Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Tahimik akong kumakain habang pinapanood ako ni Viel. Gusto kong magreklamo kung bakit niya ako tinititigan, pero aaminin ko hinihiling ko na sana 'wag niya ng alisin ang tingin niya sakin.

Umiling iling ako sa isip ko.

Kasal na siya, Tiana.

Hindi kami nag-usap hanggang sa matapos akong kumain.

"Salamat sa pagkain. Uhm, kailangan ko na bumalik sa bahay baka hinahanap na ako ni Ricci."

"Sige. Hatid na kita."

"Hindi na. Malapit lang naman."

Bago ako makalabas ng pinto ay halos tumigil ang mundo ko ng bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko.

Ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

Unti-unti niya akong binitawan at nagmadali akong lumabas ng pinto.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak ako ng umiyak habang naglalakad pauwi.

I still love him.

'Yun ang malinaw na nararamdaman ko. And I feel guilty about getting back  with Ricci. Maybe I was too sad and hurt, kaya nagpadalos-dalos ako ng desisyon at nakipagbalikan ako sakanya.

Pagdating ko sa bahay ni Ricci, I saw him waiting for me. Nakaupo siya sa hagdan sa harap ng bahay niya.

Am I really a bad person? Lagi ko nalang tinutulak palayo 'yung mga taong nagmamahal sakin.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya dahilan ng pagkabigla niya.

"Ga..." sambit niya.

Walang tigil ang luha ko at paghikbi ko. Nahalata niya na 'ata na umiiyak ako.

"Ricci, I'm sorry."

Natahimik siya.

He hugged me tight.

"Para san?"

"I——I'm still in love with Viel."

Inalis niya ang yakap niya sakin at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

"Alam ko."

Hindi ako umimik. Hinintay ko siyang magsalita ulit pero tumayo na siya at tumalikod.

"Matutulog na ko, Tiana. Good night." mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

RICCI'S POV

Pag-akyat ko sa kwarto ko, ilang oras na ang lumipas pero hindi parin ako makatulog.

Alam ko namang hindi na ako mahal ni Tiana. Kaya nga nagulat ako nung binalikan niya ako.

Pero bakit ang sakit parin?

Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ako ng kwarto.

Sinama ko ang aso kong si Spirro para hindi ako mahirapan sa paglabas.

Pumunta ako sa bahay ni Viel at kumatok ako sa pinto.

It took minutes before he opened the door.

"Ricci? Anong oras na ah." naghihikab niyang sabi.

"Can we talk?" diretso kong tanong.

Ilang segundo bago siya nagsalita.

"Sige, teka may kukunin lang ako."

Maya-maya lang ay lumabas ulit siya at binigyan niya ako ng alak.

Naglakad-lakad kami at ng makarating kami sa mismong tabi ng dagat ay umupo kami sa buhangin.

"Nag-away ba kayo ni Tiana?" panimula niya.

"Hindi."

"Ah."

"Pero di rin kami okay." pagsasabi ko ng totoo.

I heard him sighed.

"Did she tell you why we broke up?"

"Hindi. Pero sinabi niya sakin na mahal ka parin niya."

Natahimik siya dahil sa sinabi ko.

"We've been together for four years. Di biro 'yung pinagsamahan namin. And aaminin ko, mahal ko parin siya."

Hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sakanya.

"When her parents died six years ago, para rin siyang binawian ng buhay. Pati career niya napabayaan niya. Nung iniwan siya ng ate niya, mas lalo siyang nasaktan. She was all alone. Gusto niyang puntahan ang mga pinsan niya para humingi ng tulong, pero hindi niya ginawa dahil nahihiya siya. Sinisisi niya kasi 'yung sarili niya sa pagkamatay ng parents niya."

Looks like he really knows everything about her.

"Ako 'yung nandon sa tabi niya nung panahong wala siyang kasama."

I smiled.

"Thanks for not leaving her side when she needed someone to rely on." sinserong sabi ko.

"Okay na, eh. Okay naman talaga kami. Mahal namin isa't isa. Masaya na kami, parehong may maayos na trabaho, magkasama sa iisang apartment, masaya 'yung relasyon namin."

Okay naman pala sila. Bakit sila naghiwalay?

"Then two years ago, someone came to our apartment. Si Alexa."

"Who's Alexa?"

"I met her at a party. Hindi ko pa girlfriend si Tiana non. Sa sobrang kalasingan, may nangyari samin ni Alexa. Pero isang beses lang 'yon. Hindi naman kasi talaga kami totally magkakilala. Then 2 years ago when she came to our apartment, she was claiming that I'm the father of her 5 year old child, si Althea."

Natigilan ako dahil sa narinig ko.

Naisip ko, anong naramdaman ni Tiana nung nalaman niya 'yon? Pano niya kinaya. Pano niya nalampasan.

"At first, hindi ko pinaniwalaan kasi baka nasisinungaling lang si Alexa. Kaya I decided to get a DNA test from Althea. And nung lumabas 'yung resulta, don gumuho 'yung mundo namin ni Tiana. I was really the father of Althea."

Hindi ako nagkomento. Wala ako sa lugar para husgahan si Viel sa nangyari.

"She wants me to be a good father kaya hiniwalayan niya ako."

"Mahal niyo pa naman 'yung isa't isa hanggang ngayon. Bakit hindi nalang kayo magbalikan?" I asked.

"I'm already married."

Hindi ako nagsalita. Di ko rin kasi alam ang sasabihin ko dun sa sinabi niya.

Kasal na pala siya, kaya pala kahit mahal nila 'yung isa't isa, hindi na sila pwedeng magkabalikan.

"I married someone I don't love. And that's what I regret the most."

"Bakit mo nga ba pinakasalan?"

"Kasi 'yun 'yung hiling sakin ni Tiana. She wants me to give Althea a whole family."

Base sa sagot niya, sang-ayon na akong mahal niya talaga si Tiana. Biruin niyo 'yon, ginawa niya 'yung hiling ng taong mahal niya kahit alam niyang di siya sasaya dun sa gagawin niya.

"Piece of advice, bro. Take a broken hearted girl. Fix her and she'll love you forever."‬ seryosong sabi niya.

‪"Nah. Take a woman who's already healed. Why? Because she's already whole and all you have to do is add color to her life. I swear she'll love you forever."‬ sagot ko.

Ininom ko ang alak na hawak ko atsaka ako humiga sa buhangin.

"Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba. Kaya ayokong ipilit 'yung sarili ko sakanya."

"Anong balak mo?"

I gave him a weak smile.

"I love her, but I should let her go."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020