Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

Add me on facebook: Tiana Vianne Isidoro

___

TIANA'S POV

Lumipas ang buong hapon, hindi ako lumalabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit umiiwas ako kay Ricci.

Uhm, sa totoo lang hindi naman talaga ako umiiwas. Hindi ko lang talaga siya kayang harapin kasi nabigla talag ako sa sinabi niya kanina.

Ugh. Tiana, baka maniwala ka nanaman kay Ricci. Alam mo namang sinungaling 'yon. Malamang pinagtitripan niya nanaman ako. Tss.

26 na 'yung edad niya pero katulad parin siya ng dati, mahilig parin mantrip. Ano naman kayang agenda niya ngayon? Tss.

Pagtingin ko ng phone ko, ang daming chat sakin nila Juls, Nyx at Glev.

I sighed.

It's been 3 months since the last time I saw them. Hindi na kasi ako masyadong nakakasama sakanila dahil wala akong budget para lumabas kasama sila. Actually nag-iinsist sila na ilibre ako, pero hindi ako pumapayag. Sabi ko sakanila, I'll contact them agad kapag may extra akong pera para makasama ako sakanila.

And hindi lang naman pera problema ko kaya hindi ako nakakasama sakanila nitong nakaraang tatlong buwan. Busy rin kasi talaga ako sa trabaho.

I keep myself busy to forget the things I need to forget. And it makes me even sadder, kasi kahit anong gawin ko, hindi parin siya mawala sa isip ko.

Tinignan ko ang pictures niya sa phone ko, and natawa nalang ako ng mahina kasi hanggang ngayon hindi ko parin dinedelete 'yung pictures niya.

Kamusta na kaya siya? Iniisip niya rin kaya ako ngayon? I asked myself while staring at Viel's picture.

Tipid akong ngumiti at dinaan ko nalang sa tulog ang nararamdaman ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil kay Herbert. Minamadali niya akong bumangon at maligo dahil padating na daw 'yung engineer na makakatulong ko sa project.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, sumama ako kay Herbet papunta sa entrance gate ng beach, at nakita ko sila Ricci at mang Otep na naghihintay rin kasama ang iba pang matatanda.

"Anong oras daw ba dadating 'yung engineer?" tanong ko kay Herbet.

"Padating na 'yon, tumawag sakin kanina eh nasa kabilang bayan na siya kanina. Siguro within 10 minutes, nandito na 'yon."

"Okaaaay." sagot ko kay Herbert.

Tumabi ako kay Ricci atsaka ko siya hinampas sa balikat kaya nagulat siya at tinignan ako ng masama.

"Ba't bigla bigla kang nanghahampas?" iritableng sabi niya.

"Eh pinagtitripan mo nanaman ako kahapon! Tss! Style mo bulok, Ricci! Hello? Di na tayo college kaya di mo na ko mauuto!" I said while rolling my eyes.

"The fvck? Sinong nagsabing pinagtitripan kita kahapon? I was telling the truth!" inis na sabi niya. I glared at him and magsasalita pa sana ulit ako pero natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na sasakyan na huminto sa harapan namin.

That car belongs to...

Viel.

Bakit nandito siya?

Maya-maya lang ay lumabas si Viel mula sa kotse niya. Nakasuot siya ng shades at naka polo siyang floral na white.

Tama nga ako, si Viel nga.

Binati siya ng mga tao at nginitian niya lahat ng bumabati sakanya. Nagtama ang mga mata namin at halatang nagulat rin siya dahil nandito ako. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nginitian niya ako atsaka siya naglakad papalapit sakin.

"It's nice to see you again." nakangiting sabi niya atsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

Hindi ako makagalaw.

Tangina.

Tell me, paano ba dapat ako magreact?

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya ulit.

Ayusin mo sarili mo, Tiana. Act normal and natural.

Maayos kaming nagbreak ni Viel, kaya dapat maayos ko rin siyang pakisamahan.

Ng bumalik ako sa katinuan ay nginitian ko siya and I even hugged him for seconds like an old friend.

Kunwari naka-move on na ko.

"Hi, Viel. I didn't expect to see you here. Bakit ka pala nandito?" nakangiting tanong ko. Trying so hard to maintain my calmness, and pinipigilan ko talaga sa pagtulo ang luha ko.

"Viel?" biglang sabi ni Ricci kaya napatingin kami sakanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa direksyon namin.

Ngumiti lang si Viel atsaka ulit siya tumingin sakin.

"I was assigned here to help the architect for the project." sagot niya at nanlaki ang mata ko.

"Ikaw 'yung engineer?!" gulat na tanong ko.

"Yes. Bakit gulat na gulat ka? Eh alam mo namang engineer ako. Haha!"

"I'm the assigned Architect!" natatawang sigaw ko.

"Ohhhh. So ikaw pala ang makakatrabaho ko." di makapaniwalang sabi niya atsaka siya ngumiti habang umiiling iling. "So that explains why you're here." tumatango tangong sabi niya na para bang gets niya na kung bakit ako nandito.

I smiled at him.

"Papakilala pala kita sa may ari ng itatayong hotel. Viel, this is Ricc—-" natigilan ako sa pagsasalita dahil biglang nawala si Ricci sa tabi ko.

San pumunta 'yun? Kanina lang ay katabi ko siya, eh.

Muling nabaling kay Viel ang atensyon ko at kinausap namin siya ni Herbert tungkol sa plano.

We visited the site kung saan itatayo ang hotel, and buong araw rin kaming naging abala sa trabaho.

It's really nice to have him around. Pakiramdam ko ang gaan-gaan ng ginagawa ko pag kasama ko siya.

Ng sumapit ang gabi, lahat kami ay naghapunan sa bahay nila Mang Otep. Tulad ng ginawa nila sakin nung nakaraang araw, pinainom rin nila si Viel ng special na alak nila. Pero unlike me, Viel is really good when it comes to drinking. Hindi siya nalalasing kahit gaano kadami o katapang pa ang ipainom sakanya.

Tahimik lang si Ricci habang nag-iingay ang lahat dahil sa kwentuhan. Napansin ko ring may pinag-uusapan si Ricci at Herbert, sa tingin ko ay malapit na magkaibigan talaga sila kasi may time na tumatawa si Ricci habang kausap niya si Herbert.

"By the way, where should I stay?" tanong ni Viel habang nakaturo siya don sa maletang dala niya.

Hala.

Oo nga? Saan siya titira? Sa bagay, marami namang bahay dito kaya sigurado ako ay bibigyan rin siya ng pansamantalang sariling bahay.

"Nako, puno na kasi ang mga bahay dito sa Queigana. Pero sa bahay ni Ricci may bakanteng kwarto naman kaya pwede ka doo-"

"Tss. Ayokong may kasama ako sa bahay." kunot noong sabi ni Ricci kaya napakamot sa ulo si Mang Otep dahil hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"It's okay, I can stay where Tiana stays. Nung kami pa dati, we used to live in the same apartment. Kaya komportable naman kaming magsama pansamantala sa iisang kwarto, diba Tiana?"

Halos di ako makapagsalita dahil sa sinabi ni Viel. Napatingin pa sakin silang lahat at nagtataka sila sa sinabi ni Viel. Viel smiled nung napansin niyang clueless ang mga tao.

"We were ex lovers, by the way." paglilinaw ni Viel kaya nagets na nila kung ano ibig sabihin ni Viel kanina.

"Oh, iyon naman pala eh. Sige sige, walang problema as long as okay lang kay Tiana na magsama kayo sa bahay. Okay lang ba 'yun sa'yo, Tiana?" tanong sakin ni Herbert at pilit akong ngumiti.

"Oo naman, okay lang sak—"

"You can stay at my house. May bakanteng kwarto naman sa bahay ko." sabi ni Ricci kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"Nice. Salamat bro." sabi naman ni Viel kay Ricci.

Mabait naman pala 'tong si Ricci eh, akala ko masama na talaga ugal—-

"I'm talking to you, Tiana."

Nanlaki ang mata ko at muli akong napatingin kay Ricci.

"Ako? Bakit ako?" gulat na tanong ko.

"Ilipat mo lahat ng gamit mo sa bahay ko. You'll be staying at my house. Si Viel na ang gagamit ng bahay na binigay ko sa'yo." may awtoridad na sabi niya atsaka siya naglakad paalis.

Napasimangot ako bigla.

SINO SIYA PARA UTUSAN AKO? UGH. NAKAKAINIS!

Pero... mas mabuti na 'to. Mas mabuti ng mag stay ako sa bahay ni Ricci kesa makasama ko ulit sa iisang bahay si Viel.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
31 December 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
12 February 2020