Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

Author's note: Photos used in this chapter aren't mine. Credits to the owner.

TIANA'S POV

I don't know why he's here, and wala akong balak alamin kasi wala naman akong pakialam.

Pagdating namin sa New York, namangha talaga ako. Grabe, dati napapanood ko lang 'to sa series and movies eh. Ngayon nandito na talaga ako mismo.

Nagkanya-kanyang taxi kami papunta sa The Roxy Hotel kung san kami magchecheck in.

At napangiti ako dahil pagkalabas namin ng taxi, ang bumungad samin ay ang The Roxy Clock. Ang ganda niya, grabe. Instagrammable! Haha.

Nag check in kami sa The Roxy Hotel, and nagulat ako ng makita ko sila Ricci na nagchecheck in rin       

Nag check in kami sa The Roxy Hotel, and nagulat ako ng makita ko sila Ricci na nagchecheck in rin. Wtf.

"Sinusundan mo ata talaga kami?" inis na tanong ko.

He laughed.

"Kaibigan ng Coach namin 'yung may-ari ng Hotel na 'to kaya dito kami pinag-check in. Eh kayo? Ikaw ata talaga 'tong sumusunod sakin, binabaliktad mo lang."

"Excuse me? Bakit naman kita susundan?"

"Eh bakit nga nandito rin kayo?"

"Yung may ari ng Hotel na 'to, siya 'yung architect na magtatalk sa seminar namin. And siya rin mismo nagpapunta samin dito sa hotel niya kasi alumni siya ng University namin."

"Ah. So are you trying to say that this is our fate?"

"What the hell is wrong with you? Dream on, bastard!" I said and I rolled my eyes.

"Tiana, tanda mo pa kami?"

Napatingin naman ako don sa kumausap sakin. Naka braid ang buhok niya at aaminin ko, ang gwapo niya. Ang lakas rin ng dating niya dahil sa hairstyle niya.

"Hindi eh. Why?"

"Kasama kami ni Ricci nung gumagawa ka ng plates sa Beau Tea, and kasama rin kami nung hinatid ka ni Ricci sa bahay niyo ng madaling araw. And kasama rin kami ni Ricci sa mall nung nakasalubong namin kayo."

"Ah. So kayo 'yung mga gagong kaibigan ni Ricci na nakita ko sa bahay nila nung Christmas talking about your successful plan regarding the bet? Uh. Yuck. Mga trashy attitude. Bakit kailangan niyo ko idamay sa pustahan niyo? Di ba kayo love ng mama niyo?" malditang sabi ko at napatingin ako kay Juls ng bigla siyang yumakap sa braso ko.

"Tiana, stop na sis. Hehe. Pogi 'yung mga kausap mo ene ke be. Weg me nemen sereen 'yeng eppertenete ke ne megkejewe."

Inirapan ko si Juls dahil nag-iinarte nanaman siya.

Ng makapag check in na kami, pinapunta na kami doon sa kwarto namin. Bale three rooms ang gagamitin ng block section namin kasi madami kami and 15 persons lang ang maximum sa isang room.

Buti nalang hindi namin kapareho ng floor sila Ricci. Ang alam ko ay sa susunod na floor pa sila pataas dahil narinig ko kanina.

Pagpasok namin sa kwarto, agad kaming humiga nila Juls at nagpicture syempre!

Ganda ng room! I also appreciate its interior design. Simple but elegant.

"Sana kasama ko dito ngayon si Ronnie!" nakasimangot na sabi ni Nyx       

"Sana kasama ko dito ngayon si Ronnie!" nakasimangot na sabi ni Nyx.

"Ay teh. Buti nalang di natin siya kaklase." mataray na sabi ni Glev kaya nagtawanan kami.

Di kasi namin blockmate si Ronnie. Irreg student kasi si Ronnie kaya wala siyang block.

Ang katabi ko sa higaan ay syempre si Juls. Matic na kasi 'yon.

"Guys. I have a plan." panimula ko at agad kaminh nag-usap tungkol sa plano namin.

Umakyat kami sa 5th floor at palihim kaming sumisilip sa kwarto nila Ricci habang dala-dala ko 'tong camera ko. Kailangan may makita kaming kakaiba para maikalat ko ulit sa social media.

Ng makarinig kami ng tunog ng naglalakad palabas ng kwarto ay agad kaming nagtago nila Juls sa may dulo dahil may corner cubicle don.

Palihim kaming sumilip at nakita namin si Ricci na may kausap na babae sa labas ng kwarto nila.

Kinuhaan ko agad ito ng picture at halos mapapikit ako sa inis dahil nag flash ang camera ko.

Ugh!!!

Agad na napatingin sa direksyon namin si Ricci at napakunot ang noo niya ng makita niya akong may hawak na camera.

Pilit akong ngumiti at nagpanggap na wala akong alam.

Hinila ko sila Juls at sasakay na sana kami ng elevator pababa pero hinila ako ni Ricci. Itong mga kaibigan ko naman ay iniwan ako! Tsk! Tumakbo ba naman sila papasok ng elevator!

"H-Hi?" patay malisyang bati ko.

Tinignan niya ako ng masama atsaka niya marahas na kinuha sakin ang camera ko.

"This fvckin' camera ruins my reputation. You know that?" galit na sabi niya at nanlaki ang mata ko ng bigla niyang ibato sa pader ang camera ko dahilan kung bakit nabasag ito at bumagsak sa sahig. Tinapak tapakan niya ito kaya mas lalong nasira.

"Grow up, Tiana. Para kang bata." malamig na sabi niya atsaka siya bumalik sa kwarto nila.

Napaupo ako sa sahig dahil sobrang nanlambot ang tuhod ko.

Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganon. Nakakatakot pala.

Pero siya naman ang may kasalanan! Siya naman nagsimula ah! Gumaganti lang naman ako!

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa sobrang inis ko sakanya.

Nakakairita talaga!

Siya pa may ganang magalit pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin?

Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang inis. Alam niyo ba 'yung ganitong feeling? 'Yung sa sobrang inis mo maiiyak ka nalang.

Natigilan ako sa pag-iyak ng makita kong may nakatayo sa harapan ko.

Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino ang nakatayo sa harapan ko.

Isang gwapong lalaki na hindi ko kilala. I guess he's also a Filipino dahil halata naman.

He handed me his handkerchief at nagdalawang isip pa ako bago ko tanggapin 'yon pero in the end, tinanggap ko 'yung panyo na inaabot niya sakin.

Hindi siya nagsalita at sumakay na siya ng elevator kaya nawala na siya sa paningin ko.

Hindi man lang ako nakapag thank you sakanya.

______

Author's note: Hmm, sino kaya 'yung nagbigay sakanya ng panyo? Haha. You'll meet the new character soon! ABANGAN.

Tweet our official hashtag #8TAGGWD

Facebook: Tiana Vianne Isidoro

Twitter: @TianaVianne

Instagram: @christianavianne



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020