Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Makisig

"NAKAUWI kaya nang maayos si Alyana?"

Natigilan ako sa tanong ng aking ina. Bumagal ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. "Alyana?" mabilis na sinulyapan ko ang aking ina. Bago ko ulit ibinalik ang tingin sa daan. "What do you mean Ma?"

"I let her stayed at our house last night. Naabutan naman siya ng papa mo sa waiting shed ng ospital." Kwento niya. "It was already past nine in the evening kaya wala ng bus na papauwi sa San Antonio."

Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. Damn!Does this mean, something really happened between us last night? Na hindi ‘yon panaginip gaya nang iniisip ko kagabi?

"Is there something wrong son?" bigla ay tanong sak’in ng aking ina.

I shook my head in response and gave her a smile. "I'm fine Ma," I glanced at her for a second. "May naisip lang ako bigla."

"You know you can talk to me anytime, Makisig. Kung may bumabagabag sa'yo pwede mo sa aking sabihin ang lahat ." She gently tapped my shoulder and gave me a smile. "I will do my best to make you feel better son."

Napangiti ako. My mother is not getting any younger. Mababakas na sa mukha niya ang ilang taong lumipas but despite that... her beauty hadn't fade. She was still the kind and selfless mother I grew up with. The mother who chose to spent all her years loving us with all her heart. Never did I heard her complained.

"Thanks Ma, but I'm fine." Someday I will.

Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano namin mapuputol ang sumpa. Saka ko na iisipin ang mga ibang bagay.


Psalm

"I WANT to tell you a lot of things; beautiful things about you and I'm not sure if you'll remember everything when you wake up."

I could almost hear my voice broke at the last word. I was holding her hand like they were my tank of oxygen. Like they were my only source of strength to live. Since that day I found her, it was already hard to let go of her hand. Para bang, mawawala siya kapag binitiwan ko ang kamay niya. I don't want to repeat the same mistake I did before. I want to keep my wife forever and live happily together with our child.

"I always wonder why you love sunflowers?" I continued. "Maybe because they're beautiful? Maybe because they're your source of happiness when you're sad? I remember, you even called them happy flowers. Kasi sabi nila, kapag nakakakita ka ng sunflowers sasaya ka at mapapangiti. Sunflowers will take all your worries away and they will bring back that happy smile on your face."

"I might be right and I might be wrong at the same time." I let out a soft chuckle pero dagli din 'yong napalitan ng malungkot na ngiti. "At noong akala kong iniwan mo na talaga ako nang tuluyan, you also took my heart with you and it was so hard to live without you. I became a sunflower, a sunflower that had lost his sun and lost his reason to live longer..." and I could no longer stop my tears from flowing. "It's because a sunflower will only live with his sun." I sobbed. "And you're my sun, Halea."

"Please wake up." I begged, burying my face on her palm. "I promise, I'll tell you more beautiful stories when you wake up. Okay lang kung ipagtabuyan mo ako palayo sa’yo, sampalin nang ilang beses at awayin. I won't fight. I won't complain. I just want you to wake up, baby. Please, I beg you. Don't leave me again."

I prayed hard so it can reached heavens.


Alyana

"MUKHANG malalim na malalim ang iniisip natin ah?" naingat ko ang tingin nang marinig ko si nanay. Tumabi siya sa akin sa kawayan na upuan sa lilim ng malaking puno namin sa likod bahay. "Simula nang makauwi ka ay lagi ka na lang tahimik. May problema ka ba anak?"

Tipid na ngumiti ako kay nanay. "May iniisip lang po Nay."

"Tungkol na naman ba ito kay Makisig?"

Marahang tumango ako saka ay bahagyang napayuko. Sa tuwing naiisip ko si Makisig ay hindi ko mapigilan ang sariling emosyon. Ilang araw na ang lumipas simula nang gabing 'yon. Mukhang wala namang pakialam si Mak dahil 'di man lang niya ako tinawagan o kinamusta man lang. It was like, everything was just a dream for him.

Muli kong inangat ang mukha nang maramdaman ang nagbabantang mga luhang umalpas sa aking mga mata. Humugot ako nang malalim na hininga para kahit papaano ay mabawasan ang paninikdip ng dibdib ko.

"Alam ko ho Nay na isang sugal ang mahalin si Mak." Simula ko. "At alam ko na ayaw n'yo lang akong masaktan kaya 'di n'yo gusto si Makisig para sa akin. Pero hindi ko ho kaya na gawin 'yon Nay." Nagsimulang gumaralgal ang boses ko. Inangat ko ang mukha sa kanya at muling nagsalita. "Buong buhay ho kasi ni Mak nandoon na 'yong takot niya. Nandoon na 'yong takot sa puso niya kaya pinigilan niya ang sarili na maging masaya. At alam ko kung gaano nagdulot 'yon nang matinding kalungkutan sa puso niya."

"At nang sa wakas ay may babaeng dumating sa buhay niya na sobra niyang minahal. Ginusto niya ulit mabuhay at lumaban para sa babaeng 'yon." Hindi ko na napigilan ang mga luhang umalpas mula sa aking mga mata. "Pero binigo siya nito at iniwan lamang nang ganoon kadali dahil sa malungkot na bahagi na 'yon ng kanyang pagkatao.”

Niyakap ako ni nanay. "Alyana,"

"Nay, gusto ko siyang ipaglaban. Hayaan mo akong ipaglaban si Makisig. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko siya iiwan. Gusto kong malaman niya na mahal na mahal ko siya." Iyak ko nang sobra. Lalo lang hinigpitan ni nanay ang yakap niya sa akin. "Huwag po kayong magagalit sa akin kung mas pipiliin ko ang walang kasiguraduhang buhay sa piling ni Makisig kaysa ang buhay na walang inaalalang problema o sumpa."

"Tahan na," alo niya sa akin. "Sa tingin mo ba, ganoon ako kasamang ina?" gumaralgal ang boses niya. "Iniisip ko lang ang kung anong makakabuti sa inyong mga anak ko. Normal para sa isang ina ang mag-aalala sa bawat desisyon n'yo sa buhay. Pero hindi ibig sabihin nun ay pinangungunahan ko na kayo sa mga desisyon n'yo. Maaari mo pa rin akong suwayin kung sa tingin mo ay mali ako at tama ka. May dahilan ka pa ring pumili anak. Kung 'yon ang ikasasaya mo. Hahayaan kita. Kaya tumahan ka na. Huwag ka ng umiyak."

"N-Nay…”

"Kung 'iyan ang desisyon mo. Hahayaan kitang sundin ang kung ano mang isinisigaw ng puso mo. Kung masaktan ka man, hayaan mong pawiin ko ang sakit ng yakap. Kaya tumahan ka na. Nandito lang ako lagi, anak."


Psalm

"SINABI ko na sa’yo na huwag kang magpapakita sa akin kapag binibisita mo si Halea." He spites. Makisig then turned his back at me and started walking away.

"If you really love your sister you should at least listen to me." He stopped but didn't bothered looking back. I continued. "You have to help me in unraveling the past. The damn curse that had been the source of distress of our families."

Galit na hinarap niya ako. "Kayo ng pamilya n'yo ang nagpataw ng sumpa sa pamilya namin. Isn't it right that you lift the curse by yourself? Kulang pa ba ang mga paghihirap ng pamilya namin para maputol ang sumpa?! We've suffered enough, would it hurt to forgive us this time? O baka naman, paraan mo lang ito para maghiganti sa ginawa namin sa inyong dalawa ni Alyana?"

"Hindi kita kinausap para lang pag-awayan ang mga bagay na ito. You can hate me all you want after this. Hahayaan kitang kahumihaan ako habambuhay kung 'yan ang ikalulubag ng kalooban mo. Pakiusap ko lang ay magtulungan tayong mailigtas si Halea."

"Halea will live." Mariing sabi niya. "The baby will save her."

"Kung sana ganoon lamang ka simple ang lahat Makisig." Hinuli ko ang tingin niya. "Pero mali ka, dahil hanggat hindi pa naisisilang ang anak namin malaki pa rin ang posibilidad na mawala sa atin si Halea."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi lamang ang sumpa ang pumapatay sa kanila. Malakas ang kutob ko na may iba pang dahilan. Na may isa pang tao sa nakaraan na dapat nating kilalanin. At ‘yon ang dapat nating malaman.”

Ika Hunyo ng 1995

"NANIWALA ako Pancho na hindi lamang ang sumpa ng pamilya ninyo ang pumapatay sa amin." Itinaas ni Regina ang dalawa pang lumang diary na nakita niya. Ang mga diary ng kanyang Lola Yasmin at Tiya Rossita. "May isa pang dahilan."

"Anong ibig mong sabihin Regina?" naguguluhan na tanong ni Pancho.

"Nabasa ko lahat ng mga laman ng diary. May mga bagay ako na napansin na magkakapareho." Inisa-isa niya ang mga napansin niya mula sa mga sulat ng mga abuela at tiya niya kay Pancho. "Pareho silang may binabanggit na babae. Isang babae na duguan at may suot na lumang puting pantulog. 'Yon din ang nakasulat sa huling mensahe ni Lola Yasmin bago siya nagpakamatay. Tignan mo." Ipinakita niya ang medyo naninilaw na papel at halos hindi na gaanong mabasa dahil sa kalumaan.

"Totoo ang sumpa. Kukunin ka rin niya." Basa ni Pancho sa huling hanay ng mga pangungusap ng sulat. Muli nitong naiangat ang mukha sa kanya. "Sino?"

"Hindi ko alam kung sino pero may kutob ako na iisa lamang ang duguang babae na 'yon na nakikita at napapaginipan namin."

Nanlaki ang mga mata ni Pancho. "Kung ganoon, nakikita mo rin ang duguang babae?"

Tumango si Regina. "Madalas ko siyang mapanaginipan. Minsan ay nagpapakita rin siya. Hindi ko siya masyadong mamukhaan dahil natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha. At alam ko na lagi siyang nakamatiyag sa akin."

"Regina," bumakas ang pag-aalala nito sa boses.

"Kung sana ay may naiwan na diary si Lola Kristina. Mas mabibigyang linaw ang lahat ang tungkol sa sumpa. Baka naisulat niya ang totoong pinagmulan ng sumpa at kung gaano nga ba kalaki ang naging kasalanan ng aming pamilya sa inyo."

"Wala ba talagang naiwan na diary o sulat man lang si Don Jaime o si Kristina?"

Umiling siya. "Wala. Wala kaming makita. Kung meron man ay baka matagal nang naitapon nang kapatid ni Lola Kristina na si Alonzo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay mukhang hindi rin naging maganda ang relasyon ni Lola Kristina sa ama at sa kuya niya." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Ang bahaging 'yon ng nakaraan ang gusto kong malaman. May kutob akong may karugtong ang nangyaring sigalot sa pagitan ng pamilya n'yo at ang pamilya namin."

"Susubukan kong alamin kung may naitago na sulat si Lola Maria." Tukoy ni Pancho sa Matriarka ng mga Fidalgo na si Donya Maria Consuelo Fidalgo. "Kung hindi man ay kung may iba pang naitagong gamit o sulat ang mga naunang lalaking Fidalgo sa pamilya namin."

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mukha. "Salamat Pancho. Tatanawin ko itong utang na loob ko sa iyo.”


Psalm

"KAILANGAN ba talagang sa iisang bahay lang tayo tumira?" humalukipkip si Makisig sa hamba ng pintuan ng silid ni Halea. Kasalukuyan kong inilalabas ang mga gamit at isinalansan 'yon sa itaas ng four-poster bed ni Halea. "May bahay ka naman dito sa San Antonio, Psalmuel."

"Mas magiging madali para sa atin ang lahat kung dito ako sa mansion n'yo mananatili."

"I don't see any difference." Tumalikod siya at tuluyan nang umalis.

Itinigil ko ang ginagawa. Naigala ko ang tingin sa buong silid. It had been awhile since I last visited this place. Wala akong pinakialamang gamit ni Halea. Everything are still in order and on the right places where Halea had kept her things before she left. Halea's room was simple but messy. One thing I've noticed about her. She has this habit of forgetting where she had last put her things dahil kung saan-saan lang niya 'yon iniiwan. Kahit doon sa Consolacion, lagi na lang magulo ang kwarto namin sa tuwing hinahanap niya ang mga gamit niya.

She had few paintings displayed in her room. Dalawa doon ay isang sunflower paintings. The rest are landscape paintings of beautiful places around San Antonio, but there is one painting that had really caught my attention. A painting of an old church I've never seen but holds a great familiarity in my mind na hindi ko lang maalala.

Kalahati ng silid ni Halea ay ang working area niya. May hindi pa siya natatapos na canvas at nakakalat pa ang mga bottle of paints na mukhang na tuyo na dahil ang iba doon ay walang takip. She had one wooden bookshelves just beside her vanity table. May iilang picture frames na nakasabit sa pader. Isa-isa ko 'yong tinignan. Noong una akong pumasok sa silid ni Halea ay hindi ko gaanong pinagtuonan ng pansin ang mga larawan na 'yon.

Ang unang larawan ay ang old family picture nila Halea noong maliliit pa lamang sila. The second was her and Makisig. Nakasakay ang dalawa sa isang brown na kabayo. Malaki ang ngiti ni Makisig doon habang halos nakayakap na si Halea sa leeg ng kabayo sa takot. I can't help but laugh at that specific photo. I can imagine how terrified Halea could be and how she loudly screamed for her life while his brother was laughing at her like a demon.

The third picture frame was her and Alyana. Yakap-yakap ni Halea ang isang bouquet ng tatlong stem ng mga sunflowers. Parehong masaya ang dalawa sa larawan na 'yon. Then the fourth frame, it was only her. Halea's head was slightly tilted na tila ba nakasandal siya sa isang balikat. She has a sweet smile painted on her face while her eyes are closed.

Wait!Inilapit ko pa ang mukha sa larawan.

"Is that me?" tanong ko bigla sa kawalan.

Seconds past and I found myself smiling in disbelief. "Darn, you're really one crazy woman, Halea."

It took me seconds to realized that there was a man figure behind her in the picture. Nakatalikod siya kay Halea at dahil malayo ang lalaki ay nagmukhang nasakasandal ang ulo ni Halea sa maliit na balikat ng lalaki – and that guy in the picture is me.

Ako ang nakatalikod na lalaking 'yon.

Ang dami mo talagang kalokohan na nalalaman Halea. Nakangiting napa-iling na lamang ako. Hay naku Halea! Kahit kailan.Sandali pa ay napalitan ng malungkot na ngiti ang saya ko. Hinaplos ko ang larawan ng mukha ni Halea.

"I missed you." Malungkot na sabi ko. "I missed hearing your voice. I missed the warmth of your touch. I missed you Halea... so much."

Nang makuntinto at matapos sa pagliligpit ng mga gamit ay bumaba na ako sa kusina dahil nagugutom na rin ako. Good thing, I was able to think to buy some groceries before coming here. Matagal-tagal na rin na nabakante ang bahay ng mga Salvatierre. At mukhang wala rin naman akong planong kausapin nang matino ni Makisig.

"What are you doing?" bigla ay napalingon ako sa nagsalita. It was Makisig. Nakakunot na naman ang noo niya.

"I'm cooking." Hindi ba obvious? I get annoyed as well, okay? I'm just controlling my annoyance 'cause he's my brother-in-law and he has all the right to annoy me. Great!

"Good for two ba 'yan?"

"Why?"

"I'm hungry. Cook for me."

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isang kilay ko. Wow!Inuutusan niya ba ako? Can't he cook for himself? Am I your wife? Katulong? Damn, go find someone to cook for you.

"Sure," sagot ko. "I hope this is fine with you?"

Why?Can't I complained in my mind?

"I'm okay with anything as long as hindi mo 'yan lalagyan ng lason." Nice suggestion. "Hindi naman ako pihikan kumain." Mahiling lang mang-utos.

Talaga bang seryoso si Alyana na mahalin 'tong si Makisig?

"Okay," tumango na lang ako.

"Will you just say yes in everything I say?"

May choice ba akong humindi? "I don't see anything wrong with that."

"Kung sabihin ko sa'yong magpakamatay ka. Will you do it?"

"I'm still sane enough to say no to that request. As long as you won't ask me to stay away from Halea then we're good." Pinatay ko na ang apoy sa kalan at inilipat na sa mangkok ang nilulutong ulam. Saktong-sakto at luto na ang kanin. "I hope you don't mind preparing the plates for us?" tanong ko nang harapin ko si Makisig.

He shrugged his shoulders. "Fine! As long as ikaw lagi ang magluluto habang nandito tayo ay wala tayong magiging problema. You cook for us and I'll prepare the plates."

"Will you wash the dishes as well?"

"I don't mind sharing the labor with you."

"You got yourself a deal."

“Deal!”

Mukhang may magandang pinatunguhan naman ang hindi ko pagsagot-sagot kay bayaw.



"YOU can start reading with my sister's diaries. Baka may makuha tayong impormasyon doon. And I think, ikaw lang ang pwedeng magbasa nun since ikaw ang asawa niya at kung meron mang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya noon na naisulat niya hindi na 'yon masyadong maiinis paggising niya dahil ikaw lang naman ang nakabasa. Just don't share anything that isn't really related with the curse. And don't expect anything, Halea writes even the lamest things that happens in her life. She treasures every seconds of it."

I know.

Inisa-isa kong basahin ang mga diary ni Halea. Noong una ay nagdalawang-isip ako. I got scared that I might read something that will bring back all the guilt I have in my heart. Alam ko na sa ilang taon na magkakilala kami ni Halea ay hindi ako naging malapit sa kanya. At baka nga ay maraming bagay akong nagawa na nagdulot nang sobrang kalungkutan sa kanya. I maybe her happiness but I'm also her greatest source of sadness.

At aminado ako na hindi iisang beses na sobra ko siyang nasaktan lalo na nang maikasal kami. Kahit hindi sabihin sa akin ni Halea, alam ko na hindi iisang beses na umiyak siya dahil sa akin.

But I want to know her more. I want to know all her pains. All the moments of sadness she had embraced by herself. All the sacrifices she had chose for other people's happiness. That includes all the pain that I have given to her.

And everything was written on her diary.

But there is this one entry in her diary that had really caught my attention and made me asked myself why.

I never thought that a happy flower had a sad story to tell. I thought you were happy 'cause you always shine even in the darkest days. A mere sight of you can give smile to those who were troubled with tears. I never thought you'll have the same fate like mine. It must have been hard for you to wait for him, aren't you?

But you're so brave. I wish I can be like you as well.

Hindi ako mahilig magbasa lalo na kung ‘di naman pocketbook. Haha! Gusto ko may magbasa para sa akin. Gusto ko lang ang makinig at isipin ang mga romantic things na nangyayari sa kwento. Kaso, killjoy din 'tong si kuya e. Wala talaga siyang amor sa romantic novels. Kaya 'di ko na lang pinilit at baka ipahila na niya na talaga ako kay Gaspar. Tsk!

Then, I saw this one old Greek mythology book inside our library. Mukhang matagal na iyon sa library at wala na uling nagbasa. Alam mo ba, kung ano 'yong isa sa mga kwento na nakasulat sa librong 'yon? The story of a girl who turned into a sunflower because of her love for Apollo.

I cried after reading the story. Naalala ko 'yong sitwasyon ko ngayon. Iniisip ko na baka may dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang mga sunflowers. Siguro dahil kagaya ko rin sila. I always wanted you to notice me Psalm kahit ngumiti ka lang sa akin... kahit na 'di mo na ako kausapin... maybe because deep in my heart I have been longing for your love kahit na si Alyana na ang laman ng puso mo. A part of me wanted that love from you kahit na alam ko na mali na mahalin ka.

You're my sun Psalm. The farthest and the brightest sun in my world. But  why is it so hard to reach you? Why is it every time I look at you my eyes are clouded with tears? It hurts so much that I could feel my heart burning with pain and sorrow.  The remaining hope in my heart is slowly slipping away from my hands and I could already feel it on my fingertips. I don't want to let go yet... can I hold you a little longer?

My heart only longs for you, and like a sunflower, I will always turn towards you.

But you never notice me.

I keep looking at you Psalm but you never look at me.

Why?


"MAHILIG ka ba magbasa Makisig?" basag ko.

Sandaling ibinaling ni Makisig ang tingin sa akin bago ulit itinuon ang mga mata sa daan since he was the one driving the car. Halos nalibot na namin ang San Antonio sa paghahanap sa mga posibleng lugar na maaring pinagbilinan ng mga gamit ni Regina. Nakausap na rin namin ang mga madre na naging kaibigan at guro niya but they are not giving us the answers we wanted.

"I do but no romantic novels and pocketbooks."

"How about mythology?"

"Hmm," sandali siyang nag-isip bago ako sinagot. "I can try. Why?"

"Are you familiar with the story of Apollo?"

"Apollo and Daphne?"

"Is she the one who turned into a sunflower?"

"Ah, you mean, Clytie's story?"

"I guess, kung siya man ang babaeng naging sunflower."

Hindi ako pamilyar sa kwento na 'yon dahil hindi naman ako mahilig magbasa ng mga greek mythology. Kagabi ko pa iniisip ang bagay na iyon dahil sa isinulat ni Halea sa diary niya. Mababaliw yata ako kung hindi ko malalaman ang kwento na 'yon. Tila pinipiga ang puso ko sa bawat salita na nabasa ko mula sa diary niya.

“Actually madaming versions ang kwento nila." Simula ni Mak. "I'll share the version I've read. Clytie is a beautiful sea nymph, she had a long golden wavy hair and a big brown eyes. She wore a beautiful green gown made out of seaweeds. Araw-araw ay umaakyat sila sa lupa kasama pa ng ibang nymphs along with the other nymphs of the neighboring springs and fountains and they would gracefully dance with sea-plants in their garden. Pero hindi sila pwedeng maabutan ng unang sinag ng araw. It is in the law with the water-nymphs that they must go back before the first ray of the sunrise or they will be punished by the Gods of water for breaking the law."

"Clytie fell deeply in love with the god of sun Apollo. Everyday she will come up from the river and stay 'till evening. She will sat down on the sandy soil and watched his journey from east to west but Apollo never cared for her since he was in love with Daphne. Instead, Apollo got annoyed with her admiration and never look at her when he passes by. He cast her away and ignored her."

"Sa labis na kalungkutan ni Clytie ay siyam na araw siyang namalagi sa lupa at naghintay kay Apollo. She did not eat nor came back in the river. She stayed there and watched him all day without blinking. It was said that she died because of her love for Apollo and was turned into a sunflower that follows the sun from east to west."

Makisig sighed. "Some says that it was a punishment from the gods to her for breaking the law. It's really tragic. I remember Halea cried after reading that story."

Tahimik lang ako. Hindi ko magawang makapagsalita. It must have been hard for her keeping her love for me by herself.

"I think this sounds familiar?" basag ulit ni Makisig.

Inihilig ko ang siko sa hamba ng bintana ng sasakyan saka ko nahilot ang noo.

"Magsisimula ka na naman ba Makisig?"

Tinawanan lang siya ng loko. Great!

"Anyway," pag-iiba ni Makisig. "So far, bukod sa wagas na pagmamahal ng kapatid ko sa’yo, ano pa ang nabasa mo sa diary niya?"

Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang nakakatakot na pangyayari sa mga naisulat ni Halea sa diary niya.

"Hindi iisang beses na binanggit ni Halea ang duguang babae na nakasuot ng puting pantulog na bestida. It's the same thing that my father had shared to me na napag-usapan nila ng Tita Regina ninyo noon." Ikinuwento ko sa kanya ang ilan pang detalye sa nakaraan na sinabi sa akin ng aking ama. "She appears in their dreams and minsan ay nagpapakita sa kanila."

"Halea often had nightmares before."

"Yes, napansin ko rin 'yon. Bigla na lang siyang nagigising sa kalagitnaan ng gabi na pawis na pawis at habol-habol ang hininga na tila ba may humabol sa kanya. May mga pagkakataon din na naabutan ko siyang nakatitig sa kung saan na para bang may nakita siyang multo."

"Ang tanong, sino naman kaya ang duguang babae na 'yon?"

"Hindi ko alam kung sino pero malakas ang kutob ko na 'yon ang tinutukoy ng ama ko na dapat nating malaman. Kailangan nating makita ang iba pang gamit ni Regina para malaman natin kung sino ang babae na 'yon."

"I wish we can find more. I think Halea lost Tita Regina’s diary. I’m not even sure if nabasa nga niya ‘yon ng buo dahil may ilang pahina na rin na ‘di na masyadong mababasa. Nasa diary na 'yon nakasulat na dapat magkaanak ang isang Fidalgo at Salvatierre para maputol ang sumpa. At dapat, hindi mo malaman ang tungkol doon dahil maaring ‘yon ang ikapahamak ni Halea. 'Yon ang dahilan kung bakit pinilit namin ang ama mo na ipakasal ka kay Halea. And I guess, your father was really planning this meeting a long time ago dahil nakapagtatakang wala ka gaanong ideya tungkol sa history ng pamilya n’yo.”

“He don’t always mention it. I thought, it was nothing. At galit ako sa kanya. As much as possible I don’t want to be involved in any of Fidalgo’s businesses and secrets. Ano pang laman ng diary?"

Makisig shrugged. "That, I’m not sure.”

"If we find the rest of Regina's things mas mabibigyang linaw natin ang lahat."

"Let's do that."

Ang importante sa ngayon ay magawa naming pagkonektahin ang mga pangyayari sa nakaraan hanggang sa pagkamatay ni Regina. Naniniwala akong hindi lang nagtatapos ang kwento kay Lola Ysabella at Don Jaime. Malakas ang kutob ko na may nangyari pa sa nakaraan na walang sino man ang nakakaalam.

Unang-una na roon ay kung sino ang duguang babae na laging nagpapakita sa mga babaeng Salvatierre?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE