Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

"GIRL GISING NA GIRL!!!!"

Aaaaahhhh shet. Sakit sa ulo ng boses ni Juls! Aga-aga eh!

Inis akong dumilat.

"Ba't ba? Jusko! Aga-aga mo mag-gising ha!" reklamo ko.

"Sis ano ka ba kelangan na natin magprepare for the dance competition mamaya." sabi ni Glev kaya kumunot ang noo ko.

"Ha? Eh kanina nasa dance competition na tayo ah." sabi ko kaya napanganga sila.

"Girl ano ka ba, mamaya palang 'yung dance competition."

"Ha? Hindi ah! Nasa dance competition na tayo kanina. Pinuntahan pa nga ako ni Ricci sa back stage eh." pagsasabi ko ng totoo.

"Sis. Ricci da who? Si Ricci Rivero? Girl ano ka ba. Akala ko ba di ka fan ni Ricci? Bakit grabe ka naman mangarap ngayon?" natatawang sabi ni Juls.

"Eh? Hala seryoso ako girl! Diba nag Star City pa nga tayo tapos nandun si Ricci at Riley, tapos naging kaclose natin sila." sabi ko at kinwento ko pa 'yung buong nangyari.

Napakunot ang noo ko ng sabay-sabay na tumawa sila Juls, Nyx at Glev.

"Tiana ano ka ba, anong star city pinagsasabi mo? Hindi tayo nagpuntang Star City. Sa tingin mo lalarga tayo ng wala si Nyx? Syempre hindi!" sabi ni Juls kaya halos pagbagsakan ako ng langit at lupa at pumadyak padyan sa kama na parang bata.

"So nananaginip lang pala ako. Panaginip ko lang pala lahat 'yon." bumuntong hininga ako at nagulat ako ng biglang tumawa si Nyx.

"Ricci Rivero 'yun, sis. Imposibleng makaclose mo 'yun. Imposibleng makilala ka niya." natatawang sabi ni Nyx.

Di nalang ako umimik. Bakit ganon? It felt real. Akala ko nangyayari talaga. Panaginip lang pala.

Nagprepare na kami for the dance competition and sabay-sabay kaming nagpunta sa venue, sa vista mall.

Pumunta muna kami sa back stage para makapagmeeting kami. Madami kaming kalaban at kinakabahan na talaga kami. Pero kelangan fighting lang. 'Wag pahalata na kinakabahan kami.

Ng lumabas kami sa stage, bumungad samin ang napakadaming nanonood. By the way hindi kami sa stage sasayaw. Sa ground kami sasayaw, may allotted space ang dancers sa harap ng stage kaya malawak 'yung sasayawan namin.

Syempre, supportive 'yung mga schoolmates namin lalo na 'yung blockmates namin. Kitang kita namin agad sila dahil syempre may mga hawak silang banners and kung ano-ano pang nagrerepresent sa group namin.

Hinanap rin ng paningin ko sila mommy, daddy, ate at ang mga katrabaho ni ate pero dahil sa sobrang dami ng tao, hindi ko sila makita.

Pinilit ng mga mata ko na hanapin sila mommy and success namin kasi natanaw ko sila don sa taas, sa second floor. Naks ganda ng pwesto nila don sa taas. Pati pala sa taas ay may mga nanonood. Napakadami nila.

Pinagmasdan ko ang paligid at halos tumigil ang mundo ko ng makita ko ang ex ko, nakatayo, nakatingin sakin, kasama niya ang mga kaibigan niya.

Inalis ko agad sakanya ang paningin ko at nagpanggap akong hindi ko siya nakita.

"Go guys we can do this!" masiglang sabi ni Glev bago nagsimula ang tugtog.

~


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020