Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description jtmlover   |   21 January 2020


A young girl with supernatural power

“Nasabi nyo ba sa pulis na na kay Amanda ang nawawalang kuwintas?”

“Wala ng nakagawang makapag sumbong kasi nung mga araw na pinag uusapan namain yon, naging nakakatakot na sya!”

"Bakit sya nakakatakot?"

Tumingin sa paligid si Leila at sinabing.....

"Lahat ng sinusulat nya sa papel ay nangyayari, di namin magawang maisumbong ang ginagawa nya, kahit ang teacher natin ay tumahimik na lang! Dalawang kaklase na ang nawala,”

“Huh, may nawala na tayong classmates?” Kinikilabutang tanong ni Myles.

“Oo, yung kaklase namin na si Melody, Tess at iba pa!” Wika naman ni Ely. Kinilabutan si Myles sa sinabi ni Ely.

"Bakit nya nagagawa yon, bakit may power sya?"

"Yun nga ang malaking katanungan, walang nakaka-alam kung bakit,”

"Aalis na ako dito, lilipat na lang ako ng ibang section o school!"

"Gaya ng sabi ko hindi ka na makaka-alis dito Myles!” Sabi naman ni Thea.

"B-Bakit?"

"Kapag tatlong araw na hindi ka pumasok kahit wala kang ginagawang masama sa kanya ay susundan ka nya at susulatan, ganon ang ginawa nya kay Tess. Mula nung nawala si Melody ay hindi na sya pumasok. At ikatlong araw ay sinulatan sya ni Amanda, at yun, nabalitaan na lang namin ang nangyari sa kaniya, tsk tsk. At alam mo ba, ang totoo ay laging bagsak sa exam si Amanda pero pinapasa sya ng mga teacher dahil sa takot,” Ani Thea.

Nakaramdam si Myles ng matinding takot. “Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako nag transfer sa school na to, at bakit sa section pa na to!” nagsisisi na sabi ni Myles.


Maya-maya ay nagulat sila ng biglang nag-bukas ang pinto at pumasok si Amanda, at kinilabutan sa takot si Myles nang nakita niya ito. Nakatingin ng masama sa kanila ito at pa iling-iling ang ulo. Naupo si Amanda sa isang sulok at nagbasa ng libro. Nagpatuloy nilang gawin ang kanilang assingnment ngunit di sila makapag concentrate dahil napapatingin sila kay Amanda.

Marami pa gustong malaman si Myles tungkol kay Amanda ngunit nakatahimik na ang lahat.

Maya-maya'y may nag text kay Ely, at nang kanya itong nabasa.

"Oh no!" nagulat na sabi niya.


"Bakit?" Kinabahang sabi ni Myles.

"Nag text sa akin yung kaibigan ko sa ibang section, yung bago daw natin na kaklase, natagpuang walang buhay ngayon sa loob ng cr, nakalublob daw ang mukha nya sa sink!" Bulalas ni Ely. “S-si Jenny?” Di makapaniwalang tanong ni Myles. “Oo!” Kinilabutan silang lahat, napalingon silang lahat kay Amanda at nakita nila itong nakatingin sa kanila ng masama at nginisihan sila nito.


Nagpatuloy silang gumawa ng assignment sa kabila ng nangyari kay Jenny, dahil wala na sila magagawa para dito, makalipas ang ilang sandali ay lumabas na si Amanda.

"Nakakatakot nga sya! Di na ba sya aalis dito?” Naiiyak na sabi ni Myles, maya maya'y nilapitan sila ng librarian.

"That’s the mistery question? Di sya aalis hangga't di nya nalalaman kung sino ang naging kasintahan ni Trevor sa section ninyo!”

"May naging kasintahan ba talaga si Trevor sa section natin?" Curious na tanong ni Myles.

"Siguradong meron, pero di natin alam kung sino!" Sabi naman ni Leila.

"Pag nalaman nya kung sino sa section nyo ay alam nyo na ang mangyayari! Ngunit yun ang susi para umalis na sa paaralan na ito si Amanda!” Sabi ng librarian.

“Papano po ninyo nalaman na yun ang susi?” Nagtatakang tanong ni Myles.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020