Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"KUMAIN ka pa, hija."

Tipid ang ngiti na tumango lang ako. Naiilang ako sa magiliw na pakikitungo at pagkausap sa akin ni Don Pancho. Tila nawala ang lahat ng mga negatibong katangiang nakapalibot sa imahe niya. Ang Don Pancho na nasa harapan ko ay mukhang mabait at tila isang ulirang ama. Asikasong-asikaso niya ako na para bang isang anak.

'Di ko naman maiwasang tignan mula sa gilid ng mga mata ko si Psalm. Tahimik lang siyang kumakain sa tabi ko.

"Nagustuhan mo ba ang hacienda?" tanong ng Don.

"O-Opo, maganda ho dito. Hindi ko masyadong na miss 'yong bahay namin sa San Antonio dahil kapareho lang din 'yon dito. Saka po, mababait ang mga tao dito. Mabilis ko lang nakapalagayan ng loob sila Manang Belma."

"It's good to hear that." Tumango-tango siya. "Inaalagaan ka ba naman nang maayos nitong anak ko?" pasimple niyang tinignan ang anak. "Sana ay hindi ka gaanong pinapahirapan ni Psalmuel."

Hindi ako mapakali. Napakabigat ng namumuong tensiyon sa pagitan nila Psalmuel at ng ama niya. Tila nagpapakiramdaman lang ang dalawa. Si Psalm naman ay parang nagtitimping huwag sagutin ang ama. Hindi ko tuloy alam kung paano ako lulugar sa mga oras na 'yon. Baka may masabi akong masama o mali na lalong magpapigat sa sitwasyon.

Sinikap kong ngumiti. "Naku po, mabait po si Psalm. Hindi niya naman po ako pinababayaan. Sa katunayan nga po ay ako pa nga ang nangungulit lagi sa kanya. Mataas lang po talaga ang pasensiya niya sa mga kabaliwan ko sa buhay." I let out a friendly chuckle. Pero sa totoo lang nanginginig na ang bibig ko sa kaba kaya inabot ko na ang baso ng tubig at sinaiid ang buong laman nun.

Parang gusto kong bumukas ang lupa at kainin na ako ng mga oras na 'yon.

"Mabuti naman kung ganoon. I'm glad to hear that Psalmuel's taking good care of you. Seeing you awhile ago, alam kong masaya kayo sa isa't isa." Ngumiti ang Don na sobrang ikanagulat ko.

Hindi ko maiwasang titigan si Don Pancho. Totoong ngiti ang nakikita ko sa kanya. Ngiting lagi kong nakikita sa aking mga magulang. I never expected that a man who has a bad reputation of being ruthless would learn how to give a genuine smile. O baka, mali lang talaga kami ng pagkakakilala kay Don Pancho Fidalgo?


Psalm

"SHE'S as good as your mother, isn't she, Psalm?" tanong ng ama ko habang natingin sa malaking portrait ng mukha ni Nemo na nakasabit sa pader sa sala.

"Pumunta ka lang ba dito para sabihin sa’kin 'yan?" walang ka-emo-emosyon balik tanong ko sa kanya.

Tumawa siya. "Masama bang bisitahin ko at kamustahin ang anak ko?" bumaling siya sa akin. "Can't I miss my son?"

Kumunot lang ang noo ko sa kanya. "That's totally out of you character.”

"Hindi pa rin talaga nagbabago ang tingin mo sa akin."

"Is there a reason for me to change my perception about my father?" hindi siya sumagot. "I'll take your silence as a no then."

"You're still the same stubborn boy I've known." Nakangiting hinarap niya ako. Itinaas niya ang isang kamay sa isang balikat ko saka masuyong tinapik ako doon.

Kailanman ay hindi naging apektado ang ama ko sa mga masasamang sinasabi ng tao pa tungkol sa kanya. Kahit na minsan ay hindi ko nakitaan ng kahinaan o pagsisi ang ama. Kahit noong namatay si mama ay 'di ko siya nakitang umiyak o nagdalamhati man lamang. Ni pagsisi sa nagawang kasalanan niya sa amin ay 'di bumakas sa mukha ng isang Don Pancho Fidalgo. Isa sa dahilan kung bakit galit na galit ako sa aking ama.

Yes, he was the heartless father I've grown up with.

"You can hate me forever son." Dagdag pa ng ama. "I'll give you the right to do that if that would make you feel better."

Nagtagis ang mga panga ko. Hating you isn't enough to make me feel better. Pinili ko na lang ang huwag magsalita. I have more self control. At baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Ayokong sirain ang magandang araw dahil sa pagbisita ng ama ko.

"Take care of Halea, Psalm."

Natigilan naman ako nang banggitin bigla ng ama ko ang pangalan ni Halea. Kanina ko pa napapansin ang magiliw na pakikitungo niya kay Halea. Tila aliw na aliw siya na kausap si Halea. Isang bagay na sobrang ikanagulat ko dahil hindi typical sa ama ko ang maging mabait sa ibang tao. Lalong lalo na sa isang Salvatierre na kailanman ay hindi naging kaibigan ng pamilya namin.

I know my father, he would never get close to a person if he didn't need anything from them. Pero ano namang makukuha niya kay Halea? Right, I almost forgot, he was aiming for Salvatierre's land.

Tumaas ang gilid ng labi ko.

Pancho Fidalgo will always be Pancho Fidalgo.

"Let me rephrase that for you. I think that should be, take care of Salvatierre's land for me, son." I said sarcastically, straight to his face. "Right?"

"Whatever you think it is, son." My father just shrugged his shoulders and smiled. Ibinalik niya ang tingin sa painting. Ilang segundo siyang naging tahimik bago ulit nagsalita. "I just hope you won't end up like me, son. I wish you would realized her worth before time tick's end and deprive you all with the chances you have right now."



Halea

"ANG sarap ng tubig," nakangiti kong sabi kay Psalm nang makaupo sa blanket na inihanda niya sa lilim ng malaking puno sa beach. "Ang ganda-ganda ng tubig. Asul na asul. Nakikita ko pa ang mga paa ko." Sunod-sunod na kwento ko habang inaabutan ako ni Psalm ng pagkain. "Ang puti-puti pa ng buhangin. Hindi ko alam na may magandang beach pala dito sa Consolacion."

"This is a private beach."

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Private beach? Bakit tayo nandito?" naigala ko ang tingin sa buong paligid. "Paano kung mahuli tayo?"

"Chill," he chuckled. "Hindi tayo mahuhuli. Wala naman dito ang may-ari. Where's the fun?"

Napasimangot ako. "Kaya pala tayo lang ang nandito. Ikaw, may tinatago ka ring kapilyohan e." Napalaki tuloy ang kagat ko sa watermelon. "Kaya pala sa pinakalikod tayo dumaan. Doon sa may sirang bakod kasi private beach pala 'to."

"No one would notice us, Halea. Matagal nang wala dito ang may-ari. At saka, mas mai-enjoy natin ang beach ng tayo lang. Kung sa ibang beach tayo, marami tayong makakasabayan na mga turista. It'll spoil the beauty of the beach."

Ngumisi ako saka nag-thumbs up. "Talino mo talaga." Pero mabilis naman na napalitan ng simangot ang mukha ko. "Warning lang, ha? Hindi ako mabilis tumakbo. Baka iwan mo pa ako kapag nahuli tayo. Kakatayin talaga kita."

Psalm laughed. "Ako bahala sa’yo. Kapag na huli ka. Bibisitahin na lang kita."

"Subukan mo lang at ikakanta kong ikaw ang master mind ng panloloob!" sinuntok ko siya sa braso. Tawa lang naman siya nang tawa. "Kung makukulong ako. Dapat kasama ka. Makulong tayong dalawa." Napasinghap ako nang literal na ikulong niya ako sa mga bisig niya.

"Sige, ikulong natin ang sarili natin."

"Ako lang naman ang kinulong mo." Ingos ko sa kanya. "Fair ba 'yon?"

"Bakit ayaw mo?"

"Hindi," itinaas ko ang mga kamay at iniyakap 'yon sa kanya. "Hinding-hindi ko gusto." I hid a smile.

"Halata nga e." He chuckled. Napansin ko namang bumaba ang tingin niya sa suot kong puting t shirt. Actually shirt 'to ni Psalm. Sinulatan ko ng pangalan niya gamit ng permanent pen. "Ganda ng t shirt mo ah. Medyo pamilyar."

Ngumisi ako.  "Ganda, diba?"

Tumango siya. "Oo, hindi halatang gusto mo ako."

Natawa lang ako.

Ilang minuto pa kaming nagkulitan at nag-kwentuhan. Paminsan-minsan ay nagsusubuan ng pagkain. Ang saya-saya ko nang mga oras na 'yon. Sa tanang buhay ko, ni minsan hindi ko naisip na posibleng maging sobrang malapit kami sa isa't isa ni Psalm. Malapit lang yata kami sa mga panaginip ko at sa mga paintings ko. Ang saya! Nakakalobo ng puso.

"Isa ka sa mga taong walang kahilig-hilig sa mga bagay-bagay."

"Grabe naman 'to. Masyado ka namang judgmental Halea."

"At sobrang mapili ka sa pagkain."

"Well, I won't deny that."

"Actually, wala talaga akong alam sa’yo." Natatawang amin ko sa kanya. Nandito kami sa point ng buhay namin na naghuhulaan pa kami ng tungkol sa isa't isa. At ang saya, wala pala akong alam tungkol sa kanya. Maliban sa mahal ko siya. The rest are history. "'Di ko sigurado pero noong high school tayo napapansin ko na lagi kang nagha-hum ng kantang Hero. Tapos nakita kitang kumakanta noon sa garden habang nagtatanggal ng damo dahil na late ka raw sabi noong mga kaklase mo."

"Woah! Speaking of a legit stalker."

"Hindi ako stalker. Nagkataon lang na dumaan ako at narinig ko 'yon." Chos!

Magkasing-edad sila Psalm at Kuya Mak. Tatlong taon ang tanda ni Psalm sa akin. Dahil nga iisang campus lang naman ang high school at elementary kaya malaya ko siyang nakikita araw-araw. Noong grade six ko nakilala si Psalm. Transferee ang lolo kaya laging laman sa tsismisan. Magkaklase rin sila ni Kuya Mak kaya nadadalaw ko siya sa classroom nila. Paraparaan lang din e, noh, Halea?

"Mahilig ka sa yellow mangoes. Nabanggit kasi ni Kuya Mak na lagi ka raw may sliced mangoes sa lunch box mo."

"Ba't niya naman 'yon nabanggit?" may himig na paghihinala niyang tanong.

"'Di pwedeng close kami? Syempre, na i-tsika niya lang sa’kin. Huwag kang mag-assume. May pagka-tsismoso talaga 'yang kapatid ko."

"Ba't mukhang defensive ka?"

"I'm just explaining, okay? Tapos, lagi kang top sa klase mo. Syempre 'yong kuya ko ang top one. Ikaw 'yong second. Lagi kayong pambato sa nga mga quiz bowl at regional competitions. Sobra nga akong nanliit sa sarili ko kasi 'di ko magawang makasali kahit sa spelling bee man lang. Tapos average lang lagi ang mga grades ko. Tapos si Alyana naman ang laging top one sa klase. Naiisip ko na, sobrang bagay n'yo. Parehong matalino." Napabuntong-hininga ako. "Tapos ako? Isang malaking patlang."

"Don't say that."

"Nasabi ko na."

Natawa si Psalm. "Ewan ko sa’yo Halea. Hindi ko tuloy alam kong seryoso ka ba o hindi."

"Hindi ako nag-jo-joke. I'm always serious."

"For a person who says that she doesn't know me at all. You knew a lot of things about me, ha? Good job."

"Pero alam mo Psalm. Sabi nila, you will never know a person whole your life. Araw-araw may madi-diskubre kang katangian sa kanila na hindi mo inakalang taglay pala nila. Mamamatay na lang tayo pero may bahagi pa rin ng pagkatao nila na hindi natin malalaman."

"Sino nagsabi niyan?"

"Si Nila."

"Sino si Nila?" kunot noong tanong niya.

"Sabi nga Nila. Paulit-ulit lang tayo Psalm?" tinawanan na naman ako ni Psalm. Seryoso talaga, napapansin kong hindi na ako siniseryoso ni Psalm. Paliguan ko na kaya ng buhangin ang 'sang 'to? "Umayos ka, ha?"

"Seryosohin mo kasi ako."

"Siniseryoso kita. Ikaw ang tawa nang tawa."

"Pero seryoso, may point din naman siguro ang sinabi nila. For example, ikaw."

"Ako?" turo ko sa sarili ko. "Malamang, tayo lang naman dito."

"O,'yan ka na naman." Psalm suppressed a smile. "Oo, ikaw. I discovered a lot of good things about you."

Napangiti naman ako. "Talaga? Tulad ng?"

"Malakas ka kumain. Mahilig kang kausapin ang sarili mo. Lagi kang nakikipag-away kay Nemo na para bang sinasagot ka niya. You love sunflowers. Masarap magluto. Masarap kasama. Maganda ang boses. Madaldal. Simple. Madaling pangitiin. Iyakin. At higit sa lahat... a talented artist."

Parang hinaplos ng maraming anghel ang puso ko. Napansin lahat 'yon ni Psalm? Parang gusto kong maiyak. At 'yon na nga. Hindi ko napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata ko.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong sa’kin ni Psalm. He cupped my face. "You're crying. Why?"

"Sa dami ng sinabi mo hindi man lang nakapasok ang salitang... maganda ka, sexy, pinagpala ka ng langit, isa kang biyaya ng maykapal, isa kang dyosa..." nakangiting iyak ko. "Para ka lang tinanong ng kaibigan mo kung maganda ba girlfriend mo tapos ang sagot mo mabait siya, matulungin sa kapwa at may takot sa Dios.”

Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Psalm. Napalitan 'yon nang matinding amusement sa kanya. Ilang segundo pa ay tawa na lang ito nang tawa.

"God, Halea."

"Hindi ako Dios –" pinupug niya ako ng halik sa mukha. "Psalm!" awat ko sa kanya.

"You're making me crazy Halea."



PABALIK na kami ni Psalm sa hacienda. Naglakad lang kami dahil 'di naman na mainit at saka maganda namang maglakad-lakad muna dahil 'di naman polluted ang lugar. Mangilan-ngilan lang ang dumadaan na mga sasakyan. Mabibilang nga lang sa kamay at hindi pa sunod-sunod. Karamihan ay mga traysikel lang na punong-puno ng mga batang estudyanteng pauwi na.

Matatayog na mga puno at malawak na lupain at sakahan lang ang nakikita namin sa paligid. Hindi pa nga sementado ang daan pero malinis naman. May mga kambing pa nga kaming nakakasalubong at may nakikita pa akong mga kalabaw sa 'di kalayuan. Malayo rin ang distansya ng mga bahay. Masarap at sariwa ang simoy ng hangin. Alas singko na kaya 'di na gaanong mainit. Unti-unti nang kumakalat ang kulay kahel na kalangitin sa paligid.

Hindi ko naman mabitiwan ang picture namin na kuha sa polaroid camera ko. Isa-isa ko 'yong tinignan. Ang ganda-ganda ng kuha namin doon kahit may iilang photos na sumimplang sa anggulo. Cute pa rin naman. Naubos namin ang sampung films. Syempre may solo din naman kami sa mga films na 'yon. Buti na lang marami pa akong stock ng films sa bahay.

"O, para sa’yo," kinuha ko ang kamay ni Psalm at inilagay ang dalawang photos na kuha kanina sa kamay niya. Nagtatakang tinignan niya ako. "Selfie picture natin at solo picture ko."

He went to check the photos. "Sa dami ng kuha natin 'yong pinaka pangit talaga na angle ang ibinigay mo sa’kin."

Natawa ako. "Oy, ang ganda ko kaya riyan." Lumapit ako nang husto sa kanya. Halos dumikit na nga ako habang sinisilip ang picture na hawak niya. "Ikaw kaya kumuha niyan."

Doon sa solo picture ko. Nakataas ang mga kamay ko sa ere. Nakatalikod ako sa dagat. Malaki ang ngiti. Suot ko 'yong puting t shirt ni Psalm na sinulatan ko ng malaking PSALM in capital letters gamit ng permanent pen noong isang araw na pinarisan ko ng itim na shorts at itim na tsinelas na may desinyong sunflowers.

'Yong isa naman ay selfie picture namin. Muntik nang mawala ang mukha ni Psalm sa sobrang laki ng space na nasayang dahil ewan ko ba naman paano namin 'yon pinusisyon. Pero maganda pa rin naman. Dikit na dikit ang mga pisngi namin na pulang-pula na dahil sa labis na pagbibilad sa araw. Pareho kaming nakangiti sa picture.

"Gusto mo may autograph ka pa?"

"Puro ka talaga biro." Itinaas niya nang bahagya ang mga pictures. "I'll keep this. Thanks." Hinawakan ng isa niyang kamay ang mga pictures. Tumaas naman ang libreng kamay niya sa mga balikat ko. Magkaakbay na naglakad kami. "Nag-enjoy ka naman ba?"

"Oo naman!" iniyakap ko ang isang braso sa baywang ni Psalm. "Saka hindi tayo nahuli."

"Sabi ko sayo e. Ayaw mo pa maniwala."

"Malay ko ba naman, diba?"

"Sometimes you have to learn how to break some rules. The feeling of adrenaline rush makes you feel more human... and more alive."

"'Yong alam mong mali pero sumugal ka pa rin. Siguro tama sila, you never know what's in store for you not unless you do it."

"But you have to prepare yourself for all the consequences that it might bring you. It's either you regret doing it or you find a sense of meritorious in what you did."

"Ang lalim. 'Di ko ma dive." Biro kong sagot na may halong tawa.

Psalm playfully messed my hair in response. "Kahit kailan Halea."

"Gosh!" nanlulumong sigaw ko.

Kumawala ako sa pagkakaakbay sa’kin ni Psalm at lumapit doon sa malaking gate na rehas. Halos namatay na ang lahat ng mga bulaklak doon at mukhang napabayaan na ng may-ari. Sobra akong nalungkot sa sinapit ng mga bulaklak doon. Mukhang bakante na ang lupain dahil may nakatarak na karatula na ‘FOR SALE’ na ang five thousand square meters na lupain na 'yon.

"Sayang ang mga bulaklak."

"Ibinibinta na pala nila 'to."

Naingat ko ang tingin kay Psalm. "Ano ba 'to dati?"

"Flower farm. Pero mukhang tama nga ang narinig kong balita na nalugi na raw ang flower business ng may-ari kaya nagpasya na lang na ibenta ang lupain at nangibang-bansa."

"Sayang naman. May mga buhay na bulaklak pa sana kaso mukhang mamatay na rin sila dahil wala ng mag-aalaga." Napabuntong-hininga ako. "Nalulungkot ako para sa kanila." Naramdaman ko naman ang paghawak ni Psalm sa kamay ko. Naiangat ko ang mukha sa kanya.

Nakangiti siya sa akin. "Huwag ka ng malungkot. Magiging masaya rin ang mga bulaklak na 'yan sa langit." Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Wala sa character niya ang mag-comfort nang ganoon. Cute! "Halika na. Umuwi na tayo." Hinila na niya ako palayo.

Naglakad na ulit kami. Malapit naman na ang lugar na 'yon sa hacienda.

"Magkano kaya ang benta nila sa lumang flower farm?"

"Bakit? May plano kang bilhin?"

"Sana, kung may pera." Natawa ako sa sarili. "Kaso 'di naman ako mayaman. Wala nga akong matatawag na trabaho maliban sa pagpipinta na hindi ko naman pinagkikitaan ng pera. Umaasa lang yata ako sa mana ng mga magulang ko. Saklap."

"Fine arts ang tinapos mo, diba?"

Tumango ako. "Kaso isa yata 'yon sa mga kursong mahirap pagkunan ng pera. Tinatawag nila 'yong kurso ng mga mayayaman. Hay naku! Sana pala architecture na lang kinuha ko o 'di kaya education. O pwede ring agriculture, diba? At least may maitutulong ako sa paglago ng negosyo namin."

"Pero kung kinuha mo ang mga kurso na 'yon. Magiging masaya ka ba?"

"Hmm, pwedeng oo. Pwedeng hindi. Pero tapos naman na 'yon. Masaya naman ako dahil nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko talagang gawin. 'Yon ay ang pagpipinta." Napangiti ako. "Okay na pala ako doon.”

"My mother once told me this. Your passion will never make you rich. Your dedication will. But if you strive hard enough. It will give you both success and happiness. It will always be a matter of how you perceived things in life. A positive mind will always have a positive outcome. You just have to trust in yourself."

"Napaka-positibo siguro ng mama mo, noh, Psalm?"

He's smiling. 'Yong klase ng ngiti na punong-puno ng tuwa. A proud smile. "She's the most selfless person I've known. Lagi niyang ginagawang positibo ang lahat kahit na nasasaktan na siya. Even on her last breath, she still thinks that her life was a blessing and worth it."

"Alam mo, kahit na minsan sobrang nasasaktan na tayo. Na gusto na nating sumuko. Masarap pa rin ang mabuhay. Sana 'yon din ang maisip ng ibang tao. Kung gusto nilang wakasan ang buhay nila dahil lang sa sobrang nahihirapan na sila at sa tingin nila wala ng nakaka-intindi sa kanila. Sana may dumating sa buhay nila at sabihin sa kanila na huwag nilang sayangin ang buhay na ibinigay sa kanila. Dahil hindi lahat nabibigyan ng mataas na buhay." Gustong-gusto kong mabuhay pero kailangan ko pang paghirapang makuha 'yon. At hindi pa sigurado ang bagay na 'yon. "Pero sabi nga nila, everyone has their own back story. But I do hope, someone will save them from falling apart."

"Ang galing talaga ni Nila. Akalain mong may nasabi na naman siya." Biro ni Psalm.

Inirapan ko siya. "Seryoso ako."

Natawa lang si Psalm. "Tama na nga 'yan. Basta, masaya ka sa ginagawa mo –" tumigil ako sa paglalakad. "Halea?"

Ibinaling ko ang tingin kay Psalm. "Psalm."

"Bakit?"

"Paano kung may limit ang buhay mo? Paano kung bukas mamamatay ka na? Anong mararamdaman mo? Anong unang-unang gagawin mo?"

"Bakit mo naman na tanong 'yan bigla?" kumunot ang noo ni Psalm.

"Wala lang. Naisip ko lang."

"Don't think about it Halea. Let's not talk about death." He cupped my face saka hinuli ang mga mata ko. "Worrying it would just stress you out. You have to live your life as happy as you could be. Okay?"

Humugot ako ng malalim na hininga saka bumuntong-hininga.

I nodded. "Okay."

Naipikit ko ang mga mata nang gawaran niya ako ng halik sa noo. "Let's go home."



NAPABALIKWAS ako ng bangon. Halos habol ko na ang hininga. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa gilid ng mukha ko at malakas na pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit napapaginipan ko na naman ang duguang babaeng 'yon. Sa panaginip ko ay nasa lumang simbahan ako. Nakasuot ng traje de boda at naliligo sa sariling dugo nang biglang kumalat ang apoy sa buong simbahan.

Naipikit ko ang mga mata sa sobrang takot. Ayoko nang isipin ang masamang panaginip na 'yon. Ang boses ng babaeng laging tumatawag sa akin. Ayoko na ng mga ganoong panaginip.

"Halea," bumangon si Psalm sa tabi ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Okay ka lang ba? Are you having those nightmares again?"

Naiiyak na tumango ako. "P-Psalm –" niyakap ako ni Psalm. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa buhok ko. Ang kaninang malakas na tibok kong puso ay unti-unting kumakalma. Psalm's hug give me a sense of comfort and protection.

"Are you feeling better now?"

Tumango ako. "Salamat."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa’kin. "C'mon, let's sleep."

"P-Psalm –" tila nabasa ni Psalm ang takot sa mga mata ko kaya masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko.

"It's okay. Nandito lang ako. Hindi ako matutulog hanggat hindi ka nakakatulog ulit."

Tipid na ngumiti ako. Pinahiga niya ako sa dibdib niya habang nakayakap naman ang isang braso niya sa akin. Ang isang kamay naman niya ay mahigpit na nakahawak sa isang kamay ko sa itaas ng tiyan niya. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng proteksyon sa mga bisig niya.

Pagpikit ko ng mga mata ay narinig kong nag-hum si Psalm ng kantang sobrang pamilyar sa akin. Sa ginawa niya ay tuluyan nang nawala ang takot ko at masamang panaginip. Alam ko ang kantang 'yon. ‘Yon ang laging naririnig niyang kinakanta ni Psalm dati – Hero.

Thank you Psalm.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE