Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description jtmlover   |   19 December 2019


A young girl with supernatural power

Tumingin sa paligid si Thea, at nang nakita niyang wala pa si Amanda ay tsaka ito nagsalita.

"Makinig ka Myles,”

"Maaari bang hintayin muna natin si Jenny para malaman nya rin?’ Wika ni Myles.

"Huwag mo ng hintayin si Jenny,”

"B-bakit?"

"Di na sya makakabalik dahil sinulatan na sya ni Amanda,” bulong na wika ni Thea.

Nakaramdam ng takot si Myles.

"Huh?" Kinilabutang bulalas nito.

"Well, ready ka na ba malaman?" 

"O-okay..." kinakabahang tugon ni Myles.

At nag-umpisang mag kuwento ang mga ito kay Myles. 



Flashback


Nagkukumpulan sila Ely, Thea, Leila at iba pang mga classmates na sina Melody at Tess sa may bakod ng katabi nilang Boy School,nakatungtong sila sa mahabang banko para makasilip sa kabilang bakod, pinapanood nila ang mga lalaking nag susuwimming.

"My gosh! Ang popogi!" Kinikilig na sabi nila. 

"Mahirap din pala mag-aral sa magkahiwalay ang mga boys and girls, sabik tayo makakita ng mga guys!" Kinikilig na sabi naman ni Ely.

"Buti na lang at bakod lang ang pagitan natin sa kanila!" nakatawang sabi naman ni Leila.

Bukod sa mga kalalakihan, may isa pa silang gustong makita, ito ang pinaka kinahuhumalingan nilang lahat, ang hinihintay nilang lahat, ito ay walang iba kundi si Trevor.

Bukod sa kaguwapuhan nitong taglay ay sikat itong swimmer na sumasali sa mga olympics sa iba’t ibang bansa at lagi itong nananalo at nakakakuha ng mga gold medals.

"Ang tagal naman ni Trevor!" Sabik na sabi ni Thea. Maya-maya'y, may nag dive sa swimming pool na ikinakilig ng lahat.

"My Gosh! Si Trevor!" Lalo silang kinilig nang nakita nila itong lumalangoy at kaakit akit itong pagmasdan, di mapigilan na mapahiyaw sila sa sobrang kilig. Lalo silang kinilig nang nakita nila itong umahon at naupo sa beach chair, nakasuot ito ng swimming trunks at may suot na gold neckace na may pendant na star olympics.

"Wow!"

“Ang pogi talaga ni Trevor!” Kinikilig na sabi nilang lahat.

Habang nagkukumpulan sila sa kapapanood kay Trevor ay biglang dumating si Amanda.

"Gusto ko rin sya makita!" Nakangiting sabi ni Amanda.

Napalingon sila kay Amanda, ngunit di nila ito pinansin.

Nakikiusap si Amanda na paakyatin sya sa banko para makita niya rin si Trevor, ngunit hindi siya pinaakyat ng mga ito.

"Huwag ka na nga mag ambisyon dyan, maglalaway ka lang, kahit makita mo sya hindi ka niya magugustuhan!" Sambit ni Melody.

Walang nagawa si Amanda at naupo ito sa isang tabi, nagpatuloy kiligin ang mga kaklase sa kakapanood kay Trevor.

Makalipas ang 30 minutes ay nagbabadya ng umalis ang mga ito sa may bakod.

"Lets go girls!" Sabi ni Tess at napatingin sila kay Amanda na nakaupo pa rin sa isang tabi. "Its your turn bitch!" Nakataas ang kaliwang kilay na sabi ni Melody.

At nagtawanan sila at nag-alisan sila, hindi na lamang sila pinansin ni Amanda at natuwa naman siya dahil sa wakas ay makikita na nya si Trevor, ngunit pagsampa nya ng banko ay nakita niyang wala na si Trevor doon. Nakaramdam ng sama ng loob si Amanda sa ginawa ng mga kaklase niya.


Isang araw...Pagpasok ni Amanda sa classroom ay nagulat ang lahat nang sinabi ni Amanda na boyfriend nya na daw si Trevor. At walang naniwala sa kaniya.

“At sino naman ang maniniwala sayo!” Nakataas na kilay na wika ni Melody.

"Totoo, heto ang sulat nya sa akin!” Ani Amanda at pinakita ang sulat ni Trevor.

Binasa nila ang sulat at nakaka inlove ang mga nakasulat dito.

"Talaga bang si Trevor ang sumulat nyan?" dudang sabi naman ni Thea.

"Totoo!" wika ni Amanda.

Ngunit hindi sila naniniwala, dahil alam ng lahat na mapili sa babae si Trevor at lalong di tipo nito ang manligaw ng mukhang inonsenteng tulad ni Amanda. Kaya pinagtatawanan na lamang nila ito.

Sumunod na araw.

"Ayan na ang baliw!” Bulong ni Melody sa mga kaklase habang pumapasok si Amanda sa classroom.

"Di na sya nahiya, di naman totoo,” wika naman ni Tess.


Kahit naririnig ni Amanda ang mga bulung-bulungan ay di nya ito pinapansin.

May nilabas na picture si Amanda na magkasama sila ni Trevor at kanyang minasdan, napatingin ang mga kaklase nya at nagkumpulan sa kanya para makita ito. At nagulat silang lahat. 

“Bakit ka may kuha na kasama si Trevor?” Nagtatakang tanong ni Tess.

"Edited lang yan!" sabad naman ni Melody.

"Totoo to!" Sabi ni Amanda.

"Halatang edited lang naman eh, sino naman ang maniniwala na nagkikita kayo ni Trevor sa labas?” Giit naman ni Melody.

Di na lang kumibo si Amanda at tinago ang picture.

Makalipas ang ilang sandali ay may nag text kay Amanda.

"Nag txt si Trevor!" Masayang sambit nya at naglapitan na naman ang mga kalase nito at binasa ang text. I love you Amanda...Trevor

"Baka nga naman totoo?" wika ni Ely.

“Pero parang napaka imposible talaga eh!” Nagtatakang sabi naman ni Thea.

"Talagang imposible, huwag nga kayo magpapaniwala sa Amanda na yan! Siguradong hindi yan number ni Trevor, gawa gawa lang nya yan!" Nagmamatigas na sabi ni Melody. At naniwala naman ang lahat sa sinasabi ni Melody.

At nagulat ang lahat nang biglang pinakita ni Amanda sa kanila ang suot nyang kuwintas.

"K-kwintas ni Trevor yan ah?" Manghang sabi ni Leila.

"B-bkit nasa sayo yan?" Nagtatakang sabi naman ni Thea.

"Binigay na nya sa akin to, kasi boyfriend ko sya eh,” pagmamalaking sabi ni Amanda.

Ngunit ayaw pa rin nilang maniwala. “Hindi pa rin ako naniniwala, replica lang yan, o baka ninakaw lang niya yan kay Trevor!” Sabi ni Melody. “Oo nga!” Sabi naman ni Tess. At pinagtawanan na naman sya ng mga kaklase. “Sobrang desperada na sya, nagagawa niyang gumawa ng ganon para lang mapaniwala tayong totoong sila ni Trevor! Nakakaawa naman!” Sabi ni Melody at nagtawanan ang mga kaklase. Napailing na lamang ng ulo si Amanda at nilayuan ang mga kaklase. Pagka alis niya ay naging usap-usapan sya ng mga ito. “Baka nga totoo?” Naghihinalang sabi naman ni Ely.

“Ano ka ba naman Ely, sa itsura ni Amanda magugustuhan ba ng isang tulad ni Trevor?” Sabi ni Thea.

“Kaya nga, yung ex ni Trevor ang Ms. Brench High, pinakamaganda at pinaka sosyal dito sa buong school, eh si Amanda, mukhang baduy na inosente! Nakakapagtaka naman no!” Sabi naman ni Melody at patuloy silang nagtawanan.

...

Makalipas ang ilang araw, isang nakakagulat na balita ang gumimbal sa Brench High.


BREAKING NEWS!


Natagpuang patay ang isang sikat at guwapong Star swimmer na si Trevor Shakespear sa swimming pool ng Brench school kagabi, nalunod ito, nagtataka ang lahat kung papano nangyari ito gayong isa itong gold medalists swimmer? Ayon sa mga magulang ay nawawala ang kuwintas nito na gold medal necklace, isa itong palaisipan kung may kaugnayan ang pagkawala nito sa nangyari kay Trevor.Sa ngayon ay inaalam pa ang mga pangyayari!


"Papano nangyari yun?! Isa syang magaling na swimmer?" Nagtatakang sabi ni Ely.

“At nawawala daw yung kuwintas! At nakita natin na hawak ito ni Amanda!”

“Pero papano napunta sa kanya ang kuwintas?" nagtatakang sabi ni Tess.

“Sabi ko na sa inyo, ninakaw ito ni Amanda kay Trevor!” Wika ni Melody.

“Kung gayon ay may kinalaman sya sa pagpatay kay Trevor?” Wika ni Melody.

Kinilabutan ang lahat sa sinabi ni Melody.

“Sigurado yan, ninakaw lang nya yung kuwintas, imposibleng maging boyfriend nya si Trevor!”


“Tatahi tahimik lang yang Amanda na yan pero nakakatakot pala sya,” wika ni Tess.

“Ano ba kayo, huwag muna ninyo syang pagdudahan ng ganyan, walang nakaka alam ng totoo!” Sabad naman ni Ely.

“Dapat malaman ng mga pulis at ng magulang ni Trevor na na kay Amanda ang kuwintas ni Trevor, baka ma solve ang kaso!” Giit ni Melody.

“Tama, kailangan malaman ito ng kina uukulan para makulong yang Amanda na yan!” Biglang sabat naman ni Thea na kanina pa nananahimik.

“Papano kung hindi aaminin ni Amanda na nasa kaniya ang kuwintas?” Sabi naman ni Tess.

“Marami tayong testigo, pinakita nya lahat sa atin diba?” Giit naman ni Thea.

“Pero, papano kaya napunta kay Amanda yung kuwintas ni Trevor? Ninakaw ba nya o kusang binigay sa kaniya, pero imposibleng ibigay sa kaniya!” Naguguluhang wika ni Tess.

"Yan ang malaking katanungan!" Sabi naman ni Melody.


Flashback end


"At yun, mula ng nawala si Trevor, kinabukasan sa aming pagpasok, nagkaganyan na si Amanda, naging kakaiba na ang kilos niya!” Patapos na kuwento ni Leila.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
15 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
16 November 2019