Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Breathe Again

Image Description aintkai   |   05 July 2018


I was suffocated in my own world...

  Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat, kung paanong sa pagtingin niya pa lang sa akin ay ang bilis na ng tibok ng puso ko, na kapag nagsisimula na siyang kantahan ako para bang ako na ang pinakamagandang babae sa mundo. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari, basta ang alam ko lang paggising ko isang umaga, mahal ko na siya.

"Aray! Ano ba naman Cristhel!" Reklamo ko dito sa katabi ko. Aba ikaw kaya ang batuhin ng unan, tingnan ko lang.

"Leche naman kasi Charisse, kanina ka pa namin tinatanong tapos nakangiti ka na naman sa kawalan. Ano? Pinagpapantasyahan mo na naman si Joel sa utak mo?" Napakamot na lang ako ng ulo kahit hindi makati, hindi lang dahil sa guilty ako sa paratang nitong babaitang ito,kundi dahil napapaisip ako kung paano dumadakdak itong kaibigan ko ng walang hinto. Teka, humihinga pa ba 'to?

"Ah HEHE, ano bang tinatanong niyo?" Pagak na lang akong napatawa, baka sakaling lumusot kay Cristhel na nagsisimula ng umusok ang ilong.

"Goodness Gracious, yan nga ang sinasabi ko. Lutang ka ngang talaga." Napahilamos na lang siya sa mukha niya na akala mo bitbit niya ang problema ng buong world. Charot!

"Ano ka na diyan 'Thel? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Kulang ka ba sa kain?" Naks buhay pa pala itong si Chaela, may tatlong oras na din kaming nakatambay dito sa bahay, ngayon lang umimik.

"Ay nga pala Cha, tapos ka na ba sa part mo sa Chapter 3? Pa-send naman sa gmail para mai-compile na natin." Hala shems, nagawa nga pala kami ng thesis, bakit nawala ako sa sarili ko? Bakit?

"Kasi ano...hindi pa tapos, pero kaunti na lang promise."

"Okay lang. Atsaka, I feel you! Napapatulala din ako sa kawalan kapag pinagpapantasyahan ko si Daniel!" Kaya mahal ko 'to eh, alam niya ang mga mga fangirl feels.

"Wag ka ng umasa Chaela. Dahil bukod sa artista siya, may Kathryn na yun!" Minsan talaga basag trip tong si Cristhel sa mga pangarap namin, paka-bitter eh.

"Hmmp, mas lalong wag kang umasa sa mga Koreano mo. Mas hindi ka mapapansin ng mga yun."

"Okay lang, kahit naman wala ang k-pop may jowa pa din ako." Mahirap man na paniwalaan, pero yun ang katotohanan. Oo teh! May jowa si Cristhel, hindi lang halata masyadong bitter din kasi madalas.

   Napatawa na lang ako sa itsura ni Chaela, napa-pout ang ate mo girl. Paanong hindi eh sawing palad din sa pag-ibig, paano yung first boyfriend niya iniwan siya para sa ex-girlfriend nito.

"Alam ko naman eh. Tanggap ko naman na wala akong boyfriend. Kaya lang mukha ba talaga akong bola? Para gawing rebound niya? Mukha ba akong vulca seal, para maging pantapal niya?" Ayan na nga po, nahugot na naman siya. Wag kayong magpapaniwala diyan kay Chaela ha, two years na silang break ng boyfriend niya, magkabarkada na nga ulit sila. Mahilig lang talagang mag-drama yan.

"Hay nako ewan ko sa inyong dalawa. Tapusin na nga lang natin 'to para makauwi na kayo, anong oras na oh." Antok na din kasi ako, magde-date pa kami ni Joel sa panaginip ko.




                                                                                       •••





   Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nahawakan mo na yung diploma mo. Yung tipong mapapaisip ka na lang kung paano mo nalampasan ang halos labing walong taon mong pananatili sa paaralan. Pero mas masarap sa pakiramdam na makita ang resumé mong may nakatatak na hired sa itaas na bahagi nito.

"Since this is your first day here in Le Azul Production, iikot ka ni Miss Castillo sa buong vicinity for you to familiarize the work place and para makilala mo na din yung mga co-workers mo."

   Nagsimula kaming mag-ikot ni Miss Villar, dinala niya ako sa iba't-ibang department na meron ang kompanyang ito, hanggang sa makarating kami sa bodega, sa totoo lang masakit na ang binti ko sa kakalakad kaso lang baka sabihin niya reklamador ako.

   Pabalik na sana kami sa department namin ng may isang taong  naglalakad sa hallway ang naka-agaw sa pansin ko.

"Ahm Miss Villar, si Joel de Leon ba yun? Talent ba siya dito?"

"Ay oo, kakapirma lang niyan ng kontrata dito sa Le Azul nung isang araw. Bakit fan ka ba niya?"

Hindi ko alam kung bakit biglang ang init ng pakiramdam ko, at ang kamay ko grabe ang pawis. Alam ko namang hindi ko dapat ikahiya ang pagiging fan ni Joel, kaso kasi makakasalubong namin siya at ayokong mabuking... Argh! Wala akong kwentang number zero fan!  Patawarin mo sana ako Joel, hindi ko naman gustong itanggi ka babe.

"Ay nako hindi po! Ano kasi... ano yung kaibigan ko fan niyan, oo tama yun nga. Ewan ko ba kung bakit naging fan siya niyan ni Joel, at patay na patay diyan. Hindi naman kagwapuhan." Nakakaloka ang bilis ng bibig ko. Halata bang guilty ako? Para kasing na-weirduhan sa akin si Miss Villar, jeske. Ano ba naman kasi self?!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018