Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description jtmlover   |   30 January 2020


A young girl with supernatural power

“Alam lahat yan ng mga kaklase mo kung bakit,” wika ng librarian.

“Kasi lagi niya sinusulat sa blackboard ang salitang ‘Sino’ at sinabi niyang aalis na sya pag nalaman niya kung sino!” Wika ni Leila.

"At alam mo ba, nawawala ang kwintas ni Trevor na hawak dati ni Amanda, tiyak yung sinasabing girlfriend daw ni Trevor ang may hawak ngayon nun!” Sabi ni Ely.

“Huh? Kung gayon, hindi si Amanda ang pumatay kay Trevor, kundi yung sinasabing girlfriend ni Trevor?”

“Wala pa ring makakapagsabi,” wika ni Thea,

“Kailangang malaman natin kung sino ang naging girlfriend ni Trevor, para matapos na to, mas maraming idadamay si Amanda iisa-isahin nya tayo!" natatakot na sabi ni Leila.


Sumunod na araw...sa kanilang klase.

Tahimik ang lahat nang dumating si Amanda. Pagpasok ng guro ay nagturo ito ngunit may takot sa kaniyang mga mata. Habang nagsusulat ito sa blackboard ay bigla na lamang nagliliparan ang mga papel sa kanilang mga desk. Ngunit kahit kinikilabutan ay walang kumikibo. Maya maya naman ay nag aangatan ang mga libro sa ere at biglang hahampas sa pader. Pinag lalaruan sila ni Amanda. Pangisi ngisi lang si Amanda sa kaniyang kinauupuan at humahagikgik mag-isa. Nagbigay ng recitation ang guro. “Saang bansa matatagpuan ang mga Pyramid?” Tanong ng guro, ngunit walang nagtataasan ng mga kamay. Kumunot ang noo ng guro.

“Maaari bang sumagot kayo?” Wika ng guro. At napilitan magtaasan ng mga kamay ang mga studyante. Si Ely ang napili na sumagot. “Ma’am ang sagot ko po ay Egypt!”

Wika ni Ely. Bago magsalita nag guro ay biglang nagtaas ng kamay si Amanda.

“Amanda, may sagot ka ba?” Kinakabahang wika ng guro.

“Mali ang sagot niya!” Malamig na boses na wika nito.

“Ano ang iyong sagot Amanda?” Pilit na ngiti na wika ng guro, bakas sa mukha nito ang takot at kaba.

“Sabi ng imaginary friend ko ang sagot ay Mexico! Hi hi hi!” Malamig na wika ni Amanda at humagikhik ito.

“Uhm Amanda,” wika ng guro at di niya masabing mali ang sagot nito.

“Tama ako?” Malamig na wika ni Amanda. Hindi makakibo agad ang guro.

“T-tama ka Amanda, may tagong Pyramid sa Mexico,” napilitang wika ng guro.

Maya maya ay nagpatuloy humagikgik ni Amanda at nagulat ang

lahat nang naglabas ito ng isang manika. “Maglalaro kami ng manika ng imaginary friend ko!” Malamig na boses na wika nito. At pinaglaruan ang hawak nitong manika. Maya maya ay humangin ng malakas at napapahawak ang lahat sa kanilang kinauupuan. Nagbubuksanan ang mga bintana.

Nag gagalawan ang mga ilaw sa kisame. Hindi na sila nakapag leksyon dahil sa mga nagaganap. Makalipas ang ilang sandali ay biglang nag ring ang bell. At doon nahinto ang malakas na hangin. Tumayo si Amanda at gaya ng dati ay nagsulat ito sa blackboard ng ‘Sino?’ At walang sabi-sabi ay lumabas na ito bitbit ang bag at manika. Pagkalabas ni Amanda ay doon lamang nakakilos ang lahat. Hinintay na muna nilang makalayo si Amanda bago sila naglabasan ng classroom. Ang lahat ay tulala. Pinagtitinginan sila ng ibang mag-aaral at pinag bubulungan.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020