Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Ika Agosto ng 1995

HINIHINGAL na nagtago si Pancho sa isang malaking tipak na bato na naroon. Hindi niya alam kung na saang lugar na siya ng San Antonio. At kung tama nga ang hinala niya ay nasa isang sementeryo siya. Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Mula sa mayayabong na mga damo na tila matagal nang napabayaan ng mga tao ay kitang-kita niya sa puwesto ang mga cross sa itaas ng mga nitso.

"Hanapin n'yo ang walangyang 'yon!" sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki na lalong nagpakubli sa kanya sa malaking tipak na bato na 'yon. Sumunod ang mabibilis na yabag ng mga paa na sumasama sa tunog ng mga damong nasasagi sa tahimik na gabi. "Sigurado akong hindi pa nakakalayo si Pancho."

Sumilip siya mula sa bato at nakita niya ang apat na lalaki na humahabol sa kanya. Hindi niya inasahan na ang mga itinuring niyang mga kaibigan ay siya ring magpapahamak sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamao sa galit. Nagtagis ang mga bagang niya sa pagpipigil ng mga luhang punong-puno ng pagkadismaya.

Walangya ka talaga Bong!

Dumapa siya at nagsimulang gumapang palayo sa madilim at masukal na gubat. Napatayo siya bigla, sakto namang tumama ang ilaw ng flashlight sa likod niya. Lumakas ang tibok ng puso niya.

"Hayon siya!"

"Pancho!"

Hindi na siya lumingon pa at lakas loob na tumakbo papasok sa gubat na 'yon. Takbo lang siya nang takbo. Hindi niya na pinansin ang mga matutulis na bagay na naapakan niya at tumutusok sa balat niya. Kailangan niya lang makalayo.

Natigilan siya nang makita niya ang isang lumang simbahan na niluma na rin ng panahon. Hinihingal na naigala niya ang paningin sa buong paligid. Wala ni isang bahay na malapit sa mismong kinatitirikan ng simbahan. Mukhang matagal nang walang nag-aalaga roon.

"Bilisan n'yo!" napalingon siya sa likod nang marinig ang boses ni Bong.

Mabilis na pumasok siya sa lumang simbahan para lang mapasinghap. Madilim na madilim ang loob. Wala siyang makita. Maliban na lamang sa mumunting liwanag na tumatagos sa sira-sirang bintana ng simbahan. Sandali pa ay unti-unti nang nasasanay sa dilim ang kanyang mga mata. Pakapang humanap siya ng lugar kung saan siya pwedeng magtago.

"Sigurado akong nandito sa loob si Pancho." Rinig na rinig niya ang boses ni Bong mula sa loob ng simbahan. "Maghiwalay tayo. Libutin n'yo ang buong simbahan. Hindi pa nakakalayo ang lalaking 'yon."

Bumukas bigla ang pinto ng simbahan nang biglang may mga kamay na tumakip sa kanyang bibig. Napahawak siya sa kamay na tumakip sa bibig niya.

"Huwag kang maingay," bulong ng isang babae sa tainga niya. "Sumunod ka sa’kin." Bumaba ang kamay nito sa balikat niya saka siya maingat at tahimik na iginiya sa isang madilim na bahagi ng simbahan.

May maliit na butas sa pader doon na hindi mo agad mapapansin. Hinawakan nito bigla ang ulo niya at pilit siyang pinayuko para maipasok siya sa daan na 'yon. Tumingin muna ito sa likod bago sumunod sa kanya doon. Matamang sinundan niya lamang ang ginawa ng babae nang takpan niya ang butas sa pader ng maliit na cabinet habang nakasalampak siya ng upo sa sahig. Maingat na nagawa nito 'yon nang hindi lumilikha nang malakas na ingay.

Sobra siyang namangha sa katapangan ng babae sa harap niya.

Natigilan siya nang bigla nitong ibinaling ang mukha sa kanya. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha ng babae. Natulala siya sa kagandahang taglay nito sa kabila ng seryosong mukha nito. Nakasuot ito ng mahabang pantulog na puting bestida na may mataas na manggas at may ruffles na tumakip sa leeg at sa may pupulsuhan nito. Nakalugay ang alon-along buhok nito. Maputi at makinis ang balat nito, matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilik mata at mapupula ang mga labi nito.

Maihahantulad niya ang ganda nito sa isang inosenteng anghel.

"S-Salamat," Halos pabulong niyang sabi.

"Hindi ka pa ligtas." Hinawakan nito ang kamay niya at pilit siyang pinatayo. "Huwag ka masyadong mag-ingay. Alam kong nasa palibot pa ang mga humahabol sa’yo." Nauna itong umakyat sa lumang spiral stairs na nandoon.

Sumunod naman agad siya.

"P-Paano mo nasabing hindi... hindi ako masamang tao?"

“Hula ko lamang,”



Halea

NAITIRIK ko ang mga mata. Talaga naman Nemo! Ang asong 'yon pinag-iinitan talaga ang diary ko. Naabutan ko na namang nakalabas ang diary at may punit na naman ang isang page. Hindi pa nga naibabalik 'yong isa may isa na naman siyang kinagat. Malilitson ko talaga ang asong 'yon kapag ako talaga nainis!

I carried the box as I scanned the room. Saan ko naman itatago muna ang box ko? 'Yong hindi maabot ng makulit na asong 'yon. Naingat ko ang tingin sa floor to ceiling na closet. Napansin kong hindi masyadong nagagamit ang itaas na bahagi ng closet. Doon na lang kaya.

Inilapag ko muna ang box sa itaas ng kama bago ko binuksan ang closet.

My mouth twitched. "Ang taas pala." I tapped the dividers on the closet. Kaya naman siguro nito ang bigat ko kung sakaling gawin ko 'tong patungan. "Oh well," hinila ko bigla ang antigong bench sa vanity table. "Ba't pa ako magpapakabayani may upuan naman.”

Kinuha ko na ulit ang box at pumatong sa bench. Matangkad ako pero mukhang kinulang pa rin. May mga bagay lang talaga dito sa mundo na kahit ginawa mo na lahat... kulang pa rin. Humirit ka na naman Halea.

Tumingkayad ako para maipatong doon sa pinaka last na drawer ang box. Malapit ko na sanang maipatong 'yon nang biglang may marinig akong kung anong na crack dahilan para mapasinghap ako sa gulat. Naramdaman ko na lang na parang bumigay 'yong bench. Uh oh! Nanlaki ang mga mata ko nang matapon ko sa ere ang box habang unti-unti akong bumabagsak. Lumabas lahat ng laman nun. Parang confetti na isa-isang sumabog mula sa box ang mga sulat ko, polaroid photos at ang diary ko sa ere.

"Oh –" singhap ko nang maramdaman kong may matitigas na braso na sumalo sa akin. Ganoon na lang talaga ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino 'yon. "P-Psalm!"

"Lapitin ka talaga ng aksidente Halea." Napailing-iling si Psalm. "Nagkalat ka pa."

Napangiwi ako nang mapansin ang kalat sa buong silid. "S-Sorry," mabilis na bumaba ako mula sa pagkakapangko niya sa’kin. In all fairness ang bilis niya, ha?Kanina pa kaya siyang nakamasid sa’kin? Tama na ang pag-iisip Halea. Ang importante 'di ka nahulog sa sahig... kasi nahulog ako sa kanya. Naks!

"Oh ngiting-ngiti ka pa riyan?"

"Nahulog kasi ako sa’yo." Dire-diretso kong sagot na sobrang nagpalaki sa mga mata ko. Shuks! "I mean," I waved my hands dismissively in front of him. "Muntik na akong mahulog kung hindi dahil sa’yo." Napangiwi ako sa isip. Talaga naman e.

Psalm smiled. “I know.”

“Ahm,” nakagat ko ang ibabang labi.“Ano, maglilinis na muna ako. Pasensiya na sa kalat." Isa-isa ko nang pinulot ang mga gamit ko at isinilid ulit 'yon sa box.

"So I’m part of your eighteenth roses?"

Napasinghap ako sa gulat at naibaling ang tingin kay Psalm. Hawak-hawak niya ang isang punit na papel na sure akong galing sa diary ko. Tumayo ako at sinubukang kunin kay Psalm ang papel. "Akin na 'yan!" Itinataas niya 'yon lagpas sa ulo niya kaya 'di ko naabot. "Psalm naman e."

"Why didn't you invite me then?"

"Bakit close ba tayo noon, ha?"

"Malay mo naman, diba?"

"Hindi ka pa rin naman a-attend." Nakasimangot kong sabi.

"I might attend though."

"Might lang, it's still a probability."

"But there's a chance."

"Ewan ko sa’yo. Past is past na nga.”

Nainis na ako kaya tinigilan ko na lang siya at tinapos ko na ang pagliligpit. Dala-dala ang box ay iniwan ko na si Psalm sa kwarto at bumaba na lang ako. In-invite naman talaga kita. ‘Di ka lang dumating.



"GALIT ka na naman ba sa’kin?" tanong ni Psalm habang nakahilata lang ako ng higa sa sofa sa sala at nagbabasa ng pocketbook. "Hindi mo na naman ako pinapansin."

"May karapatan ba akong magalit?" balik tanong ko nang hindi siya tinitignan.

"Wala," saka siya umalis.

Napaayos ako ng upo sa sofa. Akmang ibabato ko sa kanya ang pocketbook pero 'di ko tinuloy. Arggh! Kainis ka talaga Psalmuel. Nabu-bwesit na ako sa’yo. Isa kang malaking ewan!

"Tatanong-tanong ka sa’kin pero wala ka rin naman palang pakialam. Lamunin ka sana ng putik." Inayos ko na lang ang binabasa kong libro. "Kawawa naman 'tong Stallion Riding Club na libro ko. Ito lang mga hero sa Stallion ang nagmamahal ng babae bukod sa kabayo. Gwapo-gwapo mo talaga Reid Alleje. Medyo hawig mo ugali ng asawa ko. Ipaglaban ko na kaya ang karapatan ko bilang asawa ni Psalm? 'Di kaya ako ipahila nun sa kabayo niya?" I cringed at the thought. Muntik na akong ipahila ni kuya kay Gaspar nang pakainin ko ng buong apple ang kabayo niya.

Malay ko bang gusto ng kabayo ng sliced apples? Duh!



ISINAMA ako ni Manang Belma sa bayan saglit. Pagbalik ko sa bahay ay madilim na ang buong kabahayan. Maaga kayang natulog si Psalm? Alas sais pa naman pagtingin ko sa wrist watch ko. Hindi pa ako kumakain. Gutom na ako.

Nasa sala ako nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na instrumental song ng paborito kong kanta na I Was Made For Loving You. Pagtingin ko ay maliwanag pala ang pool area at mukhang doon galing ang music.

Nagtaka ako. Anong ganap? Pumunta ako sa pool area. Talagang natigilan ako sa nakita. Punong-puno ng glass candles ang buong paligid. May mga sunflowers sa pool area pero 'di ako sigurado kung totoo ang mga 'yon.

The sunflowers were formed in sentences, saying, Happy 18th Birthday Mahaleah!

Hindi ko mapigilan ang mamangha. Sino ang may gawa nito? The music, the candles and the sunflowers made the pool area romantic. Everything is perfect!

"Can I have your hand for a dance." Napasinghap ako sa gulat nang marining ang boses ni Psalm mula sa likod. His warm breath made my heart drop. Pinihit niya ako paharap sa kanya at ganoon na lang talaga ang titig ko sa gwapo niyang mukha. Lumabas ang dimple niya sa pag-ngiti niya.

"Ano 'to?" tanong ko, hindi pa rin ako makapaniwala.

Mula sa likod ay kinuha ni Psalm ang isang stem ng sunflower at ibinigay 'yon sa’kin. "Let's both pretend that this is still your debut and we are down to your 18th sunflower dance." Natawa ako. "Oh bakit natatawa ka?"

"Wala lang," I shook my head, still smiling.

He guided my arms to his shoulders as he snake his arms on my waist. We started dancing in sync with the music. Nagpi-play pa rin ang instrumental song ng I Was Made For Loving You sa buong paligid. We started slow dancing. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

"I'm sorry for not coming on your special day. I know this is a bit late but I hope I could still complete your eighteenth sunflowers, four years late though."

"Well, you're lucky," I smiled. "Walang late sa vocabulary ko." Itinulak ko siya bigla sa pool.

"Mahaleah!"

Tawa lang ako nang tawa nang lumapit ako. "Yes po –" napasinghap ako sa gulat nang magawang hilahin ako ni Psalm sa kamay pasulong sa tubig. I gasped for air nang makaahon ako. God! Napuno yata ng tubig ang lungs ko.

"Psalm!" I hissed sabay palo sa balikat niya.

"Sino ba na una, ha?" natatawa niyang sagot.

"Ako," naiinis na pag-amin ko. "Pero kahit na, noh? Ang lamig-lamig ng tubig –" natigilan ako nang yakapan niya ako mula sa ilalim ng tubig. Naingat ko ang tingin sa kanya.

"Malamig pa ba?"

Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya sasagutin. Nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Hello! Sobra pa sa init ang nararamdaman ko sa mga oras na 'yon. Kilig! Pero hindi ako nagpahalata.

"Ikaw Psalmuel, huwag mo akong dinadaan sa mga ganyan. Kapag ako nainis sa’yo. Seseryosohin ko 'yang mga ganyan mo." Paghahamon ko sa kanya.

"I don't mind," he smirked.

Akmang babatokan ko siya nang bigla niyang akong halikan sa mga labi. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya. It was just a short kiss on the lips but it made my heart drop seven feet under.

"I don't mind." Ulit ni Psalm sabay gulo sa buhok ko. "Let's not mind anything Halea. Let's just focus in ourselves starting now. Focus yourself to me." He caress the left side of my face with the back of his hand. Bumaba ang tingin ni Psalm sa mga labi ko. "And I will focus myself to you."

Nababaliw na ba ako? Ilang drum na ba ng tubig ang na ipon sa utak ko? Tama pa ba ang naririnig ko kay Psalm?

"S-Seryoso ba 'to?"

"Do you think I’m still joking?" may himig ng pagtatampo ang boses niya. "Hal –" I did not let him finish his words. I jump and wrap my legs on his waist for me to reach his lips. Nagulat siya sa ginawa ko pero madali siyang nakahuma at naibalanse ang katawan sa tubig. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa katawan ko as we kissed each other passionately.

The warmth of his body is enough for me to believe that this is real and it made my heart rejoice. He kisses were like drugs to me. Hinding-hindi ako magsasawa sa mga halik ni Psalmuel.

He pulled me closer to his body without tearing his lips away from mine. I moaned when he bit my lower lip. I opened my mouth for him to devour and taste. His kisses were more aggressive than mine but it didn't matter to me. Pinaparamdam ng mga halik niya na sa akin lang siya and that I'm only his.

l felt him smile between kisses bago kami kumalas sa isa't isa.

We were both out of breaths pero natawa lang kami pareho sa isa't isa. He playfully pinch my nose and give me another quick kiss on my forehead. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mga oras na ‘yon.



"AYON Psalm!" turo ko sa malaking bunga ng mangga sa itaas na bahagi ng puno. "Mas malaki 'yon. Dali kunin mo." Itinaas ko ang mahabang palda at ginawa 'yong pansalo sa mga mangga. "Ako sasalo."

"Hoy Halea!" sigaw ni Psalm mula sa puno ng mangga. "Ibaba mo 'yang palda mo kung 'di ibabato ko sa’yo 'tong mangga."

"Sasaluhin ko na nga, mambabato ka pa."

"Ibaba mo 'yang palda mo."

"Sasaluhin ko nga!"

"Ibabato ko 'tong mangga talaga sa’yo kapag 'di mo pa ibinaba 'yang palda mo. Isa," hindi pa rin ako nakinig sa kanya. Naiinis na ako. Ano bang meron? Naka shorts naman ako sa ilalim ng palda. "Mag-aaway talaga tayo kapag 'di mo ako sinunod. 'Tong puno ang ibabato ko sa’yo." Nanlaki naman ang mga mata ko.

Ay 'di naman ako na informed na may pagka-brutal tong asawa ko. Ibinaba ko na ang palda ko. Kaloka! Puno na ang ibabato niya sa’kin.

"Ang oa mo naman! Naka shorts naman ako."

"Kahit na! Diyan ka lang. Saluhin mo 'tong mga mangga."

"Ikaw na lang kaya ang saluhin ko?" I spread my arms wide open and smiled. “Fall for me and I’ll catch you.”

“Behave, Halea.”

“Haha!”



"NAALALA ko na," basag bigla ni Psalm habang naglalakad kami pabalik ng bahay. Pinanggigilan ko pa rin ng kain ang mga mangga na nakuha namin kanina. Naka tatlo na yata ako. Actually, pang-apat na 'tong hawak ko.

"Ang ano?"

"Naalala kong inabot sa’kin ni Alyana ang invitation sa birthday mo." Naibaling ko ang tingin kay Psalm. "I'm not sure kung nasabi mo sa kanya na isa ako sa mga 18th roses mo. Wala rin naman kasi siyang nabanggit."

"Actually, 'di ko sinabi." Ngumisi ako sa kanya.

Kumunot ang noo ni Psalm. "Pero bakit nasa listahan ako ng –"

“To start with,” tinigilan ko muna ang pagkain ng mangga.“I have official seventeenth roses. Ikaw ang pang-18th dapat, in case 'di ka dumating magiging first and last dance ko si Papa. In case dumating ka, we will act as if 'di nakarating ang 18th roses ko and we will get you." Ibinalik ko ang atensyon sa harap at pinapak ulit ang manggang kinakain. Actually, planado ko ‘yon e. Kaso epic fail.

Malutong na tumawa si Psalm sa tabi ko.

"Planadong-planado ah."

Natawa ako. "Epic fail nga e. ‘Di ka dumating.”

"If you told me I'm part of your 18th roses I could have come."

"E, 'di naman kasi tayo close noon."

"Well, at least alam ko." Bahagya niyang ginulo ang buhok ko saka ako inakbayan. "Anyway, the reason why I wasn't able to come in your birthday... death anniversary kasi 'yon ni Mama." Natigilan ako. "Oh bakit?"

Ibinaling ko ang tingin sa kanya. "Death anniversary naman pala 'yon ng mama mo. Okay lang kahit 'di ka um-attend. Mas importante 'yon."

Sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Psalm. Pinisil niya ang ilong ko. "Tama na ang pagpapak niyang mangga." Kinuha niya sa kamay ko ang papaubos nang mangga. "Baka sumakit na 'yang tiyan mo."

Nagsimula ulit kaming maglakad.

"Pero 'di nga. Okay lang talaga sa’kin."

"Huwag mo na 'yong isipin Halea. Hindi naman talaga ako um-attend."

"Kaya nga okay lang sa’kin 'yon."

"Okay lang din sa’kin 'yon dati."

"Syempre naman! Sino ba naman ako sa’yo, diba? Dapat unahin mo ang mama mo –"

"Okay sa’kin 'yon dati. But things has changed now."

"Huh?"

"Wala," he pulled me closer again to his side. "Sabi ko nanga-ngamoy ka ng mangga. Maligo ka na pag-uwi sa bahay."

Napanguso ako. "Kakaligo ko lang."

"Maligo ka ulit."

“Sasabayan mo ba ako?”

“Pwede ba?”

“Joke lang!”



PINATAY bigla ni Psalm ang tv.

"Psalm naman e! Malapit na 'yong matapos." Kukunin ko sana ang remote sa kamay niya pero itinaas lang niya 'yon sa ere. "Akin na 'yan."

"Ano bang maganda doon? Mamatay na 'yong bidang babae. Patayin na lang natin 'yong tv."

"Landon and Jamie's love story is not tragic. Ganda kaya!"

A Walk To Remember ang palabas sa tv. Hindi pa ako inaantok kaya nanood muna ako pero mukhang ‘di pa rin inaantok si Psalm kasi nakinood pa siya. 'Yon ang isa sa mga all time favorite movies ko kaya 'di ko na pinalampas pa.

"Mamatay na 'yong babae. Hindi ba 'yon tragic?"

"Mas magiging tragic 'yon kung hindi naman talaga sila naging masaya bago namatay ang babae, oa nito."

"I don't like those kinds of movies."

"Alam mo, dapat manood ka rin ng mga ganoong movies." Tinignan ako ni Psalm na para bang sinasabi niya sa’kin, I will never do that. Nakangiting hinalamos ko sa mukha niya ang isang kamay. “Kill joy!”

"Let's not watch movies like that. Period."

Iniwan niya na ako at umakyat siya sa itaas. Napabuntong-hininga ako. Pinatay ko na lamang ang tv at sumunod na rin ako sa itaas. Nakatagilid na siya ng higa sa kabilang parte ng kama. Nainis ko yata. Napakamot ako sa noo ko. Sumampa na ako sa kama at tumabi sa kanya. Patagilid din akong nahiga paharap sa kanya at niyakap siya mula sa likod.

"Sorry na," bulong ko sa kanya.

Pumihit siya paharap sa akin nang hindi kumakalas sa yakap ko. Naingat ko ang tingin sa mukha niya. Kung kanina ay seryosong-seryoso ang mukha ni Psalm. Ngayon, lumamlam na ang ekspresyon ng mukha niya. Tumaas ang isang kamay niya para haplosin ang kanang pisngi ko.

"Let's not fight, okay?" Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya saka ako niyakap. "Maliit na bagay lang 'yon. Sorry din."

I nodded in response. “Pero Psalm,”

“Ano ‘yon?”

May sasabihin pa sana ako kaso nagbago ang isip ko. Saka na nga lang.

"Wala," I shook my head. "Goodnight Psalm."

"Goodnight Mahal..." he trailed off. Leah. Dagdag ko sa isip. "Leah." Dagdag niya. Pero imbes na mainis ay napangiti lang ako. Psalm will always be Psalm.



"MAARI ko bang malaman ang iyong pangalan?"

Ngumiti kay Pancho ang babae. "Regina." Lumapit ito sa kanya at inilahad sa kanya ang kamay nito. "Regina Salvatierre. Ikaw, anong pangalan mo?"

Matagal bago siya nakasagot. "Muel... Muel Pancho Fidalgo."

"Ikinagagalak kitang makilala Pancho."

“Ako rin Regina.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE