Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Spirit of Amanda (Short Story)

Image Description Jaymeei   |   06 December 2019


A young girl with supernatural power

THE SPIRIT OF AMANDA


              Isang gabi, may dalawang binata ang nag-uusap habang lumalangoy sa swimming pool ng kanilang eskuwelahan.

“Alam mo ba may spiritu ng babae ang nag-oober-da-bakod dito tuwing Biyernes ng gabi!” Kuwento ni Calix.

“Talaga? Saan?” Curious na wika naman ni Basti.

“Doon sa bakod na yon!” Wika ni Calix at kaniyang tinuturo ang madilim na bakod sa dako paroon. Napatingin si Basti sa madilim na bakod.

“Ikaw naman Calix nananakot ka naman, Biyernes ng gabi ngayon!” 

“Darating na sya!” Bulalas ni Calix.

Maya-maya ay may narinig silang kumakaluskos, at may sumampang maduming kamay sa bakod.


…..


Brench High, ito ay isang high end na middle school na magkahiwalay ang mga babae at mga lalaki, pader lamang ang pagitan nito.

Isang araw, sa Campus ng girls school, nagkalat ang mga mag-aaral at masaya silang nagtatawanan at nagkukuwentuhan, sa gitna nito ay biglang natahimik ang lahat nang nakita nilang dumadaan ang isang studyante na kinakatakutan ng lahat, ang pangalan nito ay Amanda. Mabagal itong naglalakad at nakayuko ang kanyang ulo kung kaya't natatakpan ang kanyang mukha ng kanyang mahahabang buhok. Suot ang school uniform na kulay puti na long sleeve at palda na kulay pula at school shoes na may puting medyas hanggang baba ng tuhod. Lahat ay naglayuan nang sya ay nakita.

May isang baguhang studyante na nagangalang Miles ang nagtanong sa kasama nito. "Sino sya? So creepy!" nagtatakang tanong ni Myles sa kaniyang kasama na nagtatago sa kanyang likuran.

"S-Sya si Amanda, Senior High section 1!” Nangangatog na wika nito. 

“B- buti na lang at di ko sya kaklase!” Patuloy na wika nito.

"Bakit?"

"May kababalaghan daw na nangyayari sa section nila,” bulong nito kay Miles habang panay ang tago nito sa kaniyang likuran.

"Oh my! I'm new student in section 1!"

"Miles! Mag-iingat ka!" Paalalang sabi nito.

“Huwag mo naman ako takutin!” Wika ni Myles, at hinarap niya ang kasama.

Ngunit tumakbo na ito ng papalayo. Wala ng nagawa si Miles kundi puntahan ang kaniyang klase.

Naglalakad si Miles sa coridor at hinahanap kung saan ang kaniyang classroom. Nagtanong sya sa mga kapwa niya studyante na nagkukumpulan sa isang tabi. 

“Hi! saan ang room ng section 1? Bago kasi akong studyante eh,” tanong ni Miles. “D-doon sa kaliwang hallway, sa ikatlong pinto, doon ang room ng section 1!” Natatakot na sabi ng isa sa mga napagtanungan ni Miles. “Salamat, bakit natatakot kayo?” Tanong ni Miles. “K-kasi kaklase mo si Amanda!” Wika nito at biglang nagpasukan na sila sa kanilang classroom. Naiwan mag-isa sa hallway si Miles at doon ay nakaramdam ito ng takot. Nagpatuloy sya ng paglalakad patungo sa room ng section 1. Lumiko sya sa kaliwa, at doon ay natanaw niya ang room ng section 1. Habang papalapit sya sa silid ay nagtatayuan ang kaniyang mga balahibo. Di niya malaman kung papasok pa ba sya o hindi na, natatakot sya sa mga nabalitaan niya kanina pa lang sa pagpasok niya ng campus. Ngunit walang magawa si Miles, kailangan niyang pumasok, nagpatuloy sya maglakad. Nag-iisa lamang sya at tila lahat ng studyante ay natatakot tumambay sa hallway na iyon. Nasa loob na ang lahat ng mga studyante ng mga katabing room ng section 1. Habang papalapit si Miles sa pintuan ng section 1, naririnig niya ang mga ingay ng mga kaklase niya. May mga nagtatawanan. Pansamantalang nawala ang kaniyang takot nang narinig niya ang mga ito. At dahan-dahan syang pumasok sa loob. Sa kaniyang pagpasok ay biglang nagtahimikan ang mga ito at ang lahat ay napatingin sa kaniya, at tinitigan sya ng mga ito ng malalalim. Minasdan sila ni Miles at nagtataka kung bakit ganon na lamang sila makatingin sa kaniya. Maya-maya ay biglang pumasok naman ang isa pang baguhan din na kaklase nila, ang pangalan ay Jenny. At sa kaniya naman nabaling ang mga tingin ng mga ito. Napakunot noo si Jenny at nagtaka.

“Bakit kayo nakatingin ng ganyan?” Nagtatakang tanong niya.

“S-sino kayo?” Tanong ng isa sa studyante.

"I'm Jenny, I am your new classmate,” pagpapakilala ni Jenny.

At kay Miles naman sila tumingin.

“A-ako si Miles, bagong classmates ninyo!” nakangiting wika naman ni Miles. 

Di kumikibo ang lahat at nakatitig pa rin na parang may gusto silang ipabatid sa kanila.

"Ano bang nangyayari dito?" Naiinis na sabi naman ni Myles.

Maya maya'y biglang may naririnig silang tumatakbo papalapit sa silid nila, pumasok ang isang kaklase nila.

"Andyan na si Amanda!" Nangangatog na wika nito, at nang narinig ito ng mga kaklase ay nagmadaling nagsipuntahan agad sila sa kanilang mga desk. Nagtaka naman si Jenny at Myles sa kinikilos ng mga kaklase nila. “Ang weird naman ng mga tao rito! Sino ba yung Amanda na yun?” Nagtatakang tanong ni Jenny. At doon naalala ni Myles ang sinabi ng kasama niya kanina sa campus ang tungkol sa babaeng kinakatakutan daw sa section 1. Nakaramdam na naman ng takot si Myles at naghanap ng bakanteng upuan, sinabihan sya ng isang kaklase na si Ely na maupo sa kaniyang harapan, at doon naupo si Myles. Si Jenny naman ay pinaupo sa kabilang tabi ni Myles. At nang sila ay nakaupo ng lahat. Napansin naman ng isa sa mga kaklase na wala sa tamang pwesto ang desk ni Amanda. “Y-yung desk ni Amanda!” Takot na wika naman ng isa sa mga ito. At hinawakan naman ito ni Thea para ibalik sana ito sa tamang pwesto, ngunit nang kaniyang nahawakan ang desk ay bigla na lamang itong gumalaw at kusang bumalik ito sa tamang pwesto. Napaatras ang kamay ni Thea. Nang nakita ito ni Myles at Jenny ay kinilabutan sila.

"Bakit biglang gumalaw mag-isa yung desk?" Nagtatakang tanong ni Myles.

Walang nagsasalita sa mga kaklase nila at lahat sila ay nakatahimik.

Nakatingin ang lahat sa pintuan kung saan papasok sa loob si Amanda.

At maya-maya'y naririnig na nila ang mga yabag nito.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019