Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

Follow me on Instagram @christianavianne

TIANA'S POV

Kanina pa ko pabalik balik ng lakad dito sa sala at napapakagat ako sa labi habang nakatitig sa phone ko. Halos apat na oras na akong ganito.

Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 9pm na pala.

Sheeeeems.

Ano sasabihin ko sa boss ko? Magreresign nalang ako ganon? Sht, di pwede. Mapapalayas ako sa apartment ko sa manila next week kapag wala akong naibayad.

Wala pa kong ganon kalaki na ipon para sustentuhan sarili ko pag nawalan ako ng trabaho.

Hindi ako pwedeng magresign o matanggal sa trabaho! Sht.

Inis kong binato ang phone ko sa soffa at nagmadali akong pumunta sa bahay ni Ricci.

Pagpasok ko sa bahay niya ay walang tao sa sala. Sumilip rin ako sa kusina pero wala ring tao.

Si Spirro nakita kong mahimbing na natutulog sa soffa. Cute talaga ng aso ni Ricci.

Nasan kaya si Ricci?

Nagdalawang isip ako kung sisilipin ko ba 'yung kwarto niya dahil baka sakaling nandoon siya, kaso baka galit parin siya sakin. Hays.

In the end, umakyat nalang ako sa taas para tignan ang kwarto niya. May isang kwarto sa dulo na medyo naka-bukas 'yung pinto kaya dahan-dahan akong sumilip doon, at nakita ko siyang nakahiga sa kama.

Akala ko ay natutulog siya kaya nagulat ako ng bigla siyang bumangon at tumingin sa direksyon ko.

"Tiana?"

Bahagya akong nagulat kasi di ko inaasahang mararamdaman niya 'yung presensya ko.

"H-Hi..." bati ko.

Agad siyang tumayo at lumapit sakin. "Uhm, binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina na aalis ako. Okay lang bang sakin mo parin ibigay 'yung project na 'to? Kailangan ko kasi talaga 'to, dito nakasalalay 'yung trabaho ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho." pakiusap ko sakanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bigla niyang kinuha ang kamay ko na para bang may hinahanap siya.

"San ka nasugatan kanina?" tanong niya sakin kaya napatitig ako sakanya.

"Sa legs at kamay lang naman, hindi naman masyadong malaki saka hindi naman masakit kaya okay lan—-ahhh, aray! Ano ba!" reklamo ko dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko kung nasaan ang hiwa ko dahil sa mga bubog kanina.

Kumunot ang noo niya.

"Tss. Di daw masakit." bulong niya kaya sumimangot ako.

Bigla niya akong hinila papasok ng kwarto niya at pinaupo niya ako sa kama niya.

May kinuha siya doon sa drawer niya atsaka niya nilapag sa side table 'yung first aid kit.

Pinrepare niya 'yung mga gagamitin niya atsaka siya umupo sa tabi ko at nanlaki ang mata ko ng kunin niya ang legs ko at ipinatong niya ito sa lap niya.

Magrereklamo na sana ako pero dahan-dahan at marahan niyang kinapa ang legs ko para hanapin 'yung sugat ko, at ng makapa niya ang sugat ko ay mas lalong kumunot ang noo niya dahil napakahaba ng sugat ko at medyo malalim.

Ginamot niya ito, at napapamaang ako sa sakit. Ng mapansin niyang nasasaktan talaga ako ay hinipan niya bigla ang sugat ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng maramdaman ko 'yung hininga niya sa legs ko.

Ginagamot niya lang naman ang sugat ko at hinipan niya lang naman ang sugat ko pero bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Sunod niyang ginamot ang kamay ko. Ganon rin ang ginawa niya, pagkatapos niyang gamutin ay marahan niya ring hinipan ito.

"Thank you, Ricci." sincere na sabi ko.

"Sorry kanina. I didn't mean to hurt you." he said.

"Okay lang, naiintindihan ko naman."

"I'm sorry, Tiana." pag-uulit niya.

Nabobother ako kasi bakit siya nagsosorry. Kanina lang ay galit na galit siya sakin.

I smiled at him, kahit hindi niya nakikita ang ngiti ko.

"I told you, okay lang ako." nakangiting sabi ko habang nakatitig sakanya.

"Are you still mad at me?"

Nagulat ako sa tanong niya. Ang random naman ata ng question niya? Saka bakit ako magagalit sakanya? Siya nga 'tong galit sakin.

"I never said sorry for what I did to you six years ago." dagdag niya.

Di ko alam kung bakit, pero napangiti ako bigla.

"Baliw ka, ang tagal na non eh. Wala na 'yon sakin. Naiintindihan ko naman na ngayon na normal lang sa edad mo that time 'yung pakikipagpustahan."

Bahagya siyang natawa. Kaya nanlaki ang mata ko.

"Tumawa ka? For real?" di makapaniwalang sabi ko. Simula nung dumating ako dito ay puro pagsusungit nalang kasi ang ginawa niya at puro pagkunot ng noo.

Ngayon ko nalang ulit siya nakitang  tumawa.

"Uy! Tumawa siya!" pang-aasar ko ulit sakanya.

"Namiss kita." nakangiting sabi niya.

Natahimik ako bigla.

Eto nanaman 'yung kabog ng dibdib ko, sobrang bilis nanaman.

"Loko bakit mo naman ako mamimiss, hindi naman seryoso 'yung naging relasyon natin noon. Hahahahahaha!" pilit na tawa ko.

"Akala ko rin hindi ako seryoso sa'yo noon eh." he said while wearing that weak smile.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya.

Napapano ba siya? Bakit bigla siyang ganyan sakin?

Inalis ko ang legs ko sa lap niya atsaka ako tumayo.

"Thank you sa pag-gamot sa mga sugat ko, pero pumunta lang ako dito sa bahay mo para sabihin na hindi ako aalis dito kahit paalisin mo pa ako."

"Di naman kita pinapaalis ah?"

"Sus! Eh kanina galit na galit ka sakin!"

"Pero wala akong sinabi na umalis ka."

"Ganon na rin 'yun!"

"Fine, whatever." masungit na sabi niya kaya natawa ako.

"By the way, I missed you too, Ricci." nakangiting sabi ko atsaka ako nagmadaling lumabas ng kwarto niya.

Don't get me wrong. Namiss ko lang siya as a friend and as a person. Nothing less, nothing more.

Kinabukasan, maaga akong gumising para ituloy ang trabaho ko. Nagpunta ako kila Mang Otep para nagtanong about dito sa lugar nila and kung ano ang mga hilig nila. I asked their opinion about sa design na pwede kong gawin, and they really helped me.

Mababait silang lahat, sobrang approachable nila and napaka friendly. Di na ako magtataka bakit nagustuhan dito ni Ricci sa lugar nila.

Pagbalik ko sa bahay ko, nagluto agad ako. Syempre pang dalawang tao ang niluto ko. Kinausap ko kasi kanina si Herbert na simula ngayon, ako na muna ang magluluto para kay Ricci and nag agree naman si Herbert.

Dadalhin ko na sana sa bahay ni Ricci 'yung breakfast niya pero palabas palang ako ng pinto ay narinig ko ang boses niya sa labas.

Tinatawag niya ako.

Binuksan ko ang pinto and I saw him standing infront of my door, kasama niya si Spirro.

"Good morning." bati niya sakin.

I smiled.

"Hi, good morning. Dadalhin ko sana sa'yo 'yung breakfast mo eh kaso nandyan kana pala." natatawang sabi ko.

"Di mo na kelangan dalhin sakin lagi 'yung luto mo."

"Ah, ganon ba. Sige sayang nam—"

"Ako nalang lagi ang pupunta dito para di ka mahirapan magdala ng pagkain sa bahay ko."

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako bigla!

Good thing is bulag si Ricci kaya di niya nakita 'yung pagngiti ko. What the fvck Tiana kinikilig ka baaaa?!

Pumasok siya sa bahay ko and umupo na siya sa kusina. Si Spirro iniwan niya sa sala.

"Lagi mo talagang kasama si Spirro?"

"Yes, kabisado niya kasi kung san ako nagpupunta kaya siya 'yung guide ko pag lumalabas ako ng bahay."

Wow, sinasagot niya na ang mga tanong ko. Di niya na ko sinusungitan!

"Namimiss mo na ba maglaro ng basketball?" I asked. Samantalahin natin hangga't good mood siya.

Nginuya ko 'yung hotdog at hinintay ko siyang sumagot.

"Oo naman. Panong di ko mamimiss, eh 'yun 'yung buhay ko."

"Di na ba talaga mababalik 'yung paningin mo?" tanong ko.

"Mababalik pa, kaso 2% lang ang survival rate. Connected kasi sa utak ko 'yung nerves na nadamage sa mata ko, kaya pag nagpa-opera ako, 98% 'yung chance na hindi na ako magigising."

Nabigla ako sa sinabi niya. Kaya pala mas pinili niya nalang na maging bulag sa mahabang panahon, kesa isugal ang buhay niya.

Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit siya nabulag, pero naalala ko 'yung sinabi niya sakin kahapon.

"You're the reason why I lost everything. Tang ina, mas gugustuhin ko pang namatay nalang ako. Kesa ganito. Buhay nga ako, pero pakiramdam ko wala akong buhay. Pinatay mo lahat ng pangarap ko, Tiana."

Bakit ako 'yung naging dahilan? Ano bang ginawa ko sakanya?

Pilit kong iniisip pero wala talaga akong maalala na ginawa ko para magkaganyan siya.

"If you really love basketball, bakit hindi mo subukang magpaopera ng mga mata mo? Yes the survival rate is too low, pero kung para sa pangarap mo talaga, susugal ka. Diba?" wala sa sariling sabi ko.

"It's too late. 26 na ko ngayon. Matagal na rin akong hindi naglalaro kaya hindi ko alam kung magaling pa ba ako maglaro."

"The Ricci I know was the 20 year old guy who really loved basketball on and off the court." nakangiting sabi ko.

"Ano naman kung 26 kana ngayon? Kahit gaano katagal pa 'yan, kapag talagang mahalaga sa'yo at mahal mo, wala paring magbabago." dagdag ko pa.

He smiled and he looked at me as if nakikita niya ako.

"Kaya pala hanggang ngayon, mahal parin kita."

Nabitawan ko bigla ang kutsara na hawak ko dahil sa sinabi niya.

W-What did he say? Mahal niya ako?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020