Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Alyana

ISANG sasakyan ang nahulog sa bangin matapos itong ararohin ng isang nawalan na kontrol na delivery truck kagabi. Ayon sa lider ng search and rescue team imposible na buhay pa ang driver na kasama sa nahulog na sasakyan. Masyadong malalim ang kinahuluguhan nito at delikado dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa kagabi. Kinilala ang may ari ng nahulog na sasakyan na si Mahaleah Salvatierre Fidalgo.

"Anong sinabi mo kay Psalm?!" galit na galit na tanong ni Mak sa akin. Napasinghap ako sa sakit nang mahigpit na hawakan ni Mak ang isang braso ko. "Sagutin mo ako Alyana! Anong sinabi mo kay Psalm?!"

"M-Mak... n-nasasaktan ako..." sinubukan kong alisin ang kamay niya. "Mak –"

"Bitiwan mo siya Makisig!"

Sabay na napatingin kami ni Mak sa may-ari ng boses. "P-Psalm?"

Seryoso na lumapit si Psalm at inalis ang kamay niya na nakahawak sa isang braso ko. Hinarap niya ang galit na galit na si Makisig.

"Ganyan ka ba trumato ng babae?!"

Napamaang sa asar si Makisig. "Look who's talking?" marahas na itinulak ni Mak si Psalm.

"Mak!"

"Huwag kang mangialam dito Alyana." Marahas na itinabi ako ni Makisig saka niya dire-diretsong sinuntok si Psalm sa mukha. "That's for making Halea's life miserable!" Na nasundan pa ng isang suntok. "That's for making her cry! For making her feel worthless!" Paulit-ulit niyang sinuntok pa si Psalm na hindi man lang nanlaban. "Gago ka! Ano bang nagawang mali ng kapatid ko sa'yo?! Ano bang nagawa niyang mali para tratuhin n'yo siya nang ganito!"

"Mak!" iyak ko. "Mak, Psalm, tama na."

Isa-isa na naglandas ang mga luha ni Makisig sa mga mata niya. Sobra ang paninikip ng dibdib ko sa nakikita kong sakit at paghihirap sa mukha niya. Iniwat ko na sila at payakap na inilayo si Mak kay Psalm.

Pero itinulak ako ni Mak palayo.

"Masaya na ba kayo?!" Marahas na natutop ni Makisig ang noo at malakas na nagmura. "Wala na ang kapatid ko. Patay na siya. Ano bang nagawa ng kapatid ko sa inyo?" He sobbed. Ramdam na randam ko ang sakit sa boses ni Mak. Ang paghihirap na nararamdaman niya nang mga oras na 'yon.

Dahil doon ay mas lalong bumigat ang kalooban ko.

"Buong buhay niya laging ibang tao ang iniisip niya. Laging kayo ang iniisip niya kahit na sobrang nasasaktan na siya. Alam n'yo ba kung gaano kasakit para sa akin na makita ang kapatid ko na naghihirap at nasasaktan? Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko dahil napakawalang kwenta kong kuya! Dahil 'di ko man lang magawang iligtas ang kapatid ko! Pero bakit galit na galit pa rin kayo sa kanya? B-Bakit 'di n'yo magawang mahalin ang kapatid ko?"

"Mak?"

"I hope both of you are happy now." Sarkastikong ngumiti siya sa amin. "Pwede n'yo nang ituloy ang love story n'yong dalawa. Wala na ang kapatid ko. 'Diba siya naman ang kontrabida sa buhay n'yo? Best wishes. Finally, you got your happy ending."

"Mak, mali ka ng iniisip –"

"Hindi lang ang kapatid ko ang pinatay n'yo. Pati na rin ang anak n'yo ni Halea, Psalm."

Natutop ko ang bibig sa narinig. Buntis si Halea? Sunod na sunod na pumatak ang mga luha ko sa mga mata. Hindi ako makapagsalita. Dios ko.

"B-Buntis si Halea?"

Napansin ko ang panlalaki ng mga mata ni Psalm. Alam kong isang malaking sampal 'yon para sa kanya. Hindi lang si Halea ang nawala kung hindi pati na rin ang magiging anak sana nila. Pero tinalikuran na kami ni Mak.

"Makisig sagutin mo ako!" mabilis na lumapit si Psalm kay Mak at hinawakan siya sa magkabilang-balikat. "Buntis si Halea?!"

"Oo buntis siya!" itinulak ni Makisig palayo si Psalm. "Pinatay mo ang mag-ina mo Psalmuel! Ipinagkait mo sa kanila ang buhay na kasama ka.”

"Damn it! Why didn't you tell me she's dying?!" Galit na galit na tanong ni Psalm. "Bakit itinago n'yo sa akin ang katotohanan na 'yon!?"

"Dahil mamamatay siya nang maaga kapag nalaman mo!"

Dios ko! Anong nagawa ko. P-Pinatay ko si Halea. Ako ang pumatay sa kanya.

"Itinago niya ang katotohanan na 'yon dahil gusto niyang lumaban. Gusto niyang mabuhay para sa amin. Hindi niya gustong paghiwalayin kayo ni Alyana pero wala ng ibang solusyon. Tinanggap niya lahat ng galit n'yo kahit kapalit nun ay walang kasiguraduhang buhay. Tiniis niya lahat ng sakit... she did all that... for us... to live... and to love you."

Tila bulong na lamang ang mga boses nila Mak at Psalm. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mga luha. Sa narinig ko mas lalong nanikip ang dibdib ko.

Halea, sorry.

K-Kasalanan ko lahat ng ito. H-Hindi ka sana mamamatay kung hindi ako nangialam. P-Patawarin mo ako Halea. Patawarin mo ako Mak... Psalm... Kasalanan ko lahat ng ito.


Pancho

Ika Setyembere ng 1995

"WALA na akong oras Pancho." Pilit na ipinahawak ni Regina kay Pancho ang isang nakataling makapal na kwaderno. "Itago mo itong isunalat ko para sa aking pamangkin. Siguraduhin mong makakarating iyon sa aking kuya."

"Regina talaga bang –"

"Bilang na lamang ang aking mga oras Pancho. Alam kong hindi na ako magtatagal. Papatayin ako ng puot at galit na bumabalot sa sumpa. Hindi ko na magagawa pang ibigay ang sulat ko sa aking pamilya. Ikaw na ang bahala sa aking Halea, Pancho –" hindi niya napigilan na yakapin ang minamahal. Alam niyang mali ang pagmamahal na 'yon pero ang isipin na ilang oras mula ngayon ay tuluyan na ngang mawawala ito sa buhay niya ay talagang napakasakit para sa kanya. "P-Pancho?"

"Mahal na mahal kita Regina."

"Alam ko," naramdaman niya ang pag-ngiti nito nang sagutin siya nito. Bahagya siya nitong itinulak palayo. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Hindi ko naman mapigilan ang sariling mga luha na malayang naglandas sa kanyang mukha. "Alam ko Pancho."

"Regina –"

"Kailangan munang umalis Pancho." Itinulak na siya nito palayo. Naigala nito ang tingin sa buong paligid. Sa lumang simbahan. Sa kanya. Tila hindi ito mapakali. Nakapagtatakang sobrang lakas at lamig ng hangin. "Ikaw na ang bahala kay Halea, Pancho. Kahit anong mangyari, kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang matalo ang puot na bumabalot sa sumpa."

"Pero Regina –"

"Umalis ka na Pancho!" muli siya nitong itinulak. "Umalis ka na! Kalimutan mo na ako!" Nais niyang manatali sa tabi nito pero wala siyang magawa. Hilam ang mga luhang tumakbo siya. Tumakbo nang tumakbo hanggang sa nawala na ng tuluyan si Regina.

Pangako Regina, gagawin ko ang lahat para mailigtas lamang si Halea.

"Patawarin mo ako Regina." Malungkot na naiyuko ko ang ulo sa harap ng puntod ni Regina. "Hindi ko natupad ang pangako ko sa'yo." Sinikap ko ang hindi maluha. Pero napakasakit para sa akin na sa ikatlong pagkakataon bigo na naman akong sagipin ang mga taong mahal ko. "A-Alam ko," sa huli ay hindi ko pa rin napigilan ang sariling mga luha. "Alam ko na kasalanan ko ang lahat. P-Patawad."

Dumiretso ako sa bahay para bisitahin ang anak kong si Psalmuel. Isang buwan na ang lumipas simula nang mawala si Halea at mga Salvatierre sa San Antonio. Gaya ng pangako ay ibinigay ng pamilya nila ang buong lupain sa amin na hindi ko naman talaga intensyong kunin mula sa kanila.

At sa araw-araw na nakikita ko ang aking anak na naghihirap ay parang dinudurog ang puso ko. Alam ko na may kasalanan ako. Kung naging mabuting ama lang sana ako. Pero hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ako ng kalungkutan. Gumawa ako ng malaking pader kaya hindi ako nakilala ng aking anak. Hinayaan kong kamuhian ako ng aking sariling anak.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya kay Halea at ang galit na hinayaan kong manahan sa puso niya para sa akin. Tila apoy 'yon na kumain sa kaligayahan ng aking anak. Inalis nun ang pagkakataon para sa kanilang dalawa ni Halea. At binulag ang puso niya para suwayin ang totoong bugso ng damdamin.

Naabutan ko ang aking anak na nakatulala sa kanyang silid. Hawak-hawak niya ang ilang litrato nilang dalawa ni Halea. Katabi niya ang ilang gamit na naiwan ni Halea na naka silid sa isang box. Hindi ko maiwasang maawa sa aking anak. Hindi man niya sabihin ang totoong nararamdaman pero bilang isang ama nakikita ko kung gaano siya nahihirapan.

"Psalm," tawag ko sa kanya.

Malumbay na ibinaling niya ang tingin sa akin. Tumabi ako ng upo sa kanya sa gilid ng kama. Madalas na tahimik siya sa tuwing bumibisita ako. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak. Alam kong sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa mag-ina niya... but he was only keeping it to himself. Sinasarili niya ang kalungkutan, pagsisisi at galit. Sa ginagawa niya ay mas lalong nakikita ko ang sarili sa kanya.

Malalim na bumuntong-hininga ako. "Anak," simula ko. "Alam kong nasasaktan ka. Huwag mong kimkimin ang lahat ng 'yan. If you want to cry, then cry. Kung gusto mong sumigaw. Isigaw mo. Sisihin mo ako. Magalit ka sa akin anak."

"Alam kong isa ako sa dahilan kung bakit ka naging ganyan. Tama ka, hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Hindi ako naging mapagmahal na asawa sa ina mo. At alam kong huli na ang lahat para sabihin ko 'to sa’yo." Mapait na ngumiti ako. "Minahal ko ang mama mo pero naging duwag akong aminin 'yon sa kanya. Inisip ko na wala akong karapatan para mahalin siya... na wala akong karapatan para maging ama sa’yo. Kaya lumayo ako. Inilayo ko ang sarili ko sa inyo. Dahil alam ko kung gaano kalaki ang kasalanan ko sa inyo."

"I never shed a tear dahil alam kong wala akong karapatang iyakan ang pagkamatay ng mama mo. Hindi siya naging masaya sa piling ko. Puro kalungkutan lang ang dinala ko sa kanya. Who am I to mourn for her death?" Muli akong napabuntong-hininga. "Pero habang tumatagal lalo lang bumibigat dito." Itinuro ko ang puso ko. "Hindi ko nagawang iligtas si Regina. At sa pangalawang pagkakataon, hindi ko nagawang iligtas ang 'yong ina. I could have make her happy... I could have change everything... be a loving husband to her... maging mabuting ama sa'yo. But I wasted every chances I have. I deprived myself with all the rights of being happy because all I thought... I don't deserve any."

We were silent for a moment.

"Alam kong naging masaya si Halea, anak. Nagawa mo pa ring maging mabuting asawa sa kanya. Nagawa mo ang isang bagay na hindi ko nagawa para sa mama mo. Don't deprive yourself to be sad. To mourn. Umiyak ka. Ilabas mo lahat ng mga galit mo. It's okay to cry. Hindi tayo perpekto, nagkakamali tayo at nakakagawa ng mga bagay na pagsisihan natin sa huli –" naramdaman ko na lang ang pagyuyog ng mga balikat ni Psalm. "Alam kong masakit, anak. Pero maging matatag ka. Let time heal your pain.”

Parang dinurog ang puso ko nang makita kong umiiyak ang anak ko. Humagulhol siya ng iyak na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Niyakap ko ang anak. He clutched to me like he couldn't bear the pain anymore. The lose. The hope that he had been holding on. He was lost. Sa mga oras na 'yon ang batang Psalm ang nakikita ko. Ang batang anak ko na punong-puno ng hinanakit at kalungkutan.

Anak, patawarin mo ang Papa mo kung muli na naman kitang binigo.


Psalm

"Alam mo ba kung bakit gusto ko ang mga sunflowers?" gulat na naibaling ko ang tingin sa nakangiting babae.

Ako ba ang kausap niya?

"H-Huh?"

May ilang smudge ng paint ang mukha niya at ang uniform niya. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Halea. Ang kapatid ni Makisig.

Tumigil ako sandali kanina nang makita ko ang mga sunflower na nakapinta sa pader ng SPED building. Nagtaka ako kung pwede ba 'yon kaya nilapitan ko.

"Because they are happy flowers." Lalo lang lumapad ang ngiti niya. A genuine smile that made things around her lively. I never expected that a genuine smile could be that beautiful. "Sabi nila, kapag nakakakita ka ng sunflowers sasaya ka... at mapapangiti."

Tinitigan ko nang mabuti ang mga bulaklak. Hindi ko alam pero nakadama ako ng kakaibang saya sa puso ko. The art made my heart calm and at peace.

"I believe that everyone of us has a story to tell and I wanted to make them feel better." Punong-puno ng pag-asa ang mga mata niya habang tinitignan ang pader na ngayo'y punong-puno ng mga sunflowers. "Gusto kong malaman nila, na hindi sila nag-iisa... that someone is cheering them up. That someone is happy to see them smile. Oh! Ngumiti ka!" turo niya sa akin.

Namilog nang husto ang mga mata niya sa sobrang amusement.

Wait, ngumiti ba talaga ako?

"I'm glad, I made you smile." Halea winked at me. "Masyado ka kasing seryoso. Smile ka pa nang malaki. Parang ganito." Nilakihan pa niya ang ngiti niya na sa huli ay medyo creepy na.

Natawa lang ako. "Baliw!"

May malaking ngiti na inilahad niya sa akin ang isang kamay. May mga smudge ng paints din ang mga ‘yon. “Mahaleah nga pala, Halea for short.”

“Psalm,” tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Psalmuel Fidalgo.”

I remember she said she used to spent most of her time in their old wine cellar. Hindi ko namalayan na doon na pala ako dinala ng mga paa ko. Hindi masyadong kapansin-pansin ang bahaging 'yon. The wine cellar is more like a dwarf's home. It looks like a house sunk on the ground. It seem like it was built a long time ago, around 1880's.

There was an old thick wooden door. Ni wala man lang padlock ang pinto kaya madali ko 'yong na buksan. There was an eerie creak sound when I opened the door. Kinailangan ko pang bahagyang yumuko para makapasok. Iginala ko ang tingin sa buong lugar. Madilim at maliit ang loob nun. Ni walang ano mang gamit. There must be a secret door below.

Naingat ko ang isang paa nang may kung ano akong natapakan. It was a rustic design pull handle. Doon ko napansin na isa pala 'yong maliit na pinto. Yumuko pa ako para mabuksan 'yon. Wala akong makita kaya dinukot ko ang cell phone sa bulsa ng pantalon ko at pinailawan ang bahaging 'yon. Bahagya kong isinilip ang ulo. May spiral stairs na magdadala sa'yo pababa.

Bumaba ako para tignan kung anong mayroon doon. Agad na nakita ko ang switch ng ilaw. Sinubukan kong buksan ang lahat ng switch. Biglang bumukas ang ilaw kasabay nun ang panlalaki ng mga mata ko. I couldn't believe what's inside. Punong-puno ng mga paintings ang buong lugar. Paintings ng mukha ko... ng mga bulaklak... ng mukha naming dalawa ni Halea.

Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Mabigat ang mga paa na isa-isa kong tinignan ang mga gawa ni Halea. Tila palabas na naglaro sa utak ko ang mga posibleng ginagawa ni Halea sa loob. Nakikita ko siyang nakangiti habang naka upo sa harap ng canvas. Natutuliro at 'di mapakali na naglalakad sa buong paligid dahil may nawawala siyang gamit at hindi niya 'yon mahanap. Kumakain habang kinakausap ang kung ano mang mga bagay na nandoon. Umiiyak dahil malungkot siya noong araw na 'yon.

Naipikit ko ang mga mata. I could imagine her with me. Looking at me... crying. I want to hug her. I want to tell her I love her... tell her not to cry.

But how can I do that now?

She's gone.

Humugot ako nang malalim na hininga. Iminulat ko muli ang mga mata. Doon ko lamang na pansin ang isang bagay sa gitna na tinakpan ng puting tela. I took the cloth away and was stunned to see what it was. It was a portrait of me and Alyana. Pero bakit? Bakit may portrait si Halea nun? Napaatras ako para lang mapayuko nang mapansin ang isang papel na nahulog sa mismong sapatos ko.

Yumuko ako para kunin 'yon.

Sulat kamay 'yon ni Halea.

Marahil ay wala na ako sa panahon na makita at mabasa mo ito. At sana sa panahon na 'yon masaya ka na Psalm. Patawarin n'yo akong dalawa ni Alyana kung nagawa ko kayong paghiwalayan na dalawa. Nagawa ko lamang 'yon dahil sa pamilya ko. Dahil gusto ko pang mabuhay.

Napaka-selfish ko ba masyado?

Would it be a selfish thing for me to spent the remaining days of my life with you? Yes, I'm selfish. And I don't regret it, because I was happy... Because you still made me happy. I was truly happy. I became Mrs. Mahaleah Salvatierre Fidalgo.

A part of me wanted to be with you. A part of me wanted to risk because I wanted to live... because I wanted to continue loving you... because I wanted to stay with the people I love. Gusto ko pang makita sila Mama at Papa na tumanda. Na aliw na aliw sa mga apo nila. Si Kuya Makisig na maging masaya kasama ng mamahalin niya. Ang mabigyan ng magandang buhay ang magiging pamangkin ko. Na hindi siya magaya sa akin at malaya niyang magawa ang kung ano mang gustuhin niya sa buhay. I wanted to give them a happy ending.

I wish I could.

I wish I can.

If only this curse didn't exist. Everything would have been okay, right? I could still love you from afar? Maybe meet a man for me someday? Everyone will be happy.

But I can't.

I realized that, I should stop. I should give you your happiness. Love should be equal. It should not demand anything. Love should be given and not ask. Siguro ito na talaga ang kapalaran ko at dapat ko na 'yon tanggapin. Don't worry about me. Kasama ko naman na si Nemo dito. We will be okay here.

I always hate goodbyes but I guess, this time, I should really go.

Paalam, Psalm.

Hangad ko ang kaligayahan mo.

Halea,

I could have save her. Kung hindi ako nagpabulag sa galit ko hindi sana nawala sa akin ang mag-ina ko. I deserve this. Tama lang sa akin 'to. Hindi ko napigilan ang mga luhang umalpas sa aking mga mata. The pain is almost unbearable for me to breathe. My fist tightened. Galit na galit ako sa sarili ko. It's all my fault. Kasalanan ko ang lahat ng 'to!

"Halea," I cried. "I missed you. Can you come back for me, please? I can't live like this. Hindi ko pala kaya... p-please... patawarin mo ako Halea." I cried in desperation. "Lord, please... give me back my wife and child.”

Nagmamakaawa ako.

Please.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE