Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Makisig

HINDI ko agad sinagot ang tawag ni Alyana. Nakatitig lang ako sa screen ng cell phone ko habang hinihintay na matapos si Psalm na maipasok ang lahat ng gamit niya.

"I'm done." Bigla ay anunsyo ni Psalm. Tinanghali na sila. Halos pitong oras din ang byahe pabalik ng Maynila. Bahagya akong napalingon sa gawi niya mula sa aking balikat. Katatapos lang niyang isara ang compartment sa likod ng sasakyan. "Let's go."

"Wait," sabi ko. Sinagot ko ang tawag ni Alyana.

"Mak!" bumakas ang relief sa boses niya nang banggitin ang pangalan ko. God, how I missed hearing her voice and saying my name. "Bakit 'di mo man lang sinabi na nandito ka sa San Antonio?" na bosesan ko ang pagtatampo sa boses niya. "Nakakainis ka talaga! Sa tingin mo ba kinalimutan ko na ang lahat sa atin? Puwes, hindi Makisig. May nangyari sa atin kaya dapat mo akong panagutan."

"Al –" hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin dahil nagsalita na naman ulit siya.

"Mahal kita Makisig!" tumigil yata ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon. "Mahal na mahal kita! Sagutin mo naman ako, oh?"

"Aalis na ako Alyana."

"H-Huh? S-Saan ka pupunta?"

"Babalik na kami ni Psalm sa Maynila. Paalis na kami –"

"Teka, huwag muna. Pupuntahin kita riyan –"

"Kapag naabutan mo pa ako." I paused. "I might think about it." Dagdag ko. Not sure with the words I'm saying. Tila lutang na lutang ang isip ko nang mga oras na iyon.

"Hintayin mo ako riyan. Papunta na ako. Huwag kang aalis diyan Makisig. Naiintindihan mo ba ako? Mahal kita kaya ipaglalaban kita!"

"I'm going –" naputol ang linya.

"Mak, halika na." Tinapik ni Psalm ang balikat ko. Naibaling ko ang tingin dito. "Baka gabihin tayo masyado."

"Alyana called," out of the blue na sabi ko.

"Anong sabi niya?"

"Sinabi niyang mahal niya ako."

"And?"

"Should I believe her?" baling na tanong ko kay Psalm.

Sa ekspresyon ng mukha niya ay kulang na lang ihagis sa akin ni Psalm ang kotse.

"Huwag mong sabihing, iniisip mo pa rin na kasinungalingan lahat ng mga sinabi sa'yo ni Alyana?" Hindi ako sumagot. "Makisig, minahal ako ni Alyana. Minahal. Meaning mahal dati. Ikaw, mahal ka. Meaning, ikaw ang mahal ngayon. Ano bang mahirap paniwalaan doon?" Inis na paliwanag ni Psalm.

The truth is, wala naman talaga akong balak na kalimutan si Alyana. Kailanman ay hindi ko magagawang ignorahin ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko siyang mahalin nang buong-buo pero ayoko siyang pilitin.

Still, my heart prays that she will ask me to stay in her life.

"Bakit ka ba nagagalit? Puso mo ba 'to?"

"Ah, ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo. Panindigan mo 'yan. Puso mo nga 'yan, diba? Fuck all you reasons Mak. Mabigyan ka sana ng kasiyahan n'yang mga rason mo."

"Mauna ka na." Pag-iiba ko.

Lalo lang kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"May gagawin pa ako. Susunod ako." Tinapik ko ang isang balikat ni Psalm. "Alam kong mas excited si Halea na makita ka kaysa sa akin. Matagal ko nang alam ang pagiging traydor ng isang 'yon sa akin."

"Don't change the topic Makisig by cheering me up."

"I'm not," kaila ko. "Wala akong pakialam sa'yo."

But I mean it and of course to stop him with his sermons. Damn, I hate this guy when he talks. Talagang namang tinatamaan ako.

Bumakas naman sa mukha niya ang saya. Syempre, alam ko na sabik na sabik na siyang makita ang asawa niya. Well, I wanted him to suffer but I still have a heart. Hahayaan kong si Halea mismo ang mag desisyon para sa kanilang dalawa.

Ayokong gumaya kay Lolo Alonzo. Hindi ko pakikialaman ang gustong gawin ng kapatid ko. Hahayaan ko siya sa kung saan siya magiging masaya. Mali man o tama. Masaktan man siya o hindi. Gusto ko pa rin na maiparating kay Halea that I will always be here for her no matter what happens. Mananatili ang kuya niya sa tabi niya. I will protect her and make sure no one will hurt her.

"Bahala ka na nga sa buhay mo." Suko rin ni Psalm.

Bahagya akong natawa. "Good luck."

"Kinakabahan ako sa pa good luck mong gago ka. Pero salamat pa rin."

"You should be."

"Fuck you Makisig!"

“Same to you.”


Alyana

"MAK?!" hinihingal na napahinto ako sa harap ng gate ng mansion ng mga Salvatierre.

Napahawak ako sa rehas na gate at sinilip-silip ang loob nun. Walang tao at sarado ang gate. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Wala rin ang kotse ni Mak at mukhang kanina pa yata nakaalis sila Psalm at Makisig.

"Mak?!" sigaw ko. "Mak, nandito na ako! Makisig!"

Gusto ko nang maiyak. Nagsisimula na ring manikip ang dibdib ko sa pagpipigil ng iyak. Ang daya naman kasi ni Makisig. Sinabi ko na kasi na huwag siyang aalis hanggat hindi pa ako dumadating. Natagalan ako nang kaunti dahil may aksidente sa bayan at hindi agad ako nakasakay ng traysikel.

Galing pa ako sa eskwelahan dahil malapit na namang magbukas ang klase. Hindi agad ako nakaalis. Bumaba ang tingin ko sa relo sa pupulsuhan ko. Alas singko na ng hapon. Kanina pa akong alas dos tumawag. Malamang nakaalis na nga 'yon.

"Mak buksan mo naman 'to oh." Gumaralgal ang boses ko. "Ang daya mo naman kasi e. Bakit ngayon pa ang alis mo?" hindi ko na napigilan ang mga luha ko at tuluyan na akong naiyak. "Sabi ko hintayin mo ako e."

Kung hindi pa nabanggit sa akin ng isa kong kasamahan sa trabaho na nakita niya sila Psalm at Makisig sa bayan 'di ko pa malalaman na nakabalik na ang dalawa sa San Antonio. Hindi ko rin naman masisi si Psalm sa hindi pag sabi sa akin. Stress na stress na 'yong tao. Hindi na siguro niya maiisip ang tungkol doon.

"I've been waiting for you Alyana."

Mabilis na nilingon ko ang pinaggalingan ng boses. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita si Makisig. Lumakas ang kabog ng dibdib ko kasabay nun ang sunod-sunod na pagdaloy ng aking mga luha mula sa aking mga mata.

"Mak!" wala na akong sinayang na oras at patakbo akong lumapit sa kanya at yumakap. Hindi ko ininda ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Mahal na mahal kita, alam mo ba?" sabi ko sa kabila ng pag-iyak. "Takot na takot ako pero lahat ng 'yon ay kinalimutan ko dahil mas natatakot akong mawala ka sa buhay ko."

"Alyana," naramdaman ko ang pagganti ng yakap ni Mak sa akin. Hinagod niya ang buhok ko at lalo pang inilapit ang mga katawan namin sa isa't isa. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ni Makisig. Ang init ng mga bisig niya na nakayakap sa akin.

"Huwag na huwag mo na ulit sasabihin sa akin na hindi mo ako mahal." Iyak ko pa rin. "Na hindi mo ako pwedeng mahalin. Lalong lalo na ang iwan mo ako. H-Hindi... Hindi ko kaya Mak."

Bahagyang inilayo ni Makisig ang sarili sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Umangat naman ang isang kamay niya para haplosin ang isang pisngi ko habang nakayakap pa rin ang isang kamay niya sa baywang ko.

"I've been waiting to hear that from you Alyana."

"Sinabi ko na sa'yo 'yan noon. Pero hindi mo ako pinaniwalaan."

"Gusto kong paniwalaan pero –"

"Mahal kita! Hindi 'yon biro. Totoo lahat ng mga sinabi ko sa'yo doon sa restaurant. Mahal kita at hindi ako kailanman magiging si Yumi. Hindi kita iiwan. Lalabanan natin na magkasama ang sumpa ng pamilya ninyo."

Natigilan ako nang makita ang mga luhang umalpas sa mga mata ni Makisig. Kasabay nun ang pagsilay ng isang ngiti sa mukha niya. Kailanman ay hindi ko naisip na maaring ikaganda ng tao ang pag-iyak but it was different from the way I see Makisig. He was crying but it made him more handsome. Hindi man lang nakabawas sa kakisigan niya ang pag-iyak.

He's truly a makisig.

"Mak,"

"Mahal na mahal kita Alyana." Amin niya. "Sobra."

I cupped his face. "Hindi mo na kailangang labanan ang sumpa na mag-isa. Nandito na ako Mak. Alam ko na hindi magiging madali sa atin ang lahat pero magtulungan tayong dalawa. Alam ko na –" hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin nang sakopin ng mga labi ni Mak ang mga labi ko.

Kinabig niya lalo ako sa katawan niya. Dumapo ang mga palad ko sa matipuno niyang dibdib. Umangat naman ang isang kamay niya sa may leeg ko para pailaliman pa lalo ang halik. Ibinuka ko ang bibig para sa kanya at walang sawa naming pinagsawa ng halik ang isa't isa.

Tila sabik na sabik kami sa isa't isa. Sinusubukang punan ang mga araw na nasayang. Hinihingal na kumalas kami sa isa't isa. Idinikit ni Makisig ang noo sa noo ko habang magkahinang ang mga mata namin. Pareho kaming napangiti sa isa't isa habang parehong habol ang hininga.

"I love you Alyana." Muli niya akong hinalikan sa mga labi. Mabilis. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya roon. "Thank you. Salamat dahil dumating ka sa buhay ko."

"Thank you," I corrected him. "Thank you for stealing me from Psalm."

Natawa si Mak. "I did not steal you from him. I ruined your love story but the antagonist ended up falling in love with the main heroine. To sum it all, I fell in love with you."

Now it was my turn to laugh. Korni! But sweet. "Maganda ba masyado ang bida kaya na in love ang kontrabida?"

"Hmm,"

"Wow, nag-isip pa talaga siya oh." Malakas na tumawa si Makisig pagkatapos ay tinitigan na lamang niya ako na tila aliw na aliw siya sa akin. Medyo nailang ako sa kanya. Para kasing nakatitig siya sa isang santo. "Oh, bakit?"

“Marry me Alyana.”


Psalm

HUMUGOT ako nang malalim na hininga. Humigpit ang pagkakahawak ko sa isang bugkos ng mga sunflowers na dala para kay Halea. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa seradura ng pinto.

Ginabi na ako pero tumawag naman ako kanina sa ina ni Halea bago ako pumunta. Gising pa raw si Halea. Pinakiusapan ko rin ang ginang na sabihin kay Halea na pupunta ako para hindi naman magulat si Halea. I don't want to stress her out at kagigising lang niya.

Fuck!My mind is making me anxious.

Madaming tumatakbo sa isip ko. Takot. Kaba. Excitement. Saya. Naghahalo-halo ang lahat ng mga iyon sa isip ko kaya nahihirapan akong mag-isip sa mga oras na iyon. Itataboy ba ako ni Halea? Ayaw ba niya akong makita? Maiinis kaya siyang makita ako? Magagalit kaya siya?

Sa isip ko, sinasabi ko na handa na ako sa kung ano mang maging desisyon ni Halea. May karapatan siyang magalit at ipagtababuyan ako. Kailanman ay hindi naging tama ang pagtrato ko sa kanya noon. Kulang pa nga siguro 'yon sa lahat ng mga sakit na ibinigay ko sa kanya.

Marahas na nagpakawala ako ng ilang buntong-hininga bago nagkalakas loob na hawakan ang knob ng pinto. Pinihit ko 'yon pabukas. Medyo madilim ang silid at dim lang ang ilaw. Nakabukas din ang telebisyon. Habang papasok ay lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko.

Maingat na isinarado ko ang pinto sa likod at mabilis na hinanap ng aking mga mata si Halea. Tila tumigil ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakangiti at tumatawang nanonood ng tv. Hindi niya agad ako napansin dahil medyo malakas ang volume ng tv.

Hinayaan ko na lamang ang sarili na titigan muna si Halea sa kinatatayuan ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na buhay siya. Na naririnig ko na ulit ang tawa niya. Na makikita ko ulit ang maganda niyang ngiti. I could feel my heart throb inside my chest. I'm itching to run towards my wife and hug her tight. Pero natatakot akong mabigla siya at itulak niya ako palayo.

"Mama?" biglang lumingon si Halea sa gawi ko.

Napaigtad ako sa sobrang gulat at kaba. Tila natigilan din si Halea at napatitig lamang siya sa akin. Ilang segundong nagtitigan lang kami.

"Halea," basag ko. "Ahm, ano kasi." Napakamot ako sa noo habang papalapit sa kanya. "I came here to give you this." Itinaas ko ang dala-dalang bouquet of sunflowers. "And to visit you as well. Sana ay hindi ako masyadong nakakaabala."

"Psalm?"

"I only wanted to see you Halea. I wanted to know if you're real. If I can touch your hands again. If I can see your smile... or hear the beautiful sound of your laugh." I tried to control my emotions but it was too much. I could almost hear my voice broke in every words I uttered. "I-I'm sorry. I shouldn't be saying theses things to you. I don't deserve you –" napayuko ako as I tried hard not to cry in front of her. "I'm sorry Halea."

But I miss her so much.

"Psalm,"  naramdaman ko ang mainit na kamay niya na humawak sa isang kamay ko. Hindi ko magawang iangat ang mukha ko kay Halea. Nanatili ang tingin ko sa magkahawak naming kamay.  "Can I tell you a secret?"

"Hmm?"

"Kukunin ko ang asawa at anak mo."

Mabilis na naingat ko ang tingin.

Nanlaki ang mga mata ko nang magbago ang itsura ni Halea. Lumalim ang itim sa ibaba ng mga mata niya at halos kulay pula na ang kulay ng kanyang dalawang mata. Mas pumutla ang kulay niya na mahahalintulad sa kulay ng isang bangkay. May naglalarong malaking ngiti sa mukha niya na tila ba masayang-masaya siya.

"H-Halea?!"

"Hindi ako si Halea."  Nagbago rin ang boses ni Halea. Tila paos at may himig ng pinaghalong boses ng babae at lalaki. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Gusto kong lumayo at tumakbo sa takot pero tila nakapako ang mga paa ko sa sahig. "At kukunin ko sila."

Kahindik-hindik na tumawa ang babae sa harap ko. Tila sirang musika 'yon na paulit-ulit na nagpi-play sa isip ko. Habang tumatagal ay lalo iyong lumalakas. Paminsan-minsan ay bulong na lamang ang mga 'yon sa aking mga tainga.

"Kukunin ko sila Psalmuel. Kukunin ko ang mag-ina mo." Paulit-ulit na sabi ng babae habang tawa pa rin siya nang tawa. "Magsasama-sama kaming lahat."

"Hindi!" sa wakas ay sigaw ko. "Hindi! Bitiwan mo ako! Hindi mo makukuha sa akin ang mag-ina ko! Hinding-hindi ako papayag!"

"Kukunin ko sila. Kukunin ko sila. Magsasama-sama kaming lahat.”

“Hindi!”

Napabalikwas ako ng bangon.

Halos habol ko ang hininga. Ramdam na ramdam ko ang pamamawis ng mukha ko. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. God, what the hell is that dream? Naigala ko ang tingin sa buong paligid.

Nasa sariling silid ako ng condo ko sa Maynila. Kinapa ko ang cell phone sa bedside table. Pagtingin ko ay alas tres pa lamang ng madaling araw. Natutop ko ang noo. Mariing ipinikit ko ang mga mata at humugot nang malalim na hininga.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Ano ba ang panaginip na iyon? Hindi ko gusto ang sinasabi ng babae sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Pagkadating na pagkadating ko sa Maynila ay hindi agad ako dumiretso sa ospital. Ang plano ko ay bukas pa ako bibisita dahil late na rin naman.

Tila gusto kong pagsisihan ang desisyon ko na 'yon. I should have visited Halea first. Damn it!Paano pa ako makakatulog nito?

Dios ko, huwag N'yo sanang pabayaan ang mag-ina ko.

Taimtim kong dasal.

Hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na namang masama sa mag-ina ko.



"I'M on my way." Sagot ko kay Makisig mula sa cell phone. "Papasok na ako sa ospital."

"Ba't ba kasi 'di ka na lang dumiretso kagabi? Hindi pa naman siguro tulog ang kapatid ko." Sermon ulit ni Makisig sa akin. Paulit-ulit na. Natatawa na lang ako. "Ang OA mo masyado. Ang lakas ng loob mong saktan ang kapatid ko tapos takot ka naman palang harapin siya."

"Wow! I bet, if you're in my place. You will also feel the same way, so shut up."

Malakas na tumawa ang loko sa kabilang linya. "Good thing I'm not."

"Masaya ka yata?" pag-iiba ko. Sa tuno ng boses ng loko mukhang may nangyaring maganda rito sa San Antonio. "Kasama mo si Alyana, no?"

"My life should be the least of your concern, Psalmuel Fidalgo."

Now, it was my turn to laugh. "Oh, really? Well, Alyana was my ex." Biro ko pa.

"But she will be my wife."

"Got you, now alam ko na."

"Nakaraan ka na niya. Ako ang present."

"Woah, chill ka lang. I'm already married to your sister."

"I'm just saying."

"And I love my wife."

"You should." Nagtaka naman ako nang biglang tumahimik si Makisig sa kabilang linya. "Hindi ko maiwasang mag-alala, Psalmuel." Pag-iiba niya.

"Bakit?"

"Wala," nagbago na naman ang tuno ng boses ni Makisig. "Sa tingin ko ay okay lang naman ang kapatid ko. Tatawag na lamang ako mamaya. Sabay na kaming luluwas ni Alyana para makita siya."

Hindi ko na lang din pinagtuonan pa ng pansin ang sinabi ni Mak at tumango na lamang ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Okay,"

End call.

Nakangiting napailing-iling na lamang ako. Ibinulsa ko na ang cell phone at ibinaling ang tingin sa sunflower bouquet na hawak. Bagamat kabado ay hindi ko pa rin mapigilan ang saya ko. Saka ko na iisipin ang ibang bagay pagkatapos naming mag-usap ni Halea.

"Psalmuel!" hinihingal na sinalubong ako ng mama ni Halea. Kinabahan ako bigla sa nakita kong pag-aalala sa mukha ng ginang. Bigla itong nawalan ng lakas. Mabuti na lamang at naalalayan ko agad siya. “Si Halea…”

"Anong nangyari kay Halea, Mama?"

"Psalmuel," humawak siya sa isa kong braso. "Nawawala si Halea.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE