Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

UNANG gabi.

Pero ganoon pa rin kami. Walang pansinan. Walang kibuan. Dumungaw ako sa terasa ng bahay at tahimik na tinignan mula sa itaas si Psalmuel na may kausap sa cell phone niya sa stone brige sa gilid ng swimming pool. Huhula pa ba ako kung sino 'yon? I can't help but sighed. Tumalikod na ako at isinandal ang likod sa barandilya.

Kahit alam ko ang sagot ayokong sabihin. Ayokong isipin. Pero iniisip ko pa rin. Kung bakit ba kasi kahit anong sabihin ko sa sarili ko hindi maalis sa utak ko ang katotohanang si Alyana pa rin. Si Alyana pa rin ang mahal niya. Am I really hoping Psalm will love me in return? Parang ang labo. Anak lang ang kailangan ko sa kanya. Pero will it save me if I bear a Fidalgo’s child? What are the chances nga tama nga ang solusyon na nakuha ni Tita Regina para maputol ang sumpa? No one knows.

Kahit pa sabihin ni Don Pancho na ‘yon ang solusyon. Isa pa rin siyang Fidalgo. Walang mawawala sa kanila. I’ll die and Psalm will be free from this marriage. Makukuha rin ng mga Fidalgo ang lupain namin.

Muli lamang akong napabuntong-hininga. Ayoko nang mag-isip. In this quest, wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat. I’m fighting for my life without knowing what lies ahead of me. If I die, well at least, I did my best to live.

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa silid namin.

Sure akong wala 'yong planong matulog katabi ako. Kaya hindi na rin ako aasa. Naupo ako sa four poster bed na kama namin. Napatingin ako sa malinis at puting-puti na bedsheet. I caressed the smooth thin fabric with my finger tips. Naisip ko bigla. Ilang Ariel kaya ang nasayang sa pagpapaputi sa kobre-kama?

Siguro madami.

Kasing dami ng lungkot na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Kasing dami ng mga bituin sa langit na hanggang tingin lang ng mga tao. Kasing dami ng mga - bigla namang kumalam ang tiyan ko. Napangiwi tuloy ako. Kasing dami rin pala ng mga anaconda sa tiyan kong nagra-riot na kumain na ako. Napahawak ako sa tiyan ko.

Dios ko naman! Nagugutom ako. Sanay akong may midnight snacks kaya gutom pa rin ako kahit na nag-dinner naman na kami kanina.

Nagda-drama pa ako. Kailangan talagang sirain ang moment? Bubuntong-hininga pa ako e. Lumabas na lang ako ng silid at bumaba sa kusina. Madilim na ang buong kabahayan dahil nga mag-a-alas-onse na rin ng gabi. 'Yong asawa ko naman (na ako lang din ang nakakaalam) hayon at may ka telebabad sa labas. Saya!

Sanay ako sa mga makalumang bahay. Medyo creepy ang dating gawa na rin ng mga antigong bagay at atmosphere. Malaki ang ancestral house nila Psalmuel sa Consolacion. Malaki rin ang buong hacienda. Kaya 'di ko din maintindihan kong bakit adik sa lupain si Don Pancho. Baka uod 'yon nang nakaraang buhay.

Natawa ako sa naisip. "Ray!" Shuks! Tumama ang binti ko sa silya. Napahawak tuloy ako roon habang hinihimas-himas ang nasaktang binti. "Sorry po," bulong ko sa kawalan. "Hindi po uod ang kapamilya n'yo." Hinging pasensiya ko at baka narinig ako ng mga kaluluwa ng mga ninuno ng mga Fidalgo.

Patingkayad na naupo ako sa harap ng ref nang buksan ko 'yon. Sinipat ko isa-isa ang mga pagkain na pwede kong kainan. Gutom na talaga ako. Kahit tatlong apple lang o isang kilong grapes, kere na rin ‘yon hanggang umaga.

Dapat honeymoon natin 'to pero 'yong ka-honeymoon ko, heto, buong stock natin sa ref. Ikakain ko na lang ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko para sa’yo. Hayon, may nahawakan akong matigas... saka mahaba... oy parang iba 'to ah.

"Who's there?!"

Mabilis na isinirado ko ang ref pero takte napangiwi ako sa sakit nang maipit 'yong kamay ko at nahulog 'yong matigas at mahaba na bagay na nahawakan ko. Gosh, ang sakit!Mabilis na kinapa ko 'yon sa sahig sa kabila ng dilim. Nasaan na ba 'yon? Ah 'to. Nahawakan ko na ulit 'yon. Akmang titignan ko kung ano nga 'yon bigla namang umilaw ang buong paligid.

Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Jus ko naman! Mabilis na naitago ko sa likod ang hawak. Napalunok ako nang makita ang seryoso at walang ka ngiti-ngiting mukha ni Psalmuel.

"What are you doing here?" bumaba naman ang tingin niya sa mga kamay kong nakatago sa likod. "Ano 'yang tinatago mo sa likod?"

Kahit ako 'di ko alam. Basta mahaba at matigas.

"A-Ano…" please don't judge me.

"Ano?"

"Wala," iling ko pa. Kinapa-kapa ko pa 'yong bagay na 'yon. "Kamay ko lang." Ano ba kasi 'to? Talong ba 'to? Yelo? 'Di naman malamig para maging yelo. Stick-o? Hindi. Masyadong mataba at matigas. Omg! Namilog ang mga mata ko. Hindi kaya?

Mukhang 'di naman naniwala si Psalmuel dahil lalo lang kumunot ang noo niya sa’ken. Basing from my inconsistent reactions, mahuhulaan na agad ni Psalm na nagsisinungaling ako.

"You're lying,” akusa pa niya. “Show me what’s behind your back.”

Kagat ang ibabang labi na inilabas ko kung ano man ang bagay na ‘yon para makita ni Psalm. May idea naman na talaga ako kung ano ‘yon. “Pipino,” parang batang pag-amin ko. Well, masama bang kumain ng pipino, ha?

"Goodness Halea," Psalmuel groaned in annoyance. "Sa susunod na maghanap ka ng pipino sa dis-oras ng gabi ay magpa-ilaw ka naman. Hindi lang ikaw ang nakatira sa bahay na 'to." Tinalikuran na ako ni Psalmuel.

Akmang ibabato ko sa kanya ang pipino pero ‘di ko na lang itinuloy. Baka lalo lang mainis ang ‘sang ‘yon sa’ken. "Nagri-reklamo ba akong iba ang kausap mo sa unang gabi nating mag-asawa?" napabuntong-hininga ako at naibaba ang tingin sa hawak kong pipino. "Na saan na ba 'yong kutsilyo?"

Nanggigil ako, ha?!


WALA paring nagbago sa aming dalawa ni Psalmuel. Hindi pa rin niya ako masyadong kinakausap. Yes at no lang ang nakukuha kong sagot mula sa kanya. Kung su-swertehin ay may kasamang buntong-hininga, kunot-noo at walk out. Wala talaga yata siyang balak kausapin ako o ang makipag-kwentuhan man lang. In all fairness naman sa kanya, talagang sweet siya in person. Ramdam na ramdam ko.

Naabutan kong nagluluto ng pananghalian sa kusina si Manang Belma, ang punong katiwala ng mga Fidalgo sa hacienda nila sa Consolacion. Hindi siya stay in dahil sakop pa rin naman ng hacienda ang lokasyon ng bahay nila. Pumupunta lang siya sa bahay para maglinis, maglaba at magluto.

"Manang, ano po 'yang niluluto n'yo?"

Wala akong magawa sa bahay. Lagi rin namang wala si Psalmuel at nandoon sa taniman ng mga mangga nila. Umuuwi lang kapag gabi na. Kapag nasa bahay naman nasa maliit na opisina niya naman na konektado lang din sa silid namin at kaharap ang laptop niya.

"Sinigang," nakangiting sagot niya sa’ken.

Nasa isang kwarto nga kami natutulog pero parang wala pa rin naman akong katabi. Nasa iisang bahay nga kami pero it always feels like I'm living alone. Nakakalungkot. Sa bahay, kahit konti lang kami roon ay masaya naman ako. Ayoko kasing dibdibin 'yong feelings ko for him. Ayokong dumating ako sa point na sobra na 'yong pagmamahal ko sa kanya at baka 'di ko na siya kayang pakawalan pa.

Pero kung mamatay lang din naman ako sa huli. Would it be greedy for me to wish to spend my last days with him? Ang arte ng linyahan natin Halea ah. Iba ka. Wala. Itatawa ko na lang talaga mga problema ko.

Pumwesto ako sa likod ni Manang Belma at tinignan kung paano niya 'yon niluluto. Marunong akong magluto pero hindi lagi. Kapag may okasyon lang sa bahay. Nasamyo ko ang masarap na bango ng sinigang.

"Amoy masarap ah."

Natawa ang ginang. "Marunong ka bang magluto, hija?"

"Marunog pong kumain, manang." Nakangisi kong sagot sabay abot ng kutsara para tikman ang sabaw ng sinigang. Hinipan ko muna 'yon bago tinikman. Namilog ang mga mata ko sa sarap nun. "Wow! Ang sarap po." Bahagya ko lang siyang niyakap dahil nga nagluluto pa siya. "Pwede na po kayong mag-asawa manang." Natawa lang ang matanda sa’ken. Pinakawalan ko naman siya sa yakap ko.

"May asawa na ako." Aliw na aliw na tinignan niya ako. "Ikaw, may asawa ka na rin. Dapat ay matuto ka na ring magluto. Aba'y alam mo bang pihikan sa pagkain 'yang si Senyorito Psalmuel? Naku! Ang hirap pakainin niyan noong bata pa."

"Ay talaga, ho?"

Kaya pala ayaw niya rin sa’ken. Choosy nga.

"Siyang tunay," tumango-tango ang matanda. "Kaya kapag nagustuhan niya ang luto mo. Isa kang biyaya sa tiyan ng batang 'yon." Malakas na tumawa si Manang Belma.

Natawa lang din ako. Mukhang wala akong pag-asa riyan. Sa amin ni Alyana mas masarap magluto 'yon kaysa sa akin. Kaya wala rin. Nga-nga.

Nagtaka naman ako nang bigyan ako nang mapait na ngiti ni Manang Belma.

"Bakit po manang?"

"Alam kong pinagkasundo lang kayo, anak. Pero, mabait naman 'yang si Psalmuel. Masungit nga lang siya sa’yo ngayon pero kapag nakilala mo siya nang lubusan ay magbabago rin ang pagtingin mo sa kanya." Ginagap niya ang dalawang kamay ko. "Huwag ka sanang sumuko."

I gave her a smile. "Alam ko ho manang." Mabait naman talaga si Psalmuel. Sadyang hindi ko lang talaga deserve ang kabaitan niya dahil sa ginawa kong pagsira sa buhay nila ni Alyana. “Salamat po.”


"ANG cute."

Sobra ang tuwa ko nang maabutan ko ang isang aso na kamukha ni Lion King. Ang taba-taba at ang daming balahibo. Mukha talaga siyang lion na stuffed toy. Lalapit sana ako nang bigla itong tumahol. Napaatras ako nang lumabas na 'yong mga pangil niya. Galit yata sa’ken si Lion King.

"Nemo!" Napalingon ako sa likod at nakita si Psalmuel na papalapit sa akin. "Nemo sit!" utos niya na mabilis naman na sinunod ng aso. Pero, 'di nga? Nemo?

Nilagpasan naman ako ni Psalmuel. Lumuhod siya para haplosin ang ulo at katawan ng aso. Naisip ko bigla. Kung naging aso ba ako, papansinin mo ako?

"Did you missed me?" tumahol ang aso. "Good boy." Tumayo na si Psalmuel at hinarap ako. "Huwag kang lumapit kay Nemo kung ayaw mong makagat. He doesn't like women. Well," he trailed off. "Except for Alyana."

Kumunot ang noo ko.

"Nemo only likes Alyana." Tinalikuran na ako ni Psalmuel. "C'mon Nemo, let's play outside." Kasama ang aso ay iniwan nila ako sa sala.

Napangiti naman ako nang mapait. I know Nemo, even your master only loves Alyana. Ramdam ko naman ang galit mo sa’ken Psalm. I can see it in your eyes. You dont like me. You want me out of your life. Alam ko naman ‘yon e.

Pero sana bigyan mo rin ako ng chance.


KINABUKASAN ay nagluto ako ng almusal. Siningag na may kamatis at daing. Hindi ko dinamihan. Kaonti lang ang niluto ko. Sa totoo nga lang ay good for one person lang. Wala naman akong kasama sa bahay. Kahit na meron parang wala lang din naman. Sayang lang effort ko, diba?

Tinignan ko naman 'yong si Nemo sa isang tabi. Ang sama ng tingin sa’ken nung aso. Ano? Gutom ka? 'Diba ayaw mo naman sa’ken? Diba si Alyana lang naman ang gusto mo? Huwag mong titignan na para bang gusto mong buhusan ko 'yan ng dog food 'yang kainan mo dahil ayaw mo nga sa akin, diba?

Marahas na sumubo na lang ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

Wala kasi si Manang Belma. Lumuwas muna ng bayan dahil nagkasakit daw ang kapatid niya. Maaga akong nagising kaya nagluto na rin ako. Syempre, ng good for one person only.

"Good morning Nemo!"

Buti pa 'yong aso binabati.

Mabilis na lumapit 'yong aso kay Psalmuel at naglambing sa mga binti niya. Ako naman, kain lang nang kain sa mesa. Ramdam ko naman 'yong pagbaling ng tingin niya sa’ken pero deadma. Tahimik lang talaga ako. Pero napapansin ko ang mga ginagawa niya.

Pumasok siya sa kusina. Paglabas niya ay may dala na siyang dog food para kay Nemo. Pinakain niya 'yon bago ulit pumasok sa kusina. Inabot ko ang baso ng tubig at uminom. Tinignan ko muli si Nemo na masama pa rin ang tingin sa’ken.

"Huwag mo akong titignan ng ganyan." I mouthed at the dog. "Hindi ka si Nemo! Si Lion King ka! Ikaw si Simba!"

Mabilis na iniwas ko ang tingin nang bumalik si Psalmuel.

"Where's Manang Belma?" deadma ako. "Tinatanong kita kung na saan si Manang Belma." Ulit niya. Pero deadma pa rin ako. Oh ano? Masaya ba? Masaya bang dini-deadma ka? Putik! "Halea," mukhang ubos na ang pasensiya niyang tawag sa pangalan ko.

Hindi pa rin ako nagpatinag.

"Damn it!" he cursed. "Fine."

Saka siya umalis. Pagbaling ko sa gawi niya ay ang likod na lang ni Psalmuel ang nakita ko. Bumaba ang tingin ko kay Nemo. Napasimangot ako.

"'Yong amo mo, ang sarap pektusan." Tinaholan lang ako ng aso. "Isa ka pa e. Mahalin mo na lang kasi ako. Hindi lang dog food ang ipapakain ko sa’yo. Ano, okay ka ba sa proposal ko?"

Pero ang loko-lokong aso ni Psalmuel nilabasan lang ako ng pangil. 'Di wag!

Hanggang sa mag-lunch ay wala pa rin akong niluluto. Hindi rin naman nagpaparamdam ang ‘asawa’ ko at 'di ko na naman alam saang parte ng hacienda 'yon nangangalap ng pagkain. Taong bato kasi! Kung pakisamahan niya na lang ako nang maganda, 'di ipagluluto ko pa siya nang masarap.

'To namang si Nemo laging sumusunod sa’ken. 'Di nga ako lumalapit kasi nilalabas pangil niya kapag lumalapit ako. Brutal! 'Di ko rin ma gets ang trip ng 'sang 'to e.

Nakapaglinis na ako ng bahay. Natiklop ko na ang mga damit at maayos na naisalansan sa mga cabinet. Nakapaghugas ng pinggan at kung ano pa. Naisingit ko pa ang snacks sa mga gawain kong 'yan.

Naupo ako sa damohan sa garden ng bahay. Inilabas ko ang cell phone at kinunan ng picture ang mga bulaklak na nandoon.

"Paano n'yo natitiis na mabuhay na walang kumakausap sa inyo Gumee?" tanong ko sa gumamela. "Ang hirap kaya nun. Alam n'yo, lagi kong kinakantahan ang mga bulaklak namin sa bahay para 'di naman sila maburyo. Jamming sessions kumbaga." Natawa ako. Kaya ako napagkakamalang baliw. Halaman, bulaklak o 'di kaya hayop kinakausap at inaaway ko. "Gusto n'yo ng sample? Kaso medyo paos ako ngayon e."

Tumahol na naman si Nemo. Napalingon ako sa kanya. "Hindi mo nga ako gusto, diba? Bakit kita kakausapin?" nag-selfie na lang ako. Pero parang ang cute ni Nemo sa likod ko. "Sige na nga, selfie na lang tayo. Smile ka riyan." Natawa naman ako nang ilabas na naman niya ang pangil niya. Brutal talaga ng asong ‘to.

Nag-peace sign ako habang nasa likod ko naman si Nemo with his fierce look and fangs. Nakipag-selfie din ako sa mga halaman, sa mga damo at mga bulaklak.

"Wala ka bang balak na kumain?"

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Psalmuel. Pag-angat ko ay nakatayo na siya sa harap ko. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Parang ano mang oras kakainin na niya ako ng buhay. Hinawakan niya na ako sa magkabilng-balikat at pilit na pinatayo.

"Damn, it Halea." Napatitig lang ako sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga kahit annoyed na. "Can you just cook anything for us?"

"Nakikita mo na ako? Naririnig?"

"What are you talking about?" kumunot lang lalo ang noo niya sa’ken.

"Akala ko kasi 'di mo ako nakikita at naririnig." Inalis ko ang mga nakahawak na kamay niya sa mga balikat ko. "Saka sabi ni Manang Belma pihikan ka sa pagkain. Malay ko ba kung masuka ka lang sa iluluto ko. Warning lang, 'di ako wife material. 'Di ako gaanong marunong magluto."

"I don't care, basta kumain na tayo."

Bumuntong-hininga ako. "Fine, sige. Ipagluluto na kita."

Napangiti ako sa isip. ‘Di sumuko ka rin.



NAPAILING-ILING na lang si Psalmuel nang isa-isa kong inilapag ang niluto kong hotdog, bacon at sunny side up sa harap niya. Hinuli kong inilapag ang isang bowl ng kanin at isang pitsel ng tubig.

"Fried?" napalunok na lang siya.

"Gutom ka na, diba? Alangan namang magluto pa ako nang bongga. 'Di aabutin pa tayo ng bukas." I sat across him. Kumuha na rin ako ng pagkain dahil gutom na rin ako. "Kain ka na."

"Ang lakas ng loob mong magpakasal pero 'to lang ang kaya mo? Papatayin mo ba ang asawa mo?"

Unang-una, marunong akong magluto. Pangalawa, hindi ko feel magluto. Pangatlo, tinatamad ako. Pang-apat, dapat magpasalamat ka pa rin na pinagluto kita ng pagkain. Panglima, ako ang unang mamamatay kapag nagpatuloy pa 'tong world war natin.

"Alam mo minsan mo na nga lang akong kausapin puro pa negatibo ang sinasabi mo sa’ken."

"I'm just saying."

In the end he gave up and eat everything I cooked for him. Naging tahimik kami ng ilang minuto. Habang kumakain naisip ko kung pwede ko bang sabihin sa kanya na gusto ko ng anak. Na buntisin niya ako. Napangiwi ako sa isip. Jus ko! Hindi kaya maibuga ni Psalmuel ang kinakain sa mukha ko.

Pero hindi naman kasi pwedeng ganito lang kami. Ilang araw na lang ay magti-twenty two na ako. Kailangan ko nang bilisan. Kung 'di ay maabutan na talaga ako ng taning ko. Pero naiisip ko pa lang kung paano namin gagawin 'yon ay parang nanunuyo na ang lalamunan ko.

Pasimple kong naingat ang tingin kay Psalm.

Kahit nakaupo ay ang gwapo pa rin niya. Kahit sa simpleng white shirt ay halatang-halata ang malapad na balikat at magandang dibdib niya. Ang makinis at moreno niyang kutis. Ang matangos niyang ilong, makapal na kilay at mahahabang pilik mata. I find his hands sexy and very manly. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya. Ano kayang feeling na mahalikan ng isang Psalmuel Fidalgo?

"Nakakabusog ba ang titigan ako Halea?"

Napaigtad ako at napaderetso ng upo. Naingat niya ang mukha sa’ken. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Jus ko! Nahuli niya ako. I grimaced in my mind. This is so embarrassing. Pero masisisi mo ba ako?

"I'm not looking at you." Kaila ko sabay subo ng hotdog.

I saw him smirk pero dagli din 'yong nawala. "You want to tell me something?"

Oo, gusto kong sabihin kung pwedeng akin ka na lang pero hindi pwede kaya anakan mo na lang ako. Pero hindi ko pa rin ‘yon sasabihin.

"Huwag mo sanang mamasain 'tong sasabihin ko." Simula ko. "Alam kong 'di ko mapapalitan sa puso mo si Alyana. At imposible rin na mahalin mo ako." Naibaba niya ang mga kubyertos at napatingin sa’ken. "Pero sana, bigyan mo ako ng chance Psalm. Asawa muna ako kaya sana i-trato mo rin ako bilang asawa mo."

"I can't believe I'm hearing these things from you."

"I just want you to give this marriage a chance. Baka -"

"Tapos na akong kumain."

Tumayo si Psalm at umalis. Napabuntong-hininga ako. Wala na talaga akong pag-asa. Nagsimulang manikip ang dibdib ko. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng mga luha.

Ano ba Halea, iiyak ka na naman ba? Diyan ka lang yata magaling e. Kung ganito ka nang ganito. Masasayang lang ang ginawang pagsasakripisyo ng mga magulang mo sa’yo. Pwede ba, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi ka mabubuhay riyan sa pagpapakabait mo.

Kung bakit kasi si Psalmuel pa? Kung bakit kasi kailangan ko pang saktan si Alyana?



NAABUTAN kong mag-isang umiinom sa gilid ng swimming pool si Psalm. Nakalublob ang mga paa niya sa tubig. Katabi niya ang isang nakakalahati ng bote ng Brandy. Sa itsura niya ay mukhang lasing na siya.

I sighed.

Naglakas-loob akong lumapit at tumabi sa kanya. Inilublob ko rin ang mga paa sa tubig. Naramdaman ko ang lamig nun. Saglit lang na naibaling ni Psalmuel ang tingin sa’ken. Ibinalik din agad niya ang atensyon sa alak na nasa baso niya. Inisang lagok niya 'yon.

"Alam ko nami-miss mo siya." Basag ko. Napangiti ako nang mapait. "You can hate me all you want Psalm."

"You don't know how much I wanted to do that." Mapang-uyam niyang sagot sa’ken. Pero halata na rin ang kalasingan sa boses niya.

"And I know you'll hate me after this."

I'm sorry Psalm but if I really want your full attention I would need to take Alyana out from the picture. I know it's wrong pero hanggat hindi nawawala si Alyana sa buhay mo magiging ganito lang tayo lagi.

I have to do this for my mother.

Para sa pamilya ko.

At sana mapatawad n'yo akong dalawa ni Alyana.

Noong gabing 'yon ay kinuhaan ko ng picture si Psalm na katabi ako sa kama. Lasing na lasing siya kaya 'di na niya namalayan ang ginawa ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang itina-type ang sasabihin ko kay Alyana.

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na magagawa ko ang bagay na 'yon. Hindi lang si Alyana at si Psalm ang nasaktan ko. Pati na rin sila Nanay Belen na itinuring na akong anak. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

"S-Sorry," iyak ko nang mai-send ko na ang litrato sa messenger ni Alyana. Nabitiwan ko ang cell phone. "S-Sorry talaga Alyana. Sorry. O-Okay lang kahit 'di mo na ako mapatawad. I deserved this."

Nanikip ang dibdib ko kaya lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa terasa ng bahay. Umiyak ako nang umiyak. Sobrang naghihirap ang kalooban ko sa ginawa ko. Ngayon ko gustong pagsisihan ang ginawa pero nandito na ako. Nagawa ko na. Hiling ko na lamang ay sana may patunguhan ang lahat ng mga ito.



"ALYANA, wait! Let me explain." Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Psalmuel habang may kausap sa cell phone niya. Kagat-labing nayakap ko ang unan habang nakaupo sa sofa sa sala. "Na saan ka ba? Please listen to me, Hon. I'll be there."

Nagtama ang mga mata namin nang dumaan siya sa sala. "Mag-uusap tayo pagbalik ko!" mariing sabi niya sa’ken bago tuluyang umalis.

Nayakap ko nang mahigpit ang unan. Kanina pa nag-ri-ring ang cell phone ko. Tumatawag si Nanay Belen sa’ken pero hindi ko kayang sagutin ang nanay ni Alyana. Nahihiya ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa pamilya nila.

Umakyat na lang ako sa kwarto. Nag-ring ulit ang cell phone ko but this time pangalan ni Kuya Makisig ang nakita ko sa screen. Mabilis na sinagot ko ang tawag niya.

"I heard what you did. How are you?"

Nang marinig ko ang boses ni Kuya Mak mas lalo lang bumigat ang kalooban ko.

"S-Sobrang sama ko ba?" gumaralgal ang boses ko.

"Why did you that?" wala akong narinig na panghuhusga sa tono ng boses niya.

"N-Nagawa ko lang naman 'yon para makuha ko na ang buong atensyon ni Psalmuel. Alam kong mali pero wala na akong maisip na paraan para maibaling niya ang atensyon niya sa’ken."

"Gusto mo bang puntahan kita riyan?"

"Huwag na kuya," umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Kumusta si mama?"

"Successful ang operation ni mama. For now, the doctor put her under induced coma para tuluyan siyang makapagpahinga. Hopefully, you can visit her by then." Nakahinga ako nang maluwag. "Don't worry too much Halea. Mama will be okay as long as you're okay."

"Salamat kuya."

"Don't cry, bibisitahin kita riyan soon. Everything will be okay."

"Sana nga kuya."

Ibinaba ko na ang cell phone. Sakto namang pumasok bigla sa kwarto ang aso ni Psalmuel na si Nemo. Nasa hamba lang siya ng pintuan. Masama pa rin ang tingin sa’ken kahit na sobrang cute niya.

"Alam ko," sabi ko sa kanya. "Galit ka rin ba sa’ken?" tumahol siya ng dalawang beses. Napangiti ako nang mapait. "Sorry."

Sa ginawa ko, wala rin akong pinagka-iba kay Lolo Jaime. Nasaktan pa rin namin pareho ang mga Fidalgo. Kaya 'di ako sigurado kung magagawa ko bang mabali ang sumpa.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE