Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Nang makarating kami ni ate Madz sa airport, nakita ko agad sila Juls, Glev, Nyx at ang mga pinsan ko na nanghihintay samin.

"Tianaaaaaa!!!!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaibigan ko at niyakap nila ako.

"I missed you, guys!" masayang sabi ko.

Niyakap rin ako ng mga pinsan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Halos two years rin akong nawala sa Pilipinas. Madaming nangyari, madami ring nagbago, and it's good to be back.

Umuwi kami sa bahay ng mga pinsan ko at nagkaron ng welcome party.

"Huy bumili ako ng madaming tickets for Lubao International Balloon and Music Fest next week! Punta tayong lahat ha? Isasama ko asawa ko." sabi ni Juls.

Hahahaha yes, may asawa na si Juls pati si Nyx. By the way si Kobe ang nakatuluyan ni Juls. And si Ronnie and Nyx naman nagkabalikan kaya sila rin ang nagkatuluyan.

Ako at si Glev nalang ang single. Patulan ko na kaya si Glev? Hahahahaha joke!

"May boyfriend ka na, Tiana?" tanong sakin ng pinsan kong si Phoenix.

"Wala. Haha. Ipon muna ko pang travel. Mas gusto ko 'yon."

"Teh. Tama 'yan. Damayan mo ko sa pagtanda mag-isa. Dapat pareho tayo!" pang-aasar ni Glev kaya nagtawanan kami.

Lumipas ang isang linggo, puro bonding ang ginawa namin. Sarap talaga sa feeling na ang dami palang nagmamahal sakin.

Pero bakit ganon, parang may kulang parin.

Siguro dahil hanggang ngayon single parin ako. 28 na ko, pero di parin ako kinakasal. Hayst.

Mukhang pareho nga ata kami ni Glev na tatanda mag-isa.

Pagsapit ng Biyernes, umattend kami sa Lubao Hot Air Balloon and Music Festival.

Syempre goals namin nila Juls ay instagrammable pictures. Ako naging photographer nila kasama mga asawa nila.

Tapos ako nagpapicture ako kay Juls. Solo picture. La eh, single.

Pagtingin ko sa phone ko, natawa ako. Minsan nabibwisit ako sa mga kaibigan ko. Ganda ganda ng kuha ko sakanila tapos sakin wala man lang matinong kuha jusko.

 Ganda ganda ng kuha ko sakanila tapos sakin wala man lang matinong kuha jusko

             

Namangha ako nung nag start na 'yung Balloon Flight       

Namangha ako nung nag start na 'yung Balloon Flight. Sobrang ganda, nakaka-kalmang panoorin.

Naka-tingala lang ako habang pinapanood 'yung mga hot air balloon.

Ang cute kasi, tapos colorful.

Ang cute kasi, tapos colorful       

             

             

             

(Play the music video at the multimedia: SA NGALAN NG PAG-IBIG by December Avenue)       


(Play the music video at the multimedia: SA NGALAN NG PAG-IBIG by December Avenue)

Sa kalagitnaan ng balloon flight, pagtingin ko sa harapan ko ay halos tumigil ang mundo ko ng makita ko siya.

He's looking at me with a smile on his face.

Lalo siyang gumwapo.

Mas tumangkad siya lalo.

At mas lalong bumagay sakanya 'yung buhok niya.

Naglakad siya papalapit sakin and sa bawat hakbang niya, lumulundag 'yung puso ko at sobrang bilis ng tibok nito.

He's now standing infront of me.

"Hi." bati niya sakin.

Bakit di ako makagalaw? Para bang napako ako sa kinatatayuan ko at para bang natuyuan na ko ng laway.

Nakakakita na siya ulit?

"H-Hi." bati ko rin.

"May magagalit ba?"

"Ha?" nagtatakang sabi ko.

"May magagalit ba pag sinabi kong, tayo nalang ulit?"

Sht.

Pano ba pakalmahin 'tong puso ko?

"Wala naman." natatawang sagot ko. Trying to hide my nervous side.

He smiled at me again.

"Remember the 8th thing a great man would do?"

Nang sabihin niya 'yon ay kusang tumulo ang luha ko dahil sa saya. Halo-halo ang nararamdaman ko.

Namiss ko siya.

Humakbang ulit siya papalapit sakin at tinitigan niya ako sa mata.

"If he meets you again, he will never let you go." nakangiting sabi niya.

At doon hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Niyakap ko siya ng mahigpit and I cried out of happiness.

"I thank God for letting me meet you again, Ricci." nakangiting sabi ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ulit ako sa mata.

"It's been 8 years since the first time I saw you, and up until now, ikaw lang ang babaeng minahal, minamahal, at mamahalin ko." as he said those words, hinampas ko ng mahina 'yung braso niya.

"Totoo ba?" asar na sabi ko. He chuckled.

"Marry me, para maniwala ka."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Are you serious?"

"Oo. Bakit? Di mo ko papakasalan? Okay lang. Sige, hahanap nalang ako ng ib—-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at hinalikan ko siya sa labi.

I kissed him passionately, at ibinuhos ko sa halik na 'yon ang pagkamiss ko sakanya.

I smiled when he instantly kissed me back. Hinawakan niya ang bewang ko at mas hinapit niya pa ang bewang ko para mas mapalapit ako sakanya.

For the past two years, I learned to love myself more than anything. And now, I'm willing to love my other half.

Tinitigan ko siya sa mata at hinawakan ko siya sa pisngi.

"Let's get married, Ga." nakangiting sagot ko.

—-T H E E N D

8 Things A Great Guy Would Do
Story started: January 28, 2019
Story ended: April 23, 2019
_______
Author's note: THANK YOU FOR READING 8TAGGWD! God bless you!

I hope you can also read my new ongoing story, "War Online". 

Join our facebook group! TianaVianne's Readers


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020