Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

"Oo kilala ko na, and mas kikilalanin ko pa. Jusko girl! Bet ka ata ni Ricci!" sabi ni Glev habang nagdadrive.

"Hindi ah. Malabo 'yon. Sino ba naman ako."

"Eh girl, anong ibig sabihin ni Ricci dun sa sinabi niya diba?" tanong ni Juls.

"Wala. Malay natin wala naman talaga siyang ibang ibig sabihin don. Baka gusto lang makipagkaibigan sakin nung tao."

"Sis ang swerte mo! Ricci 'yun eh!" nakasimangot na sabi ni Juls.

Ng maihatid nila ako sa bahay, pagpasok ko ay nagmomovie marathon si mommy, daddy at ate Madz. Netflix is life talaga kami dito sa bahay.

Binati ko sila at agad akong dumeretcho sa kwarto dahil sa pagod. Naghilamos na muna ako at nagbihis bago ko humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nag online muna sa fb. Syempre pinost ko mga pictures naming tatlo nila Juls at Glev kanina. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang post ni Juls. Tignan mo 'tong babaeng 'to! Picture lang nila ni Ricci inupload nila! Hello?!!! Kami ni Glev nasan?! Ang husay talagang kaibigan ni Juls eh. Kaming tatlo pumunta sa Star City pero bandang huli para bang si Ricci talaga ang kasama niya don. Hayst. Hahaha! Fangirl talaga si Juls.

Nag online naman ako sa ig at nagulat ako ng makita kong nag finollow ako ni Ricci. 

Hala. Bakit niya naman ako finollow?

Ah, never mind. Di ko na siya kelangan ifollowback kasi dati ko pa naman siya finafollow dito sa ig.

Nag post nalang ako ng stories ko sa ig, and tawang tawa ako kasi feeling vlogger talaga si Juls sa bawat video namin kanina.

I started watching other stories and napangiti ako ng makita ko ang ig story na pinost ni Ricci. Stolen picture naming tatlo ni Glev at Juls tapos ang caption ni Ricci 'I had fun with you, guys. Hope to see you again.'

Panigurado nakita na 'to ni Juls ngayon at sure akong kinikilig nanaman ng bongga 'yon. Pero naks, ang galing ni Ricci ah. Di namin nahalata na kinuhaan niya kami ng picture.

Binitawan ko na ang phone ko at deretcho tulog na ako. Pagkagising ko kinabukasan, napangiti ako kasi favorite ko yung ulam. Spam, bacon and egg pati pancake.

Sana Sunday nalang lagi, madami kasing time si mommy magprepare ng breakfast every Sunday.

"Good morning anak." bati ni mommy sakin. "Good morning mommy. Nasan si daddy saka si ate Madz?"

"Umalis sila ng maaga kanina, tinuruan ni daddy mo magdrive si ate mo. Bibilhan niya kasi ng kotse si ate mo next week."

Napasimangot ako. "Ako kaya kelan bibilhan ni daddy."

"Pagkagraduate mo na. Ano ka ba, graduate na si ate mo eh. Kumbaga prize 'yun ni daddy mo kay ate mo for being successful. Tignan mo maganda ang work ni ate mo ngayon sa company nila."

Hays. Matagal tagal pa bago ako magkaron ng sariling sasakyan. Graduating palang kasi ako. Pero okay lang.

Sakto dumating na sila ate at daddy kaya sabay-sabay na kaming nag-almusal. This is what I love about Sundays. It's family day.

"Daddy bilhan mo na rin kaya ako ng sasakyan para magamit ko pagpasok?" segway ko. Tapos nagpacute pa ako. Malay niyo effective!

"Christiana magtigil ka. Ang lapit lapit lang ng University na pinapasukan mo. Walking distance lang. Kayang kaya mo lakarin araw-araw. Graduating ka na nga eh, nasurvive mo maglakad tuwing pumapasok ka."

"Ehhh daddy naman."

"Wag ka makulit. Hindi ako tumatae ng pera para mabilhan ka agad ng sasakyan. Si ate mo muna ang mabibilhan ko."

"Dad! Gross!" reklamo ni ate kasi binanggit ni daddy 'yung tae eh kumakain kami. HAHAHAHA

"Arte ah!" pang aasar ko kay ate Madz. Inirapan niya lang ako.

Mataray 'yan si ate, pero bessy ko 'yan. Minsan sumasama siya sa mga lakad namin nila Juls.

"Malapit na dance competition niyo diba, sissy?" tanong sakin ni ate.

"Yes sissy. Next week na. Saturday."

"Mmmm, manonood kami ng mga katrabaho ko. Binigyan ko silang ticket para manood eh."

"Thanks ate!" sabi ko.

"Manonood rin kami ng daddy mo." sabi naman ni mommy.

Oh diba, ang supportive ng family ko. Swerte ko sakanila.

Next week na kasi 'yung dance competition na sinalihan namin nila Juls, Nyx, Glev at ng iba pa naming mga kaibigan sa University. Di naman sa pagmamayabang pero member kasi kami ng pinakamagaling na dancers sa University namin kaya kami ang ilalaban nila sa Dance Competition na gaganapin next week sa Vista Mall. Galing sa iba't ibang University and College and mga makakalaban namin next week. And ang alam ko, kung sinong grupo ang mananalo, ilalaban agad sa National Dance Competition na gaganapin sa Davao next month.

Lumipas ang buong week, nabusy kami sa pagpapractice ng sayaw. Friday ngayon, last day of practice kasi bukas na 'yung competition.

Si Glev todo bigay sa sayaw ang bakla. Kaya bet na bet siya nung dance instructor namin eh. Pero syempre mas magaling parin ako kay Glev kaya mas bet ako ng dance instructor naming si Miss Anya.

"Kaya love ka namin Ron eh! Pag binibilhan mo ng tubig and energy drink si Nyx, lagi mo rin kaming binibilhan!" sabi ni Juls kaya tumawa kami.

"Di na pala natin kelangan ng jowa Juls. Ayos na 'tong jowa ni Nyx." pagbibiro ko kaya nagtawanan sila.

"Girl! Sleepover tayo mamaya!" pag-aaya naman ni Nyx.

"Saan? Bahay nila Juls? Or samin? Or sainyo?" tanong ko naman kay Nyx.

"Syempre sa bahay nila Glev!" sigaw ni Juls kaya natawa kami. None of the above pala amp. Haha!

Syempre, natuloy naman 'yung sleepover namin. Wala eh, pag biglaan talaga 'yun pa 'yung natutuloy.

"Girl ano ng balita sainyo ni Ricci?" tanong ni Juls.

"Oo nga, kwento ka dali!" dagdag naman ni Nyx. Oo alam ni Nyx 'yung nangyari sa Star City. Syempre kadaldalan ba naman ni Juls at Glev eh.

"Wala naman akong dapat ikwento. Ano ba kayo, sikat 'yung tao. Baka di na nga tayo naaalala non ngayon." pagsasabi ko ng totoo.

"Sa bagay, may point ka." sabi ni Juls sabay agaw sa Nachos ko. Psh! Bastos talaga. Kumakain ako e!

"Sana Nachos nalang rin binili mo! Pop corn pop corn ka pa tapos uubusin mo lang pala Nachos ko!" reklamo ko.

"Girl. That's what friends are for." pagtatanggol ni Nyx kay Juls kaya nagtawanan kami.

Si Glev nasa sala nila, tinawag ng mommy niya may bisita kasi ata sila. And kami, nandito kami sa kwarto ni Glev, nagkukulitan.

Pagkagising namin kinabukasan, unahan kami sa cr sa kwarto ni Glev para maligo. And syempre, ako 'yung huling naligo. Haha!

Nagbihis na kami and nagpuntahan rin dito sa bahay nila Glev 'yung iba pang members namin dahil kami nila Nyx at Juls ang magmemake-up sakanila. Si Glev inggit na inggit at gustong matuto magmake up. Pero di namin siya tinuturuan at di namin siya pinapayagan kasi sayang 'yung kagwapuhan niya kung magmemake up lang siya.

Ang cute ng costume namin, plain white tops lang siya tapos plain white shorts rin.

Tapos 'yung buhok namin, nakatali ng sobrang taas. As in mataas talaga. Buti nalang lahat kami mahaba buhok kaya di na kami nahirapan nila Nyx.

'Yung make up namin light lang rin. Kasi panget pag masyadong dark or colorful lalo na't naka-plain white kami. Pati sapatos namin plain white rin. Parang may lamay ganern.

Van 'yung sinakyan namin papunta sa venue. Van nila Glev. Oo madaming sasakyan sila Glev eh. May van, may kotse, may motor, baka nga may tren pa yan or bus. Char.

Pagdating namin sa Vista Mall, agad naman akong nakaramdam ng kaba. Sobrang dami palang manonood jusko.

Pumunta na kami sa backstage at mas lalo akong kinabahan kasi tinitignan kami ng masama ng mga kalaban namin.

"Girl gandang ganda ata sila satin." taas kilay na sabi ni Nyx. Oh here's my bitchy friend.

"AAAAAAHHHH! OMG OMG!!!"

Halos mabingi kami sa sigawan ng mga babae. Bakit ba nagsisigawan sila. Jusko nakakabingi kaya! Kulob pa naman dito sa backstage.

"Girl paabot nga nung phone ko, magseselfie ako." sabi ko kay Glev kasi hawak niya 'yung bag ko. Pero nagtataka ako bakit di sumasagot si Glev kaya humarap ako sakanya at lalo akong nagtaka dahil lahat sila may tinitignan don sa pinto ng backstage.

I got curious kaya tinignan ko ang tinitignan nila at halos malaglag ang panga ko ng makita ko si Ricci, naglalakad papalapit sakin.

Wait. Sakin ba talaga?

Lumingon ako sa likod ko pero wala namang tao. So sakin ba talaga? Sakin nga at—-

Hala sakin nga.

Huminto siya sa harapan ko at nagulat ako ng bigyan niya ako ng isang boquet ng mga bulaklak.

"Hi, Tiana." nakangiting bati niya sakin. Ako naman, hindi ko alam kung ano irereact ko. Kasi hello? Bakit siya nandito? And bakit niya ko nilapitan. And bakit niya ko binigyan ng bulaklak?

"H-Hi rin?" patanong kong sabi.

"I'm here to watch your performance. Nakita ko kasi sa ig stories mo na may performance kayo ngayon and dito 'yung venue. So pumunta ako."

Hindi parin ako makapag react.

Bakit niya 'to ginagawa?

"Good luck and God bless sa performance niyo. Galingan mo." nakangiting sabi niya atsaka niya ako hinalikan sa pisngi kaya mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Hala girl! Nanigas kana ata dyan! Di kana gumagalaw! Hahahahahaha! Ampanget mong kiligin girl!" sigaw ni Juls kaya bumalik sa katinuan ang pag-iisip ko.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ako kinikilig." pagsasabi ko ng totoo.

"Weh?" tanong nila Glev.

"Hindi talaga. Nagulat lang talaga ako." dagdag ko pa.

Ricci smiled at me.

"Edi lagi kang magugulat tuwing pupuntahan kita?"

"H-Ha?" gulat na sabi ko.

Bago pa siya makapagsalita ay tinawag na kami ng announcer. Hala kami na pala 'yung magpeperform!

_________
Author's note: Jusko Ricci, bakit ang gwapo mo? HAHAHA. Oh, 'yung mga friends niyong fan ni Ricci, sabihin niyo sakanila basahin na 'tong story na 'to. HAHAHA Sabay sabay nating pakiligin ang mga sarili natin char.

Official twitter hashtag #8TAGGWD

My social media accounts

Facebook: Tiana Vianne Isidoro

Twitter: @TianaVianne

Instagram: @christianavianne



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020