Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Busy kami mag-swimming nila Juls, Glev and Nyx sa beach. Sobrang happy ko kasi nakasama ko na ulit sila. Though unexpected ang pagdating nila dito, thankful parin ako.

Nagtayo lang kami ng tent dito malapit mismo sa dagat dahil balak talaga nila Juls na dito matulog kaya nagdala sila ng tent. Kailangan rin daw kasi nila bumalik bukas ng manila dahil sa trabaho.

Pagkatapos namin magswimming ay nagbanlaw na kami at humiga sa loob ng tent at nagsimulang magkwentuhan.

"So nandito rin si Viel?" pagrereact naman ni Nyx sa kwento ko and I nodded.

"Jusko sis. Anong meron bakit lahat ng ex mo nandito." stressed na sabi ni Glev.

"GLEV AKIN NA 'YAN NILALAMIG AKO EH! BAKIT KASI DI KA NAGDALA NG KUMOT MO?!" inis na sigaw ni Juls.

"TEH MINADALI MO KO KANINA SA BAHAY. ISANG UNDERWEAR NGA LANG NADALA KO KAKAMADALI MO. TAPOS TATANUNGIN MO KO BAKIT DI AKO NAGDALA NG KUMOT? NOW TELL ME, SINONG MAY KASALANAN?!!!!!" sigaw rin ni Glev kaya napailing nalang kami ni Nyx habang tumatawa.

"Grabe totoo pala talaga 'yung balita na nabulag si Ricci 'no? Akala ko chismis lang." sabi ni Nyx.

"Akala ko rin eh. Pero nung nakita natin siya kanina, teh confirmed. Bulag nga ang lolo niyo." dagdag ni Glev.

Sobrang lakas ng hangin dito, and sobrang sarap lang ng tambay namin kasi magkakasama na ulit kami.

"Eh ikaw Juls bakit parang di ka naman nagulat kanina nung nalaman mong bulag si Ricci? Nagulat ka lang na nakita mo siyang bumaba ng hagdan pero nung nalaman nating bulag siya wala ka man lang reaction." nagtatakang tanong ko.

"Sis, matagal ko ng alam na bulag si Ricci"

"HA? BAKIT DI MO SINASABI SAMIN? GAGA KA!!!" reklamo ni Glev.

"Aba eh tuwing babanggitin ko dati si Ricci nagagalit kayo sakin kaya di ko na binanggit kahit kelan 'yung pangalan niya sainyo. Malay ko bang interesado kayo." inosenteng sabi ni Juls.

Bigla tuloy akong na-curious. May alam kaya si Juls kung anong nangyari?

"Alam mo ba kung bakit siya nabulag?" tanong ko.

"To be honest, hindi ko alam ang buong story. Pero dahil ex ko si Kobe, nabanggit sakin ni Kobe dati na 'yung pustahan nilang magkakaibigan about sa'yo and kay Ricci, hindi 'yun totoo sis. Hindi naman daw totoong pinagpustahan ka nila. Nagsinungaling lang daw sa'yo si Ricci about sa bet. That time na dumating tayo sa bahay nila, narinig na nila na nasa labas tayo. Kaya pinlano daw nila na magpanggap na nag uusap sila tungkol sa pustahan. Pero lahat 'yon hindi totoo. Ang totoo, minahal ka talaga niya."

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa narinig ko.

"TEH SAN BANDA DON 'YUNG NABULAG SI RICCI? KINGINA." iritang sabi ni Glev.

"WAIT LANG BAKLA, KALMA! Then ito na nga, remember the time before Christmas? Nung biglang hindi na nagpaparamdam si Ricci sa'yo mg ilang araw ba 'yon or linggo. Basta tanda mo pa ba?"

I nodded.

"May nakabangga daw si Ricci na member ng fraternity sa UP. Nayabangan ata sila kay Ricci, I don't know the whole reason bakit nagalit sila kay Ricci. Then sabi ni Kobe, 'yung fraternity na 'yon, they—-"

Napatayo ako ng wala sa oras at mabilis akong tumakbo papunta sa bahay ni Ricci.

At ng makita ko siyang nakaupo sa harap ng bahay niya, agad ko siyang nilapitan at sinampal.

Napakunot ang noo niya.

"What was that for?" inis na sabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na hindi niyo naman talaga ako pinagpustahan?" galit na sabi ko.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"How did you know—"

I slapped him again.

"That's for making me believe that fvckin' lie!"

I slapped him for the third time.

"That's for making me hate you!"

I was about to slap him again pero agad niyang pinigilan ang kamay ko at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry. I'm really sorry." he said, trying to calm me.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Bakit ba napakaiyakin ko? Nakakainis na!

"Naiinis ako sa sarili ko. Bakit—-bakit naniwala akong pinagpustahan niyo lang ako. Bakit naniwala akong—"

"I'm sorry, Ga. I'm sorry."

Ng marinig ko 'yon ay natahimik ako bigla.

Ngayon ko nalang ulit narinig na tinawag niya ako ng ganon.

Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Why am I like this?

Si Viel na ang mahal ko. Hindi si Ricci.

"I'm sorry. Ayoko lang mapahamak ka. Ayokong madamay ka sa gulong pinasok ko."

"Pero sana sinabi mo nalang sakin 'yung totoo."

Humiwalay ako sa yakap niya.

"Why did you lie to me?" kalmadong tanong ko.

Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha mula sa mata niya. Agad niya itong pinunasan.

"I wanted to protect you, Ga. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa'yo dahil sakin."

I sighed.

"I'm sorry, Ricci. I'm sorry for getting mad at you that time."

"Wala ka namang kasalanan."

"Pero sorry parin."

Pareho kaming hindi umimik. Inaya ko siyang pumasok sa loob para maupo sa sala.

Pagkaupo namin, wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya.

"Juls was trying to tell me everything pero hindi ko na pinakinggan ang mga susunod niya pa sanang sasabihin. I want to hear it from you. Kaya please, sabihin mo na sakin ngayon ang totoo."

Napapikit siya at paulit ulit na humawak sa sintido.

Ng maging kalmado siya ay nagsimula na siyang magkwento sakin.

Nalaman kong nung time na naglaro sila sa UP, may nakalaban silang students na member daw pala ng fraternity na hindi lang basta-bastang frat. Malupit na grupo daw ito ng mga kriminal na hindi pa nahuhuli dahil lagi daw silang nakakaligtas sa kaso.Wala daw silang idea na ganong klase ng mga tao ang nakabangga nila. Nung patapos na daw 'yung game, sinadya daw nilang balian ng buto 'yung team mate nila Ricci kaya nagalit si Ricci. Ang usapan daw nila ay wala daw makakarating sa dean's office about sa nangyari pero nireport parin daw sila ni Ricci sa dean pati sa mga pulis kaya nawala ang scholarship nila at natanggal sila sa UP.

Ricci had no idea na member sila ng frat. Kaya nung time na pupuntahan sana ako ni Ricci, hinarang daw nila si Ricci non at pinagkaisahan nila si Ricci.

Wala daw siyang laban non dahil iisa lang siya at madami sila.

Alam pala nila na girlfriend ako ni Ricci dahil nga kumakalat na sa balita pati sa social media. Kaya ginamit nila ako para makaganti sila kay Ricci. They threatened him na they'll kill me kapag hindi niya ako hiniwalayan.

That's why Ricci decided to make me believe his lie.

He wanted to protect me from them.

"Bakit ka nabulag?" tanong ko.

Nagtiim bagang siya.

"Nung naging kayo ni Viel, nasaktan ako 'non Tiana. Hindi ko inexpect na mabilis mo kong mapapalitan."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko akalain na nasasaktan ko pala siya.

"That time nung umuwi tayo ng Pilipinas galing New York, araw-araw akong umuuwing lasing, Tiana. Hindi na ko nakaka attend lagi ng training, pati studies ko napabayaan ko na. Ilang buwan akong puro inom, ilang buwan akong wala sa sarili, that's why I got into a car accident. Sa aksidente na 'yon, I lost my sight. Pagkagising ko sa ospital, wala na akong makita."

Napapikit ako sa narinig ko at hindi ko napigilang umiyak.

"I—-I'm sorry...Ricci, I'm really sorry." umiiyak na sabi ko at napaluhod na lamang ako sa harapan niya habang umiiyak.

Ako pala talaga ang dahilan kung bakit nawala ang paningin niya at nasira ang pangarap niya.

Bakit hindi ko man lang nalaman. Bakit ngayon ko lang nalaman.

"I—-I'm really sorry. Wala akong mukhang maiharap sa'yo. Sobrang nahihiya ako. I hated you so much without knowing that you just wanted to protect me. I didn't even bother to ask you what was really going on. Hindi kita tinanong kahit kailan. Hindi ko inalam 'yung buong storya. Naging ignorante ako, Ricci. I'm sorry." humihikbing sabi ko.

"Bukas na bukas, I'll quit my job. Aalis na ako dito bukas. Lalayo ako sa'yo, hindi na talaga ako lalapit sa'yo Ricci. I promise, I won't bothe—"

"Dito ka lang, Ga." kalmadong sabi niya.

Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan niya ako sa noo.

"Ayusin natin 'to, Ga." pakiusap niya sakin.

Mas lalo akong naiyak. Siya 'yung Ricci na nagustuhan ko. Siya 'yung Ricci na minahal ko.

Siya 'yung Ricci na malambing, mahinahon at kalmado. Siya 'yung totoong Ricci Rivero.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang tinatango ko ang ulo ko.

"Yes, Ga. Aayusin natin 'to, ha? Nandito na ulit ako, Ga." nakangiting sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

I regret hating him.

I regret not knowing the truth.

I regret letting him suffer alone.

I regret making him miserable.

I regret hurting him.

Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. "Ga, thank you." bulong ko.

"For what, Ga?"

"For protecting me, and for loving me." nakangiting sabi ko.

"Babawi ako sa'yo." sincere kong sabi atsaka ko siya hinalikan sa pisngi.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020