Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

"PSALM!"

Napasinghap ako sa gulat nang maramdaman ang pagyakap ni Psalm mula sa likod. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa niluluto ko dahil panay ang halik niya sa leeg ko pababa sa naka expose kong balikat dahil sa suot kong off shoulder blouse.

"Tumigil ka na nga," palo ko sa braso niya.

"Amoy masarap 'yang niluluto mo ah."

"Masarap talaga 'to," nakangiti at proud kong sabi. "Magaling kaya akong magluto. Tikman mo." Inabot ko ang kutsara at pinatikim sa kanya ang sabaw ng nilagang baka na niluto ko. "Anong lasa?"

"Hmm," sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Masarap." Nagulat naman ako nang nakawan niya ako bigla ng halik sa mga labi. Napakurap-kurap ako ng ilang segundo bago ako naka react. Sakto namang nakalayo na siya sa’kin ng ilang pulgada. Umalingaw-ngaw sa buong kusina ang malutong na tawa ni Psalm.

"Hoy!" duro ko sa kanya. "Bakit isa lang?!" natatawa kong reklamo. "Daya! Bitin."

"Ay gusto mo madami? Halika dito."

Mabilis na lumayo ako nang lumakad siya palapit sa’kin. I raised both my hands in the air. Hawak ko pa rin sa isang kamay ang sandok. Tawa pa rin ako nang tawa.

"Teka lang, joke lang." Bago paman ako makagalaw ay mabilis na natawid ni Psalm ang pagitan na distansya naming dalawa. He cupped my face at pinanggigilan na hinalikan ang mukha ko. "Psalm tama na." Natatawa kong pigil sa kanya. Kinikilig na nakakakiliti ang paghalik ni Psalm.

"Sinong nabitin?"

"Tama na. Okay na, quotang-quota na ako ngayon." Natatawa pa ring niyakap ko siya. "Sasabog na puso ko sa saya." Nagtama ang mga mata namin. I gave him a smile, a smile that reached my heart.

"Ay sorry!" sabay na napalayo kami sa isa't isa ni Psalm nang marinig namin ang boses ni Noreena. Nag-peace sign siya sa’min. "Sige babalik na lang ako mamaya." Mabilis na lumabas siya ng kusina. "Tiyang sa labas muna ako magbubunot ng damo! May shooting po ng teleserye sa kusina. Naiinggit ako kaya ako na po ang mag-a-adjust."

"Ikaw talagang bata ka! Kapag talaga inuutusan kita ang dami mong rason." Narinig naming litanya ni Manang Belma. "Puntahan mo 'yong pinsan mong si Rona at 'di ko alam kung bakit 'di pa bumabalik. Nabigatan yata sa isang kilong bigas. 'Di sana isang kilong bato na lang pinabili ko sa kanya. Naku! Kayong mga kabataan ngayon ang sasakit n'yo sa –" naabutan kami na manang na malayo sa isa't isa. Kumunot ang noo niya sa amin. "Sabi ko na nga ba at rumarason na naman 'yang si Noreena. Wala namang gumagawa ng teleserye dito." Sumenyas si manang na aalis muna.

Tumango lang kami.

"Noreena!"

Nagulat ako nang yakapin ako ni Psalm ulit. Tumaas ang isang kamay niya sa pisngi ko at marahan 'yong hinaplos. Pareho kaming mahinang natawa.

"Ang ingay-ingay ni manang." Halos pabulong niyang sabi. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. "Ikaw na lang ang patatahimikin ko." He was about to lower his face to mine nang biglang bumalik si Manang Belma.

"Dong Psalm,"

Psalm cursed under his breath. Natatawang pinalo ko ang isang balikat niya. Dumiretso tuloy ang ulo ni Psalm sa leeg ko. Niyakap ko na lang siya. Cute!Napatingin ako kay Manang Belma na ngiting-ngiti sa amin. Mukhang kinikilig din sa nakita.

"Ay totoo nga! Nandito pala sila Marimar at Sergio." Sumenyas si manang na lalabas ulit. "Hay naku! Kinikilig ako."

"Matanda ka na para kiligin tiyaaaaa-ray ko naman tiyang! Syet!"

"Itatali talaga kita sa puno ng maraming kapre at nang magtanda ka. Halika! Samahan mo ako at hanapin natin 'yong pinsan mong si Rona na itinanan na ng duwende."

"Ang cute mo pala kapag na caught in the act." I teased.

“Huwag mo akong simulan.”


Alyana

NAIANGAT ni Alyana ang mukha sa malaking gate ng mansion ng mga Salvatierre. Iwan ko na lang kaya dito 'tong wallet ni Makisig. Kung bakit kasi ako lang hinanap nung pulis para isauli 'tong wallet ni Makisig. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang muntik nang madukot nang tuluyan ang cell phone ko.

Bumaba ang tingin ko sa kulay brown na wallet ni Makisig. Mukhang wala naman yatang pakialam si Makisig kahit nawala 'yong wallet niya. Sa yaman ng 'sang 'yon. Tinignan ko ulit ang laman ng wallet. May wacky picture doon ni Makisig at Halea na kuha noong high school pa yata sila. Kahit noon ay napapansin ko na sobrang close nila Halea at Makisig. Protective siya kay Halea at halos laging nakabuntot sa kanya.

I sighed.

Ipapasok ko na lang 'to sa mailbox nila. Isang beses ko pang tinignan ang wallet bago ko 'yon pinasok sa maliit na butas ng mailbox na sobre lang yata ang makakapasok. Pero pinilit ko pa rin na ipasok 'yon. Masisira ko pa yata 'tong wallet ni Makisig.

"Kung hindi pwede huwag mong ipilit."

Napaigtad ako nang marinig ang isang pamilyar na baritonong boses na 'yon. Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses. "Makisig!" gulat na tawag ko sa pangalan niya. Mabilis na hinila ko palabas ang wallet.

Bumaba ang tingin niya sa hawak ko. "Nasira mo tuloy."

Napangiwi ako. "Sorry, akala ko kasi walang tao kaya... kaya ihuhulog ko na lang sa mailbox n'yo."

Teka, saan ba 'to galing? Ganoon pa rin ang pormahan niya. Naka simpleng puting t-shirt at kupas na maong na tinupi niya nang bahagya just above his ankles. Naka tsinelas, it's just that this time nakasuot na siya ng straw hat na karaniwang gamit ng mga magsasaka.

Pero bakit mukha siyang katipunero na magsasaka ang gwapo pa rin ni Makisig? Wala na bang damit na hindi babagay sa kanya?

"O, bakit ganyan ka makatingin sa’kin?" walang ka emo-emosyong tanong ni Makisig sa’kin.

"Saan ka galing?"

"Kung makatanong ka sa’kin parang girlfriend kita ah." Hindi ko alam kung totoo 'yong nakakalokong ngiting nakita ko sa mukha niya kanina. Pero mukhang namalikmata lang ako. Hay naku!Naimbyerna ako bigla sa ka arogantehan ng lalaking 'to.

"Masama bang magtanong, ha?" inis na tanong ko sa kanya.

"Pumasok ka muna." Binuksan ni Makisig ang gate. "Sinira mo na 'yang wallet ko. Kaya pagbabayarin kita." Nauna na siyang naglakad.

Napamaang ako. "P-Pagbabayarin mo ako? Wow, ha? Ang luma na kaya nito." Itinaas ko ang wallet niya nang makaagapay ako sa kanya. "Saka 'di ko kasalanan kung naiwan mo 'to sa police station at ako ang pinagbilinan nito. Busy akong tao kaya you cannot expect me to prioritize you."

"Pina LBC mo na lang sana o 'di kaya pinahatid mo sa ibon."

Napamaang ulit ako. Aba'y! Kating-kati na akong kalmutin siya pero pinipigilan ko lang talaga. Nasa lupain ako ng mga Salvatierre baka ipalapa pa ako sa mga aso nila.

"Gagastos pa ba ako? Kunin mo na 'to." Pilit kong inabot ang isang kamay niya at pinahawak sa kanya ang wallet niya. "Aalis na ako. Bye!" Akmang tatalikuran ko na siya nang mabilis na mahawakan niya ang braso ko at napihit pabalik.

Nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Hindi ka aalis."

"Aalis na ako!"

"Ipagluto mo muna ako."

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?"Bakit naman kita ipagluluto?!" hysterical na tanong ko sa kanya. Ang sarap na talagang sakmalin ng loko.

"Dahil sinira mo ang wallet ko. Dali na!" Hinila na niya ako papasok sa mansion. “Malapit nang magtanghalian.” At ang bossy pa!


Halea

SOBRANG laki ng ngiti ko nang matapos ang portrait ng mukha ni Nemo. Nalakabas ang pangil ni Nemo sa painting. I didn't want it to be dull kaya watercolor portrait ang ginawa ko. Pinaglaruan ko ang mga kulay para mabuo ang malaking mukha ni Nemo. To complete my masterpiece, nilagyan ko pa siya ng sunflower crown sa ulo niya. Super cute!

Pababa na pala ang araw. Malapit nang mag-ala-sais sa cell phone ko. Tumatagos na rin ang kulay kahel na liwanag mula sa nag-iisang maliit na bintana sa basement. Ang asong 'yon, kahit lagi akong gustong sakmalin o kagatin mahal na mahal ko pa rin 'yon. Kahit ang choosy masyado. Gusto ko sanang yakapin ang gawa ko kaso baka masira. Excited na akong i-display 'to sa sala. Ipapakita ko talaga 'to kay Nemo at nang tubuan naman ng feelings for me.

"Wow!"

Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Psalm na pababa na mula sa sementadong hagdan. Mabilis na tumayo ako. Medyo nataranta ako. Paano niya nalaman ang lugar na 'to? Mabilis na iginala ko ang tingin sa buong paligid. May mga portrait ako ng mukha ni Psalm. Shuks! Buti na lang naglinis ako kahapon. 'Di ko nga lang alam kung saan ko 'yon nailagay.

"Noon pa man ay nakikita ko na ang potential mo as an artist." Titig na titig si Psalm sa gawa ko. Kitang-kita ang amazement sa mukha niya. "I saw some of your works sa bahay nila Alyana."

Hindi ko alam kung bakit nakadama ako ng matinding sipa sa dibdib nang banggitin ni Psalm ang pangalan ni Alyana. Siguro dahil, hindi ko pa magawang kalimutan ang katotohanan na minahal talaga nang sobra ni Psalm si Alyana? Na hindi ko naman pwedeng alisin 'yon agad sa kanya.

"Hindi ka naman sumasali sa mga art contest noong high school. I think minsan lang," paminsan-minsan ay ibinabaling niya ang tingin sa’kin habang tumitingin ng iba ko pang gawa. "Nanalo ka pa nga, second place, diba? Tsk. I thought you'll gonna win the first place that time kaso 'yong isang judge bias kasi 'yong nanalong kalaban mo ang nasa honor list."

Naalala pa niya 'yon? Antagal na nun ah. Second year pa ako noon. Kaya nga 'di na ako sumali sa sumunod kasi 'di naman ako matalino. Okay lang kahit 'di ako mag-first prize kasi 'di ko naman na kailangan 'yon sa standing ko. Sayang lang daw. Madali naman akong kausap e.

"I know your secret."

"Huh?"

Lumapit si Psalm sa’kin. Lumabas ang dimple niya sa pag-ngiti niya. Ang gwapo talaga ng lokong 'to. Lalo na kapag ngumingiti. Lutaw na lutaw ang dimple.

"Alam kong ikaw ang nagpaint sa playground wall doon sa SPED class ng school natin."

Namilog ang mga mata ko. "Paano mo na laman?"

"You're the only crazy girl who will be very much happy to vandalized a school property with sunflowers. The kids like it but still an unreasonable behavior. Isang linggo kang pinagbunot ng damo sa flagpole."

Natawa ako. "Maganda naman, diba?"

"You're one crazy girl, ha?" Napasandal ako sa isa sa mga lumang cabinet doon nang ipulupot ni Psalm ang mga kamay niya sa bayway ko. "But very brave."

"Stalker ba kita at alam mo ang mga bagay na 'yon?" nakangiti kong tanong. I cupped my face in front of him and give him my best pa cute face.

Hindi mapigilan ni Psalm ang sobrang mapangiti. "Darn, stop acting cute Halea."

"Pero cute naman talaga ako e." Ibinaba ko na ang mga kamay at natatawang itinulak palayo si Psalm para makawala ako sa bisig niya. "Oh –" napasinghap ako nang mabilis niya akong mahila pabalik. Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako bigla sa mga labi.

Naisandal ko muli ang likod sa matigas na cabinet at napahawak nang mahigpit sa mga balikat ni Psalm nang pailaliman niya ang halik. Marubdob at mabilis ang paghalik niya na sinagot ko naman ng kaparehong intensidad. Para kaming hinahabol ng kung sino. Para kaming nalayo sa isa't isa ng ilang taon at sobrang sabik na sabik sa isa't isa. Kinailangan ko pang kumuha ng lakas sa pagkapit sa kanya para 'di tuluyang manghina dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko.

Bumaba ang mga halik niya sa panga ko pababa sa leeg ko.

"P-Psalm?" I stuttered.

"Hmm..."

Nagsimula akong kabahan. Hindi naman ito unang beses pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan dahil 'di naman ako sanay na ganito kami. Napa-oh ang bibig ko nang maramdaman ang mainit na kamay ni Psalm na pumapasok sa loob ng suot kong maluwag na t-shirt. Para akong napapaso sa bawat dampi at haplos ng kamay niya. His other hand was on my back, pressing me closer to his body.

"A-Ano... d-dito talaga?"

Psalm chuckled as he nuzzled his face to my neck, giving me butterfly kisses there. "Anywhere will do." Lumayo siya nang bahagya para tignan ako sa mukha. "But I can't wait any longer." Napasinghap ako nang bigla niyang hinubad ang suot kong damit at muli akong sinibasib ng halik sa mga labi. Hindi ko tuloy alam ang gagawin sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Naipikit ko na lamang ang mga mata at hinayaan si Psalm sa ginagawa niya.

"P-Psalm," anas ko habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin.

Kinarga niya ako nang hindi pinuputol ang halik. Naramdaman kong naglakad siya sa kung saang direksyon pero 'di ko tukoy kung saan. Naramdaman ko bigla ang pagsandal ko sa malamig na katawan ng pader habang tinutulungan ko siyang maialis ang suot niyang damit. Mayamaya pa ay biglang may narinig akong kakaibang tunog. Para bang bumukas ang isang bahagi ng pader.

Hindi ko mapigilan ang kumalas muna kay Psalm para tignan kung ano 'yong bumukas. Ganoon na lang talaga ang pagkamangha ko nang makitang may secret passage pala mula sa pader papunta sa isa pang silid.

"Wow!" tanging na sabi ko.

Psalm chuckled. "Good thing about ancestral house."

Uso talaga sa panahon noon ang mga basement at sekretong lagusan para gawing taguan ng mga mamahaling bagay o gawing sekretong silid para sa mga taong gusto mong pagtaguan. Or pwede din sa romantikong bagay.

Pumasok kami ni Psalm sa loob at sobra akong namangha sa ayos ng silid. Malinis naman at kompleto sa amenities maliban na lang siguro sa mga iilang cobwebs at alikabok sa dingding at sa mga cabinet na nandoon.

May isang four poster bed sa gitna.

"Ihihitin naman yata tayo ng ubo dito Psalm." Kung itatapon ako ni Psalm sa kama na 'yon baka malunod ako sa alikabok.

Natawa lang si Psalm. "Kakalinis lang nito noong isang buwan."

"Noong isang buwan pa 'yon, duh?" Sa gulat ko ay bigla akong inihagis ni Psalm sa kama. Impit akong napatili at napapikit. Pinigilan ko ang huminga. "Psalmuel!" nahihirapan kong sigaw sa pangalan niya pero sinagot lang niya ako ng tawa.

Naramdaman ko ang paglubog ng katawan ko sa kama nang pumaibabaw si Psalm sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ay nakangiting nakatitig sa’kin si Psalm. I saw a different shade on his eyes, a burning desire na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya sa sobrang pagkakalapit namin sa isa't isa.

"K-Kinakabahan ako..." sabi ko. He reached for my right hand and guided it to his mouth. Isa-isa niyang hinalikan ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng reaksyon ng katawan ko sa ginagawa niya. Mas lalo akong nag-iinit. "P-Psalm..."

Naiangat niya ang tingin sa’kin habang patuloy pa rin siya paghalik sa kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko bago ulit nagsalita.

"Don't be," anas niya nang ilapit niya ang mukha sa may tainga ko. Naipikit ko ang mga mata nang maramdaman ang mainit na hininga ni Psalm. "I'll make sure I'll be gentle this time." Kahit papaano ay napanatag ako sa sinabi niya.

Bumalik ang mga labi niya sa labi ko at muli akong siniil ng halik. Maalab at sabik na sabik ang bawat hagod at galaw ng mga labi namin sa isa't isa dahilan para mapaungol ako sa sarap ng nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Nagsimulang maglikot ang mga kamay ni Psalm sa katawan ko. Bawat haplos at pagdantay ng mga balat namin ay lalong nagpapasabik sa’min sa isa't isa.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat ni Psalmuel. Kabaliktaran sa naramdaman ko noong unang may mangyari sa amin. He was making love with me with so much gentle and love na para bang takot siyang masaktan niya ako. Pinaparamdam niya sa’kin ang isang bagay na akala ko noong una ay imposible. For once, naramdaman ko mula sa kanyang mga halik at haplos na mahal niya ako kahit 'di ko pa naririnig 'yon mula sa kanya.

Sobrang saya sa pakiramdam. Para akong idinuduyan sa alapaap. Hinding-hindi ako magsasawang magpaangkin sa asawa ko. Dahil mahal na mahal ko siya. Sa kanya lang ang katawan at puso ko.

Kay Psalmuel lang.


Alyana

"HINDI mo naman na kailangang ihatid pa. Kaya ko namang umuwi mag-isa." Pagtataray ko pa rin kay Makisig. Aba'y sumakit ang kamay at likod ko sa pagluluto. Ang dami ko pa lang pakakaining trabahante ng mga Salvatierre na nag-aararo sa lupain nila.

"Sino ba naman kasing may sabing hinahatid kita? May kukunin lang ako kina Mang Isko. Masyado ka namang assumera."

Napamaang ako. "A-Ako assumera? Anak ng pusa! Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo, ha?"

"Sino ba naman kasing may sabing magtimpi ka?" binigyan niya ako ng klase ng tingin na nagsasabing ‘ALAM MO MAY PAGKATANGA KA RIN’ na sobrang nagpa-init sa bumbunan ko. "Kung gusto mo akong sampalin, sakmalin o suntukin. Feel free to do so."

"Seryoso ka ba?"

He nodded in response. "I won't min-" napa-igik siya sa sakit nang biglain ko siya ng suntok sa braso. He cursed under his breath and give me a death glare after. "Are you crazy?!" he hissed.

I smirked. "Sabi mo okay lang na suntukin kita?"

"Agad-agad?"

"Kanina pa 'yan. Ngayon ko lang nagawa." Nauna na akong maglakad sa kanya. "Sa susunod na paglulutuin mo ako abisuhan mo ako kung buong bayan ang pakakainin mo."

"Ma duwende ka sana diyan!"

"Ewan ko sa’yo! Sana ma-in-love sa’yo ang white lady para itanan ka na lang niya."


Halea

PINAGSAWA ko ang sarili sa pagtingin sa mukha ni Psalm habang mahimbing pa siyang natutulog. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa amin kanina. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naalala 'yon.

Pinadaanan ko ng isang daliri ang linya ng ilong niya. Sinusubukan kong memoryahin ang mukha niya. Kung may nagbago ba? Kung tama pa rin ang pagkakaalala ko sa bawat detalye ng mukha ni Psalm. Ang gwapo-gwapo pa rin niya kahit natutulog. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha niya. Mas lalo lang akong na-i-inlove sa kanya lalo na't malaki na ang pinagbago ng relasyon namin.

Napasinghap ako sa gulat nang biglang gumalaw ang isang kamay ni Psalm at hinuli ang kamay ko. Nagising ko yata.

"Sauludo mo na ba ang detalye ng buong mukha ko?"

"K-Kanina ka pa ba gising?" binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at inayos ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko. "Hindi ka pa ba nagugutom?" pag-iiba ko na lang. Hindi pa kami kumakain ng haponan. Gutom na rin ako.

Imunalat ni Psalm ang mga mata at umayos ng higa. He pulled himself up para maisandal ang likod sa headboard ng kama. "Sayo pa lang busog na ako." May naglalarong pilyong ngiti sa mukha niya.

Nag-init naman ang mga pisngi ko. "Nakakahiya."

"Ano namang nakakahiya? Mag-asawa naman tayo. I will make love with you everyday." Napalunok ako sa araw-araw. Makakalakad pa kaya ako nang maayos?  "We will try to make this marriage work, Halea." Parang hinaplos ng mga anghel ang puso ko nang marinig 'yon mula kay Psalm.

Alam kong hindi ako pwedeng manatili sa buhay ni Psalm. Hindi ko pa sigurado kung ano ang magiging kahahantungan ng lahat pero kung ano man ang plano ng Maykapal sa akin ay buong puso ko pa rin 'yong tatanggapin. Sapat na sa akin na naranasan kong maging asawa ng isang Psalmuel Fidalgo at lumaban ako para sa pamilya ko.

"Halea?"

Sa ngayon, ayoko munang isipin ang lahat. Ayoko munang mag-isip ng mga bagay na magdadala lamang ng lungkot sa puso ko.

"May iniisip ka ba?" nag-aalalang tanong ni Psalm sa akin.

I shook my head and smile. "Wala. Masaya lang ako." Inihilig ko ang ulo sa dibdib niya. "At gutom na rin." I chuckled.

"Napapansin ko talagang mahilig kang kumain." Tila amuse na sabi niya.

"Food is life. Ano ka ba." Natatawa kong sagot. "Ang aga mo kasing umaksyon. Hindi tuloy tayo nakakain."

It was his turn to laugh. "Nakakasama ka ng loob. Natikman mo na nga ako. Gutom ka pa rin. Mag-round two na lang tayo." Pumaibabaw bigla si Psalm sa akin. Mabilis ko namang nahawakan ang mga balikat niya para hindi siya tuluyang makalapit sa akin. "Tsk. Ang bilis namang magsawa ng misis ko sa akin."

"Kumain muna kasi tayo." I chuckled. "Malamig na 'yong inihanda ni Manang Belma sa kusina."

He held a sighed. "Fine!"

Ibinaba ko na ang mga kamay nang umalis si Psalm sa ibabaw pero mukhang may kapilyohan talagang itinatago 'tong asawa ko. Biglang bumalik siya sa itaas ko at hinalikan ako sa mga labi. Ilang segundo kaming naghalikan bago niya ako pinakawalan. Inilapit niya ang mukha sa may tainga ko.

"Seeing my name on your back turns me on." He whispered.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hindi mo pangalan 'yan. Bible verse 'yan." Pinalo ko siya sa braso.

Ibinalik niya ang mukha sa harap ko. "But I can't help it." Naipikit ko ang mga mata nang ilapat niya ang labi sa noo ko at ginawaran ako ng halik doon. "It warms my heart knowing my name is written on your skin."

"Hindi mo kasi pangalan 'yan."

"I'm still your Psalm, Mahaleah Fidalgo."



"KITA mo 'yan Nemo." Ibinaba ko ang tingin kay Nemo at itinuro ang isinasabit ni Psalm na painting sa sala. "Gawa ko 'yan. Maganda diba? Kasing ganda ko."

"Halea tigilan mo na 'yang aso." Sabat ni Psalm habang inaayos ang pagkaka-hang ng painting sa pader. "Pati si Nemo pinagloloko mo.” Nakatawang dagdag pa niya.

Umupo ako sa sahig para magkasing-level na lang kami ni Nemo. Hinarap ko siya at hinarap niya naman ako. "Nemo, friends na tayo, ha? Ginawan na kita ng painting dapat bffs na tayo." Inilahad ko ang kamay sa kanya. "Isang high paw naman diyan oh."

Nilabasan lang ako ng pangil ni Nemo. Natawa lang ako. "Ay grabe ka talaga sa ak –" natigilan ako nang itaas ni Nemo ang isang paa niya at nakipag-high paw sa akin. Gusto kong maiyak nang mga oras na 'yon kaya 'di ko mapigilan na yakapin si Nemo. "Nemo!"

"O, tapos na!"

"Psalm," naiiyak na baling ko kay Psalm. "Friend na kami ni Nemo. Mahal niya na raw ako."

"Ipagpapalit mo ako sa aso?"

Natawa ako habang pinupunasan ang mga luha ko. "Baliw! Aso pagseselosan mo."

Natawa lang din si Psalm. Lumapit siya sa amin at dumiresto ng upo sa sahig para himasin ang katawan ni Nemo. "Good boy Nemo. Anong gusto mong food today?"

"Ako pizza." Sagot ko.

"Aso ka ba?"

"Misis mo."

"Kita mo 'tong misis ko Nemo. Lagi na lang kumakain. Kaya nanaba e." Napamaang ako. Excuse me lang po!Baby fats is cute. "Pero ang cute niya pa rin."

Tatlong beses na tumahol si Nemo bago niya dinilaan ang isang paa niya. Hindi ko sure kung anong meaning ng tatlong tahol ni Nemo. It's either, YES PO MASTER or SAAN PO BANDA? Pasalamat 'tong asong 'to hindi ako nakakaintindi ng dog language. Anyway, iniyakap ko ang dalawang braso sa mga tuhod ko.

"Psalm,"

"Ano?"

"Sino si A.F.?" 'yong initials na nakita ko sa landscape painting ng gubat at batis doon sa cabin. "Iisa lang ba sila ni A.dC. doon sa mga paintings na nandoon sa basement?" may mga paintings din kasi doon na nakatago. Kaso 'yong initials A.dC."

Inangat ni Psalm ang tingin sa’kin. "Iisa lang sila. A.F. Means, Analea Fildago. A.dC. Means Analea del Carlos. Lahat ng mga paintings na nakita mo ay gawa ng mama ko."

Ako lang o magkatunog ang pangalan namin ng ina ni Psalm?

"Kung nabubuhay siya ngayon palagay ko'y magkakasundo kayo." Nakangiting ibinaling ni Psalm ang mukha sa akin. "Even your name sounds like."

Pero para sa akin mas magaling ang mama ni Psalm kaysa sa akin. Napaka-realistic kasi ng mga gawa niya. Medyo nahihirapan pa ako sa mga ganoong style ng pagpipinta. Masyado kasing ma detalye.

"Sayang..."

"Dong Psalm," biglang dumating si Manang Belma. "Nandito ang papa mo."

Napansin ko ang pag-iba ng ekpresyon ng mukha ni Psalm. Seryosong-seryoso ang mukha niya at tila hindi nito nagustuhan ang ibinalita ni Mang Belma sa kanya. Kahit ako rin ay mabibigla sa biglang pagbisita ni Don Pancho. Sa katunayan ay ito pa lamang ang unang beses na bumisita ang papa ni Psalm simula nang ikasal kami.

"Psalm?" tawag ko sa kanya.

Bago paman maibaling ni Psalm ang tingin sa akin ay dumating na si Don Pancho.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE