Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



She thought everything was real, until she found out his real agenda After six years of not seeing each other, untold stories are starting to be revealed, piece by piece

TIANA'S POV

Nagsimula na akong mag-impake ng mga gamit ko. Pinagmasdan ko ang kwarto ko at nagbuntong hininga ako.

Binaba ko na sa sala ang mga gamit ko at hinanap ko si Ricci pero wala siya sa bahay.

Ang aga niya atang umalis?

Lumabas na rin ako ng bahay at hinanap ko siya sa bahay nila Mang Otep dahil baka sakaling nandon siya.

At tama nga ako, nandon siya. Kasama si Viel, si Herbert at sila Mang Otep.

"Ohhhh, Tiana. Mag-almusal ka na dito." bati sakin ng asawa ni Mang Otep.

Napalingon sila sakin.

Ngumiti ako. "Hindi na ho, aalis na rin po ako."

Lumapit ako kay Ricci at binigay ko 'yung flash drive ko, pati 'yung manual design ko.

"Nandyan sa flash drive 'yung design para sa hotel. Then eto 'yung manual design ko."

Hindi siya umimik.

"Aalis ka na?" tanong sakin ni Viel.

"Oo. Tapos ko na rin naman 'yung trabaho ko."

"Ay akala ko ba isang buwan ka dito?" tanong ni Herbert.

"Hindi ko naman kailangan tapusin 'yung isang buwan haha. Maaga naman akong natapos sa trabaho ko kaya maaga rin akong babalik sa Manila."

"Mukhang aalis ka na talaga, dala mo na maleta mo eh." kakamot kamot sa ulong sabi ni Herbert.

I smiled at them.

"Thank you for letting me stay here. I need to go."

"Ingat, Tiana." sabi nila Viel at Herbert.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad paalis.

Ng makalabas ako ng resort ay umupo ako sa may waiting shed para mag-abang ng bus.

Nagulat ako ng makita ko si Ricci na umupo sa tabi ko.

"H-Hi." bati ko sakanya.

"Six years ago, nabasa ko 'yung list mo." panimula niya. Nagtaka ako.

"Anong list?"

"8 Things A Great Guy Would Do."

"Aaaaah. Hahahaha. Tagal na non eh."

He smiled at me.

Tumayo siya at pumunta sa harapan ko.

"These are the 8 Things A Great Man Would Do, but not a Great Guy could do."

Napatingin ako sakanya. Humakbang siya papalapit sakin.

"He will let you go, because he loves you."

Hindi ako nagsalita at hinintay ko ang pangalawang sasabihin niya.

"He will do his best to fix his miserable life."

Yumuko siya at kinuha ang kamay ko. Saka niya hinalikan ang kamay ko.

"He will pray for better things to happen to you."

Hinalikan niya ako sa noo.

"He will be happy for you even if that happiness doesn't include him."

He kissed the tip of my nose.

"He will no longer force things."

Hinalikan niya ako sa pisngi.

"He will patiently wait for you."

He kissed my chin.

"He will leave everything in God's hands."

Napapikit ako ng halikan niya ako sa labi kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"And if ever he meets you again, he will never let you go."

Pinunasan ko ang luha niya at hinalikan ko siya sa pisngi.

"I hope we can meet again, Ricci." umiiyak na sabi ko atsaka ako sumakay sa bus na huminto sa harapan namin.

Pagkasakay ko sa bus ay para akong bata na walang tigil sa pag-iyak.

Why does leaving him hurts me so much?

Pagbalik ko ng Manila, I submitted my resignation letter to my boss.

Nagtataka niya akong tinignan. "Why are you resigning, Tiana? Kakatawag lang sakin ni Ricci kanina and he told me that you did your job very well."

I just smiled.

I still need to resign. May mga bagay akong dapat ayusin.

After ko mag resign sa company, nag-book na ko ng flight papuntang Canada next week.

I won't give up on my older sister. Siya nalang ang meron ako.

Alam ko, mapapatawad niya rin ako. Alam ko, magiging okay rin kami. Alam ko, magiging okay rin ako.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020