Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

ANG NAKARAAN

Takot.

Takot ang unang lumukob sa puso ko nang mga oras na 'yon. Iyak ako nang iyak habang nagmamaneho ng sasakyan. Malakas ang buhos ng ulan sa labas na lalong dumagdag sa takot na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Gusto kong isipin na panaginip ang lahat. Na hindi totoo ang duguang babae sa likod ng sasakyan. Na hindi ko naririnig ang bulong niya sa mga tainga ko.

"Tama na!" sigaw na iyak ko, sinikap kong tignan ang dinadaanan ko sa kabila nang malakas na buhos na ulan. "Tama na please. Tigilan mo na ako. Parang-awa mo na."

Mamamatay ka. Naririnig ko na naman ang mga bulong niya. Mamatay ka rin katulad nila, Halea. Hindi tayo magiging masaya. Mamatay ka! Mamatay ka!

Tila dasal 'yon na unti-unting yumuyupi sa natitirang pag-asa ko na mabuhay. Isang nakakatakot na liriko sa isang kanta. Bigla akong napasinghap. Hindi ako makahinga. Tumaas ang isang kamay ko sa leeg ko at kinapa ang kamay na sumasakal sa akin pero wala akong mahawakan. Unti-unting nilulunod ng mga luha ko ang aking paningin. Nawawala ang atensyon ko sa daan.

Psalm, tulungan mo ako. Iyak ko sa isip. Tulungan n'yo ako. Parang awa n'yo na. Dios ko, huwag n'yo sanang hayaang mamatay kaming dalawa ng anak ko. Nakikiusap ho ako.

Mamatay ka! Mamatay ka Halea! Sa bawat sigaw niya ay dasal ang sinasambit ko. H-Hindi ako papayag na ma... m-mamatay ako. H-Hindi ako… p-papayag na… m-mamatay ang anak ko. La…Lalaban ako para sa’yo anak... kaya huwag... huwag kang bumitaw.

Halea!

Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napasinghap ulit ako nang maramdaman kong nawala ang kamay na sumasakal sa akin. Pero tila panandalian lamang 'yon dahil biglang hindi ko na ma-kontrol ang minamaneho kong sasakyan.

"Dios ko!"

Dire-diretso ang takbo ng sasakyan. Ilang beses kong sinubukang maniobrahen 'yon ay hindi ko magawang kontrolin ang takbo nito.

"Parang awa N'yo na. Dios ko! Nagmamakaawa ako Sa Iyo. I-Iligtas N'yo po kami." Iyak ko habang taimtim na nagdadasal sa kaligtasan naming dalawa ng anak ko.

Napasigaw ako nang biglang humarurot ang sasakyan. Lumukob ang takot sa buong katawan ko. Halos bangin na ang dinaraanan ko. Isang maling galaw lang ay ano mang oras ay pwede akong mahulog at mamatay.

Bumalik sa isipan ko ang mukha ng mga magulang ko at ng kuya ko. Ang mukha ng mga kaibigan ko at naging malapit sa akin. Ang mukha ni Psalm. Lalo akong napaiyak. Please, tumigil ka na. Parang-awa mo na. Itigil mo na ito.

“Tama na! Parang awa mo na kung sino ka man. Tama na. Huwang kami ng anak ko.” Iyak ko habang sinusubukang maniobrahin ang sasakyan palayo sa gilid ng bangin. “Tumigil ka na –” impit akong napasigaw nang diri-diretso pa ring humarurot ang sasakyan sa direksyon ng bangin. “D-Dios ko!” naipikit ko ang mga mata.

Ito na ba talaga? Hanggang dito lang ba talaga kami ng anak ko? Malakas na napasinghap ako nang maramdaman ang impact ng paghinto ng sasakyan. Bumangga ito sa kung ano. Lumabas ang airbag sa harap ko at biglang namatay ang makina ng kotse.

Bumangga ang sinasakyan ko sa isa mga stone barricade sa gilid ng kalsada. Halos na tipak ang bato dahil sa matinding pagbangga. Umuusok na ang harapan ng sasakyan. Hilong-hilo pa rin ako at nanghihina. Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi pwede! Maingat at mabilis na lumabas ako ng sasakyan. Nabasa agad ako dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Dios ko!

Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Walang tao. Walang mga sasakyan. Na saan na ako? Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Mabilis na nag lakad ako. Lakad-takbo ang ginawa ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong iligtas ang anak ko.

Halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko dahil sa malakas na buhos ng ulan. Pero hindi 'yon dahilan para tumigil ako.

"Tulong!" sigaw na iyak ko. "Tulungan n'yo ako. Parang awa n'yo na!”

Natigilan ako nang may maaninag akong ilaw na papalapit. Nakusot ko ang mga mata para makita ko ‘yon nang maayos. May sasakyan! Kumaway ako nang kumaway. "Dito! Dito po!" Maingat na hinaplos ko ang umbok kong tiyan. Kapit ka lang anak. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa’yo.

Po-protektahan ka ni Mama.

Huminto ang taxi sa harap ko. Mabilis na pumasok ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay ako. "Manong salamat. Salamat talaga." Pinahid ko ang mga luha sa mga mata at niyakap ang sarili dahil sa lamig.

"Saan ka ba galing, hija at basang-basa ka? O ito, gamitin mo muna 'tong jacket ko." Inabot sa’kin ni manong ang jacket niya. "Hihinaan ko na lang ang aircon."

"S-Salamat po,”

"Pauwi na rin ako pero ihahatid na muna kita. Saan ba punta mo?"

"S-Sa… S-Sa San Antoniopo." Nangangatog kong sagot. "M-Manong... m-may cell phone… p-po ba kayo… r-riyan?”

"Meron,"

"P-Pahiram po muna. M-May tatawagan lang... h-ho ako..."

"O sige," inabot nito sa akin ang maliit na selpon.

Mabilis na i-denial ko ang numero ni Kuya Makisig. Ilang beses na nag-ring pero hindi niya sinasagot. Kuya sagutin mo. Please sumagot ka.

"Hello? Sino 'to?!" sa wakas ay sagot niya.

"Kuya!" hindi ko mapigilang maiyak nang marinig ang boses niya. "Kuya si Halea 'to!"

Makisig

I hope both of you are happy now. Pwede n'yo nang ituloy ang love story n'yong dalawa. Wala na ang kapatid ko. 'Diba siya naman ang kontrabida sa buhay n'yo? Best wishes. Finally, you got your happy ending."

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan. It seemed like the only way for me to vent out my anger is to drive this damn car like maniac. Fuck! Ilang beses ko pang sinuntok ang manibela. Tila hindi naman naririnig ng mga tainga ko angingay na nililikha nun. Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha ko sa aking mukha.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin humupa ang galit ko sa kanila. At magkasama pa talaga sila kanina. Fuck them all! They don't deserve your love Halea.

Bigla-bigla ay tumunog ang cell phone ko. Mabilis na inabot ko ang cell phone sa itaas ng dashboard ng sasakyan. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang naka register na numero sa screen dahil nasa daan ang tingin ko.

"H-Hello?"

"Ahm, Hello?"

Kumunot ang noo ko nang marining ang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Who's this?" seryosong balik tanong ko.

"Buti na lang at may sumagot. Pulis po ako. Sinubukan naming ayusin ang cell phone na ito nang ilang araw hanggang sa ma-retrieved namin lahat ng call logs at contact numbers na naka saved sa cell phone nung driver."

Lalo lang kumunot ang noo ko. "Sinong driver po?" at bakit may numero siya sa akin?Binagalan ko ang pagmamaneho. "Are you referring to my sister's accident? May balita na ba kung kailan pwedeng i-retrieve ang sasakyan na nahulog sa bangin?"

"Hindi po."Then who are they referring?"Itatanong lang ho namin kung kilala n'yo po si Wilfredo Santos?"The name sounds familiar. "Siya pa 'yong driver nung sumalpok na taxi malapit sa may San Antonio."Kumunot lalo ang noo ko.

Sinubukan kong alalahanin kung saan ko nga ba 'yon narinig? Kasabay yata 'yon na ibinalita sa TV noong maaksidente si Halea. Pero bakit nasa log calls niya ang numero ko? Sandaling tinignan ko ang numero ng tumatawag. Wait, this number is familiar. Mabilis na ibinalik ko sa tainga ang cell phone.

"I'm not familiar with Wifredo Santos. Bakit ho?"

"Kinausap na rin namin ang pamilya niya at hindi naman daw sila tinawagan ng biktima nang gabing 'yon at wala ring may alam sa kanila kung kaninong numero ang huling tinawagan niya. Nagbabakasakali kami na baka may makuha kaming impormasyon sa'yo dahil ikaw ang huling tinawagan ng biktima."

"I can't remember. Sorry, can you tell me the details? The time and date."

"Tumawag ho siya ng bandang alas onse ng gabi, December 13 -"

"Wait!" naiparada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "That was the night my sister last called me." Tinignan ko muli ang numero. Biglang akong kinabahan. Tila may kakaiba sa mga nangyayari. Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Magkaiba ang oras ng aksidente at ang huling tawag ni Halea. Hindi kaya? Inilapit kong muli ang cell phone sa tainga. "Tell me Officer, may sakay ba na babae ang driver? Medyo matangkad, maputi at alon-alon ang buhok?" Nanginginig na ang kamay ko nang mga oras na 'yon. "S-She's pregnant. 'Di-Di ko lang alam... kung... kung halata na ang tiyan niya. Her name is Mahaleah Salvatierre, she's my sister."

God! Please let it be Halea. Please. I'm begging you.

"Sir, mas mabuting kayo na ho ang pumunta dito para malaman kung kapatid n'yo nga ba ho ang babaeng naka confine ngayon sa ospital. Tatapatin ko na ho rin kayo. Masama ho ang lagay ng babaeng pasahero at tama ho kayo. Buntis ho rin siya."

“God!”

ANG KASALUKUYAN

ANIM na buwan na pero hindi pa rin nagigising si Halea. Malala ang pinsala na nakuha ng kapatid ko sa aksidente. Higit na napuruhan ang ulo niya. Kahit na in-assure na ng doctor na stable na ang kalagayan ni Halea ay may risk pa rin na kaakibat ang condition niya lalo na't buntis si Halea. It was already a miracle for all of us that the doctors were able to keep the baby.

Halea's case is one of the rare cases in the world. Ilan lang ba ang naging successful na naipanganak ang isang baby habang nasa coma ang ina. Madami akong nai-research at masasabi kong maliit lang talaga ang chance pero maari naman. I don't want to be pessimistic with my sister's condition. I believe in her. She's been through a lot and I know she will live.

Mabuti na lamang at isa sa mga naging doctor ng kapatid ko ay may experience na sa ganitong mga case. Si Doc. Howell, he's half Filipino and half American, surgeon siya na naka base na sa Pilipinas. May in-assist siyang pregnant woman in coma noong nasa America pa siya. He's occasionally contacting his senior doctor na naging head doctor nila nang mag-labor ang naka-coma na babae. They were all doing their best to save Halea and the baby.

Sa ngayon, maganda pa rin ang kondisyon ni Halea at ng baby sa loob niya. Naniniwala akong kasing tapang ni Halea ang pamangkin ko. Pareho silang lumalaban para mabuhay. And I believe, they will.

"Anak," naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang boses ng aking ina. Naibaling ko ang tingin sa kanya. "Balita ko ay pumunta si Psalmuel kanina?"

Naikuyom ko ang mga kamay. Naibaling ko ang tingin sa higaan ni Halea. "Psalmuel doesn't deserved Halea, Ma. Wala na siyang karapatan para maging parte ng buhay nila."

Pinili naming huwag i-tama ang balita tungkol kay Halea. Inilihim namin ang totoong kalagayan niya para na rin sa proteksyon niya. Iniwan namin lahat ng mga ari-arian namin sa San Antonio at pinili ang simpleng buhay sa Maynila. Kapag nagtuloy-tuloy ang magandang kondisyon ni Halea ay malaki ang tiyansa na maipanganak nang maayos ang bata. Sa oras na magising ang kapatid ko ay lilipad kami pa-America at doon na titira.

Iiwan namin lahat ng mga masasakit na alaala sa lugar na ito at magsisimula muli.

"Pero anak –"

"Ma, Halea will live without him in her life." Ginagap ko ang mga kamay niya at hinuli ang mga malulungkot na mga mata ng aking ina. "Halea is a fighter. Hindi niya kailangan si Psalmuel para mabuhay. She only needs the baby to live."

"Ang akin lamang Makisig," bumuntong hininga siya at kumawala sa pagkakahawak ko sa mga kamay niya. "Hindi mo maiaalis sa kanya ang karapatan sa mag-ina niya. At alam ko, kahit paulit-ulit mo pa siyang ipagtabuyan paalis sa ospital ay babalik at babalik pa rin si Psalm para kay Halea at sa anak nila."

Nagtagis ang mga panga ko sa pagpipigil ng galit. Sa tuwing naiisip ko ang pagmumukha ng walangyang lalaking 'yon ay gusto ko siyang suntukin nang suntukin hanggang siya na mismo ang sumuko.

"Buo na ho ang desisyon ko Ma." I said, in a firm voice and conviction. "Simula nang alisin niya ang karapatan niya bilang asawa ni Halea. Inalis na rin niya ang karapatan niyang maging parte ng buhay ng mag-ina niya." Tinalikuran ko ang ina at dire-diretsong tinungo ang pinto. "Tama lang na pagsisihan niya ang lahat ng mga ginawa niya kay Halea. He deserved all the pain and guilt for pushing Halea away." Dagdag ko pa bago tuluyang lumabas sa silid ng kapatid.

That fucking bastard should learn his lessons. Hindi ko basta-basta ibabalik sa kanya ang kapatid ko nang ganoon lamang kadali.



Psalm

"ANONG nangyari sa’yo Psalmuel?" may pag-aalalang bating tanong sa akin ng ama nang makapasok ako sa loob ng condo unit ko. "Saan ka ba galing at bakit ngayon ka lang? Look at you? May pasa ka pa sa mukha at may sugat ka pa sa labi." Sinundan niya ako hanggang sa sala.

Nahilamos ko ang mga palad sa mukha at marahas na naisuklay 'yon sa buhok pagkatapos. I started pacing around the room nang hindi pinapasin ang ama. God, Halea is alive. My wife is alive... our baby is alive. God, I can't believed this. Nanaginip lang ba ako?

"Psalmuel what is happening to you?!" humarang siya sa dinaraanan ko at hinawakan ako sa magkabilang-balikat. "What is wrong with you?!" galit na natanong ng ama.

"Halea's alive," tila nagulat din ang ama sa sinabi ko. "Hindi ko alam kung paano ko sisimulan o paano ko sasabihin sa’yo ang lahat. One thing I'm sure is... buhay ang mag-ina ko."

I could feel my tears running down on my face. The next thing I knew, I was already crying with joy. Masyado pang lutang ang isip ko. I still couldn't believed it pero alam kong totoo. Na hindi nagsisinungaling ang mga mata ko nang makita si Halea.

"T-Totoo ba 'yang sinasabi mo anak?"

Tumango ako. Niyakap ako ng ama ko. "Pa, buhay ang mag-ina ko. H-Hindi ako iniwan ng mag-ina ko." I sobbed. "Buhay sila."

"Dios ko!”


Alyana

"PLEASE help me Alyana."

Ilang beses na nagpi-play sa utak ko ang pakiusap ni Psalm sa akin. Nasa labas ako ng St. Anthony's Hospital sa Maynila. Maaga akong lumuwas ng San Antonio para makipagkita kay Psalm. Nalaman kong buhay pa si Halea at ang anak nila ni Psalm. Naiyak ako sa saya dahil ligtas ang dalawa. Ipinagdadasal ko na magising na si Halea at sana maging ligtas ang baby sa loob niya.

Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi kay Psalm. Alam kong magagalit si Mak sa gagawin ko pero hindi naman tama na ipagkait niya kay Psalm ang karapatan na alagaan at bisitahin ni Psalm ang mag-ina niya.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Kaya mo 'to Alyana! Kaya mong harapin si Mak." Napangiwi ako. "Kaya ko ba talaga? Ano namang sasabihin ko sa kanya? Paano kung galit pa rin siya sa akin?" Napabuntong-hininga ako. Naipukpok ko ang ibabang bahagi ng palad ko sa ulo. "Ewan ko sa’yo Alyana! Ewan ko sa’yo!"

Napasinghap naman ako nang pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nakakunot-noo na si Makisig. Napaatras ako sa likod sa sobrang gulat.

"O, bakit mukhang nakakita ka ng multo riyan?" seryoso at walang ganang tanong niya sa akin.

Bahagya akong nasaktan sa tuno ng boses ni Mak. "Mak," umayos ako ng tayo. Naigala ko ang tingin sa buong paligid at umaktong nagtataka rin kung bakit nandoon siya sa lugar na 'yon. "Anong ginagawa mo rito?"

He crossed his arms over his chest. Nandoon pa rin ang seryosong ekspresyon ng mukha niya. "I should ask you the same. Anong ginagawa mo dito Alyana?"

"Ano," ‘di ko rin alam. ‘Di ko pa napag-iisipan ang alibi ko. Napangiwi ako sa isip. Ah, bahala na nga. "Lumabas lang ako saglit pero babalikan do rin si Nanay sa loob."

Lalo akong napangiwi ako sa isip. Nanay patawad po talaga. Hindi ko man gustong ipagkanulo kayo ay wala na talaga akong maisip na rason kung bakit nasa ospital ako.

"Lumala kasi ang ubo ni Nanay. Napa-check up ko naman na doon sa San Antonio kaso mukhang hindi na tinatanggap ng katawan niya ang mga gamot niya. Kaya nagdisesyon na akong iluwas siya ng Maynila."

Nanay ko, patawad talaga. Magdadala ako nang maraming prutas at herbal para sa’yo pagbalik ko. Lord, joke lang 'to, ha? Huwag n'yong totohanin.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Lumambot 'yon bigla. Parang may nakita akong pag-aalala sa mukha niya. Pero dagli din 'yong nawala at muli na namang bumalik ang seryosong mukha niya.

Bigla ko tuloy na miss ang dating Mak na nakilala ko sa San Antonio. Kahit na laging seryoso ang mukha niya ay 'di ko naman nahimigan ang lamig sa pakikitungo niya sa akin. Iba kasi ang Mak na kaharap ko, tila bato at sobrang galit sa mundo.

"I hope she's okay."

"S-Salamat."

"Well, it's nice to see you again Alyana." Tinalikuran na niya ako. "Maiwan na kita."

"S-Sandali lang Mak!" Huminto siya sa paglalakad nang hindi ako nililingon. "Mak, teka lang. Kumain ka na ba? Gutom na kasi ako. Saka 'di ako pamilyar sa Maynila. Hindi ko rin gusto ang pagkain sa canteen. Ano... pwede mo ba akong samahan?"

Nilingon niya ako mula sa balikat niya. Pero hindi ko alam kung oo ba o hindi ang kahulugan nang paglingon niya sa akin. Hopefully, it’s a yes.


Psalm

GULAT ang unang rumihestro sa mukha ng ina ni Halea nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Psalm," singhap ng ginang. Iginala niya ang tingin sa buong paligid bago ako hinawakan sa braso at pinapasok. "Halika sa loob."

Nag-text na sa akin si Alyana na kasama na niya si Mak. Magti-text ulit siya kapag pabalik na sila. Malaki ang pasasalamat ko kay Alyana dahil sa tulong niya. Alam kong si Alyana lang ang makakatulong sa akin para ma-distract si Makisig at makapasok ako sa silid ni Halea.

"Mama, alam ko hong malaki ang kasalanan ko sa inyo at kay Halea. Pero sana po huwag n'yong alisin ang karapatan ko para alagaan ang anak ninyo. Gusto ko pong bumawi sa lahat ng mga nagawa ko."

"Anak, alam ko." Masuyo na tinapik-tapik niya ako sa balikat. "Aaminin kong nasaktan din ako sa ginawa mo sa anak ko. Mahal na mahal ka ni Halea. Pero naiintindihan ko rin kung hindi mo magawang ibalik ang pagmamahal na 'yon sa anak ko –"

"Nagkakamali po kayo –"

"Hindi na, anak. Huwag kang mag-alala. Hindi ko aalisin ang karapatan mo sa anak ko. Hindi naman ako ang tamang tao para magdesisyon para kay Halea." I want to correct her. I want to say that I love her daughter more than anything in this world but I decided to keep it to myself for now. Ipapakita ko na lamang sa kanila ang pagmamahal ko sa anak nila. "Maiwan na muna kita dito. Huwag kang mag-alala. Hindi ito makakarating kay Makisig."

May ngiting iniwan ako ng ina ni Halea at lumabas ng silid. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago ako nagkalakas loob na tignan si Halea sa kama niya. I immediately felt my chest tightened the moment I saw her weak and pale face. Maraming nakasak-sak sa kanyang monitor. She was inhaling through that mask connected to a tube and an oxygen tank.

Humila ako ng silya at naupo sa gilid ng kama niya. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang maputla at malambot niyang kamay. Dinala ko 'yon sa aking pisngi at inihilig ang mukha sa malambot na kamay ni Halea. As soon as I closed my eyes I immediately felt the tears rolling down my cheeks.

"Halea," I sobbed. "Mahal ko. Patawarin mo sana ako. H-Hindi ko pala kaya na wala ka sa buhay ko. S-Salamat dahil buhay ka. Lumaban ka Halea. Lumaban kayo ng anak natin." Iminulat ko ang mga mata. Dinala ko ang kamay niya sa mga labi at hinalikan 'yon nang mariin. "Please live for us. Huwag mo muna kaming iwan Halea.”

Dios ko! Gagawin ko ho ang lahat. Buhayin N'yo lamang ang mag-ina ko. Alam ko ho na malaki ang pagkukulang ko sa mag-ina ko. But please give me another chance... give me another chance para bumawi sa kanila. Nagmamakaawa ako sa inyo Panginoon. Pinapangako ko po na sa pagkakataon na ito hindi ko na po sasayangin ang lahat ng pagkakataon para mapangiti ang asawa ko at maipadama sa kanya ang pagmamahal na pinagkait ko sa kanya.

I'll be a better husband and a father.

Just please, kahit ngayon lang, kami naman ang pakinggan N’yo.


Alyana

"GUSTO kita," lakas loob na sabi ko kay Mak. Bumakas ang gulat sa mukha niya. Dumiin ang pagkakahawak ko sa mga kamay ko sa ilalim ng mesa. Alam ko na katangahan na sabihin ko sa kanya ang totoo pero alam ko rin na pagsisihan ko rin sa huli kung hindi ko nasabi 'yon kay Makisig. "Hindi, Mahal kita Mak."

At alam ko rin na maari akong masaktan pero gusto kong sumugal. Kahit na malaki ang posibilidad na piliin pa rin ni Makisig na saktan ako sa huli. Alam kong masasaktan ako pero bahala na.

"You want an honest answer from me?" seryosong tanong ni Mak.

Tumango ako. "Alam kong sasabihin mong hindi pero alam ko na –"

"Mahal kita Alyana." Napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko inasahan na ‘yon ang isasagot niya. Pero bakit kabaliktaran ang nakikita ko sa kanya? Hindi ko magawang mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. "Is that what you want to hear from me?"

"Mak –"

"Alam mo ang sumpa na bumabalot sa pamilya namin. If you choose to love me, you will never be happy. Mapupuno ng pag-aalala at kalungkutan ang buhay mo. I could never give you the happiness that you deserved Alyana. Living with me will make you a prisoner of this curse. Ayokong dumating ang panahon na isisi mo sa akin lahat ng mga masasamang pangyayari sa buhay mo. So if you're smart enough, please don't love me."

"Sa tingin mo ba hindi ako natatakot doon, ha?" nagsimulang manikip ang dibdib ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha. "N-Natatakot ako para sa magiging pamilya natin kung sakali. Alam kong masasaktan siya kagaya ni Halea. At alam kong araw-araw akong iiyak dahil sa sitwasyon ng anak natin. At alam kong walang araw na hindi mo sisihin ang sarili mo dahil wala kang magawa para sa amin. Pero Mak –"

"Tama na Alyana. Huwag mo nang ipilit ang gusto mo. I'm sure in the next couple of days ay mapag-iisipan mo 'to at magpatatanto na tama ako. Don't drag your emotions with your decision making Alyana. It will never do you good. Trust me."

"Ganoon ba talaga kababaw ang tingin mo sa nararamdaman ko sa’yo, ha?" may hinanakit na tanong ko sa kanya. Sobra na akong nasasaktan sa mga salita niya. Akala niya ba madali para sa akin 'to?!

"Let's stop this Alyana. Ihahatid na kita ulit sa ospital –"

Nauna akong tumayo. "Excuse me, mag-si-cr lang muna ako," sabi ko, saka ko siya iniwan.

Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Ilang minuto pa akong tahimik na umiyak sa banyo. Bakit kasi ang sakit-sakit magmahal? Binaba ko na nga lahat ng pride ko pero ang sakit pa rin. Tama na Alyana. Expected mo naman na ganoon ang magiging sagot ni Makisig. Humugot ako nang malalim na hininga. Muli ko pang tinignan ang sarili sa salamin. Kaya ko ‘to!

Paglabas ko ng banyo ay natanaw ko agad ang seryosong mukha ni Makisig. Parang gusto ko na naman ulit maiyak. Parang 'di ko na yata kayang harapin si Makisig.

Humugot ulit ako nang malalim na hininga bago nagkalakas-loob na maglakad pabalik sa table namin. Inangat bigla ni Mak ang tingin sa akin. Sa gulat ko ay bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa pupulsuhan.

"Let's go," hinila niya ako palabas ng restaurant.

"M-Mak? T-Teka lang nasasaktan ako." Pilit kong inalis ang kamay ni Mak. "Mak!" Binitiwan niya ako bigla. Muntik na akong mabuwal buti na lang at na-i-balanse ko ang katawan.

Itinaas niya ang cell phone ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko. His eyes were burning like flames. Galit na galit siya.

"Damn it Alyana! Wala ka na bang ibang maisip na dahilan para lang ma-distract ako, so Psalm could sneak inside Halea's room?!"

"M-Mak, let me explain. 'Di naman ako nagsisinungaling –"

"Fuck! Fuck everything! I'm so tired with this."

Napaigtad ako nang marahas na itinapon ni Mak ang cell phone ko sa sementadong daan. Nasira 'yon. Pero hindi ko kayang makita ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.I’m sorry Mak.

"You think this is funny?” his voice broke. “Sa tingin mo ba madali sa akin 'to Alyana?!"

Lalo akong naiyak dahil ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin.

"Mak, please, pakinggan mo muna ako –”

“Damn it, Alyana!” Marahas na pinahid niya ang mga luhang umalpas sa mukha niya. “Pagod na pagod na ako. Pero paano mo nagawang paglaruan pa rin ang damdamin ko?!Bakit?”

"Mak, hindi ako nagsisinungaling. Makinig ka muna sa’k –"

"You want me to say it? Fine! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Tang ina sobrang mahal kita kahit sobrang sakit na!”

"Mak –"

Mabilis na tinalikuran ako ni Mak. Akmang hahabulin ko siya pero mabilis na nakatawid na siya sa kabilang kalsada. Iyak lang ako nang iyak habang hinahabol ng tingin ang papalayong si Makisig.

“Mak,” hikbi ko. “Mahal kita. ‘Yon ang totoo.”



NAABUTAN ko na nagkakagulo sa labas ng silid ni Halea. Paulit-ulit na sinusuntok ni Makisig si Psalm. Natutop ko ang bibig nang malakas na tumama ang balikat ni Psalm sa pader. Alam kong masakit ang pagkakatama nun pero hindi man lang lumaban si Psalm. Tinanggap niya lahat ng suntok sa kanya ni Makisig.

"Makisig tama na!" inawat na si Makisig ni Don Franco kasama ang dalawang nurse na lalaki. "Tigilan mo na 'to."

"Sinabi ko na sayong huwag ka nang babalik dito!"

"Mak, anak, tama na 'yan! Ako ang nagpapasok kay Psalm sa loob." Umiiyak na awat ng ina ni Makisig. "Tigilan n'yo na ito, parang awa n'yo na. Huwag kayong magsakitan dito."

Mabilis na lumapit ako kay Psalm at inalalayan siya. "Psalm, okay ka lang?" Tumango lang si Psalm at bahagya akong itinulak palayo. "Psalm, ano ba?!"

"Ang lakas ng loob n'yong pumunta dito?!" sigaw pa rin ni Makisig. "Umalis na kayo! Hindi kayo kailangan ng kapatid ko!"

Bigla ay lumuhod si Psalm sa harap ng pamilya nilang lahat.

Nakadama ako ng awa para sa kanya. Saksi ako sa paghihirap niya nang akalain naming patay na si Halea. Muntik na niyang patayin ang sarili dahil sa sakit at pagluluksa ng pagkawala ng mag-ina niya. Pero pilit niya 'yong nilabanan. Alam ko na hindi 'yon tutumbas sa sakit na pinagdaanan ni Halea, pero dahilan ba 'yon para ipagkait sa kanya ang makapiling ang mag-ina niya?

Masama bang humingi ng isa pang pagkakataon para bumawi kay Halea?

"Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Halea. Patawarin n'yo sana ako. Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo. Isang bagay na pilit kong ipinagkait sa sarili ko na sobra kong pinagsisihan." Napayuko si Psalm. "Pero nagmamakaawa ako. Hayaan n'yo akong bumawi sa mag-ina ko." Nagsimulang yumugyog ang mga balikat niya at gumaralgal ang boses niya. "I want to spend every moment of my life with them. Gusto kong samahan sila sa laban nila."

Nanikip nang sobra ang dibdib ko hanggang sa napaiyak na rin ako. Natutop ko ang bibig. Bakit ba nangyayari sa amin ang mga ito? Makisig and Halea doesn’t deserved this.

"Please, let me stay with my wife and our child."

"Hindi mo ako madadala sa paganyan mo."

"Makisig tama na!" Pumagitna na si Tita Catleya. "Lagi na lang kayong nagsasakitan. Sa tingin n'yo ba magiging masaya si Halea kapag nakita niya kayong ganito?! She's doing her best to survive! She's fighting... at alam kong isa tayo sa rason kung bakit siya lumalaban. Pero imbes na magkaisa tayo para sa kanya ay nagkakagulo tayo. Tama na! Makisig, hayaan mo na si Psalm. Asawa siya ni Halea."

Marahas na itinulak ni Makisig ang dalawang nurse na lalaki na nakahawak sa kanya.

"Do whatever you want!" tinalikuran kaming lahat ni Makisig. “Huwag ka lang magpapakita sa akin.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE