Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

note: Sa mga nagtatanong kung totoong nangyayari lahat ng nakalagay dito sa story, hindi po. Gawa-gawa ko lamang po. I used my name as the main character pero hindi ko po talambuhay ang mga nakasulat dito.

TIANA'S POV

Hindi ako kumukurap. Nakatitig lang talaga ako sakanya at pinagmamasdan ko ang mukha niya.

Tinusok ko pa 'yung ilong niya para malaman kung nananaginip lang ba ako o hindi.

"May ilong ka naman ah. Ba't ginagalaw mo 'yung akin." natatawang sabi niya.

"Ikaw ba talaga 'yan?" tanong ko.

"Yes. Kung hindi ako 'to, kanina ka pa nalaglag d'yan sa bato-bato."

"Seryoso ba? Hindi ako nananaginip?" shet feeling ko kasi panaginip nanaman.

Umiwas siya ng tingin at inayos niya ako ng tayo. Binitawan niya ako at dumistansta siya sakin. "What are you doing here? Mag-isa ka lang tapos pumupunta ka pa dito sa mataas na 'to. Kung nagkataon palang wala ako dito, walang sasalo sa'yo pag nahulog ka."

"Good thing you were here. So thank you." sincere na sabi ko.

Natakot talaga ako kanina akala ko katapusan ko na.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Hiding from people. Kanina pa kasi ako nag eentertain ng mga tao. Gusto ko lang muna magpahinga."

Naalala ko tuloy 'yung panaginip ko. Ganyan rin ang sinabi niya sakin. So hindi na talaga 'to panaginip? Totoo na ba talaga 'to? Ugh bahala na.

"Bago ako umakyat kanina dito, I saw you crying. Kaya di muna kita nilapitan. Eh nung pagtayo mo, muntik kana malaglag kaya nilapitan na agad kita."

Agad akong nahiya. Nakita niya pala akong umiiyak.

"Sige alis na ako, baka hinahanap na ko ng mga kaibigan ko." paalam ko sakanya.

"Seryoso? Stay ka muna dito kahit 10 mins lang. Ayaw mo ba 'non, 10 minutes with Ricci Rivero." natatawang sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Di mo kasi ako fan, duh." natatawang sagot ko.

Umupo ako dun sa pwesto ko kanina at umupo naman siya sa tabi ko, pero medyo malayo ang distansya namin.

Ang ganda ng view dito, kita mo 'yung buong dagat.

"Would you mind if I ask you why were you crying?"

Tipid akong ngumiti at yumuko.

"My ex is getting married."

"Ah. Mahal mo pa ex mo?" tanong niya sakin.

"Hindi ko alam. I'm confused. Akala ko okay na ko, akala ko nakapag-move on na ko. 4 years na kong nabuhay ng wala siya but I'm alright. Pero nung nabalitaan ko kagabi na ikakasal na siya, sobrang nalungkot ako."

"Bakit ilang taon ka na ba? And ilang taon na 'yung ex mo?" tanong niya sakin.

"20 na ko this year, tapos siya 22 na this year."

"Ah. Aga niya naman ikasal?" nagtatakang tanong niya which is true. Nagulat rin ako kasi ang aga pa.

"Bakit? Anong age mo ba gusto pag ikakasal ka?" tanong ko sakanya.

"Siguro pag 27 na ko pwede na. Basta successful na ko by that time and stable na ko independently, financially."

"Hindi ka pa successful sa lagay na 'yan? Sobrang sikat mo. Most tweeted athlete ka nga e. Tapos may movie ka na. Ang husay mong basketball player. Buong Pilipinas kilala ka."

Natawa siya atsaka niya kinuha 'yung maliit na bato at tinapon sa malayo.

"I don't consider that as success, yet. Ayokong sa isang bagay lang ako magaling. Ayokong kilala ako ng mundo dahil lang magaling ako magbasketball. I want something more. Gusto ko 'yung mapaproud sakin ng sobra 'yung family ko and 'yung future wife ko hindi lang dahil sa sikat ako as athlete."

As I heard what he said, napangiti ako. He has ambitions. Hindi lang siya naka-focus sa athlete life niya. I admire him for that.

"Ikaw? What age do you prefer when you get married?" tanong niya sakin.

"I don't know. Wala akong plano magpakasal. Boyfriend nga di ko iniisip, magpakasal pa kaya?" seryosong sabi ko.

"Bakit naman? Single ka ba ngayon?"

"Yes."

"Bakit ba kayo nagbreak ng ex mo?" tanong niya sakin.

"I cheated on him. May nangyari samin nung dati kong kaklase. And nalaman 'yun ng ex ko kaya nakipagbreak siya sakin."

Nagtaka ako ng bigla siyang ngumiti.

"You know what? Cheating is really a bad thing, pero I believe that a girl won't cheat as long as her boyfriend really treats her well."

Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi niya. For the very first time, may nakaintindi sa part ko.

"I don't know the whole story, pero seeing how hurt you are right now, alam kong minahal mo talaga siya and you only cheated on him because you want to escape from your toxic relationship."

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siyang magsalita, at nanatili lang akong nakikinig.

"Kaya nga sabi ko sa sarili ko, ayoko muna mag girlfriend. Kasi gusto ko pag nag girlfriend ako, dapat 'yung sigurado ako na kaya kong ibigay lahat. Dapat 'yung sigurado ako na kaya ko siyang pahalagahan above everything. Kasi I don't want to be cheated on. Kaya gusto ko pag nag girlfriend ako, 'yung ready na talaga ako to give her my all. Kasi ayokong gumawa ng dahilan para lokohin niya ako."

He stopped for a while and tinitigan niya ako.

"Di kita jinujudge ah. Pero the thing is, if you really love someone, cheating will never be your choice."

"So are you saying na di ko talaga siya minahal?" kunot noong tanong ko.

"Sabi ko kanina diba, seeing how hurt you are right now, halata namang minahal mo talaga siya. Pero by the time you cheated on him, dun na nawala 'yung love mo para sakanya. Nagawa mo 'yun kasi hindi mo na siya mahal tulad ng dati. Di ko alam reasons mo kung bakit ka nagcheat, pero 'yun nga, I'm sticking with the thought na kung iningatan ka sana niya, hindi mo naman magagawa 'yon sakanya, ang lokohin siya."

Natawa ako ng mahina atsaka ko binato sakanya 'yung maliit na bato.

"Thank you, for not blaming me." nakangiting sabi ko. It's the very first time na may nakaintindi sakin at hindi ako sinisi.

Kahit kasi mga friends ko, para sakanila ako talaga 'yung mali dahil nagcheat ako.

"Wag mo na kasi siyang iyakan. Sabi mo nga diba, four years kang nabuhay ng wala siya. Ibig sabihin kaya mo na. Kaya mo ng mag-isa." dagdag pa niya.

"Nagka girlfriend kana ba?" tanong ko.

"Hmm, di ko alam kung girlfriend na ba tawag don or MU lang. Dati, may mga iniyakan na akong babae pero everytime na maiisip ko 'yun ngayon, tinatawanan ko nalang sarili ko kasi that was just a puppy love. Di pa ko nakakaexperience ng real love talaga. 'Yun bang may commitment."

I smiled at him. Tumayo ako at lumapit ako sakanya kaya nagtaka siya.

"I'm Tiana." nakangiting sabi ko atsaka ko nilahad ang kamay ko para makipag shake hands sakanya.

He smiled.

"Ricci." sagot niya atsaka niya tinanggap ang kamay ko.

Tumayo na rin siya pagkatapos namin magshake hands and muli niyang tinignan ang dagat.

"Sinong kasama mong pumunta dito?" tanong ko.

"My family. Ikaw ba?"

"Mga friends ko." nakangiting sabi ko.

"By the way, kakapalan ko na mukha ko." natatawang sabi ko kaya napatingin siya sakin.

"Fan mo kasi 'yung kaibigan ko. Kanina gusto niya magpapicture sa'yo kaso di kami makasingit sa dami ng nakapaligid sa'yo. So we gave up."

"Mmm, so anong gusto mong gawin ko?" natatawang tanong niya.

"Puntahan natin siya, and let her take a picture with you. Okay lang ba?" tanong ko.

"Alright." nakangiting sabi niya kaya natuwa talaga ako. Omg, Juls! Malalapitan mo na idol mo. Hahahahaha!

Naunang bumaba si Ricci and nakakatuwa talaga dahil inalalayan niya pa ako nung pababa na kami kasi baka ma-out of balance nanaman ako.

And uhhhh, ngayon ko lang napansin. Ang ganda talaga ng katawan niya lalo na sa personal. 'Yung abs niya grabe, di na ko nagtataka bakit ang daming nahuhumaling sakanya.

Habang naglalakad kami papunta sa tent namin ng mga kaibigan ko, natawa si Ricci kaya napatingin ako sakanya.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Wala. Tignan mo kase 'yung mga tao sa paligid, haha. They're looking at you, instead of looking at me. So yeah, thanks to you, di muna nila ko nilalapitan para pagkaguluhan. Haha."

Nanlaki naman ang mata ko at tinignan ko ang paligid. JUSKO. NAKATINGIN NGA SILANG LAHAT SAKIN. What the hell.

Pagdating namin sa pwesto ng mga tent namin, jusko kinilig lahat ng kasama ko lalo na sila Juls at Glev. Tuwang tuwa sila dahil nandito si Ricci. Nung una nagtataka sila kung bakit kami magkasama, pero sinenyasan ko sila na mamaya na ako magkekwento sakanila at sulitin muna nilang magpapicture kay Ricci.

"Thank you Ricci!!!!! Shet!!!" sabi nila Juls. Ricci just smiled at them atsaka siya tumingin sakin.

"Puntahan ko lang family ko, baka hinahanap na ko eh." paalam niya sakin.

"Uy oo sige. Thank you! And sorry sa abala."

"No big deal. See you around." nakangiting sabi niya atsaka siya umalis.

"GIIIIIRL. OMG BAKIT PANO ANO. GRABE KA BAKIT MO KASAMA KANINA SI RICCI?!!" di makapaniwalang tanong ni Juls habang umiinom kami ng fresh buko juice.

Nagpapak ako ng inihaw na liempo, busy ang iba sa pagluluto. Kami nila Nyx mamaya pa kami naka assign sa pagluluto, hapunan kami naka assign eh.

Kinwento ko naman sa mga kaibigan ko kung anong nangyari kanina at ang mga loka-loka kong kaibigan kinikilig ng sobra.

Jusko bakit sila kinikilig. Ako nga hindi ako kinikilig.

"May notebook ba kayo dyan?" tanong ni Juls.
"Friend ako meron." sabi ni Glev sabay pasok sa tent at paglabas niya ay may dala siyang maliit na notebook at ballpen.

"Aanhin mo naman 'yan?" tanong ko.

"Girl, anong ugali nung ex mo?" tanong ni Juls sakin. Nagtataka ako kung bakit niya tinatanong pero sinagot ko nalang.

"Mapride, sobrang mapride. Ayaw niyang pinagsasabihan siya when it comes to his future. Sobrang chill and sobrang relaxed niya, para bang walang pangarap sa buhay. Never siya nag effort para sakin. Never siya nag-adjust. Madalas siya nagsisinungaling sakin about sa mga nakakausap niya and mga nakakasama niya. Mahilig siya mag entertain ng mga may gusto sakanya. Hmm, seloso siya. Sobrang seloso niya. Lahat nalang ng kaibigan kong lalaki pinagseselosan niya. Wala siyang tiwala sakin, feeling niya lagi ko siyang niloloko. Ayaw niyang nag-iinom ako kahit pa may occasion. Ayaw niyang lumalabas ako kasama yung mga lalaki kong kaibigan. Ako lang lagi gumagawa ng way para magkita lami and ako nalang lagi gumagawa ng way para magkaayos kami lagi. Ayaw niya mag try ng adventures kasama ako, gusto niya hobbies niya lang lagi ginagawa namin. Never niya ko pinagbigyan sa gusto kong iexplore namin. Tapos puro nalang lust. Umikot sa lust 'yung relationship namin." mahabang sagot ko. Nagtataka naman ako kasi habang nagsasalita ako kanina, may sinusulat si Juls sa papel. Jusko.

"Oh Tiana, basahin mo. This is the list of the 8 things a great would do. Check mo 'yung bullet kapag ginawa ni Ricci 'yan para sa'yo."

Kinuha ko naman ang inabot sakin ni Juls na maliit na notebook at binasa ko ang mga nakalagay.

>>8 Things A Great Guy Would Do<<

• He would choose to lose the argument than lose you.

• He will consider your opinions because your thoughts are important to him.

• He will work hard for his future to make sure he can give you the life you deserve.

• He will do his best just to make you happy and will go out of his way just to be with you.

• He is willing to experience new adventures with you.

• He will love your family as much as he loves you.

• He will be consistent.

• He will respect you and he will never take advantage of you. He will always choose love over lust.

I smiled ng mabasa ko 'yung nilista ni Juls. Pero agad na napakunot ang noo ko. "At bakit ko naman ieexpect na gagawin ni Ricci sakin 'yang 8 things na 'yan? Eh kanina lang naman kami nagkakilala. Baka nga bukas di na niya ako kilala eh."

"Girl ang nega mo! Malay naman natin, destined talaga kayo ni Ricci! Tignan mo, 'yung imposibleng mangyari eh nangyari! Jusko nakausap mo lang naman si Ricci at naka heart to heart talk mo pa! Girl si Ricci Rivero 'yun! Wake up!" paghyhysterical ni Glev.

"Oo nga Tiana, nagulat nga kami kasama mo siya kanina." kinikilig na sabi ni Nyx.

Napa face palm nalang ako.

Ganon ba talaga ako kaswerte?

Nagswimming ulit kami ng mga kaibigan ko and itong si Juls eh nilalandi si Ram. Haha! Si Ram 'yung partner ko lagi sa sayaw. Gwapo naman kasi talaga.

Typical night outing with barkada. Lumipas ang buong gabi ng sobrang saya. Sobrang thankful ko talaga na part ako ng Fearless Falcons. And syempre pinaka thankful ako dahil nakilala ko ang best friends kong sila Juls, Nyx at Glev.

Kinabukasan, bago kami umalis ng Laki Beach, umasa akong makikita ko ulit si Ricci, pero hindi ko na siya nakita ulit. Malawak kasi masyado 'yung beach resort kaya 'yun di ko na siya nakita ulit.

Lumipas ang dalawang linggo, natapos na ang sem break namin. Back to reality nanaman.

Sa totoo lang, sobrang stressed ko na dito sa course na kinuha ko which is Architecture. Di ko nga sigurado kung masusurvive ko pa ba.

After ng klase, pumunta kami ng mga kaibigan ko sa BeauTea dahil doon kami gagawa ng scaled model namin. Syempre si Glev umorder ng isang buong cake at madaming kape para samin dahil nakakahiya sa mga staff and crew ng BeauTea pag konti lang inorder namin dahil sobrang tagal namin dito.

5 hours had passed, di parin kami tapos sa scaled model namin. Well di naman kelangan tapusin ngayon pero kasi sa Friday na 'to ipapasa. Eh madami pa kaming gagawin sa ibang subjects. Ugh.

"Girl, di ko na talaga kaya 'yung antok ko. Mauna na ko umuwi okay lang ba? Bawi ako bukas promise kahit ako na gumawa lahat bukas!" sabi ni Glev na halatang pagod na rin talaga.

"Ako rin sabay na ko sa'yo Glev, tayong dalawa nalang tumapos bukas." wala sa mood na sabi ni Juls halatang antok na rin siya.

"Ako rin uwi na ako. Bawi rin ako bukas. Ikaw Tiana? May bukas pa naman, bukas nalang natin gawin." sabi naman ni Nyx pero umiling ako.

"Sige na gagawin ko na ngayon 'to, pag di ko natapos kayo nalang tumapos bukas. Madami kasi akong tambak na plates na gagawin bukas eh." sabi ko sakanila.

"Okay sige mag ingat ka pauwi ha!" bilin nila sakin.

Tumingin ako sa relo ko, 1:30 na pala ng madaling araw. Buti nalang 24 hours 'tong BeauTea.

I tried my best para pigilan ang antok ko, sa totoo lang medyo nakakatulog na nga ako habang nagdidikit ng mga maliliit na furnitures para sa scaled model namin.

Napatingin ako sa pinto dahil may pumasok na grupo ng mga lalaki. Matatangkad sila at bukod don e di ko na maaninag kung sino sila kasi nanlalabo na ang mata ko dahil sa sobrang pagod at antok.

"Tiana?"

I heard a familiar voice, and bago pa ako makapagreact, nasa harapan ko na si Ricci.

"U-Uy. Bakit ka nandito? Nasa Manila ka dapat ah?" tanong ko.

"Nag road trip lang kami ng mga kaibigan ko, and dito kami napadpad sa Bataan. Taga dito ka pala?" tanong niya atsaka siya umupo sa harapan ko.

"Yes." sagot ko habang humihikab. "Grabe namang road trip 'yan, umabot pa talaga kayo dito sa Bataan? Tapos ganitong oras pa." inaantok na sabi ko. Bahagya siyang natawa at umiling iling.

"Lalaki naman kami, so kaya naman namin. Eh ikaw, mag-isa ka lang dito. Anong oras na. Sana inuwi mo nalang 'yan tapos sa bahay mo nalang tinapos."

Tinignan niya 'yung scaled model na ginagawa ko and and to be honest, ang gwapo niya habang tinitignan niya 'yung gawa ko.

Halatang namamangha siya sa nakikita niya.

"For sure architecture ang course mo." nakangiting sabi niya.

"Yes." sabi ko at medyo pumipikit pikit na ko. Shet antok na antok na ko!

"Ricci bro anong order mo?" tanong nung isang lalaki na kasama nila. Nandun sila sa counter.

"Saglit lang, order lang ako." paalam niya sakin. I nodded.

Maya-maya lang ay bumalik rin siya agad sa table ko at di ko inaasahan na bibilhan niya ako ng iced coffee.

"Inumin mo muna para medyo mawala antok mo. Hatid ka na namin sa bahay niyo." he said, hindi na ako pumalag at ininom ko na ang iced coffee na binigay niya sakin. "Thank you." sabi ko naman.

"Mga kaibigan mo?" tanong ko sakanya.

"Yes. By the way, tulungan na kitang magligpit ng gamit mo, para mailagay ko sa compartment ng sasakyan." sabi niya. Pero kahit ininom ko ang iced coffee na binigay niya, wala parin ako sa sarili dahil antok na antok na ko. He smiled.

"Ako na lang pala." sabi niya atsaka niya inayos ang mga gamit ko. Nilabas niya ang mga gamit ko at sa tingin ko ay nilagay na niya sa sasakyan nila. Pagkabalik niya, nagulat ako ng pitikin niya ang ilong ko.

"You shouldn't be staying outside ng ganitong oras. Delikado para sa tulad mo. Maganda ka pa naman." he said. Nanlaki ang mata ko at halos mawala ang antok ko dahil sa sinabi niya.

"Ha?" di makapaniwalang sabi ko. Maganda daw ako? Sabi niya?

"Wala. Haha. Tara na, hatid ka na namin pauwi. Tatlong lalaki lang naman mga kasama ko."

Sumunod ako sakanila sa labas and I was about to sit at the back pero tinawag niya ako.

"Dito ka na sa harap." he said and pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

Uhhhh. Bakit ang gentleman niya?

"Thank you." sabi ko pagkasakay ko sa harapan.

Umikot siya sa kabila and sumakay siya sa tabi ko. Ah, siya pala magdadrive.

"San ba bahay niyo?" tanong niya sakin and I managed to teach him the route kahit sobrang antok na ko. Good thing is maingay 'yung mga kaibigan niya sa likod kaya kahit papano napipigilan ko makatulog.

Ng makarating kami sa harap ng bahay namin, pinagbuksan niya nanaman ako ng pinto para makalabas ako, and he even helped me bring my things hanggang sa sala ng bahay namin.

"Thank you, Ricci." Sobrang thankful ko na tinulungan niya ako.

He smiled at me.

Hindi na siya nagsalita at naglakad na palabas ng bahay pero tinawag ko siya ulit kaya lumingon siya sakin.

"Sana makita ulit kita." sincere na sabi ko. He stared at me for a while.

"Good night, Tiana."

And then he left.

Makikita ko pa kaya ulit siya?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
31 December 2019