Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Makisig

'YUMI," halos pabulong ko nang tawag sa pangalan ng nobya.

"H-Hindi ko maintindihan Makisig. Anong sumpa? What does it have to do with you? With us? Anong kinalaman natin sa aksidente ni Halea?"

"Yumi," lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. Ipinagtapat ko na sa kanya ang tungkol sa sumpa. Ang pwedeng mangyari sa kanila kapag hindi namin nagawang putulin ang sumpa. Umaasa akong maiintindihan niya. Dahil hindi ko rin naman hahayaang mangyari 'yon sa kanya. "Listen, I know it's a bit complicated. Pero you don't need to worry about it. We have already found a way to break the curse. Hindi na mangyayari sa atin ang nangyari kina Papa at Mama at sa buong angkan nam –"

"This is crazy Makisig!" marahas na binawi ni Yumi ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Nasaktan ako sa ginawa niya. Bakas ang inis sa magandang mukha niya. "So everything about your family is true? God, I can't believe this."

"Yumi, please... I just need your support on this." Lalapit sana ako sa kanya nang iharang niya ang isang kamay para pigilan ako. "Yumi?"

"I can't do this Mak. I'm sorry..." my heart drop. Tila bomba 'yon na sobrang nagpasabog sa lahat ng takot sa buo kong katawan. Hindi ko magawang paganahin ang isip o ang kumilos man lang. It was as if my heart was chain tightly inside my chest and everytime it tries to break free it feels like it's gonna rip apart. "I don't want to risk my future with you Mak. Let's just end this."

Mula sa palasing-singan niya ay hinubad ni Yumi ang sing-sing sa daliri niya. Natuon ang atensyon ko sa mga kamay niya. It was too painful to see her taking off the engagement ring I've given to her. It hurts like hell. It was even more painful to think na madali lang para sa kanya na itapon ang mga pinagsamahan namin.

For 5 years!

And it only took her five seconds to give up on me.

Inabot ni Yumi ang isang kamay ko at inilagay sa palad ko ang sing-sing. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. But I couldn't find the strength to protest. I could feel my chest tightened but the pain was enough for me to feel numb... to shut down my whole existence.

"I'm sorry," tanging na sabi niya.

I felt so betrayed... but it was so hard to hate the woman I love. The woman I want to spend my life with. The woman that makes me want to live. I was willing to fight for her... but she gave up on me.

Sa pagtalikod niya sa akin I realized how miserable my life was. She took with her the remaining hope I have in my heart. Naikuyom ko ang kamay kung saan inilagay ni Yumi ang sing-sing. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakabaon ng sing-sing sa palad ko. Tila doon lang bumalik sa akin ang lahat.

Marahas na naisuklay ko ang isang kamay sa buhok habang unti-unting pinapalabo ng mga luha ko ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol nang iyak.

Damn it!


Alyana

MARAHAS na napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa waiting shed ng ospital. Sinipat ko ang relo sa bisig at mag-a-alas nuebe na ng gabi. I already missed the last bus pabalik ng San Antonio.

Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatapos nang nangyari kanina sa pagitan nila Psalm at Makisig ay natagpuan ko na lang ang sarili na may malalim na iniisip. Nagliwaliw muna ako sa pinakamalapit na park sa lugar na 'yon hanggang sa abutin na lang ako ng gabi.

Muli akong napabuntong-hininga. Malungkot na hinaplos ko ang sling bag sa itaas ng kandungan ko. Saan naman kayo ako magpapalipas ng gabi? Wala akong kilala sa Maynila. Saka nagsinungaling pa ako kay nanay kanina. Ang paalam ko ay maghahanap ako ng agency pa abroad. Nabanggit ko kasi sa kanya ang plano kong pag-a-abroad. May classmate ako noong college na nag-ingganyo sa akin na pumunta sa ibang bansa para magturo ng English.

Naisip ko na maganda 'yon. Malaki ang magiging sahod ko at matutulungan ko pa sila nanay. Isa pang rason kung bakit gusto ko ang lumayo ay dahil kay Makisig. Baka sakali ay makalimutan ko na siya kung lalayo  ako at itutuon ang buong atensyon sa trabaho.

Bumalik sa isipan ko ang mga eksena sa pagitan naming dalawa ni Mak kanina. Parang gusto ko na namang maiyak. Nasasaktan ako para kay Mak. Hindi ko makalimutan ang sakit na nakita ko sa mga mata niya. Parang dinudurog ang puso ko.

Mabilis na pinahid ko ang mga luhang umalpas na sa aking mga mata.

"Ano ba naman Alyana. Saka ka na umiyak kapag nakahanap ka na ng matutulugan." Alo ko sa sarili. "Saka ka na mag-emote diyan."

Hindi naman ako pwede sa bahay ni Psalm. Wala rin akong balak. At saka ayokong abalahin si Psalm. Kung hindi lang sakto ang pera na dala ko para pamasahe pabalik ay mag-ho-hotel na lang sana talaga ako. Kaso 'di ko pala na dala ang ATM ko. Kung bakit kasi nagpalit ako ng bag.

"Malas!" bulalas ko sa sarili. "Kahit kailan talaga Alyana napaka shunga mo talaga." Gusto ko nang kutusan ang sariling katangahan.

Mayamaya pa ay may narinig akong sunod-sunod na bosena ng sasakyan. Naingat ko ang tingin sa harap at napatitig sa pulang SUV na huminto sa harap ko. Bumaba ang salamin ng driver's seat at bumungad sa akin ang mukha ni Don Franco ang ama nila Halea at Makisig. Sumilip din ang asawa niya na si Tita Catleya na katabi lang din ng Don.

Napatayo ako ng wala sa oras.

"Good evening po tita, tito." Bati ko.

"Alas nuebe na ah." Nag-aalalang sabi ni Tito Franco. "Wala ng bus pabalik ng San Antonio."

"Sumakay ka na sa amin, hija." Segunda ni Tita Catleya. "Doon ka na sa bahay magpalipas ng gabi." Sa bahay ako ng mga Salvatierre magpapalipas ng gabi? E si Makisig? Napangiwi ako sa isip. Magandang ideya kaya iyon? "Huwag kang mag-alala, hija. Kung iniisip mo si Makisig hindi 'yon natutulog sa bahay." Dagdag ng ginang na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "Sigurado akong sa condo nito 'yon tutuloy. Kaya halika na. Sumama ka na sa amin."

Ilang segundo akong nag-isip. Tatanggi pa ba ako? Dahil kapag oo, katangahan na talaga 'yon. Ngumiti ako sa dalawa at tumango.

"Salamat po," saka ako pumasok sa sasakyan nila.

Pinaandar ni Tito Franco ang sasakyan. Nilingon naman siya ni Tita Catleya. May ngiti sa mukha niya. Nahihiyang ibinalik ko ang ngiti niya.

"Kumain ka na ba, hija?" malambing na tanong niya sa akin.

"Ahm –" bigla namang kumalam ang tiyan niya. Nagkumahog akong takpan ng bag ko ang tiyan. Napangiwi ako. Naku naman! Nakakahiya. "S-Sorry po."

Natawa ang mga ito sa akin. Mas lalo akong nahiya. Actually, gutom na gutom na rin talaga ako.

"It's okay, Alyana." Bakas pa rin ang ngiti sa boses ng ginang. "I'm sure nagluto si Manang Sita sa bahay."

Tumango na lamang ako at nagpasalamat. Dios ko, nakakahiya talaga.

Nang makarating sa bahay ay ipinaghanda agad ako ng pagkain ni Manang Sita. Matagal na si Manang Sita sa pamilya ng Salvatierre kaya hindi na ako masyadong nagtaka kung bakit kasama nila ang matanda bahay. Hindi nakakapagsalita si Manang Sita at sign language lang ang means of communication niya.

Sa totoo lang si Halea ang nagturo sa akin ng sign language para naman magkausap at magkaintindihan kami ni Manang Sita. Tuwang-tuwa si manang na makita ulit ako at hindi niya napigilan na yakapin ako.

Simple lang ang bahay nila Mak sa Maynila. Hindi man kasing laki ng mansion nila sa San Antonio ay naghuhumiyaw pa rin ng karangyaan ang two-storey house nila. Isama pang nasa isang pribado at sikat na subdivision 'yon nakatayo. Hindi ko alam na may bahay pala sila sa Maynila. Pero bakit hindi madalas umuwi sa bahay na 'yon si Makisig?

Baka gusto lang niyang mapag-isa.

Pagkatapos kumain ay binigyan ako ng pamalit na pantulog ni Tita Catleya at dinala sa silid ni Makisig. Nagulat talaga ako nang doon ako dinala ni tita.

"Pasensiya ka na Alyana. Hindi pa kasi nakaayos ang mga gamit ni Halea sa silid niya. Maalikabok at magulo pa dahil wala pa kaming oras na ayusin 'yon. Ang guest room naman ay ginagamit ni Manang Sita."

"Tabi na lang po kami ni Manang Sita, tita." Sagot ko agad. "Okay lang ho sa akin. Nakakahiya naman kasi kay Makisig kung gagamitin ko ang kwarto niya ng walang pahintulot."

"Ayos lang ba iyon sa iyo, hija?"

May ngiting tumango ako. “Opo tita, ayos lang ho sa akin ‘yon.”



LUMABAS ako ng silid para kumuha ng maiinom. Alas dose na yata ng madaling araw pero hindi ako makatulog. Namamahay din siguro saka masyadong malamig ang aircon hindi ako sanay. Hindi na ako nag-abalang i-on ang ilaw sa kusina dahil medyo maliwanag naman dahil tumagos ang liwanag ng buwan mula sa bintana.

Kumuha ako ng isang pitsel na tubig sa ref saka nagsalin ng tubig sa baso. Ilang segundo yata akong nakatulala lang sa kawalan. Naiangat ko ang tingin sa may lokasyon ng hagdanan. Hindi ko alam kung bakit may puwersang humahatak sa akin para umakyat doon at puntahan ang silid ni Makisig. Inilapag ko ang baso at tinungo ang hagdanan.

Tahimik ang buong kabahayan at tanging mga mahihinang yapak ng aking mga paa lamang ang naririnig ko. Dinala ako ng sarili kong mga paa sa harap ng silid ni Makisig. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at maingat na pinihit 'yon pabukas. Binati agad ako ng mabangong amoy ni Makisig. Naipikit ko ang mga mata at pinagsawa ang sarili sa amoy ng kwarto ni Makisig.

I missed him. I missed him so much. Sa mahigit pitong buwan na hindi naming pagkikita tila taon 'yon na pilit kong hinihintay na matapos. At sa bawat araw na 'yon, pilit kong kinakalimutan ang pagmamahal ko sa kanya... tila sugat 'yon na mahirap pagalingin. Sa tuwing pinipilit kong kalimutan si Makisig mas lalong lumalalim ang sakit sa puso ko.

Natagpuan ko na lang ang sarili na nakahiga sa kama niya. Niyakap ko ang isang unan niya and inhaled the scent of him that had stayed there. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.



Makisig

"KUYA," malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Halea nang maka upo sa tabi ko. Naitigil ko ang ginagawang pagbabasa at inayos ang salamin sa mata. Nakangusong tinignan ako ng kapatid nang ibaling ko ang tingin sa kanya. "Kuya." Ulit niya.

Ibinalik ko ang tingin sa binabasa. "What's with the long face Halea?" tanong ko sa kanya. Bigla naman niyang inihilig ang ulo sa balikat ko.

"Kuya, ikakasal na ako."

"Alam ko."

"Kaso hindi ako matahimik." Malungkot na amin ng kapatid ko. Itinigil ko ang pagbabasa nang hindi isinasara ang libro na hawak. Hinintay ko ang susunod na sasabihin ni Halea. "Alam ko kasi na sobra kong masasaktan si Alyana. Kapag nalaman niya alam ko na magagalit siya sa akin. Baka 'di niya pa ako magawang patawarin."

"Don't think too much about it. I'm sure, she will understand."

"Pero kasi kuya 'di ko maiwasan –"

"I'll take care of her."

"Huh?!" gulat na napaupo si Halea nang maayos at tinitigan ako. Walang ka emo-emosyong ibinaling ko ang mukha sa kapatid. "Seryoso ka ba kuya?"

"I know what you're thinking Halea. Ako na ang bahala kay Alyana. I'll keep an eye on her." May lambing na ginulo ko ang buhok niya like I always do. "Kaya huwag mo na masyadong isipin ang mga bagay na iyan."

Nahilot ko ang sentindo nang sa wakas ay mabuksan ko ang pinto ng bahay. Damn those keys! I'm a bit drunk but not enough for tonight. Tila kulang pa ang mga na inom ko sa bar kanina para mawala ang lahat ng mga iniisip ko. Damn it!

Kumuha ako ng isang bote ng alak mula sa rustic liquor cabinet sa likod ng mini bar counter namin sa dining area. Marahas na tinanggal ko ang takip nun at mabilis na dinala sa mga labi. Napaungol ako nang maramdaman ang init at tapang ng alak sa lalamunan ko.

Dala-dala ang bote ng alak ay pumanhik ako sa itaas at tinungo ang silid ko. Tinanggal ko ang salamin sa mata at nabitiwan 'yon sa kung saan. Naipikit ko ang mga mata. I pressed my index and thumb fingers just below my eyebrows and started massaging it gently 'till the bridge of my nose. Nakaramdam ako ng ginhawa kahit papaano.

Hindi naman masyadong malabo ang mata ko. Just that... it's more easy for me to work and see things clearly when I wear my glasses. I should just find that damn glasses tomorrow. Pinihit ko na ang pinto ng kwarto ko pabukas.

Natigilan ako nang maamoy ang pamilyar na bango na iyon. Alyana? Ang una-unang tao na naisip ko. Naigala ko ang tingin sa madilim kong silid na tanging liwanag lamang ng buwan na tumagos sa bintana ko ang nagbibigay linaw nang kaonti sa paningin ko.

Dumako ang tingin ko sa aking kama. May nakahigang babae sa itaas nun. Nakatalikod siya sa akin habang yakap-yakap ang isang unan. Is she Alyana? Tahimik na naglakad ako palapit sa kama.  Buong ingat ko namang inalapag sa bed side table ang bote ng alak bago ko sinilip ang mukha ng natutulog na babae.

Stunned. I couldn't believe it with my own eyes. Am I dreaming? Lasing na ba ako masyado kaya nakikita ko na ang mukha ni Alyana? Na naiisip ko na siya nga ang babaeng nakahiga sa kama ko? Mahimbing na mahimbing ang tulong niya. Medyo malabo man sa paningin ko pero alam kong si Alyana 'yon. Mula sa hugis puso niyang mukha, matangos na ilong, matataas na pilik mata at mapupulang labi. Gustong-gusto ko rin ang matamis na amoy ng pabarito niyang pabango at masayang tunog ng tawa niya.

God, if this is just a dream parang ayaw ko na yata munang magising. I want to spend the night with her. Kahit ngayong gabi lang hayaan mo munang makasama ko siya sa panaginip ko.

Can I take a break for awhile?  

Let me forget about my problem.

I'm so tired.

I just want to be with Alyana.


Alyana

NAALIMPUNGATAN na nagising ako sa mumunting halik sa may leeg ko saka ko napansin ang mahigpit na yakap ng kung sino sa may likod ko. Biglang kumabog nang mabilis ang tibok ng puso ko. Pamilyar sa akin ang amoy na 'yon.

Makisig!

"I'm so tired Alyana."

Natigilan ako nang marinig ang halos pabulong na boses ni Mak sa likod ko. Ramdam na ramdan ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Mak? Tila nalungkot ako sa tuno ng boses niya. Ramdam na ramdam ko ang pagod at lungkot sa bawat salita niya.

"I'm still alive but it always feels like I need to catch my breath for me to continue living. It feels like my life has never been in my favor. My life is a mess. I want to hate myself. I want to leave everything. I wish I was born in a different family... but I couldn't just forget about my sister... my family. I love them more than anything in this world."

"Alam kong sobra ka naming nasaktan dahil sa ginawa namin. Pero naisip ko, kung hindi dahil sa ginawa namin hindi kita lubusang makikilala. Hindi ko makikita na ganoon kasaya ang kapatid ko. Aaminin ko sa’yo na noong una ay sariling kapakanan lamang ni Halea ang inisip ko. Na hindi ko ikinunsidera ang mararamdaman mo. Patawarin mo sana ako Alyana. I want to protect my sister. I want her to live. She's so selfless. She deserved to live and to be happy."

You did it to protect Halea, Mak. Everything happens for a reason. Naniniwala akong kagustuhan ng tadhana na mangyari 'yon. You don't need to worry about me. I'm okay.

Humigpit ang yakap ni Makisig sa akin. It's okay Mak.Hayaan mong damayan kita. Pwede mo sa aking sabihin ang lahat. Handa akong makinig sa'yo.

"Gagawin mo rin ba sa’kin 'yon, Al? Would you do the same? Iiwan mo rin ba ako tulad ni Yumi? Would you give up on me?" Yumi?

'Yon ba ang babaeng gustong pakasalan ni Makisig dati? Nabanggit sa’kin 'yon minsan ni Halea noon. Kaso naghiwalay raw ang dalawa. Naisip ko pa nga na masyado lang nagmamadali si Mak na magpakasal dati kasi sobrang bata pa naman nila. Mak was still 24 that time kung hindi ako nagkakamali. Pero sa pagkaka-kwento ni Halea sa akin ay si Mak ang nakipaghiwalay kay Yumi. What happened then?

"I risked everything for her. Takot na takot akong magmahal. Ayokong magaya sa magulang ko. I don't want to see my daughter suffer the same fate with my sister. But I took the risk. I loved her for five long years... but it only took her five seconds to turned her back at me."

Nanikip ang dibdib ko sa mga narinig. Did he really need to suffer like that? Bakit nagawa ng babaeng 'yong itapon na lamang lahat ng pinagsamahan nila nang ganoon na lamang? Did she really love him?

Humugot ako nang malalim na hininga para magawang pihitin ang sarili paharap kay Makisig at mahigpit na niyakap siya.

"I love the warmth of your hug Alyana. Parang totoo. Parang hindi panaginip. It calms my soul." Naramdaman ko ang pag-ngiti ni Makisig sa boses niya. "Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mahalin ka. It's my least of my concern." Napangiti ako."Ang importante ay tinanggap ng puso ko na mahal kita."

Gusto ko na yatang maiyak sa mga oras na iyon. Gusto kong sabihin sa kanya na ipaglaban ako. Na huwag niyang itanggi ang nararamdaman niya para sa akin. Alam kong hindi magiging madali ang lahat para sa amin but I want to risk everything. Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong samahan siya sa laban niya.

Na hindi siya nag-iisa. Na nandito ako para sa kanya.

"Gusto kong maniwala na mahal mo ako."

Totoo 'yon Mak.

"Hindi mo alam kung gaano mo pinalakas ang tibok ng puso ko nang sabihin mo sa aking mahal mo ako. That you are willing to risk everything for me. I've been waiting to hear those words. 'Yong sasabihin ng mahal ko na kaya niyang sumugal para sa akin. Na kaya niya akong mahalin sa kabila ng sumpa na bumabalot sa buong pagkatao ko. But everything seemed surreal."

It's not a lie Mak. 'Yon ang totoo.

"And I was right after all."

"It's true," sabi ko sa mahinang boses. "Mahal kita Mak."

Inangat ko ang mukha sa kanya. Sinalubong niya 'yon ng malungkot na ngiti saka ako ginawaran nang masuyong halik sa noo.

"I guess, it wouldn't hurt that much to hear those beautiful words in my dream."

This is not a dream Mak. Totoo ako. Pero tila hindi naman 'yon gaanong binigyang pansin ni Makisig. He's drunk. I could inhale the strong smell of alcohol from him. Makisig was already too drunk to even think and distinguish reality from a dream.

"If I was not born a Salvatierre I would have married you by now." Dagdag pa niya. "But if I wasn't, we might not meet. Baka kasal na kayo ni Psalm. Halea might die with a broken heart. I guess, this is really our fate." Natahimik siya ng ilang segundo bago ulit nagsalita. "Hindi ko pinagsisihan na isa akong Salvatierre. My only regret maybe,” he trailed off. “Ang hindi ako naging matapang na ipaglaban ang pagmamahal ko sa'yo. It's not a maybe, I will surely regret this decision when I get old."

Kung 'yan ang desisyon mo Mak then hayaan mo akong mahalin ka kahit ngayong gabi lang. I cupped his face and kissed him. Let's make ourselves believe that we could really love each other freely. Noong una ay naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko pero mabilis namang nakabawi si Mak.

Bahagya siyang bumangon at marahan akong itinulak pahiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin at maalab na sinakop ang bibig ko ng halik. Tinugon ko ang bawat halik ni Makisig ng buong puso at nang walang pagdadalawang-isip.

I will surrender everything for him.

We kiss each other hungrily. Na tila sabik na sabik kami sa isa't isa. God, how I missed him so much. I could already feel my lips throb in pain from our kisses pero hindi ko na 'yon gaanong pinansin pa. Bumaba ang halik ni Mak sa panga ko hanggang sa leeg ko. I gasped whenever he sucked a part of my skin. Tila baga 'yon na dumadantay sa balat ko. Nag-iinit lalo ang buong katawan ko.  

Tinulungan ko siyang kalasin ang mga butones sa polo niya hanggang sa mahubad na iyon. Inilihis naman ni Mak ang strap ng suot kong puting bestida nang padaanan niya ng mga halik ang isang balikat ko.

Mas naging malikot pa ang mga kamay niya hanggang sa tuluyan na niyang mahubad ang suot kong pantulog. Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya sa tuwing humahaplos 'yon sa iba't ibang parte ng katawan ko. I could feel the tears in my eyes habang pareho naming pinaparamdam sa isa't isa ang pagmamahal na dapat matagal na naming naipadama sa isa't isa.

Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ng Dios na magkaganoon kami ni Psalm. Kung bakit hinayaan Niya akong saktan ng mga taong ituniring ko nang pamilya. Hanggang sa dumating si Makisig sa buhay ko. Hanggang sa makilala ko nang lubusan si Makisig Salvatierre.

Gusto kong isipin na paraan 'yon ng Dios para sabihin sa akin na hindi si Psalmuel ang nakalaan para sa akin. Na may ibang tao ang magmamahal sa akin... na may isang Makisig ang bubuo ulit sa puso ko.

Niyakap ko nang mahigpit si Mak.

Pero bakit ganoon? Bakit hindi pa rin pwede? Ano ba talaga ang gusto Niyang mangyari? Why do we have this sad fate?

I could only cry in silence.

Kahit isang gabi lang. Kahit ngayong gabi lang maramdaman naming malaya naming mahalin ang isa't isa.

Ako na ang bahala sa puso ko kinabukasan.

"Mahal na mahal kita Alyana.”

Mahal na mahal din kita Makisig.



Psalm

"HINDI pa tayo sigurado kong naputol na ba ang sumpa Psalmuel." Seryoso ang mukha na ibinaling ng ama ko ang tingin sa natutulog na si Halea. "Hanggat hindi pa naisisilang ang bata ay hindi pa tayo dapat maging kampante." Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Kailangan nating hanapin ang mga gamit ni Regina, anak."

Kumunot ang noo ko. “Gamit ng tita ni Halea? Wala ba ang mga ‘yon sa mga Salvatierre?”

Malungkot na umiling ang kanyang ama. "Kilala ko si Regina. Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay alam kong may inililihim siya sa akin. Tila may kinakatakutan siya na hindi namin makita. Lagi siyang nag-aalala kapag umaalis siya doon sa lumang simbahan sa San Antonio kung saan lagi siyang nagpupunta."

"Ano ho ang ibig n'yong sabihin?"

"Hindi ko alam kung sino. Pero malakas ang kutob ko na isa iyon sa rason kung bakit hindi basta-basta pinapakita ni Regina ang mga mahahalagang gamit niya sa ibang tao." Sandaling nag-isip ang ama. Namilog bigla ang mga mata niya na tila may biglang naalala. "Ang diary!" bulalas niya. "Nasaan ang diary?”

"Diary?"

"May ibinigay sa akin si Regina na diary. Gumawa siya ng dalawa. I lost the other one. Itinago niya ang isa at naibigay ko na ‘yon kina Franco nang mahanap ko ‘yon. Find that diary, Psalm. Tiyak akong may mahahanap tayong sagot sa mga isinulat ni Regina.”

"I’m not sure about that anymore, Pa. Ako mismo ang nagligpit ng mga gamit ni Halea. I never saw an old diary in her things. Marahil ay dinala niya ‘yon nang umalis siya. Pero Pa, wala ba talagang iniwang diary si Lola Maria? O sulat man lang kung paano mapuputol ang sumpa? There must have been one. Sa atin galing ang sumpa.”

"Naghanap ako dati. Nagtanong-tanong sa pamilya natin pero walang makapagsabi kung meron nga. Lahat ng gamit ng Lola Maria mo ay kasamang nasunog ng mansion natin noon. Walang natira ni isa."

Nahilot ko ang sentido nang gumuhit ang sakit sa ulo ko. Malaki talaga ang problema. At kailangan ko ng kumilos.

"Sinabi mong may mga nakalap kayong mga impormasyon tungkol sa mga nangyari sa nakaraan. Kung tama ang kutob mo, maaring may naitago pa ang tiya ni Halea. Kailangan lang nating hanapin ang mga iyon."

Tumango-tango ang ama.“Nabanggit minsan ni Regina na may nahanap din siyang mga sulat sa mga naunang mga Salvatierre. Pero hindi niya pa pwedeng sabihin sa akin ang laman ng mga sulat."

"Kung ganoon," seryosong tinignan ko sa mga mata ang aking ama. “Kailangan ko munang bumalik sa San Antonio.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE