Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description jtmlover   |   14 February 2020


A young girl with supernatural power

"Ikaw na pala ang susunod my gosh!" Bulalas ni Myles nang nakita niya ang sulat sa bulsa ni Thea, at napaatras sila kay Thea.
"Tulungan nyo ko!” Biglang hagulgol ni Thea.
Lalo silang nag atrasan kay Thea.
“Tinapon ko na ang kuwintas na to pero laging nagbabalik sa leeg ko! Tulungan nyo ko!"
"Anong ginawa mo magtapat ka!" singhal ni Ely.

Flashback


Isang gabi... nalaman ni Thea na mag isang nag eensayo sa paglangoy si Trevor tuwing Biyernes ng gabi sa swimming area ng boys school, kaya inabangan nya ito. Sumilip sya sa may bakod at nakita nya si Trevor na masigasig na nag eensayo. Umahon si Trevor sa pool at kitang kita niya ang taglay na kakisigan nito. Napapakagat labi si Thea habang minamasdan ang mapupulang labi ni Trevor at nag aasam na maging kasintahan niya ito.
Di napigilan ni Thea ang sarili sa sobrang pag kaakit kay Trevor at naisip niyang ito na ang pagkakataon na makilala si Trevor, at doon ay nag oberdebakod siya at kaniyang nilapitan si Trevor. At lakas loob niyang binati ito.
"Hi Trevor!"
Napalingon sa kaniya si Trevor.
"Girl? Who are you, how did you get in here?" nagtatakang wika ni Trevor.
Tinuro ni Thea ang bakod at napatingin naman doon si Trevor.
"Ah Okay." Natatawang sabi ni Trevor at nagpunas ng tuwalya sa kaniyang basang buhok at nagbabadya ng umalis.
Ngunit, hinarangan sya ni Thea.
"Trevor wait, I like you!" Lakas loob na wika ni Thea.
"Sorry, I'm taken!" Seryosong sabi ni Trevor.
"Totoo bang si Amanda ang girlfriend mo?" tanong ni Thea ngunit di sya sinagot at nilayuan sya nito. Ngunit hindi sya sumuko at nagbabalak pa rin nyang habulin si Trevor ngunit biglang napalingon sya sa bakod at laking gulat niya nang nakita si Amanda na nag-oober de bakod at nang nakita nya ito ay nagtago agad sya.
Ano ang ginagawa ng Amanda na yan? Tingnan nga natin kung talagang boyfriend mo si Trevor!” Bulong ni Thea sa kaniyang loob.
Pagkababa ni Amanda sa bakod ay kaniyang tinawag si Trevor.
“Trevor, nandito na ako!” Masayang wika ni Amanda. At nang napalingon si Trevor ay laking gulat ni Thea nang nakita niyang sabik nitong nilapitan si Amanda.  “Amanda!” Masayang wika ni Trevor.
Hinawakan ni Trevor ang kamay ni Amanda at naupo sila sa bench. Sumandal si Amanda sa matitipunong bisig ni Trevor. “Mahal na mahal kita Trevor, nag aalala ako na baka iwan mo ako,”
“I will not do that Amanda, I love you,”
Hinaplos ni Trevor ang mahahabang mga buhok ni Amanda at nagkalapit ang kanilang mga labi at sila ay naghalikan.
Samantala…di makapaniwala si Thea sa kaniyang nasasaksihan. Nakita niyang sabik sila sa isa’t isa at puno ng pagmamahalan. Binuhat ni Trevor si Amanda at masaya silang naglambingan sa tabi ng pool, nahiga sila at patuloy na naghalikan. Habang nakikita ito ni Thea ay nakaramdam sya ng matinding selos at sobrang insecure. Hindi matanggap ni Thea na nayayakap ni Amanda ang matitipunong bisig ni Trevor at nahahalikan ang mga labi nito, na matagal na niyang inaasam-asam.
Di na nakayanan ni Thea pagmasdan ang dalawa. At umalis siya ng may sama ng loob.

Sumunod na Biyernes ng gabi ay nagtungo muli si Thea sa may bakod at sinilip nya si Trevor, naisip niya kung nagustuhan nito si Amanda ay tiyak na mas magugustuhan sya nito, mas maganda sya kay Amanda at mas mayaman, hindi sya magpapatalo sa isang tulad lang ni Amanda. Habang minamasdan niya si Trevor ay lalo syang nakakaramdam ng matinding akit dito. At nang sasampa na sya sa bakod ay may narinig syang yabag. “Andyan na naman si Amanda, naunahan na naman ako!” Kaniyang sabi sa loob niya at agad syang nagtago sa likuran ng malaking puno. "Di ako makakapayag na mahalikan mo syang muli!" Bulong ni Thea sa loob niya habang nakikita nyang umaakyat ng bakod si Amanda, at dahil sa matinding selos, ay nilapitan nya ito at kaniyang sinaksak sa likuran,  nahulog si Amanda mula sa bakod at napasadlak sa lupa. At agad niyang kinuha ang suot nitong kuwintas, at sya ang nagpanggap na si Amanda, nilugay niya ang kaniyang mahahabang mga buhok mula sa pagkapusod nito, at tinakpan ang kalahati ng kaniyang mukha ng kanyang mga buhok, at nag-ober debakod sya.
Nakita sya ni Trevor at napagkamalan na sya si Amanda.
“Sa wakas mahahalikan na kita Trevor!” Nananabik na bulong niya.
“Amanda!” Masayang sambit ni Trevor.
Napangisi si Thea at nang nagkalapit sila ay agad niyang niyakap si Trevor at hinalikan niya agad ito sa labi. Di makapaniwala si Thea na nalalasap niya ang labi ni Trevor sa mga sandaling iyon, na matagal na niyang pinapangarap. Nagiging mapusok sa paghalik si Thea kay Trevor. “Amanda, your so aggressive this time, oh!”  sambit ni Trevor ngunit wala pa rin tigil si Thea sa paghalik.
“Claim me Trevor I’m all yours!” Mapang-akit na wika ni Thea at buong puso naman syang niyakap ni Trevor at nahiga sila sa bench, patuloy silang naghahalikan.
Ngunit lingid sa kaalamanan nila ay nakatayo si Amanda sa kabilang bakod at nakita niya ang ginagawa ng dalawa, hindi nakikita ni Amanda kung sino yung kahalikan ni Trevor. "Trevor!" Nanghihinang sabi ni Amanda at di na niya naipagpatuloy umakyat dahil bumagsak na sya sa lupa. Samantala… habang naghahalikan si Thea at Trevor ay biglang nag ring ang cellphone ni Trevor. “I need to go, I ‘ll see you again next week Amanda!”  Wika ni Trevor. Ayaw pang papigil sa paghalik si Thea ngunit nagmadali ng umalis si Trevor. Matapos ang maikling pagtatagpo nila ni Trevor, ay nakaramdam ng sobrang saya si Thea, at nais nyang gawin ulit sa susunod na Biyernes ng gabi, magpapanggap syang muli na si Amanda para makapiling si Trevor. Masayang nagbalik ng bakod si Thea na puno ng saya sa kaniyang dibdib, hindi na niya naisip ang ginawa niya kay Amanda sa sobrang saya na nararamdaman. Pag-kaalpas ni Thea sa kabilang bakod ay nakita nyang gumagalaw pa si Amanda. “Kailangan mo ng mawala para wala ng makakapigil sa akin kay Trevor!” Hiyaw ni Thea at pinagsasaksak niya si Amanda hanggang nawalan na ito ng buhay, at kaniyang inilibing sa pwestong iyon gamit ang ‘shovel’ na nakita niya sa isang tabi.  “Wala ng makakahadlang sa akin! Ako na ang nagmamay ari kay Trevor!" Humahalakhak na sambit ni Thea. Matapos mailibing ay nagmadali na itong umuwi.


Flashback end

"Ibig sabihin, patay na pala si Amanda pero nakakasama natin sya araw-araw!"
Bulalas ni Ely.  “Kaya pala may kapangyarihan sya dahil nagmumulto na lang sya!" Kinikilabutang sabi naman ni Leila. “Tama ang nabasa ko, kaya sumamba si Amanda sa masama ay para makuha niya ang gusto niya, at ito ay si Trevor! Ginawa niya ang ritual na nakasulat tungkol sa black magic noong buhay pa sya, kaya napaakit nya si Trevor! At kaya sya nakakabalik!” Bulalas naman ni Myles.
“At dahil doon ay nagbabalik sya ngayon bilang multo!” Patuloy na wika ni Myles. At bumaling sila kay Thea.
"Pinatay mo sya! dahil sayo ay marami ang nadamay!" Singhal ni Ely kay Thea.
Hindi makakibo si Thea at nababalisa ito.
"Ngayon naman! sabihin mo papano namatay si Trevor?” Singhal ni Leila. At biglang nagsalita si Thea na tila nababaliw.
"Oo, pinatay ko rin sya hahaha!” Halakhak nito.


FLASHBACK

Mag-isang nag-eensayo si Trevor sa pool habang hinihintay ang pagdating ni Amanda.
Sa kaniyang pag ensayo, ay natanaw niya mula sa bakod ang pagdating ni Thea na inaakala niyang si Amanda. Napangiti si Trevor at agad umahon sa pool, bakas ang kaniyang kakisigan na natatapatan ng liwanag ng buwan, naaninag ni Thea ang magandang hugis ni Trevor at lalo syang nasabik na makalapit. Nginitian sya ni Trevor. “My Amanda!” Sambit ni Trevor at niyakap niya si Thea at naghalikan sila. “Oh Trevor, I love you!” Di mapigilang wika ni Thea at lalo siya nagiging agresibo sa pagyakap at paghalik kay Trevor, “Amanda, take it easy!” Wika ni Trevor. Ngunit patuloy pa rin si Thea sa pagyakap at paghalik sa kaniya, bahagyang napaatras si Trevor at binitawan niya si Thea. “What’s the matter with you? Seems like you’ve change?” Nagtatakang sambit ni Trevor.
“Nagustuhan mo ba ang mga halik ko?” Tanong ni Thea.
“Yeah, I-I like it but, you acting different!”
Maya-maya ay hinawi ni Thea nag kaniyang buhok, at doon nakita ni Trevor na hindi ito si Amanda. “Who are you?”
“I am your new girlfriend Trevor, nung hinahalikan mo ako ay hindi mo nahalata na hindi na ako si Amanda?”
“No! I thought she was you!”
“Hahaha, because I’m a good kisser than her!” napangising wika ni Thea.
“N-no! Where is Amanda?”
“Nandyan lang sya sa tabi, at alam mo ba, ginamitan ka niya ng black magic kaya mo sya nagustuhan! Ang totoo ay di mo sya mahal! Pero ako nagusutuhan mo ang mga halik ko!”
Nakaramdam ng di maganda si Trevor.
“Stay away from me!” Sambit ni Trevor at tinalikuran niya si Thea.  At habang papalayo si Trevor ay hinabol sya ni Thea at niyakap niya ito habang nakatalikod ito.
“Don’t leave me, I love you Trevor!”
“Get off me!” Wika ni Trevor at naitulak niya si Thea at napasubsob ito sa sahig.
“From now on, never ever to come in here! Amanda is my only love!”
Sambit ni Trevor at tinalikuran syang muli nito. Nagdilim ang paniningin ni Thea at nanlisik ang mga mata nang sinabi nitong si Amanda lang ang mahal nito. Tumayo si Thea at hinabol niya si Trevor, ngunit di siya nililingon nito habang nagmamadali itong kinukuha ang kaniyang mga gamit. Habang kinukuha ito ni Trevor ay biglang hinampas siya ni Thea ng banko sa kaniyang likuran kung saan nawalan ng malay si Trevor. At hinila niya ito ng swimming pool at tuluyang nalunod. 

Araw ng lunes ..... laking gulat ni Thea nang nakita nyang pumasok si Amanda sa kanilang eskwelahan ngunit iba na ang mga kilos nito.

FLASHBACK END

“At hinila ko sya sa swimming pool! Kaya nalunod sya hahaha!" nababaliw na wika ni Thea.
Maya-maya'y biglang lumakas ang hangin at nakita nilang dumarating na si Amanda at huminto ito at tinuro si Thea.
“Alam na ni Amanda na ikaw ang pumatay sa kaniya at kay Trevor!” Bulalas ni Ely.
At hinablot ni Ely ang sulat na nasa bulsa ni Thea.
Magpapakamatay ka! Sabi sa sulat.
Napatingin sila kay Amanda at nakaturo pa rin ang kamay nito kay Thea.
Maya-maya'y nakita nilang kumuha ng lason si Thea sa kanyang bag at kanya itong ininom at bumulagta ito sa sahig, at biglang humagikgik si Amanda at bigla itong nawala na parang bula.
Nakahinga ng maluwag sila Myles, Liela at Ely.
“Tapos na ang lagim ni Amanda, hindi na kaya sya magbabalik?”
Nag-aalalang tanong ni Myles.
“Wala ng dahilan para magbalik sya, nalaman na niya kung sino, wala na si Thea!” Wika naman Leila.
“Matatahimik na sya,” pagtatapos na wika naman ni Ely.


Makalipas ang isang lingo, hindi na nagbalik sa section 1 si Amanda, ngunit isang gabi….Friday Night…..masayang nag-eensayo ang ilang kalalakihan na swimmer sa pool nang biglang may nakita silang mga maduduming kamay na pilit sumasampa sa may bakod.  “Hey There's a freak trying to get here!" Sabi ng guwapong studyante.
Napalingon sila at kinilabutan nang nakita nilang unti-unting sumasampa ang babae at nang nakaakyat ng bakod ay gumapang ito papalapit sa kanila.
"What the!" Gimbal na sabi nila.  At biglang tumayo ito, nakasuot ng maduming uniform at natatakpan ang mukha ng kanyang mga buhok...
"Tr...e...v...o..r!" Malamig na boses na sambit nito, at sila ay unti-unting nilalapitan..
Nangatog sa takot ang mga ito at pilit makatakbo, ngunit hindi sila makakilos sa kanilang kinatatayuan. Hanggang papalapit na ng papalapit ito sa kanila.
“Ahhhhhhhh!” Hiyaw ng mga ito sa takot.
At mula noon ay kinakatakutan na ang bakod na iyon, dahil tuwing sasapit ang Biyernes ng gabi ay nag-ooberdebakod daw si Amanda at kanyang hinahanap si Trevor.

The End



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
12 September 2019
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020