Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"CONGRATULATIONS, it's a girl!"

Rinig na rinig ko ang iyak ng aking anak. Doon ako sobrang naiyak sa tuwa at nang pinahawak na sa akin ang anak ko 'di ko na mapigilan ang mga luha ko. Ang ganda-ganda niya. Ang ganda-ganda ng anak namin.

"She's so beautiful." Narinig ko pang bulong sa akin ni Psalm sabay halik sa aking noo. "She's as beautiful as you Halea."

Masuyo kong hinaplos ang mapupula niyang pisngi. Napasinghap ako sa tuwa nang mahigpit niyang hawakan ang isa kong daliri.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" he asked.

Ngumiti ako. "Salea," marahan kong ibinaba ang mukha para dampian nang magaan na halik ang kanyang noo. "Salea Fleur Fidalgo."

"Salea Fleur," may ngiting ibinaling niya ang mukha sa aming anak. "Sounds like sunflower."

Muli kong ibinaling ang mukha kay Psalm. "She's our sunflower. Our happiness. She will be our Psalm chapter four verse seven. She will fill our hearts with greater joy."

"I know she will."

Ilang taon na ang lumipas. Tuluyan na ring natahimik ang lahat. Ang dating mortal na magkaaway na pamilya ay nagkapatawaran na. Tuluyan nang natabunan ng pagpapatawad at pagmamahal ang kasalanan ng nakaraan.

Hindi na rin nagpapakita at nagpaparamdam si Kristina. Sa wakas ay natagpuan na rin niya ang katahimikan at pagmamahal na matagal na ipinagkait ng galit sa puso niya. Hindi man naging maganda ang pagtatapos ng mga kwentong pag-ibig nila Lola Kristina, Lola Yasmin, Lola Rossita, at Tita Regina nawa'y masaya na sila sa kung saan man sila naroroon ngayon.

Lalong lalo na kay Tita Regina. Sa pagsasakripisyo para sa akin. Sa paggawa ng paraan para maputol ang sumpa. Hindi ko man siya personal na mapasasalamatan. Iingatan at pahahalagahan ko ang buhay na pinaglaban niya para sa akin.

Sa Kuya Makisig ko na hindi ako kailaman iniwan. Sa mga sakripisyo at pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Sa mga magulang ko na naging lakas ko sa mga pagkakataong gusto ko nang sumuko. Sa mga kaibigan na pinaramdam sa akin na masarap pa rin ang mabuhay. Kay Alyana na pinatawad ako sa kabila nang mga nagawa kong kasalanan.

At syempre sa Dios.

"Salea Fleur!" saway ko sa anak na panay ang takbo sa labas ng simbahan na tila ba gusto niyang lumipad habang umikot-ikot.  "Tama na 'yan. Mahihilo ka."

Kakatapos lang ng misa. Buwan ng Mayo kaya pinasali namin si Salea kasama ang mga pinsan niya sa Flores de Mayo bilang angels. Araw-araw, sa tuwing natatapos ang misa may ilang minutong inihahandog para kay Mama Mary. Isa-isang ihahatid ng mga anghel ang mga salitang AVE MARIA na sinasabayan ng mga kantang para kay Maria.

Suot-suot pa rin ni Salea ang angel costume at mga pakpak niya. Hawak-hawak niya ang isang tangkay ng sunflower na bumagay sa flower crown niya sa ulo. I can't help but smile at the mere sight of our beautiful daughter. Kahit na sobrang kulit ng batang 'yan. Nawawala lahat ng inis ko sa tuwing nakikita ko siyang masaya at ngumingiti. Lalo na ang marining ang tawa niya. Tila musika 'yon sa aking tainga.

Bumaling sa amin ang anak. Sumilay ang isang malaki at magandang ngiti sa kanyang mukha. Mapula-pula pa ang matambok niyang mga pisngi. Nililipad ng hangin ang kulay tsokolate at mahaba niyang alon-alon niyang buhok.

"Mama! Papa!" kaway niya sa amin saka pumaikot na naman ng ilang beses. Tila aliw na aliw siya sa mga dahon at mga bulaklak na sumasabay sa hangin bago 'yon nahuhulog sa lupa. Hawak niya pa rin sa isang kamay ang sunflower. "Ang ganda! Nakakatuwa."

Naramdaman ko ang pag-akbay ni Psalm sa akin.

"Okay ka lang ba? Baka pagod ka na."

Nakangiting inangat ko ang mukha kay Psalm. "I'm fine." Bumaba naman ang tingin ko sa aking umbok nang tiyan. Tumaas ang isang kamay ko para masuyong haplosin 'yon. "Hindi naman ako mapapagod para sa inyo at sa mga anak natin." Ibinalik ko ang tingin sa asawa ko. "You are all my Psalm chapter four verse seven."

At ilang buwan na lang ang hihintayin namin at makakapiling na rin namin ang pangalawa naming anak ni Psalm. Malakas ang kutob ko na lalaki siya at gusto kong maging kamukha siya ni Psalm. Hindi na ako makapaghintay.

"Mga batang 'to!" sabay kaming napatingin ni Psalm sa pinanggalingan ng boses. Natawa kaming pareho nang makita sila Kuya Makisig at Alyana na sobrang na-i-stress sa tatlo nilang mga anak. "Hindi ko na talaga kayo dadagdagan. Ang kukulit n'yong tatlo."

Sa huli ay natawa na lang ang dalawa. Tatlo na ang anak nila Kuya Mak at Alyana. Dalawang kambal na panganay na babae at bunsong anak na lalaki. Lumapit sa amin ang dalawa. Ang tatlong bata naman ay patakbong lumapit kay Salea at nakipaglaro.

"Sino ba kasing may sabing mag-anak kayo ng marami?" natatawang tanong ni Psalm kay Makisig.

"Ewan ko riyan. Ako naman ang nahihirapan." Sagot ni Alyana. Ikunuwit naman niya ang isang kamay sa bisig ko at bahagyang inihilig ang ulo sa balikat ko. "Buti na lang maganda ang genes kaya ang gaganda at ang gwapo ng mga anak namin. Saka malaki ang lupain, hindi kami magugutom."

"Lupa yata pinapakain mo sa mag-ina mo kuya." Biro ko pa. "Uuod ka yata noong nakaraang buhay." This time, it was our turn to laugh except Makisig.

"Oo tapos ikaw 'yong sunflower na sunod nang sunog sa araw mo." Nguso pa ni Kuya Mak kay Psalm na halatang nagpapatay malisya sa sinabi ng kuya ko. "Ay sus, pag-umpugin ko kayong dalawa."

"Wait, kung si Makisig ay uuod, tapos si Halea ay sunflower, at ikaw Psalm ang araw ng sunflower, sino naman ako?"

"Ikaw ang asawa ng uuod." Nakangising sagot ni Kuya Mak.

Natawa kaming lahat sa sinabi niya. Baliw talaga 'to. Humiwalay si Alyana sa akin at hinampas ng pamaypay ang braso ni Kuya Mak.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o mandidiri ako sa sinabi mo."

"Medyo nakakadiri nga." Dagdag ko pa.

"C'mon, let's all go home." Pag-iiba ni Kuya Mak. "It's Lola Kristina's birthday. May simpleng handaan sa bahay. Baka sermonan na naman tayo ng mga matatanda sa bahay." Dagdag niya sabay tawa. Ang tinutukoy ng Kuya Mak ko ay sila Mama, Papa, at ang ama ni Psalm.

Magkasundong-magkasundo ang tatlong 'yon. Lalong lalo na sa pagpapalago ng hacienda at sa mga apo nila.

"Kaya pala nag-text sa akin si Nanay kung na saan na ako." Dagdag pa ni Alyana.

"Tara na," aya ko kay Psalm.

"Kristina, Ysabella, Alonzo!" tawag ni Kuya Mak sa mga anak. Sabay naman na tumingin ang tatlo pati na rin ang anak sa gawi namin. "Hali na kayo. Uuwi na tayo."

"Halika ka na anak." Tawag ni Psalm sa anak namin. "Umuwi na rin tayo. May cake sa bahay ng lolo at lola mo."

Lumapad ang ngiti ni Salea. "Talaga po?!" excited na tugon niya. "May ice cream din po ba? Saka spaghetti po?"

Natawa lang kami ni Psalm pareho.

"Manang-mana talaga sa'yo 'yang batang 'yan sa katakawan." Komento pa ni Psalm. "Kaya mahal na mahal ko kayong dalawa."

"Oy, special talent kaya 'yan."

Patakbong lumapit sa amin ang apat na bata nang biglang nadapa si Kristina na nahuhuli sa apat. May batang lalaki na isa rin sa mga anghel kanina na lumapit kay Kristina at tinulungan siyang makatayo.

"Thank you," pasasalamat ni Kristina sa batang lalaki.

Ngumiti ang batang lalaki at inabot kay Kristina ang isang panyo. "Nadumihan ang damit mo. Next time, mag-ingat ka." May ngiting tumango si Kristina.

Napangiti rin kaming apat. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon. Tila ba may naalala ako sa nakaraan pero 'di ko mabigyang pangalan. Iba 'yong saya na naramdaman ko. Kakaiba. Hindi ko magawang maipaliwanag. Ang weird.

"My name is Miguel." Natigilan ako. Miguel? Inilahad ng batang lalaki ang kamay kay Kristina. "What's your name?"

"Kristina," nag-shake hands ang dalawang bata. "Kristina Salvatierre."

"Nice to meet you Kristina."

"Ahem," tumikhim si Psalm sa tabi ko. Pag-angat ko ng tingin sa kanya he was suppressing a smile. Kahit 'di ko sabihin alam ko na ang tumatakbo sa isipin ni Psalmuel. "Mukhang may maagang ikakasal ka na bayaw ah."

"Shut up Psalm. Hindi ko basta-basta ipamimigay ang mga prinsesa ko nang hindi dumadaan sa akin. Magbubunot muna sila ng maraming damo bago ko ibigay ang kamay nila Kristina at Ysabella."

Natawa kaming apat.

"Paano naman si Alonzo?"

"Matututo munang mag-saing ang babaeng 'yon bago ko ibigay ang Alonzo ko." Sagot naman ni Alyana.

"Well, as long as our Salea is happy. We will support her in every decision she will choose. Pero kapag sinaktan nila ang anak ko. Ipapakain ko ang buong sunflower garden sa lalaking 'yon." Dagdag naman ni Psalm.

"Baliw, sayang 'yong mga sunflowers ko. Ipakain mo na lang ang mga lupa sa kanya at nang tubuan ng ugat at matututong manindigan."

Muli kaming natawang apat.

"Tama na, umalis na tayo. Sa bahay na natin ituloy ang mga chikahan." Putol ni Alyana. "Magkita na lang tayo sa bahay."

"Sige," sagot ko. "Dadaanan pa namin si Dory sa pet shop." Tumango lang sila bago umalis at tinungo ang sasakyan nila.

"Akin na 'yang sunflower mo anak. Ako na ang hahawak." Tumalima naman agad si Salea at ibinigay sa akin ang bulaklak. Hinawakan ko ang kamay ng anak. Sa kabilang kamay naman nito si Psalm.

Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa sasakyan.

"Mama, we will get Dowy na ba?" nakangusong tanong ng anak.

Dowy ang pronunciation ni Salea sa pangalan ng aso na iniregalo namin sa kanya noong fourth birthday niya. Baby chow-chow pa si Dory at sa paglaki niya, magiging kamukha na rin ni Dory si Nemo.

Mahal na mahal ni Salea ang baby Dowy niya.

"Yes baby," sagot ni Psalm. "Dadaanan natin si Dory tapos diretso na tayo sa lolo at lola mo."

"Yehey! I'm super excited to hug Dowy. I miss her na."

"Kaya dapat behave ka."

"I'm always behave po. I love Dowy. I love Papa and Mama. I love everybody."

Natawa kaming pareho ni Psalm at nagkatinginan. Lalong lumapad ang ngiti ko nang pasimple niya akong kindatan.

"Lol," I mouthed.

Lalo lang siyang natawa. "Ang cute mo!" he mouthed back. "But I love you."

Natunaw yata ang puso ko sa sinabi niya. Hinding-hindi na yata ako masasanay sa mga kakornihan at ka-sweet-an ng asawa ko. I will forever be blessed. Thank you Lord for everything. Tama nga ako, you're always there for us. All we have to do is to pray and to strengthen our faith.

"Mama, ilabas n'yo na ang baby brother ko or sister. Wala na akong kalaro sa house."

"May lakad anak? Nagmamadali?"

Humagikhik si Salea. "Slight lang po."

"Ikaw talagang bata ka."

"Mama, gusto ko baby brother. Tapos ako mag-iisip ng name niya."

"Okay,"

"Tapos ako mag-aalaga sa kanya. Tapos magpi-play kami everyday. Tapos sasabihin ko siya always ng I love you. Iha-hug ko siya lagi."

"Gawin natin 'yan."

"Tapos... tapos... ay wala na po akong maisip."

"Huwag ka nang mag-isip."

"Okay po,"

"Good girl,"

"I love you po Mama."

"I love you rin anak."

"I love you po Papa."

"I love you too baby."

"I love you my soon baby brother."

"Ang dami mong I love you, may ipapabili ka ba?"

"Opo Papa." Ngumisi ang anak namin. "'Yong Barbie po sa mall kahapon."

"Sabi ko na nga ba."

"Ang honest mo talagang bata."

"Haha!”


"Even though I walk through the valley of the shadow of death, I fear no evil, for you are with me." - Psalm 23:4


WAKAS


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE