Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

"GIIIIIIIRL GISING NA!!!!"

Halos mapatakip ako ng unan sa buong tenga at mukha ko dahil sa malakas na sigaw sa tabi ko. Ugh!

Inis akong dumilat at napairap ako ng makita ko si Juls at Glev.

"Ang aga aga niyo naman!" reklamo ko. Antok na antok pa ko eh. Kahit kelan talaga 'tong dalawang 'to.

"Ay? Girl, anong maaga? Alas dos na ng tanghali gaga!" mataray na sabi ni Juls.

Napatingin naman ako sa wall clock ko at napakunot ang noo ko ng makita kong alas dos na nga.

"Tsk! Bakit ba! Jusko! Sembreak guys! Pwede bang wag muna tayo magkita! Nagsasawa na ako!" iritableng sabi ko dahil nasira ang tulog ko.

"Sis, wala kaming pakialam kahit nagsasawa ka na. That's what friends are for, kulang nalang magkapalit na tayo ng mga mukha." taas kilay na sabi ni Glev.

"Bumangon ka na d'yan girl at mag-ayos ka na." sabi naman ni Juls sabay bukas ng closet ko. Ugh, ayan nanaman si Juls. Siya nanaman pipili ng susuotin ko. Badtrip talaga 'tong bruha na 'to.

"Ba't san ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Star City! Duh! Nakalimutan mo na ba?"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Juls. Oo nga pala, ngayon kami pupuntang Star City. Oo, sinadya talaga namin kung kelan wala si Nyx! Hahahaha. Tutal siya lang naman 'tong may jowa samin, edi lalabas kaming mga single.

Agad akong ginanahan bumangon at nagmadaling kumilos.

Nung paalis na kami, sinarado ko ng bongga 'yung bahay kasi walang tao. May pasok kasi si mommy at daddy sa trabaho. Si ate ko naman, may trabaho rin.

"Dadala pa kong kotse?" tanong ko.

"Ay? Teh 'wag kang feeler. Wala ka pang sariling car." pangrirealtalk sakin ni Glev kaya natawa kaming tatlo.

As usual, kapag may mga ganitong lakad kami na wala si Ron at Nyx, kotse ni Glev ang ginagamit namin.

Syempre si Glev ang magdadrive, katabi niya naman sa harap si Juls. At solo ko naman dito sa likod.

"Sounds on girls!" sigaw ni Juls sabay play ng music. Napangiti ako ng patugtugin niya ang 2002 by Anne-Marie.

Nagstart na magdrive si Glev, at syempre sabay-sabay naming kinanta 'yung favorite part namin.

"Dancing on the hood in the middle of the woods of an old Mustang, where we sang. Songs with all our childhood friends!!! And it went like this, yeah!!!
Oops I got ninety-nine problems singing bye, bye, bye!!! Hold up!!! if you wanna go and take a ride with me, Better hit me, baby, one more time! Paint a picture for you and me of the days when we were young. Singing at the top of both our lungs!"

So lumipas ang 4 hours na biyahe namin papuntang Star City. Yes. Ganon kami kalayo sa Manila. Galing pa kasi kaming Bataan.

Syempre naka-ilang stopover kami kanina kasi si Juls laging naiihi kapag bumabyahe. Kaya kelangan talaga naming nag sstop over ng madaming beses para makapag cr si Juls.

Pagdating namin sa Star City mga bandang 6pm, ito nanaman 'yung nakakalokong ngiti ni Juls at Glev.

"Boy hunt!" sigaw ni Juls. Hay, ito talagang si Juls. Panay boy hunt pero ayaw niya naman jumowa. Everytime na liligawan siya nung mga nagiging crush niya, ayaw na agad niya. Gusto ni Juls crush crush lang ganon. No boyfriend since birth talaga 'yung bruhang 'yan.

Si Glev naman, last year may girlfriend siya! Haha. Tapos narealize niyang hindi talaga siya straight, at bading talaga siya. So nakipagbreak siya don sa girlfriend niya.

Si Nyx, ayun. First boyfriend niya si Ron. Naniniwala akong most of people, di naman nakakatuluyan 'yung first love nila, pero para kay Nyx at Ron, sana magkatuluyan sila. Deserve naman nila ang isa't isa eh, halatang nandun talaga 'yung love between them.

Una naming sinakyan 'yung Viking, sa pinaka-dulo talaga kami sumakay para damang-dama. Tawang tawa talaga ako kay Glev kasi halos lumuwa 'yung lalamunan niya kakasigaw niya. Ako rin napapasabay tuloy sa sigaw ni Glev sa sobrang ramdam ko 'yung papalakas na hampas ng sinasakyan namin. Si Juls naman nakangiti lang ng malapad jusko, ni hindi siya tumitili o sumisigaw. Grabe, kakaiba talaga 'tong bruha na 'to.

Pagkatapos namin sa Viking, sunod naman naming sinakyan 'yung Star Flyer kasi mga batak kami. HAHAHA.

Sa totoo lang, nakatatlong beses kaming sumakay sa Star Flyer. Sobrang nabibitin kasi kami kaya paulit ulit kaming pumila don para lang makasakay ulit. Ganon kami kaadik sa rides.

Ng mapagod kami, nagpahinga lang kami doon sa may food court sa tapat ng Jungle Splash.

"Girl, bili lang ako ng sizzling sisig don." paalam ni Juls.

"Teh, sama ako. Tiana, dyan ka muna bantayan mo 'yang table natin." sabi naman ni Glev as if naman may pakialam ako, charot.

Habang iniinom ko 'yung bottled water ko, nagulat ako ng may batang lalaki na umupo sa harapan ko. (sa pwesto kanina ni Glev)

Wait. Sobrang cute niya! Parang nakita ko na siya dati, eh. Saan ko nga ba nakita 'tong batang 'to?

Halos maubo ako ng makita ko si Ricci Rivero na lumapit samin at inabutan niya ng shake 'yung bata. Grabe, si Ricci ba talaga 'to? Infairness gwapo talaga lalo na sa personal. Kung di niyo kilala si Ricci, siya lang naman 'yung sikat na basketball player and most tweeted athlete of the year. Former La Salle student siya pero ngayon UP na siya nag-aaral. Mag-research nalang kayo kung di niyo siya kilala, tutal sikat naman talaga siya.

Wait. Sabi na eh! Nakita ko na dati 'yung batang lalaki na 'to sa mga ig stories ni Ricci Rivero.

Muli akong napatingin kay Ricci at napatingin rin siya sakin. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng kapatid niya. Yes, kapatid niya 'yung batang lalaki na nakaupo ngayon sa harap ko.

"Miss, paupo lang kami ng kapatid ko ha. Wala na kasing vacant table eh." paalam niya sakin. As if may choice ako, eh nakaupo na sila. Charot haha.

I smiled at him. "Sure."

"And kung magpapa-picture ka sakin, mamaya nalang. Gusto ko muna kasi sana magpahinga, kanina pa kasi nagpapapicture sakin mga tao, eh. Ayos lang ba?" sabi niya sakin at agad na napakunot ang noo ko.

"Wala naman akong balak magpa-picture sa'yo, don't worry. Rest all you want." patay malisyang sabi ko. Totoo naman kasi.

"H-Ha?" nagtatakang tanong niya.

"Sikat ka, yes alam ko. Pero hindi mo ko fan, so I have no reason to ask you to take a picture with me." prangka kong sabi.

"Woah. Kuya, she's the one!" malapad na ngiting sabi ng kapatid niya. Nanlaki naman ang mata ko.

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

"Hater ka ba ni kuya?" tanong sakin nung kapatid niya.

"Hindi ah. Pero hindi rin ako fan."

"Kuya! She's really the one!" tuwang tuwa na sabi nung bata habang iniinom niya 'yung shake niya.

Nagulat ako ng biglang mapangiti si Ricci.

"Don't mind my little bro. First time ko lang kasi maka-encounter ng babaeng hindi ko naman hater, pero hindi ko rin naman fan. That's a great thing though. Makakapagpahinga ako ng maayos. Thanks to you." nakangiting sabi niya.

"No big deal." nakangiting sabi ko.

"Ano nga palang name mo?" tanong ko dun sa kapatid niyang sobrang cute.

"I'm Riley po. Ikaw po ba?"

"I'm Tiana."

"Nickname mo? Or 'yun na talaga name mo?" tanong sakin bigla ni Ricci. Akala ko ba gusto niya magpahinga? Bakit nakikisali siya sa usapan namin ni Riley. Haha!

"Nickname ko." sagot ko naman.

"Ah, ano ba name mo talaga?"

"Christiana."

"Ah. Ganda pala eh. Ang bait pakinggan. Haha!"

Napasimangot ako. Kaya ayokong sinasabi 'yung name kong Christiana eh. Palagi nalang ganyan 'yung comment. Tss.

"Kaya nga mas prefer ko Tiana itawag sakin ng lahat." I said.

Nakaramdam naman agad ako ng gutom. Tagal naman nila Juls, para makabili na ko ng pagkain ko.

"Ang ganda mo ate Tiana. Simple ka lang pero ang lakas ng dating." sabi ni Riley habang nakatitig sakin. Nailang naman ako kaya tinakpan ko ng shoulder bag ko 'yung mukha ko.

Napatingin ako kay Ricci dahil bigla siyang tumawa.

"Wag mo na takpan. Maganda ka naman talaga."

Nagulat ako sa sinabi ni Ricci. Totoo ba 'to? Pinupuri niya ako? And hello? Bakit siya magagandahan sakin eh sure ako madami siyang kilala na mas maganda sakin.

"Joke. Hahahahahahahahahaha!" pang aasar niya sakin.

Ugh. Muntik na ko maniwala sakanya! Psh.

"AY PAKSHET! RICCI IS THAT YOU?!!!! OMYGAD!!!! GLEV! PICTURE-AN MO KAMI!!!!"

Napa face palm nalang ako dahil kay Juls. Oo kadarating lang nila, at agad agad siyang tumayo sa tabi ni Ricci. Syempre supportive si Glev kaya go with the flow lang si bakla at pinicture-an niya 'yung dalawa.

"Thank you!" masayang sabi ni Juls.

"Uy ang cute mo sa personal Riley baby!!!" bati ni Juls kay Riley.

"I know. Pero ikaw, di ka cute." masungit na sabi ni Riley kay Juls kaya natawa kaming lahat.

"Hoy cute ako! Diba Ricci?" tanong ni Juls kay Ricci na para bang close sila. Jusko kahit kelan 'tong si Juls feeling close.

"Mas cute si Tiana." nakangiting sabi ni Ricci. Agad na napatingin sakin sila Glev at sabay silang ngumiti ng malapad ni Juls.

"Omg! Girl! Cute ka daw! Sabi ni Ricci!" proud na sabi ni Juls.

"Shet of all table, bakit dito ka pa sa table namin umupo? Omg omg kinikilig ako!" sabi ni Juls. Fan talaga kasi ni Ricci 'yan.

Agad akong tumayo dahil di ko na keri 'yung gutom ko.

"Bili lang ako." paalam ko sakanila.

"Samahan na kita. Bibilhan ko rin ng pagkain si Riley eh." sabi ni Ricci at agad siyang tumayo.

"Okay lang ba, pakibantayan muna kapatid ko?" tanong ni Ricci kay Juls at Glev.

"Ay sure!!!! Gusto mo iuwi pa namin si Riley eh!" sigaw ni Juls kaya natawa kami ni Glev.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko lahat ng mata sa paligid ay nakatingin sakin. And tama nga ako, tumingin ako sa paligid at halos lahat sila ay nakatingin sakin. Shit. Baka ma-issue ako.

"Don't mind them." mahinang sabi ni Ricci. I nodded.

Bumili kami ng pagkain don sa may nagtitinda ng pasta and pizza. I was about to pay my bills pero nagulat ako kasi si Ricci na 'yung nagbayad kaya inabot ko nalang kay Ricci 'yung bayad ko.

"Wag na. Okay na. Libre ko na."

"Ayoko ng libre. Tanggapin mo na." pag iinsist ko naman.

"Hindi na nga eh. Okay na nga, Tiana." pag-uulit niya.

Ugh. Hindi kasi ako sanay na nililibre ako. Nasanay akong ako lagi 'yung nagbabayad para sa sarili ko, and madalas ako lagi 'yung nanlilibre.

"Thank you." sabi ko nalang sakanya kasi mukhang hindi siya magpapatalo at gusto niya talagang siya 'yung magbayad.

"No big deal." he smiled.

Ang bait pala ni Ricci.

Akala ko, masungit siya and snob sa personal tulad ng ibang sikat na athlete. Pero, grabe. Ang bait niya. Ang gentleman pa.

Bumili rin kami ng drinks, and this time, nag-insist ako na ako naman 'yung magbabayad nung samin para kwits kami. Nung una pumapalag pa siya, pero nagpumilit ako kaya in the end, ako na yung nagbayad. Yehey. Haha. Di talaga kasi ako sanay na nililibre ako.

"Taga dito ka sa Manila?" tanong niya sakin.

"Hindi. Namasyal lang kami dito ng mga kaibigan ko. Pero taga Bataan talaga kami."

"Ah. Layo pala."

Pabalik na sana kami sa table namin pero biglang may humarang na grupo ng mga babae at hinila-hila si Ricci for a picture. Jusko. Pati ako nadamay-damay sa kaguluhan nila, natulak tulak ako dahil pinagkakaguluhan nila si Ricci. Mga bagong dating siguro 'tong mga babae na 'to.

Tumabi nalang ako sa gilid at pinagmasdan si Ricci.

Nag-ssmile nalang siya kahit alam kong pagod siya at gusto niyang magpahinga. Hirap pala maging sikat, mamamasyal ka na nga lang sa ganitong lugar para makapag enjoy and makapag relax, pero ayan, obligated ka pa mag entertain ng mga fans mo. Kasi pag di mo sila pinansin, iisipin nila masungit ka or what.

Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap, at ng mapatingin siya sakin, it's like he's asking for help kasi pagod na talaga siya.

I smiled. I should help him, diba?

"SHET SI JAMES REID!!!!" sigaw ko sabay turo dun sa malayo. Naagaw ko ang atensyon nila.

"Omg si James Reid!" sigaw nila at agad silang nagtakbuhan papunta don sa tinuro ko.

Tumawa ako at agad kong nilapitan si Ricci.

"Thank you." natatawang sabi niya.

Pagkabalik namin sa table, sobrang natawa talaga ako ng makita ko si Juls na nilalagyan ni Riley ng icing sa ilong. Si Juls nagrereklamo na pero di siya makapalag dahil sa sobrang ka-cutean ni Riley.

"Girl ang ganda mo dyan!" tumatawanv sabi ni Glev habang kinukuhaan ng video si Juls.

"HAHAHAHA! Look at you now, mas pumangit ka lalo!" tumatawang sabi ni Riley matapos niyang lagyan ng icing yung buong mukha ni Juls. Napasimangot si Juls.

"Langya. Pasalamat ka cute ka!" reklamo niya.

Palihim na tumatawa si Ricci pero inawat niya na 'yung kapatid niya.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya namin habang kumakain, nagring bigla 'yung phone ni Juls kaya sinagot niya agad ito. After niya sagutin ang phone niya, napasimangot siya.

"We need to go home, mga sis. Tumawag si papa, pinapauwi na ako."

Napatingin ako sa relo ko, 9pm na pala.

"Oo nga, uwi na tayo. Papagalitan ako ni mommy pag sobrang late nanaman ako umuwi. Late na rin kasi tayo umuwi kagabi eh." sabi ko naman.

Tumayo kami nila Juls at Glev.

"Alis na kami, Ricci, Riley." paalam ko sakanila.

"Ingat kayo, thank you pala." nakangiting sabi ni Ricci. Tumayo si Ricci at nagulat ako ng lumapit siya sakin.

"Anong username mo sa ig?" tanong niya habang nakatingin sa phone niya.

"Christianavianne." sagot ko.

"Okay. Ingat kayo." nakangiting sabi niya atsaka siya nakipag-shake hands sakin, pati kila Juls at Glev.

"Bye Riley, nice to meet you." nakangiting sabi ko at hinalikan ko sa pisngi si Riley. Mahilig kasi ako sa bata lalo na kapag cute.

"Bye ate Tiana, it's nice to meet someone like you, too."

"Uy Ricci! Wag mo kami kakalimutan ah! By the way I'm Juls! Tapos ito si Glev. Then si Tiana sure ako kilala mo na." sabi naman ni Juls.

Tumawa ng mahina si Ricci.

"Oo kilala ko na. And mas kikilalanin ko pa."

______
Author's note: Shet kayo kinikilig ako! HAHAHAHA. Sana mangyari in real life. Char. Haha. May chance kaya? Char ulit. Haha! Recommend niyo sa friends niyo 'tong story na 'to, tell them to read and support this story. Thank you!

Ricci Rivero as Ricci.

My social media accounts
Facebook: Tiana Vianne Isidoro
Twitter: @TianaVianne
Instagram: @christianavianne


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020