Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description jtmlover   |   07 February 2020


A young girl with supernatural power

Pagkauwi ni Myles sa kaniyang bahay. Balisa itong pumasok sa kaniyang silid.

Ayaw na niyang pumasok sa klase, ngunit gaya nga ng sabi nila, kapag hindi sya pumasok, ay susulatan sya sa ikatlong araw, hindi na sya makakaalis doon. Di malaman ni Myles ang kaniyang gagawin. Habang di mapalagay si Myles ay laking gulat niya nang bigla na lamang nagsara ang pintuan ng wala namang nagsasara. Lalo ito nakaramdam ng takot. Nilapitan niya ang pintuan at kaniyang binuksan, tumingin sya sa hallway, wala namang tao. At bago niya ito isara ay biglang may nakita syang anino ng isang babaeng naka uniform. Napasigaw si Myles sa takot. “Ahhhh!” hiyaw nito sabay sara ng pintuan.

Nagtungo sya ng kama at nagtalukbong.

Maya maya ay biglang may kumatok. Lalong kumabog ang kaniyang dibdib sa takot.

Tok tok tok… patuloy na katok ng pinto, ngunit di niya ito mabuksan dahil sa sobrang takot.

Maya maya ay nag bukas ito. Napahiyaw si Myles.

“Ahhhhh!”

“Anak, bakit ka nakatalukbong dyan!” Wika ng tinig, ang mama pala niya ang kumakatok.

Tinanggal ni Myles ang pagkatalukbong,

“Mama!” Bulalas nito.

“Kanina pa ako kumakatok di mo ako pinagbubuksan, akala ko kung ano na nangyari, buti at may spare key ako ng kuwarto mo, ano ba nangyayari anak?”

Hindi agad makapagsalita si Myles, nais nya magsalita ngunit may pumipigil sa kaniyang isipan.

“Anak may problema ka ba?”

“W-wala po Mama, natatakot lang sa napanood kong movie!”

“Yan na nga ba ang sinasabi ko, huwag ka manonood mag-isa okay?”

“O-opo!”

Pagkalabas ng ina nito ay di na mapalagay si Myles, gusto niyang lumabas ng silid at sundan ang kaniyang ina, ngunit may pumipigil sa kaniya, parang nararamdaman niyang nasa kaniyang tabi si Amanda. Naisipan niyang buksan ang kaniyang lap top at nag internet.

Inalam niya ang tungkol sa black magic.

Habang binabasa ito ni Myles ay lalo syang kinilabutan.

“My gosh! Ito pala ang ginawa nya!” Bulalas ni Myles habang nagbabasa ng article tungkol sa black magic. Maya-maya’y biglang namatay ang ilaw at humangin ng malakas, at nang napalingon sya sa pinto, ay may nakita syang anino na nakaupo sa upuan. Nakayuko ito at nakasuot ng kanilang uniform. Napakislot sa kinauupuan si Myles, hindi sya makahiyaw dahil walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Tanging takot lamang ang makikita sa kaniyang mukha.

Maya-maya ay nagkaroon ng liwanag sa bintana mula sa bilog na buwan, at doon niya naaninag ang mukha ng babaeng nakaupo, at iniangat nito ang kaniyang mukha. At doon ay nalaman niyang ito ay si Jenny. Nanginig ang buong katawan ni Myles at di makakilos. Nakatingin lamang si Jenny na tila nanghihingi ng hustisya. At bigla na lamang itong nawala na parang bula. At sa sobrang takot ay nakalabas ng silid si Myles at sa silid ng mga magulang ito natulog…

Kinabukasan sa kanilang paaralan…

Hindi pumasok si Ely. “Bakit wala si Ely?" Kinakabahang sabi ni Myles.

"Kaya nga eh, kapag di sya pumasok ng hanggang tatlong araw ay susulatan na sya ni Amanda, nag-aalala ako para sa kanya." Nanlalamig na sabi naman ni Leila habang hinihimas ang kaniyang sariling mga braso. Maya maya lang ay dumating na si Amanda. Gaya ng dati ay wala silang magawa kundi maupo at mag leksyon ng may takot sa kanilang mga mukha. Umiiling ang ulo ni Amanda na tila may hinahanap. Alam na nila kung sino ang hinahanap nito, dahil wala si Ely.

Matapos ang klase, niyaya ni Myles si Leila at Thea sa library.

At kaniyang sinabi ang kaniyang natuklasan tungkol sa black magic.

“Alam nyo ba na sumamba si Amanda sa masama! Kapalit ng may black magic!”

“Papano ka nakakasiguro?”

“Nabasa ko sa internet! At may mga nagpapatotoo nito, karamihan ay mga magician na nakakagawa ng mga kababalaghan! Na inaakala ng mga tao na ito ay isang trick lang pero totoo yon!”

“Pero bakit ito nagawa ni Amanda?”

“Baka gusto niyang maghiganti! Nagpakita sa akin si Jenny, nanghihingi sya ng tulong!”

“Ano ang maitutulong natin?”

“Kailangang matigil na nag mga ginagawa ni Amanda!”

“Pero walang makakapigil sa kaniya!”

“At papano na si Ely, natatakot ako para sa kaniya!”

Tinatawagan nila si Ely ngunit hi di nito sinasagot ang kaniyang cellphone.


Makalipas ang tatlong araw ay wala pa din si Ely. At nakita na nilang nagsusulat na si Amanda.

"My gosh, sinusulatan na nya si Ely!" Bulalas ng lahat.

Matapos magsulat ay biglang lumabas na si Amanda. At doon na nagkaroon ng usap-usapan.

"May duda akong si Ely ang naging kasintahan ni Trevor!" Biglang sabi ni Thea.

"Huh?" nabiglang sambit ni Myles.

"Papatayin din sya ni Amanda kahit saan sya pumunta, kaya bago ito mangyari kailangan na muna nyang umamin para matapos na to!" Sabi ni Thea.

“Tama! Sya nga!” Wika naman ni Leila.

“Pero papano ka nakakasigiro Leila?” Tanong naman ni Myles.

“Nung nakaraang mga araw, sinasabi ni Ely na kung sya daw ang kasintahan ni Trevor, hindi na sya papasok, at magtatago na lang sya sa ibang bansa, tiyak di na daw sya masusundan doon!”

“Sabi ko na sa inyo, kaya ganon na ang ginagawa niya ngayon! At tayo ang mauubos dito!”

“Pero kahit anong gawin nya ay masusundan pa rin sya ni Amanda! Gaya ng nangyari kay Tess, nagtungo ito ng London pero nasulatan pa rin sya!”

“Pero di pa rin tayo nakakasiguro na si Ely nga ang naging kasintahan ni Trevor!”

“Sya man o hindi, tutal papatayin rin lang naman sya, aminin na nya ang totoo ng matapos na to, nang wala ng ibang madamay!” Sabi ni Thea.

“Oo nga!” Wika naman ni Leila.

"Anong gagawin natin?" Kinakabahang sabi ni Myles.

"Puntahan natin sya! Para umamin na sya!”

Pinuntahan nila si Ely nung mga oras na yon, at napag-alamanan nilang hindi na ito papasok at on the way na ito papuntang aiport patungo ng Amerika.

"Pigilan natin sya! Kailangan nya itong aminin kung hindi ay mauubos tayong lahat sa section 1!" Bulalas ni Thea.


Pagdating sa airport ay nakita nila si Ely na nakapila papasok sa loob nito dala ang kaniyang bagahe at passport, at habang nakapila ito sa labas ay kanila itong pinigilan.

"Ely, huwag mong ituloy yan, masusundan ka rin nya!"

"Ayoko na! Di ko na kaya mga nangyayari!"

"Ely! ikaw siguro ang kasintahan ni Trevor, aminin mo na ng matapos na to, marami kaming madadamay!" Nakikiusap na sabi ni Thea.

Naggkakatinginana ang mga taong nakapila. Sa sa kalayuan ay natanaw nila si Amanda na nakatayo at masamang nakatingin. Nakaramdam sila ng takot at kanilang hinatak si Ely mula sa kinapipilahan nito. At mabilis silang naglakad hanggang nakarating sila sa isang kanto.

Maya-maya biglang nakita nila si Amanda na nakatayo sa di kalayuan at masamang nakatingin sa kanila.

"Ayan na si Amanda!" Takot na sabi ni Myles.

"Tulungan nyo ko!" Naghihisteryang sabi ni Ely.

"Sino ba kasi ang naging kasintahan ni Trevor? ng matapos na to!" tanong ni Myles.

Maya-maya'y bogpang humangin ng malakas at nahawi ang suot na blouse ni Thea at lumitaw ang suot nitong kwintas.

"Bakit nasa sayo yan?" nagtatakang sabi ni Ely.

Di nakaimik si Thea at biglang nangatog ang katawan nito..

"Ikaw ba Thea ang nagkaroon ng kaugnayan kay Trevor?" Curious na tanong ni Leila sa kanya.

At nakita nilang may nakasilid na sulat sa bulsa ni Thea.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
24 January 2020
The Heiress Poor Charming

Sushmita Costales is a smart, spoiled and heartless heir of Costales conglomerate Her father, thinks that she lacks heart and compassion towards other people Pinatapon siya ng ama niya sa Guimaras

Image Description
WeirdyGurl
05 March 2020