Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Nag-buhat ng ibang mga gamit ang mga pinsan ko pati si Ricci. Binuhat nila papunta sa may cottage 'yung mga foods na lulutuuin at ihahawin para don kami mismo malapit sa beach.

Excited ako kasi kami ni ate Madz ang mag-iihaw nung Liempo.

Habang nag-iigaw kami ng liempo, hotdog at ng mga isda, Natawa ako bigla kase pinagtitripan ng mga pinsan ko si Ricci. Mukhang sinisimulan na nila. Haha! Parang 'yung ginawa nila dati kay kuya Franco nung bago palang siya samin.

"Gago talaga mga pinsan natin haha! Dapat pati girlfriend nila pinagtitripan natin para kwits eh!" sabi ni ate kaya natawa rin ako.

"Mamaya mag babasketball tayo ah! Kung sino matalo na team, di kakain ng  lunch HAHAHAHAHAHA!" sabi ni Phoenix kaya nagtawanan sila Michael.

"Sira ulo ka. Mag-isip ka naman ng ibang parusa." reklamo ni kuya Franco kaya natawa kami nila ate. Close na talaga si kuya Franco sa mga pinsan namin.

"Ganto nalang, kung sino matalo mamaya, ibabaon natin sa buhangin." nakangising sabi ni kuya JC at sumang-ayon naman sila.

"Di mo ata sinama sila Juls?" tanong sakin ni kuya Paulo.

"Hoy tantanan mo si Juls. Layo layo ng age gap niyo."

"Haha! Nagtanong lang naman ako!"

Crush kasi ni kuya Paulo si Juls. Kaya siguro single parin si kuya Paulo ngayon tapos single rin si Juls haha! Eh kaso layo kasi ng age gap nila halos 7 years ata.

Habang busy kaming mga girls sa pagpeprepare and pagluluto ng lunch, busy naman ang boys sa mga kalokohan at kwentuhan.

RICCI'S POV

I didn't expect na ganito kabait mga pinsan ni Tiana. I was expecting a terror treatment just like what kuya Franco said kanina nung nasa biyahe kami, pero that's not the situation right now.

Ang ineexpect ko rin ay tatanungin nila ako about sakin, pero napangiti ako dahil sila 'tong kwento ng kwento about sa mga buhay nila and about kay Tiana.

Kaya ako rin tuloy nahawa sa kwentuhan nila at kusa akong napapakwento about my life. Madali nalang sakin ang makisama sakanila kasi may anim naman akong kapatid and all boys kami kaya sanay na ako.

Nagulat nga sila Phoenix nung ikwento kong 7 kami lahat ng mga kapatid ko.

"Dude, may joke ako." panimula ni Phoenix.

"Manahimik ka nalang Phoenix. Walang natutuwa sa mga banat mo." kunot noong sabi ni kuya Paulo.

"Sure ako tatawa kayo dito. Game game game." sabi ulit ni Phoenix at umubo ubo pa siya na para bang nagpeprepare ng sasabihin.

"Anong tawag sa——-"

"KAIN NA GUYS." putol ni Tiana sa sasabihin ni Phoenix kaya kumunot ang noo ni Phoenix at nagtawanan kaming lahat.

Hahahaha! Di natuloy 'yung sasabihin niya eh mukhang readyng ready pa naman siya.

Kanya-kanyang pwesto naman kaming lahat sa mahabang lamesa. Tinabihan ko si Tiana.

She was preparing to slice the watermelon pero nag initiate ako na ako nalang maghihiwa, baka kasi mahirapan siya eh malaki pa naman 'yung pakwan.

Habang naghihiwa ako, I saw her looking at me while smiling.

"Why are you staring at me like that, Ga? Pogi ko ba?" natatawang sabi ko.

She laughed.

"Pag-isipan ko mabuti." pang-aasar niya sakin kaya natawa nalang rin ako.

"Deny pa eh. Sinagot mo na nga ako."

"Oh, bakit? Pumayag ako maging girlfriend mo hindi dahil pogi ka."

"Bakit ka pala pumayag?"

"I see potential in you."

"Potential saan?"

"Naniniwala akong kaya mong gawin 'yung 8 things." nakangiting sabi niya. Nagtaka naman ako bigla.

8 things? 8 things of what?

I'm about to ask her pero inunahan niya na ko magsalita.

"Nevermind, Ga. Kain na tayo." she said pagkatapos ko maghiwa ng pakwan.

Habang kumakain, masayang nagkekwentuhan ang lahat. Pati nga lolo at lola niya ay panay kwento sakin tungkol sa buong angkan nila.

"Ayaw ko nyan! I want salad!" nakasimangot na sabi ni Era, 'yung anak ni Kuya JC. Tinulak pa ni Era 'yung pagkain kaya medyo tumapon pa sa mesa.

"Era, ano ba. Nagmamaldita ka nanaman." nakakunot noong sabi ng daddy niya.

"Baby, kelangan mo kumain. Wala namang salad eh, di ako nakapagprep—"

"Eh mommy! Gusto ko salad!" sigaq ulit ni Era atsaka siya tumakbo paalis.

"Era!" sigaw ni kuya JC at akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya.

"Ako nalang kakausap sakanya kuya. I'm good at handling kids." nakangiting sabi ko.

"O-Okay sige. Salamat."

"Ga, samahan na kita." Tiana insisted. I nodded.

Sinundan namin si Era na bumalik sa hotel. Pagpasok namin sa kwarto, she was crying.

Nilapitan ko siya and I sat beside her.

"Why are you crying, Era?" I asked calmly.

"Mommy and daddy promised me na magdadala sila ng salad. P-Pero hindi sila nagdala. They always break their promise. L-lagi silang busy sa trabaho. Am I asking too much? I just want them to keep their promise. Nasasanay silang hindi tumutupad sa pangako."

Nagulat ako. Para bang matanda na ang kausap ko. Aware na siya about promises and napangiti ako dahil don. I agree with her statement.

"I have a little brother, and halos kaedad mo rin siya. Hmm, hindi pala. Medyo mas matanda siya sa'yo ng konti."

She kept silent. Nanatili lang siyang nakikinig sakin.

"I promised him something I didn't keep."

"What did you promise him?"

"Sabi ko sakanya pupunta ko sa birthday niya, pero lagi akong hindi nakakapunta sa birthday niya kahit gustong gusto ko pumunta."

"Bakit hindi ka nakakapunta?"

"I had reasons. Lagi akong may importanteng schedule kapag birthday niya. Biglaan lagi 'yung sched ko."

"That's why hindi mo natutupad promise mo sakanya?"

"Yes. But one thing is for sure. I always wanted to keep my promise. But sometimes, no matter how hard you try to keep that promise, you just can't."

She stared at me, iniisip niyang mabuti ang sinabi ko.

"Are you telling me that mom and dad also wanted to keep their promise but they can't?"

"What I'm trying to tell you is, give them chance. Kahit ilang chance pa 'yan, 'wag mo ipagkait sakanila. Mahal mo sila eh. Choice nila 'yun kung babawi sila sa'yo, o paulit ulit ka lang nilang ididisappoint."

Pinunasan niya ang luha niya at tinignan niya si Tiana.

"Ate Tiana, you're too blessed to have him as your boyfriend. His thoughts and feelings are pure." nakangiting sabi ni Era at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Thanks kuya. Now I understand that promises aren't really meant to be broken as long as you don't stop believing in them that someday, they will keep that promise."

Pagkabalik namin sa cottage, nagulat sila kasi good mood si Era at sinimulan niyang kainin lahat ng nasa plato niya.

Pagkatapos namin kumain lahat, kanya-kanyang agenda na. 'Yung iba nagswimming na. Bumalik kami sa hotel kasi magpapalit ng damit si Tiana. Nakalimutan niya magpalit kanina.

Kinuha niya sa bag niya 'yung susuotin niya and she sighed. Umupo siya sa kama at tinitigan niya 'yung two piece na hawak niya.

"Di ka pa magbibihis, Ga?"

"Is it okay kung mag susuot ako ng two piece? Hindi ka magagalit?" tanong niya sakin. Nagulat ako sa tanong niya.

"Bakit naman ako magagalit? Wear anything you want. Kung babastusin ka nila, sakanila ako magagalit, hindi sa'yo. Sila ang may diperensya, hindi 'yung suot mo."

"T-Talaga, Ga? Thank you! Magbibihis lang ako." excited na sabi niya atsaka siya pumasok sa cr.

Napaisip tuloy ako. Does her ex used to tell her not to wear something sexy or revealing? Ang immature naman masyado. He shouldn't make her feel less confident when it comes to showing herself off.

Umiling-iling nalang ako.

Di na ko nagpalit ng shorts and tinanggal ko nalang 'yung pang-taas ko.

Paglabas ni Tiana, napatitig talaga ako sakanya. Di siya payat, di rin siya mataba, pero maganda ang pangangatawan niya. Tapos mas lalo siyang gumanda dahil tinali niya 'yung buhok niya.

"Puti mo pala talaga." Wala sa sariling sabi ko.

Pagpunta namin sa mismong beach, natatawa ako kasi panay selfie siya. Hirap na hirap pa siya kumuha ng anggulo niya.

Nilabas ko ang phone ko sa bulsa ko at pinicture-an ko siya ng palihim. Tinignan ko 'yung kuha ko sakanya, haha! Ganda niya lalo pag stolen.

"Ga, picture-an kita." I told her. Lumapad ang ngiti niya at agad na nag-pose.

Umupo pa siya sa buhangin and medyo tinagilid niya 'yung mukha niya.

Did I already tell you na may talent sa modeling 'tong girlfriend ko? Haha. I stalked her on her social media accounts and mahilig siya sa photoshoot.

"Patingin!" excited na sabi niya atsaka niya tinignan 'yung mga pictures niya sa phone ko.

"Ang galing naman ng photographer ko!" tuwang tuwa na sabi niya nung nakita niya pictures niya. When she was about to see her stolen photos, kinuha ko agad 'yung phone ko. Ayoko munang makita niya na may stolen shot siya sa phone ko. Haha! Secret ko muna 'yon.

Gusto ko may picture rin kaming dalawa. First vacation namin 'to together eh. Di ako papayag na wala kaming picture.

"Picture tayo." sabi ko at bigla siyang napatitig sakin na para bang nagulat siya sa sinabi ko.

"Ayaw mo?" tanong ko.

"H-Ha? Gusto ko! Naninibago lang ako. Kasi dati, I used to beg my ex para lang magpapicture. Ayaw niya kasing nagpipicture kami masyado."

Natawa ako. Gago pala talaga 'yung ex niya, wala ngang kwenta.

"He was purely stupid for not wanting to take a picture with you." I said then I called out a stranger para mag request na picture-an kami ni Tiana. Buti nalang mabait 'yung tinawag ko.

Pumwesto kami ni Tiana kung saan maganda 'yung view. I held her hand and we looked at each other, na para bang natural nalang 'yon. We smiled out of the blue and nagulat kami nung sabihin nung lalaki na tapos niya na kaming picture-an.

Binalik niya sakin 'yung phone ko and napangiti ako ng makita ko 'yung picture namin ni Tiana. It was captured in a perfect way.

I chuckled. Tangkad ko pala talaga. Hanggang balikat ko lang siya eh.

"Patingin ulit, Ga!" sabi niya pero iniwas ko 'yung phone ko.

"Mamaya na, Ga. Picture pa tayo ng madami." I requested. Gusto ko madami kaming picture eh, bakit ba.

Nag-selfie kami don sa phone niya.

"Oy boomerang mo nga ko, tatakbo ako ng mabagal. HAHAHAHA!" request niya sakin. Syempre sinakyan ko agad 'yung trip niya.

Naka-ilang take pa kami kasi epic fail 'yung mga nauna. Hahaha!

So ganto pala talaga siya kahilig sa picture.

"Ga, picture-an rin kita. Ang gwapo mo eh." she said then she pouted. Ah! Cute niya! Grabe.

"Sino ba namang may ayaw picture-an ako? Ricci Rivero ata 'to." pagyayabang ko kaya humalkhak siya.

"Ayoko na pala!" Bawi niya atsaka siya dumila.

"Ah ganon." reklamo ko kaya mas lalo siyang tumawa.

TIANA'S POV

Habang nagsiswimming kami ni Ricci, dumating naman ang mga pinsan ko at nagkatuwaan maglaro sa tubig.

Sumakay kami sa Banana Boat and tawang-tawa kami kase biglang nalaglag si ate Madz saka si Julia.

Ng mapagod kami sa mga ginawa namin, inaya ko na si Ricci na bumalik sa hotel para magbanlaw. Malapit na rin kasi dumilim.

Pagbalik namin sa kwarto, sabay kami nagbanlaw ni Ricci pero syempre magkahiwalay kami ng banyo. HAHA 'Wag kayong ano d'yan.

Pagtapos ko magbanlaw at magbihis, nagsuklay na ako at lumabas sa sala. Nandon kasi sila mommy at daddy pati ang mga uncle at tita ko, nagkekwentuhan.

"Di kayo nagswimming mommy?" tanong ko.

"Nagswimming kami kanina pero saglit lang. Hapdi sa balat eh." reklamo ni mommy kaya natawa ako.

"Si Ricci nasan?" tanong ni daddy.

"Nagbibihis lang po sa cr." sagot ko.

Nakisali na ako sa kwentuhan nila mommy and maya-maya lang ay dumating na rin si Ricci.

Sunod na dumating ay ang mga pinsan ko. Nagbukas ng mga wine sila Uncle ko and we started drinking.

Ng makaramdam na ako ng antok, nagpaalam na ako kay Ricci na mauuna na ko sa kwarto para magpahinga. He nodded and sinabi niyang susunod nalang daw siya sakin maya-maya. Gusto niya daw muna kasi makipagkwentuhan sa family and relatives ko. I smiled and I let him.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Era na mahimbing ng natutulog don sa kama nila.

Pati 'yung girlfriend ni Phoenix tulog na rin.

Humiga na ako sa kama and kinuha ko phone ko.

Nag online ako sa ig and halos mapunit ang mukha ko dahil sa sobrang ngiti ko ng makita ko ang mga ig stories ni Ricci.

Puro ako 'yung laman ng ig stories niya. And napangiti ako kasi may stolen pictures pa pala ako sa phone niya. He even posted on his story 'yung family picture namin kaninang lunch.

Matapos ko magtingin ng ig stories niya, nagscroll na ako sa feed ko and mas lalo talaga akong napangiti ng makita ko 'yung post niya.

It's our picture together, holding hands while looking at each other. Kinilig pa ko sa caption niya kasi minention niya ako and naka-tag rin ako.

- First picture together. To more vacations with you, Ga.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020