Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Psalm

"HINDI ako sigurado anak. Ilang taon din na naging tahimik ang pamilya natin simula nang lumipat tayo sa bayan ng Carmen pagkatapos ng malagim na sinapit ng iyong Lola Ysabella sa kamay ni Jaime. Ayon sa kuwento na narinig ko mula sa ating pamilya, 1916 nang umalis ng Carmen si Juan Miguel para ipaghiganti ang paglapastangan ng anak ng mayor ng San Antonio sa nobya nitong si Sofia. Nagpakamatay ang huli dahil hindi nito nakayanan ang trauma na sinapit sa panggagahasa ni Manolo, na siyang asawa na ni Kristina nang mga panahon na 'yon."

"Pero nang mga panahon na 'yon ay walang kaalam-alam ang Lolo Juan Carlos mo sa plano ng kuya niya. Inisip ng pamilya natin na nagpakalayo-layo lamang ito para makalimot. Hindi naman nag-alala ang Lolo Carlos mo dahil sumusulat naman si Juan Miguel. Noong una ay halos kada linggo itong nagpapadala ng sulat hanggang sa komunti at wala na ngang sumunod pa."

"So hindi n'yo alam ang nangyari kay Lolo Miguel?"

"Sinubukan nilang hanapin. Pero walang nakakaalam kung na saan na siya. Hanggang sa sumuko na rin ang pamilya natin. Wala rin namang binaggit sa sulat ng Lolo Miguel mo kung na saan na siya. Inisip na lamang ng lahat na baka nga nagpakamatay na ito at baka hindi rin nito nakayanan ang pagkawala ng nobya."

"Do we still have Lolo Carlos' things?”

"I'm sure I still have it. 'Di ko lang maalala kung saan ko naitago. Matagal-tagal ko na rin 'yong hindi nakikita. Sigurado akong nadala ko 'yon sa Consolacion."

Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang napag-usapan namin ng aking ama kanina. Maski ang pamilya namin ay wala ring kaalam-alam sa malagim na sinapit ni Juan Miguel sa mga kamay ni Don Jaime. Naituon ko ang atensyon sa itim na kuwaderno na hawak. Nakasulat doon ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Ang mga katotohanang pilit na itinago ng malupit na panahon.

Bumakat na ang tinta sa ibang letra sa mga pangungusap na isinulat sa naninilaw nang papel. It was still readable though. Maingat ang pagbabasa ko sa bawat detalye at pangyayaring isinulat doon.


1942

Nakita ko lahat ang ginawa ng binatang Salvatierre sa mismong kapatid niya. Nang una ko pa lamang makita ang itim na bagay na nakasunod sa kanya ay alam kong kamatayan ang nakabuntot sa kanya. Lumapit ako sa binata at sinubukang hawakan ang kanyang kamay at doon, nakita ko ang mukha ng isang babaeng duguan na tinalikuran niya at walang awang pinaslang ng sariling ama nila.

Magbabalik ang babaeng 'yon at maghihiganti. Papatayin niya ang asawa na nagpahirap sa kanya. Pauulit-ulit na gagambalain ang amang sakim sa kapangyarihan at pera. Mauulit at mauulit ang nangyari sa nakaraan dahil sa pangit na tadhanang nakatali sa dalawang pamilya. Paulit-ulit rin na pagtatagpuin ang isang dalagang Salvatierre at ng isang binatang Fidalgo ngunit hahadlangan 'yon ng puot at kasinungalingan. Mapupuno ng inggit ang dalaga pati na rin ang mga taong nakapaligid dito dahilan para gumawa ang mga ito ng mga bagay na lalong magpapalaki sa apoy na unti-unting tutupok sa kanilang pamilya.

Dahil sa puot ng babaeng 'yon, walang dalagang Salvatierre ang sasaya at mabubuhay.


Alyana

"LOLA!" napabalikwas ako ng bangon.

Habol ang hininga na naigala ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa sa labas. Pagtingin ko sa orasan sa itaas ng mesa katabi ng aking kama ay alas tres pa lamang ng madaling araw. Naramdaman ko ang pamamawis ng aking noo hanggang sa gilid ng aking mukha. Dinig na dinig ko pa ang malakas na tibok ng puso ko.

Napaginipan ko si Lola Conching. Hindi ko alam kung totoo ang mga nakita kong eksena sa panaginip. Natatakot ako. Tila ba may gustong ipahiwatig ang aking lola sa akin. Kinalma ko muna ang sarili at sinubukang alalahanin ang lahat ng mga impormasyong nalaman ko.

Sigurado akong si Lola Conching ang nakita ko. Hindi ko nga lang alam kung sino ang babaeng kasama niya sa panaginip ko. Pero pamilyar sa akin ang mukha niya. Tila ba nakita ko na ang mukha niya pero 'di ko lang maalala kung saan. Medyo hawig ng magandang babae na 'yon si Halea.

Hindi kaya?

Kinaumagahan ay dumiretso ako sa bahay nila Makisig.

"Siya 'yon," turo ko sa larawan ni Kristina na naka display sa sala nila Makisig. Pamilyar sa akin ang babae sa panaginip ko kagabi pero 'di ko maalala dahil matagal na nang makita ko ang larawan ng lola ni Halea na si Kristina.

"Nakita mo si Lola Kristina?"

Tumango ako nang hindi ibinabaling ang mukha kay Makisig na nasa tabi ko lang.

"Nakita ko si Lola Conching na kausap si Kristina. Tinutulungan ni Kristina si lola sa panaginip ko na dalhin ang ilang bayong na dala-dala ni lola habang naglalako ng mga gulay sa daan. Alam kong nangyari 'yon sa panahon nila dahil sa mga damit at pananalita nila."

"Anong nangyari?"

"Masyadong mabilis ang mga pangyayari. 'Yon ang una, tapos biglang kasama ako sa loob ng isang nasusunog na bahay. Sobrang init pero hindi ako makagalaw. Tila ba nandoon lang ako para panoorin ang lahat ng mga pangyayari. Malinaw sa isipan ko ang lugar, may mga santo at mga bote ng langis at mga herbal na gamot." Inalala ko ang lahat ng mga detalyeng nakita ko. "May mga bungo ng tao at hayop... may larawan ng dalawang pamilya... 'di ko lang alam kung sino ang mga 'yon... unti-unti 'yong nasusunog sa harap ng altar kung saan ito naka display."

"Ano pa ang nakita mo?"

"May sinasabi si lola," naipikit ko ang mga mata. "Nakaharap siya sa altar kung saan naka display ang isang malaking cross kasama ng larawan ng dalawang pamilya. Nakapikit ang mga mata at may sinasambit na dasal na 'di ko maintidihan. Nasa likod niya ang duguang si Kristina na galit na galit habang unti-unting tinutupok ang buong bahay ng apoy."

Tila na pasok ulit ako sa panaginip na 'yon habang ikunokwento ang lahat kay Makisig. Nararamdaman ko na naman ang init ng apoy na unti-unting tumutupok sa buong bahay. Ang sakit ng init na tumatagos sa aking mga balat.

Naalala ko ang nakakatakot at galit na galit na sigaw ni Kristina. Kasabay no'n ang pagsabog ng buong bahay. Napasinghap ako at mabilis na iminulat ang mga mata.

"Alyana?!" Nag-aalalang tawag sa akin ni Makisig. Mabilis na nakaalalay siya sa akin. "Are you okay?"

"Mak," nagtama ang mga mata namin ni Mak. "Sinabi sa akin ni Nanay na namatay si Lola Conching sa sunog kung saan siya nanggagamot. Kung tama ang kutob ko. Maaring pinatay ni Kristina ang lola ko habang sinusubukang baliin ang sumpang ipinataw ng aking lola sa pamilya n'yo."


NAIS kong maputol ang sumpa pero hindi ko na 'yon pwedeng bawiin. Nabulag ako sa pera na ipinangako sa akin ng matriarka ng mga Fidalgo. Hindi ko inisip ang epekto ng gagawin ko. Ngayon ay huli na ang lahat. Maraming buhay na ang nasayang dahil sa puot na patuloy na nagbibigay ng buhay sa 'di matahimik na kaluluwa ni Kristina.

Ang dating mabuting puso ng dalagang Salvatierre ay tuluyan na ngang nabalot ng galit at paghihiganti. At alam ko na babalikan niya ako. Babalikan niya ako sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Babalikan niya lahat ng mga taong nanakit at nanloko sa kanya. Babalikan niya lahat ng mga masasakit na alaala at paulit-ulit 'yong itatarak sa puso ng mga taong walang awa siyang pinatay at niloko.

Iisahin niya ang mga taong nanakit sa kanya hanggang sa susunod na henerasyon.


Halea

"ANO na naman ba 'yan Halea?" mabilis at maingat na pinaupo ako ni Psalm sa gilid ng kama nang makapasok siya sa silid namin. Naabutan niya akong nagkakalat na naman sa silid namin. Hindi ko kasi talaga makita ang mga gamit ko. "Huwag ka muna masyadong magkikilos. Sabi ng doctor mo ay bawal ka pang mapagod. Ano ba ang hinahanap mo?"

"Nakita mo ba 'yong kwentas ko na lagi kong suot noon? Kanina ko pa hinahanap 'yon sa buong bahay pero 'di ko mahanap. Alam ko, naiwan ko lang dito 'yon e."

"Kwentas?" kunot-noong tanong niya sa akin.

I nodded. "Gold necklace 'yon na may pendant na crucifix. 'Di mo siguro 'yon masyadong napapansin dahil 'di ko naman madalas isuot 'yon. Bigay pa sa’kin 'yon ni Tita Regina. Hindi ko pwedeng maiwala 'yon."

Inilapag ni Psalm ang hawak-hawak na lumang photo album sa tabi ko nang biglang may mahulog na isang larawan mula roon. Maingat na pinulot ko ang larawan sa sahig dahil mas malapit 'yon sa akin.

"Ano 'to?" binaliktad ko 'yon at nagulat ako nang makita ang kwentas na kapareho ng bigay sa akin ni Tita Regina.

Suot-suot 'yon ng isa sa mga lalaki sa larawan na malaki ang hawig kay Psalm. Luma na 'yon at mukhang kuha pa noong early 1910's or higit pa kung 'di ako nagkakamali. Masaya ang dalawang lalaki sa larawan na mukhang magkapatid habang nakaakbay sa isa't isa.

Nanlalaki ang mga matang naiangat ko ang mukha kay Psalm. "Sino sila?"

"Sila ang Lolo Juan Miguel at Lolo Juan Carlos ko." Kinuha niya mula sa kamay ko ang larawan at itinuro roon kung sino ang Lolo Juan Miguel at Lolo Juan Carlos niya. "That's Juan Miguel," turo niya sa lalaking may suot ng kaparehong kwentas na hinahanap ko. "Siya ang minahal ng Lola Kristina mo."

"We have the same necklace." Itinuro ko ang kwentas na suot ni Juan Miguel. "Ito ang kwentas na hinahanap ko." May pagtatakang ibinaling ni Psalm ang mukha sa akin. "'Yan ang kwentas na ibinigay sa akin ni Tita Regina noong baby pa ako. Sinabi niya kay Papa na huwag na huwag ko raw 'yong walain dahil 'yon ang maglalayo sa akin sa kapamahakan."

"Baka kapareho lang."

"Hindi ko alam. Pero may initials kasi ang katawan ng cross ng pendant."

"J.M.F. rin ba?"

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na tumango ako. "Oo, J.M.F. nga ang naka ukit na initials sa pendant. Paano mo na laman?"

Kinuha ni Psalm ang lumang photo album at pinakita sa akin ang initials na nakasulat sa likod ng album. "This photo album is owned by Juan Miguel Fidalgo."

"Kung ang kwentas na 'yon ay pagmamay-ari ng lolo mo. Paano 'yon napunta sa Tita Regina ko?"

"'Yan ay 'di ko alam."

"Psalm, we need to find that necklace. Malakas ang kutob ko na maari 'yong makatulong sa atin para matahimik na si Lola Kristina."

"Kung naiwan mo 'yon dito. Baka kasama lang 'yon ng mga gamit mo. Stay here," tumayo siya. "Nasa library ang mga gamit mo. Kukunin ko lang." 'Yon lang at iniwan na ako ni Psalm.

Muli kong tinignan ang larawan ng magkapatid na Fidalgo. Napansin ko na kapag suot ko ang kwentas ay hindi ako dinadalaw ng mga masasamang panaginip at hindi ko rin madalas makita ang duguang babae sa panaginip ko. Kaya ko lang 'yon hinuhubad dahil napaka-careless kong tao. Natakot akong maiwala ko 'yon kaya tinatago ko na lamang 'yon.

Naalala ko ang sinabi ni Tita Regina sa akin sa panaginip ko. Baka siguro hindi makalapit si Kristina sa akin kapag suot ko ang kwentas dahil kay Juan Miguel ang kwentas na 'yon. Dahil pagmamay-ari 'yon ng lalaking minahal niya at hindi pa tuluyang nalilimot ng puso niya ang pagmamahal niya kay Juan Miguel.


"HINDI makakalapit si Kristina sa lugar kung saan siya tunay na naging masaya." Sabi ng matandang faith healer na matagal nang kakilala ng nanay ni Alyana. Nasa bahay sila ng matandang lalaking manggagamot. "Lumalambot ang kanyang puso sa mga lugar kung saan marami siyang masasayang alaala. Nagiging mahina siya sa mga taong lubos na minahal niya. Lumalakas lamang siya sa mga lugar kung saan niya naramdaman ang matinding galit at paghihirap."

"Mang Tonio," basag ni Manang Belen. "May paraan ba para matahimik ang kaluluwa ni Kristina?"

"Kailangan niyang magpatawad. Pero, hindi ko lamang alam kung paano n'yo 'yon magagawa. Punong-puno ng galit ang puso niya. 'Yon din ang dahilan kung bakit matindi ang kagustuhan ng 'di matahimik na kaluluwa niya ang maghiganti. Nagsimula ang lahat sa sumpa na ipinataw ng Lola Conching mo Belen. Naging daan 'yon para sapitin niya ang ganoong buhay. Ang buhay na walang kasiyahan at puro kalungkutan lamang. Ang sumpang pumapatay sa kanila kahit humihinga pa sila."

"Ang minsang pagkakamali ay maaring magdulot ng hindi magandang hinaharap. 'Yon ang isang bagay na hindi agad naisip ng 'yong Lola Conching, Belen. Bagama't pinagsisihan niya 'yon. Malaki na ang sugat na nagawa ng pagkakamali niyang 'yon. Ang kasalanan ay hindi dapat gantihan ng kasalanan dahil walang maidudulot 'yon ng maganda. Tanging ang Dios lang ang may kakayahang magparusa."

"Wala na bang ibang paraan Mang Tonio?" tanong ulit ni Nay Belen.

"Hanapin n'yo ang taong nagmahal ng totoo kay Kristina. Isang bagay na maaring naiwan nito na magpapatunay na hindi lahat ng mga nangyari sa kanya ay kasinungalingan. Ibaon n'yo iyon sa libingan niya. Gawin n'yo 'yon sa araw kung kailan siya mismong pinaslang."

Napahawak ako sa kwentas na suot ko. Maaring bagay 'yon para matahimik si Lola Kristina. Pero alam kong hindi sapat 'yon.

"Paano ho namin malalaman kung tuluyan nang nagpatawad si Kristina?"

Bigla ay naibaling ng matandang manggamot ang tingin sa akin. "Matatapos ang lahat sa oras na maipanganak ang unang supling na babae ng isang Fidalgo at Salvatierre. Ngunit," natuon ang atensyon ng lahat sa matanda. "Kapag nabigo kayo. Maaring isa na namang babaeng Salvatierre ang mawala."

Hinawakan ni Psalm ang kamay ko. Ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak sa kamay niya sa akin. Tila ba takot-takot siyang bitawan ako. Natatakot ako, oo. Pero ayokong mawalan ng pag-asa. Naniniwala pa rin akong mayroon pang natitirang kabaitan sa puso ni Lola Kristina.

I gave him a smile.

"It'll be alright." I mouthed.

"We'll get through this together."

We will Psalm.

Naniniwala akong maililigtas mo ako.



"WE need to find the location where Juan Miguel was buried. 'Yon lang ang naiisip ko sa ngayon. Malakas ang kutob ko na kasamang inilibing nila Don Jaime at Alonzo ang mga gamit ng Lolo Miguel ko."

Paroon at parito si Psalm sa sala. Kanina pa siya nag-iisip. Silang dalawa ni Kuya Makisig. Simula nang makauwi kami sa bahay ay hindi na mapakali ang dalawa. Dalawang araw na lang at death anniversary na ni Lola Kristina. Kung hindi nga kami nagkakamali.

"There might be a location mentioned in Lolo Alonzo's diary."

"Ilang ulit ko nang binasa wala siyang nabanggit maliban sa lumang sementeryo. Pero maraming lumang sementeryo sa San Antonio."

"What about in Tita Regina's letters? Siguro naman nabanggit niya kung saan niya nakuha ang kwentas ni Juan Miguel."

"Nothing, she did not mention it in her diary. Hula ko ay kasama ang kwentas na ‘yon sa diary ni Alonzo nang makita niya iyon."

"Halea, are you okay?" mayamaya ay tanong sa akin ni Alyana. "Uminom ka na muna ng tubig. Hayaan mo na silang mag-isip. Masama sayo ang sobrang stress." Inabot niya sa akin ang isang basong tubig bago tumabi ng upo sa akin sa sofa.

Ito ang unang beses na nag-usap kami ni Alyana pagkatapos nang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. I know, I can feel the awkwardness between us. Mukhang pareho kaming dalawa na hindi alam kung saan magsisimula.

"I'm sorry –" we said in unison.

Napatingin kami sa isa't isa. Mayamaya pa ay pareho kaming mahinang natawa.

"I'm sorry," ulit ko. "Sorry Alyana."

"Sorry din. May kasalanan din naman ako. Aaminin ko, nasaktan ako nang sobra sa ginawa mo. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa mo sa akin 'yon. I might do the same if I were on your shoes. Pero ngayon, parang gusto ko na ring magpasalamat na pinaglaban mo si Psalm." She chuckled. "Kasi mas nakilala ko ang kuya mo."

Napangiti naman ako. "Alam mo 'di ko talaga na isip na pwede kayo ni Kuya Mak. Pagkatapos nang mangyari sa kanila ni Ate Yumi ay 'di ko na naisip na magmamahal ulit siya. Thank you for not leaving my brother. Thank you for fighting your love for him. Nagpapasalamat din ako sa Dios na ikaw ang ibinigay Niya para sa kuya ko. Mahal na mahal ko ang Kuya Mak ko na 'yan. He's the best brother in the world."

"Mahal na mahal ko rin si Makisig. At masaya rin ako para sa inyo ni Psalm." Inabot niya ang mga kamay ko at masuyong ginagap 'yon. "Everything happens for a reason. Kaya kapit lang tayo. Naniniwala akong malalampasan natin ang lahat ng mga ito."

"Tama ka,"

"Everything will end soon."


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE