Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Psalm

It's been awhile Halea.

It's been awhile... not seeing your happy smile. Not hearing your heartily laugh. Not lacing your fingers to mine. Not able to caress your pink cheeks when you flush or cry. I missed you. I missed you my wife. I missed the warmth in your hugs and the love in your kisses.

Would I be able to survive this life without you in my life? Is it okay to missed you, my love? Do I still deserve you?

Would it be okay if I do?

I feel empty Halea.

Sa araw-araw na bumabangon ako 'tila lalo akong nalulungkot. Wala ka na pala. Wala na ang masaya mong ngiti na bumabati sa akin kapag ginigising mo ako. Wala na ang malalakas mong tawa sa tuwing binibiro mo ako. Ang cute mong kunot-noo sa tuwing naiinis ka, Mahal ko. Everything has changed since you left.

It's true, you will only appreciate someone's value once they're gone. Hindi ko na magawang maging masaya ngayong wala ka na.

Everyday I felt like dying. I want to kill myself... give up is this life I don't deserve. Can I follow you? I missed you. Please let me follow you. But it's wrong, right? I should suffer. I should embrace the pain of losing you and our child because of my own selfishness. I should live with the pain and the guilt.

I deserve all the hurt right now.

I should blame myself.

Tama lang na iniwan mo ako at ng ating magiging anak.

And you're wrong Halea, I'm not your Psalm chapter four verse seven. I haven't filled your heart with greater joy. I have filled your heart with pain and tears.

I'm sorry.

I’ll try to live.



"IKAW na ho muna ang bahala nitong sunflower farm Manang Belma. Huwag n'yo hong pabayaang mamatay ang mga bulaklak at masira ng mga taong dumarayo." May ngiting iginala ko ang buong tingin sa malawak na sunflower farm na pinagawa ko para kay Halea. "This farm is my greatest treasure," and a reminder of my love Halea.

I bought the old flower farm na gustong buhayin ni Halea noon. Ginawa ko 'yong sunflower farm and named it Flores Felices de Mahaleah or Happy Flowers of Mahaleah. Ilang buwan ang iginugol ko kasama ng mga taong tumulong sa akin para mai-develop 'yon 'to a sunflower garden. Those happy flowers will always remind me of the happiness Halea wanted to share to other people. Those sunflowers are my Halea. She may not be in this world anymore but her existence will forever live in those happy flowers.

Sa 'di kalayuan ay isang root wine cellar. It was inspired by the old wine cellar of Salvatierre. Ginawa ko 'yong museum ng mga paintings ni Halea. Every beautiful artworks are securely kept and neatly displayed inside. Sa labas ng pinto ng wine cellar nakatayo ang life size statue ni Nemo na nagsilbing bantay sa lumang wine cellar. Kagat-kagat nito ang isang tangkay ng sunflower.

Sa gabi napapalibutan ng string light bulbs ang buong paligid. Giving it a romantic atmosphere during the night. May iilang bench din akong pinalagay.

Even though I already opened it for public sinugurado ko naman na walang masisirang gamit sa loob o matapakan na mga sunflower. Mahigpit ang bilin ko sa mga tauhan ko sa farm na dapat ingatan ang mga bulaklak at huwag hayaang dumugin 'yon ng mga turista. May limit lang din ang mga taong pinapapasok doon dahil hindi ko gustong ma-stress ang mga bulaklak sa dami ng tao. Katulad lang din ng mga tao ang mga bulaklak. Kapag hindi pinahalagahan mawawalan ng sigla at mamamatay.

"Hindi ka na ba babalik dito, hijo?" malungkot na tanong sa akin ni Manang Belma.

"Baka matagalan pa ho, manang. May aasikasohin pa ako sa Maynila. Kayo na muna ang bahala sa Mahaleah. Ingatan n'yo ang mga bulaklak. Lalong lalo na ang mga gawa ni Halea at si Nemo."

Malungkot na napabuntong-hininga ang matanda. "Nakaka-miss ang batang 'yon. Hindi ko sukat akalain na maagang mawawala sa atin si Halea at si Nemo. Tahimik na ulit ang mansion ngayong wala sila."

Mapait na ngumiti ako.

Ilang buwan na ang lumipas Halea pero hanggang ngayon ang hirap pa ring mabuhay na wala ka.



"ANONG gagawin mo sa Maynila, hijo?" may pag-aalala sa boses ng ama ko. Kausap ko siya sa cell phone habang naglalagay ako ng gamit sa maleta ko.

"I just need space Pa. I need to breathe. The past few months for me is hell. Gusto ko lang ng bagong environment. Huwag na kayong mag-alala sa akin. I'll take care of myself."

"Gusto mo bang samahan kita? We can go out of the country."

Napangiti ako sa sinabi ng ama ko. It was a bit awkward to have that kind of conversation with him. Noon ay kulang na lang ay magsigawan at magpatayan kaming dalawa but this time tila close na mag-ama ang turingan namin sa isa't isa. It's painful to say but Halea's death had opened a door for us to forgive each other's mistakes.

"No Pa, it's okay. Kailangan ko lang mag-isip. A time for myself, I guess?" Inilipat ko sa kabilang tainga ang cell phone at naupo sa gilid ng kama. "I need this.”

Napunta ang atensyon ko sa naka frame na litrato ng mukha ni Halea sa itaas ng bedside table. Inabot ko 'yon at pinakatitigang maigi. Hindi ko maiwasang malungkot sa kabila ng ngiti ko. Halea was smiling in the picture. The same genuine smile. The same beautiful smile I’d fallen in love with.

"Don't do anything stupid Psalm. Hindi magiging masaya si Halea kapag may ginawa kang masama sa sarili mo."

Natawa ako. "Kung ano-ano na lang 'yang naiisip mo. Tumatanda ka na talaga. Huwag kang OA, Pa. I won't do anything stupid."

Marahas na bumuntong hininga ang ama ko sa kabilang linya. "I already lost your mother, Psalm. I lost a kind daughter as well. I don't want to lose my son this time."

Mapait na ngumiti ako. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ng ama ko. "Pa," pag-iiba ko. "Huwag mong pabayaan ang sunflower farm ko. Maki-ambag ka naman ng serbisyo doon na matanda ka." Tumawa ako. Narinig ko namang nagmura ang ama ko. "Hoy, seryoso ako. Mag-donate ka doon."

"Diskyateng batang 'to! Sinabi sa’kin ni Belma na ang budget ng farm mo ay enough para ma-maintain ang ganda nun ng maraming taon. Kulang pa ba 'yon?!"

We both laugh for seconds and then we were silent for a little awhile.

"You take care of yourself, Pa." Basag ko.

"You take care of yourself too, son. You also deserve to be happy. Don't deprived yourself the right to find that happiness."

"Thanks,”

"I love you son. Always remember that."

“I know,”


HULING beses ko pang tinignan ang buong mansion ng mga Salvatierre. Lahat ng mga malulungkot na alaala ko kay Halea ay iiwan ko sa bayan na ito. I will take all the good and beautiful memories of her with me... in my heart. Hindi man nabigyan ng pagkakataon na mabuhay ang anak namin. I know he or she will grow up selfless and kind like his or her mother.

I went inside the car and drove away without looking back.

Dumaan muna ako sa flower shop nila Alyana. Nagulat siya na makita ako sa labas ng shop nila. Hindi ako tumawag at nag-text sa kanya para sabihin na dadaan ako. Ilang buwan na rin na hindi kami nag-uusap at nagkita.

"Hi!" I waved a hand and smiled.

"P-Psalm? A-Anong ginagawa mo dito?"

Malaki na ang pinagbago ni Alyana. She's still beautiful as before but the glow in her face had fade away. Kahit hindi niya sabihin alam kong si Makisig ang dahilan kung bakit nawala ang dating sigla niya. I know she's in love with Halea's brother. I can see it in how she looks at Makisig before. She used to look at me like that before... only that... she's more happier now.

Which I understand. Our relationship was never perfect. We have more down moments than up. Laging si Alyana ang nag-a-adjust sa aming dalawa. Inaamin ko ring marami akong pagkukulang kay Alyana. I've given her more disappointments rather than pampering her with what she deserved.

And again, for a lot of times, I've given her another disappointment.

"Aalis na ako ng San Antonio." Sagot ko sa kanya. Tila nagulat siya sinabi ko. "Hindi ko sigurado kung kailan ulit ako makakabalik sa bayan na 'to."

"S-Saan ka naman pupunta?"

"Anywhere."

"Seryoso ako Psalm."

"I'm sorry Alyana."

"Huh?"

"Patawarin mo ako dahil muli na naman kitang binigo. You and Makisig would have been happy by now if I didn't screw up everything." Mapait akong ngumiti. "Maiintindihan ko kung magagalit ka rin sa akin."

"Psalm," tumaas ang isang kamay niya sa braso ko at marahan 'yong hinaplos. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. May kasalanan din ako. Kung hindi ko sinabi sa’yo ang tungkol sa sumpa –"

"Even if I knew about it or not." Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at maingat na ibinaba 'yon. "I would still lose the chance to save her."

"Psalm –"

"Don't worry about it Alyana. We should all move on. And I do hope you find the right man that you deserved." Mula sa bulsa ay dinukot ko ang nakatuping papel sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa papel bago ulit niya naiangat ang mukha sa akin. "I found this inside Makisig's room. Sorry, it's a bit crampled. Mukhang itatapon na yata 'yan ni Mak." I can't help but laugh. "Damn, may tinatago rin pala 'yong kakornihan."

Kumunot lang ang noo ni Alyana. "Ano 'to?"

"I believe you deserve to know that the feeling is mutual." Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

Nakita ko namang napangiti si Alyana nang mabasa kung ano ang laman ng papel. Mayamaya pa ay isa-isa nang naglandas ang mga luha niya mula sa kanyang mata.

"Baliw talaga!" asar na sabi niya sa kabila ng pag-iyak.

Tahimik na iniwan ko na si Alyana. Pabalik sa sasakyan ay hindi ko maiwasang mapangiti. Napakamot na lang ako sa noo. Who would have thought that Makisig will have the courage to try his love luck to FLAMES. I-FLAMES ba naman ang pangalan nilang dalawa ni Alyana.

Baliw talaga.

"Mag-iingat ka Psalm!" narinig ko pang sigaw ni Alyana.

Patalikod na kumaway ako. Mabilis naman na napilitan ng lungkot ang ngiti ko. Ikaw rin Alyana. Mag-iingat ka lagi. Huwag na huwag mong pabayaan ang sarili mo.



DIRE-DIRETSO lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Mabilis at walang takot sa mga sasakyang nakakasalubong ko. I cried with all my heart. Hoping the pain inside my chest would lessen but the more I cried the more it becomes unbearable. My inside tightens. I could feel my mind shutting down all the senses I've been struggling to keep alive.

I'll try to live. Paulit-ulit kong paalala sa sarili ko. But fuck! Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. The pain my chest is too painful. Too painful for me to breathe. Too painful for me to live. My life is a mess. I hate everything about it.

"Damn it!" ilang beses kong sinuntok ang manibela. "Ako dapat ang namatay! You don't deserve this Halea. You deserve to live. You deserve to be happy. Damn it! Bakit ikaw pa?!" I sobbed in desperation. In guilt. In hatred. "I can't... I'm sorry Halea. I can't do this. Hindi ko kaya mahal ko. Patawarin mo ako. I missed you."

Mabilis na kinabig ko ang sasakyan papunta sa kabilang lane. Malakas na bumosena ang papalapit na sasakyan pero hindi ko 'yon pinagtuonan ng atensyon. Tuloy-tuloy lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Alam kong mali pero hindi ko na kaya ang sakit.

I want to end everything now.

I'm tired.

I'm sorry Halea but I can't. I wish I could but it's so hard living in this world without you here. Please let me follow you there. Let me be happy with you and our child there.

Please...

I love you Halea.

Please wait for me.

I'll be there soon.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE