

Ewan ko pero napapangiti ako kasi ang sweet ni Ricci sakanila.

"Nililigawan mo anak ko?" tanong ni daddy sakanya kaya napasimangot ako.

"Dade naman, mukha bang type ako ni Ricci. Jusko. Sikat 'yan. Wag kayong issue." paglilinaw ko sakanila.

"Sus. Eh bakit ka dinalaw dito?" pang-aasar ni daddy.

"Uhhhh. Daddy!" inis na sabi ko.

Nagtawanan sila at inaya na kaming kumain ng hapunan. Bumili kasi ng pagkain sila mommy.

"So pumunta ka pa talaga dito kahit ang layo-layo? 4 hours ang byahe papunta dito mula sa Manila, ijo." pag iinterview sakanya ni mommy.

"Di ko rin po alam kung bakit eh. Gusto ko lang magrelax. Iba kasi sa Manila eh. Nakakapagod don. Di tulad dito. Kahit papano may peace of mind." nakangiting sabi ni Ricci.

"I'll be straight to the point. Ayoko muna ng boyfriend boyfriend na ganyan ha. Eto kasing anak kong si Tiana, mahina 'yan pagdating sa lalaki. Di pa siya ganon karunong humawak ng relasyon and weak siya humandle ng emotions. Mabilis siya madistract. Sa totoo lang, 'yung past relationship niya, muntik na masira 'yung buhay ng anak ko na 'yan kasi masyado siyang nasaktan at nakasakit siya ng ibang tao. Di niya kinaya 'yung guilt, 'yung—-"

"Daddy, stop na please? I don't want to talk about it." sabi ko. Halatang nawala ako sa mood dahil dito.

Tinignan ako ni Ricci and muli niyang binalik kay daddy ang tingin niya.

"I understand tito. Aware naman po ako sa past ng anak niyo. We talked about it the first time we met. Don't worry kapag liligawan ko naman po si Tiana, kayo po muna ang liligawan ko."

AT TUMIGIL ANG MUNDO.

DAHIL SA NARINIG KO.

WAIT.

TAMA BA?

MAY BALAK SIYANG LIGAWAN AKO?

BAKIT? BAKIT AKO?!

________
Author's note: Omg guys! Dito nalang talaga ako kinikilig! Huhu. Naiiyak pa ko kasi di ako napansin ni Ricci kanina sa #AskRicci grabe wala talaga kong chance :(( Fangirl nalang talaga ko. Charot. Hahaha. Kailan niya kaya ako mapapansin in real life?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020