Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Sabay kaming bumalik ni Ricci doon sa tent namin nila Juls.

Lumapad ang mga ngiti nila ng makita nilang magkahawak kami ng kamay ni Ricci habang naglalakad papalapit sakanila.

"Dapat pala noon ko pa sinabi kay Tiana. Tss." reklamo ni Juls.

"Oo nga teh, bobita ka kasi." mataray na sabi ni Glev kaya natawa kami.

Nagulat ako ng biglang kumunot ang noo ni Ricci at iniharap niya ako sakanya.

"Kanina lang umiiyak ka sakin na mahal mo pa si Viel, ah. Tss."

Nanlaki ang mata ko at napakagat ako sa labi ko.

"W-Wag mo na banggitin, okay? Two years na kaming break."

"Then why did you say earlier that you still love him?"

"Pag minahal mo ang isang tao, kahit magsimula ka ulit kasama 'yung panibagong tao na makakasama mo, there's still a part of your heart that will still have a special place for that person you used to love. Because in reality, you can't unlove someone. You just learn how to live your life without them."

I smiled at him after saying that.

"I won't lie to you, Ga. I really loved Viel because he's a really good person and he was there when I have no one. He was my family. Kaya aaminin ko sa'yo, he's still special to me. Nag over react lang siguro ako kanina nung umiyak ako sa'yo at sinabi kong mahal ko parin siya. Yes, I still love him. Pero matagal ko ng tanggap na hindi kami para sa isa't isa."

He suddenly smiled and kissed my hand.

"Thanks for being honest, Ga. I really like that personality of yours."

I chuckled.

"Akala ko magagalit ka, eh."

"Bakit naman ako magagalit? Di na ko bata, Ga. I clearly understand everything you've said."

"JUSKO!!!! SANA ALL MAY JOWANG TULAD NI RICCI!!!!!" Sigaw ni Nyx at napayakap siya kay Juls.

Di ko pa pala nasasabi sainyo, one year ago naghiwalay na si Ronnie at Nyx.

"Ba't nagdadrama 'yung kaibigan mo? Diba may boyfriend 'yan?" bulong sakin ni Ricci.

"Single siya, Ga." tipid kong sabi at na-gets naman agad ni Ricci.

We had fun that night, ang daming kwentuhan na nangyari. I'm so happy na kasama ko na ulit ang mga kaibigan ko at okay na ulit kami ni Ricci.

Kinabukasan, maaga akong gumising para magluto ng breakfast namin.

Tinulungan ako ni Nyx magluto, and si Juls naman walang ibang ginawa kundi makipaglaro don sa aso ni Ricci. Si Glev naman, chika lang ng chika.

"Gisingin ko lang si Ricci." paalam ko sakanila and I went upstairs.

Pagpasok ko sa kwarto ni Ricci, I saw him sleeping.

I sat beside him, and tinitigan ko lang siya.

Marahan ko siyang kinalabit.

"Ga, gising na. Kain na tayo."

"Mmm. 3 minutes, Ga. Wait lang." he said with a sleepy voice.

Yumakap siya sa bewang ko at muli siyang umidlip.

Akala ko nga ay wala na siyang balak gumising pero after 3 minutes, totoo ngang gumising na ulit siya atsaka siya bumangon.

"Good morning, Ga." bati niya sakin.

"Good morning. Aga-aga nakangiti ka." natatawang sabi ko.

"Sinong di mapapangiti? Aga-aga, boses agad ng girlfriend ko 'yung maririnig ko. Tapos nayakap ko pa."

"Hahahahahahahahahahahaha! Arte mo! Lika na nga!"

"Sige Ga, susunod ako. Cr lang ako. Una ka ng bumaba."

Bumalik ako sa kusina at tumaas ang kilay ko dahil pare-parehong nakatingin sakin sila Juls.

"What?" iritang tanong ko.

"Anong ginawa niyo sa taas ha?" mataray na sabi ni Juls sakin. I rolled my eyes.

"Wag kang green minded. Hindi ganon si Ricci." pagsasabi ko ng totoo atsaka ako umupo.

"Eh kayo ni Viel diba may nangyari na sainyo?" tanong ni Nyx sakin.

"Wala. Saka bakit kelangan pang pag-usapan? Jusko!" iritang sabi ko.

Ng dumating si Ricci ay umupo siya sa tabi ko.

"Kamusta sila Kobe?" tanong ni Ricci kay Juls.

"Visit them in Manila para malaman mo. Miss ka na rin ng mga fans mo. Tagal mo ng wala eh." kibit balikat na sabi ni Juls.

After namin kumain, dumating si Viel at agad niyang binati sila Juls. Kahit papano kasi ay naging kaibigan niya na rin ang mga kaibigan ko.

"Ngayon ko lang nalaman na nandito kayo kaya ngayon lang ako nakapunta."

"Sayang nga eh, paalis na rin kasi kami! Pero ano ka ba magkikita naman tayo madalas around Manila." nakangiting sabi ni Nyx.

"Nagdala kayong sasakyan?" tanong ni Ricci sakanila.

"Yes. Syempre sasakyan ni Glev ginamit namin. Haha!"

"Teh, sanay na me. Pambansang service. King ina."

Nagtawanan kami. Kahit kailan talaga 'tong si Glev.

Hinatid namin sila sa labas at nagpaalam na kami sakanila.

"Tiana! Pagbalik mo sa manila dapat kasama mo na si Ricci ha! Love you! See you sooneeeest!"

I smiled at them and I waved good bye.

Inakbayan ako ni Ricci. "May gagawin ka ba, Ga?"

"Hmm, yes Ga. Dadating kasi dito 'yung mga kausap ni Viel na contractors and lahat ng mga tao na gagawa ng hotel, so kailangan namin sila i-meet regarding sa plano."

"Ah. Sige, Ga. Nandon lang ako sa bahay nila Herbert, pag tapos mo puntahan mo nalang ako don. Okay lang ba?"

"Oo naman! Sige sige. Hmm, ayaw mo sumama samin ni Viel? Ikaw naman ang owner ng hotel so mas maganda kung nandon ka rin sa meeting."

"Di na muna. I know you can handle it. And besides, ayokong samahan ka habang nagtatrabaho ka. Baka lambingin lang kita maya't maya tapos di ka makapagfocus sa trabaho mo." natatawang sabi niya.

"Let's go, Tiana." tawag sakin ni Viel. Oo nga pala nandito rin siya.

Bumaling ulit ako kay Ricci.

"Wait lang, Ga ha? I'll be back." paalam ko sakanya. He nodded and he kissed me on my cheeks.

Sabay kaming pumunta ni Viel sa may malaking hall dito sa Quiegana and nag-usap kami about sa trabaho.

Lumipas ang kalahating oras ay puro trabaho lang talaga ang pinag-uusapan namin.

"Anong oras pala sila dadating?" tanong ko.

"They'll be here in a minute. Wait nalang natin."

Di na ko kumibo and nagfocus nalang ako sa laptop ko. Niready ko na kasi 'yung presentation para don sa plano.

"Kayo pala ulit?"

Napatingin ako kay Viel dahil sa biglaang tanong niya.

"Y-Yes."

"Ah. Congrats." nakangiting sabi niya. "Thanks." tipid na sabi ko.

"Kamusta ka pala? Two years rin tayong walang balita sa isa't isa."

"Okay naman ako. Ayun malapit na palayasin don sa apartment. Haha!"

Natawa siya bigla. "Don ka parin ba sa apartment natin nakatira?" tanong niya.

"Yes. Actually nandon pa 'yung ibang gamit mo kaya nilagay ko nalang sa kahon. Di ko lang nabigay agad sa'yo kasi busy rin ako sa trabaho and I don't wanna contact you."

"Ah. Sige, kunin ko nalang pagbalik natin ng Manila."

"Sure. If that's what you want." sagot ko.

Maya-maya lang ay dumating na sila at nagsimula na ang meeting.

Inabot rin ng halos dalawang oras ang meeting kasi kailangan pag-usapan mabuti lahat.

Pagkatapos ng meeting ay umalis na rin agad sila at sabay kaming naglakad ni Viel papunta sa bahay nila Herbert.

Pagdating namin don ay naabutan namin silang nakaupo sa labas at nagkekwentuhan.

I smiled when I saw Ricci smiling habang nakikinig sa mga kwento nila Mang Otep.

"Hi, Ga!" bati ko. Ng marinig niya ang boses ko ay tumingin siya sa direksyon ko at mas lumapad ang ngiti niya.

Lumapit ako sakanya.

"Naglunch ka na?" I asked.

"Hinihintay kita syempre. Gusto kitang kasabay maglunch eh."

"Hala? Bakit hinintay mo pa ako? Halos 2pm na oh. Dapat nauna kana kumain kanina, Ga. Nalipasan kana tuloy!" reklamo ko.

"Tss."

Natawa ako kasi di na siya umimik.

Lumipas ang buong araw, magkasama kami ni Ricci. We watched movies together doon sa sala niya. Kahit di niya nakikita 'yung pinapanood namin, I know he's happy dahil nasa tabi niya ako.

Akala niya ay nanonood parin ako, pero ang totoo, nakatitig lang ako sakanya ngayon.

"Wala ka bang plano bumalik ng Manila, Ga? Kasi diba, ilang weeks nalang ako mag sstay dito then kelangan ko na bumalik ng Manila kasi nandun 'yung trabaho ko." bigla kong sabi.

"To be honest, wala pa sa plano kong bumalik don. Pero dahil sa'yo, I'm considering going back to manila para lagi kitang kasama and di ka mahirapan."

Napangiti ako bigla dahil sa sagot niya.

I'm really lucky to have him. Sobrang considerate niya as a boyfriend. Hindi siya makasarili. Iniisip niya 'yung sitwasyon ko and ready siya mag-adjust para sakin.

Sa lahat kasi ng naging boyfriend ko, ako lagi 'yung nag aadjust, eh. Kaya dahil kay Ricci, pakiramdam ko ay prinsesa ako. He has this side of him na talagang di ko naramdaman o nakita sa iba.

"Eh, Ga. About dun sa surgery, hindi mo parin ba gustong magpa-opera para makakit—-"

"Ga, 'wag natin pag-usapan 'yan. Please?"

Napakagat ako sa labi ko. Mukhang ayaw niya talaga pag-usapan.

"Okay, Ga. Sorry." guilty na sabi ko.

Why am I even opening that up? Sinabi niya naman sakin na delikado 'yung operasyon dahil mababa lang ang success rate.

I sighed.

If only I can give him my eyes, I would.

"Tulog na tayo. Inaantok na ko." sabi ko sakanya habang naghihikab.

"Ako rin eh. Sige sige."

Pumunta na ako sa kwarto ko and ganon rin siya. Bakit ang lamig ata ng hangin?

Di niya siguro nagustuhan 'yung sinabi ko kanina about dun sa surgery.

Humiga nalang ako sa kama ko at sinubukan kong matulog, pero di talaga ako makatulog.

Sumimangot ako atsaka ako bumangon.

Pumunta ako sa kwarto ni Ricci and nagulat siya kasi bigla akong pumasok.

"Akala ko ba matutulog ka na, Ga?" tanong niya sakin.

"Can I sleep beside you?" tanong ko.

Natawa siya atsaka siya umiling iling. "You can't. Lalaki ako, Ga. Bumalik kana don sa kwarto mo."

"Why? Ano naman kung lalaki ka? Matutulog lang naman ako sa tabi mo. Natulog naman na tayong magkatabi dati ah! Nung family reunion namin sa Morong diba kasama kita nun." reklamo ko.

Mas lalo siyang natawa.

"Ga... wag nang matigas 'yung ulo. Matulog ka na sa kwarto mo."

Sumimangot ako. "Okay, whatever." inis na sabi ko at akmang lalabas na ng kwarto niya pero bigla siyang nagsalita.

"Fine, you can sleep here."

Napangiti ako ng malapad atsaka ako nagmadaling humiga sa tabi niya.

Narinig ko siyang tumawa.

"Can I be honest with you?" he asked.

"Oo naman. Go lang."

"I really wanna make love with you right now, pero hindi ko gagawin."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Bakit naman di mo gagawin? Normal lang naman sa couple mag-sex ah?"

Pinitik niya ang noo ko.

"It's not normal, Ga. And ayokong isipin mo na katulad ako ng mga naging ex mo. Na 'yun lang 'yung habol sa'yo."

Hindi ako nagsalita. Nagulat nalang ako ng maramdaman ko 'yung pagtulo ng luha ko.

His words really touched me.

Kumapit ako sa braso niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Thank you, Ga."

"For what?"

"For respecting me."

"I'm your boyfriend, Ga. It's my responsibility to let you know that relationship isn't all about having sex."

Mas naiyak ako dahil sa sinabi niya.

"Sana mas maaga kitang nakilala. Para hindi ko na nakilala 'yung mga maling tao."

"I also wished for that, Ga. Pero ganon talaga, God has a better plan for us kaya siguro napunta ka muna sa mga maling tao. Para pag nakilala mo na 'yung tamang tao, handa ka na. Buo ka na. May mga natutunan ka na."

"And you're the right man for me, Ga. I know that." nakangiting sabi ko.

He wrapped his arms around me. "I love you, Ga." rinig kong sabi niya.

Pinunasan ko ang luha ko.

"I love you too, Ga. Thank you." I said and I kissed him on his lips.

"Good night." nakangiting sabi ko atsaka ako mahigpit na yumakap sakanya.

Totoo pala talaga, sabi kasi dati sakin ni daddy, when you meet someone that makes you feel butterflies in your stomach, he's not the one for you. When you meet someone that doesn't always give you the butterfly feeling, but makes you feel contented, safe and secured all the time, he's the one.

Kinabukasan, typical day lang naman ulit. Nagtrabaho ako, then nagbonding kami ni Ricci.

Nung gabi na, tumawag si Herbert kay Ricci dahil iniimbitahan nila kaming kumain doon sakanila. May okasyon daw kasi.

I asked Ricci kung anong okasyon pero he has no idea 'raw.

Sabay kaming pumunta ni Ricci sa bahay nila Herbert at natigilan ako dahil sa nakita ko.

Nakangiti sakin sila Mang Otep pati ang iba pa nilang kasama.

And I saw Viel.

He's holding a cake with lighted candles on top of it.

"Happy 26th birthday, Tiana." nakangiting sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

Bakit nakalimutan kong birthday ko nga pala ngayon? Sht.

Bago pa ako makapag react ay nawala na bigla si Ricci sa tabi ko.

Tumingin ako sa paligid and I saw him walking away.

Galit akong tumingin kay Viel.

"Are you out of your mind?" inis na sabi ko.

"Did I do something wrong? It's your birthday today, Tiana. Gusto lang kitang—-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya atsaka ko siya sinampal.

"I'm not your girlfriend anymore, Viel. Alam mo namang kami na ulit ni Ricci so why do you have to surprise me infront of him?" malamig na sabi ko atsaka ako tumalikod.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020