Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"DAMN it Halea!" napaatras ako sa pagsigaw ni Psalmuel. Napayuko ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Galit na galit ang mukha niya. "Why the hell did you do that?!"

"S-Sorry –"

"Sorry?! Sa tingin mo ba may magagawa pa ‘yang sorry mo? Alam mo ba kung anong ginawa mo?" marahas na naisuklay niya ang kamay sa buhok. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Sakit at galit na ako mismo ang gumawa.

"G-Gusto ko lang naman na –"

"For what?! Para ibigay ko sa’yo ang buong atensyon ko? Do you want me that bad?"

Lumapit siya sa’ken at marahas na hinawakan ako sa siko. Nagulat ako sa ginawa niya. I did not expect that a look can make me feel so weak. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka matagal na akong humundusay sa sobrang talim ng tingin niya sa’ken.

Galit na galit siya.

"P-Psalm?" naiiyak kong sambit.

"Why are you doing this to me Halea?" puno ng hinanakit ang boses niya na sobrang nagpabigat sa kalooban ko. "What did I do wrong? Anong ginawa namin ni Alyana sa’yo?"

"S-Sorry," iyak ko.

Nagtagis ang mga panga niya. "I don't want your sorry. I want your answer. Why do you want this marriage so much?" mariing tanong niya sa’ken.

Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo ang totoo Psalmuel. Pero kung may totoo man akong sasabihin sayo 'yon ay ang – tinignan ko siya nang deretso sa mga mata.

"Dahil mahal kita!" sigaw ko. Tila nagulat siya sa sinabi ko. "Mahal kita! Naiinis ako kapag magkasama kayo ni Alyana. Naiinggit ako na siya ang mahal mo. Ako dapat 'yon Psalmuel." Sabi ko sa pagitan ng pag-iyak. "Ako dapat 'yon. Pero siya ang mahal mo."

Pero kahit ganoon hindi ko kailanman naisipang agawin ka sa kanya kasi pareho ko kayong mahal. Tinitiis ko 'yong sakit kasi 'yon ang tama. And yes, I’m selfish. I want to live Psalm. Gustong kung mabuhay para sa pamilya ko. Gusto kong lumaban para sa kanila. Kahit na madami akong masasaktan.

Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa’ken ang araw-araw gumigising ako sa katotohanan na ilang taon… isang buwan… o isang linggo mula ngayon ay magtatapos na ang buhay ko.

Gusto kong sabihin ang mga ‘to sa’yo para maintindihan mo pero hindi pwede Psalm. Kaya sana, hayaan mo na lang ako. Please, bigyan mo na lang ako ng chance na mahalin ka. Bigyan mo ako ng chance para makilala ako.

Please.

Marahas na binitiwan ako ni Psalm.

Para akong naghina. Napa-upo ako sa itaas ng kama. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko. "Kaya pumayag ako sa kasal. K-Kasi gusto kong ako naman ang mahalin mo." Napayuko ako. "Ako naman."

"I don't think that's love, Halea. You betrayed your own best friend. Hurt the people who loves you. Ginawa mo ang lahat ng mga ito dahil lang sa isang tao. You must be so happy right now?" ramdam ko ang pagbaon ng galit ng mga salita niya sa puso ko. "You got what you want Halea. I’m all yours. Congratulations.”

Pabagsak na isinarado ni Psalmuel ang pinto nang umalis siya at iwan ako. Nasapo ko ang dibdib sa sobrang paninikip ng dibdib ko sa mga oras na 'yon. Tila ulan na bumuhos lahat ng mga luha ko. Tila baga ang mga salitang binitiwan ni Psalm sa akin. Unti-unti nung tinutupok ang natitirang pag-asa sa puso ko.

Feeling ko ang sama-sama kong tao. Tama nga sigurong magdusa ako at mamatay na lamang. Naramdaman ko na naman ang pagod sa puso ko. Gusto ko nang tumigil. Gusto ko nang umalis. Pwede na ba akong sumuko?



NAGULAT ako nang maabutan si Alyana sa sala. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Wala akong nakitang Psalmuel at mukhang ako ang hinihintay niya. Lihim kong nakagat ang ibabang labi.

Pagbaba ko ay patakbong dumaan sa harap ko si Nemo at dumeretso kay Alyana.

Napalitan ng ngiti ang mukha niya pero hindi ‘yon umabot sa mga mata niya. Nagpakandong ang aso sa kanya na masayang niyakap naman ni Alyana. Hinaplos-haplos pa ni Alyana ang katawan ni Nemo. Bumigat lalo ang kalooban ko. Pati si Nemo pinaparamdam din sa’ken kung saan dapat ako lumugar.

Humugot ako nang malalim na hininga. Lakas loob na lumapit ako at tumikhim. Naingat naman ni Alyana ang mukha sa akin. Nawala ang ngiti niya. "Nemo play ka muna sa labas." Muli pa niyang hinaplos ang katawan ng aso bago 'yon ibinaba. "Good boy." Tumahol ito ng dalawang beses bago lumabas ng bahay.

Tumayo si Alyana at lumapit sa’ken. Napasinghap ako nang dumapo ang isang kamay niya sa mukha ko. Naibaling ko ang tingin sa kanya. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. I can vividly see the pain and betrayal in her eyes.

"Paano mo nagawa sa’ken 'yon?!" singhal niya sa’ken. "Akala ko kaibigan kita? Pero bakit Halea?" Umakto akong hindi man lang ako naapektuhan sa mga sinabi niya sa’ken. I remained calm and emotionless as I can. "Kailanman ay hindi ko naisip na magagawa mo sa’ken 'to. Hindi lang ako ang nasaktan mo pati na rin sila nanay."

"Tapos ka na ba?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Lalo ko lamang dinagdagan ang galit sa mga mata niya. "Kung tapos ka na pwede ka nang umalis. Wala akong panahon para ipaliwanag ang sarili ko sa’yo."

Sa isip ko, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong mag-sorry pero alam kong hindi din naman 'yon maiintindihan ni Alyana. Mas mananaig pa rin ang sakit na ibinigay ko sa kanya. Walang kapatawaran ang ginawa ko sa kanya.

"A-Akala ko kilala kita," iyak niya. Na sobrang nagpahirap sa akin. Masakit para sa akin na makita siyang nasasaktan. "Alam mo 'yong pinakamasakit sa lahat, Halea? 'Yong mismong kaibigan mo na itinuring mo nang kapatid ang mismong magta-traydor sa’yo. Masakit na niloko ako ni Psalmuel pero mas masakit pala 'yong pati ikaw," lalo siyang napaiyak.  "Na pati ikaw, nagawa mo akong lokohin at saktan nang ganito."

"Well you thought wrong Alyana." Hinugot ko lahat ng lakas para masabi 'yon sa kanya na hindi pumipiyok at umiiyak. "I'm not what you think I am."

"I pity you! Kung sa tingin mo magiging masaya ka dahil lang nakuha mo na ang gusto mo then you're wrong. Hindi kailanman nagiging masaya ang mga taong kagaya mo."

"A-Alyana?"

Sabay kaming napatingin sa may pintuan. Nakatayo roon si Psalmuel. Sa itsura niya ay mukhang buong gabi siyang naglasing. Magulo ang buhok at suot niya. Nanlalalim din ang ilalim ng mga mata at tila pagod na pagod.

Bumalik ang tingin ko kay Alyana. Bagama't galit siya ay kitang-kita ko pa rin ang pangungulila niya kay Psalmuel. Nasaktan siya, oo, pero nandoon pa rin 'yong pagmamahal niya sa kanya. Ganoon din kay Psalmuel. Hindi naman yata nawala ang pagmamahal nila sa isa't isa. Natabunan lang 'yon ng galit dahil sa ginawa ko.

"Aalis na ako."

Mabilis na lumabas si Alyana at nilagpasan si Psalmuel. Akmang hahabulin ni Psalmuel si Alyana nang tawagin ko siya. Pero hindi niya ako pinansin. Sinundan pa rin niya si Alyana.

Tila doon lang kumawala ang lahat ng pinipigilan kong luha. Nasasaktan ako para kay Alyana. Para sa kanila. Pero wala akong magawa.

Why do I have to hurt them this way? Why can't I live just like them? Bakit kailangan ko pang piliin na saktan ang mga taong mahal ko?

Alam kong hindi n'yo ako mapapatawad pero sana dumating ang panahon na maiintindihan n’yo rin kung bakit ko ‘to nagawa.



ILANG ARAW nang hindi umuuwi si Psalm.

Ilang araw na din akong walang tulog. Hindi ako makatulog. Ilang araw na pinapatay ako ng konsensiya ko. Ibinuhos ko na lang ang oras sa pagpipinta at pag-aalaga kay Nemo na nilalabasan ako ng pangil lagi. Hindi rin ako tumawag kina kuya dahil ayoko silang mag-alala.

Hindi ko rin matawagan ang numero ni Psalm. Sabagay, if there is one person in the world that he wouldn't want to see or talk with ay akong-ako na 'yon. Sa laki ba naman ng kasalanan ko sa kanila. Wala na rin akong narinig pa mula kay Alyana. Ang sabi sa’ken ni Kuya Mak ay halos alam na ng buong San Antonio ang nangyari sa aming tatlo.

Magulo ang buhok at naka duster lang akong bumaba sa sala. Nangingitim pa ang ilalim ng mga mata ko sa kawalan ng tulog. Bumaba lang ako dahil ang ingay-ingay ni Nemo. Mukhang nakikipag-away kay Manang Belma.

Naku naman! 'Tong asong 'to. Napaka-choosy!

Kunot na kunot na ang noo ni Manang Belma habay hawak ang karton ng dog food ni Nemo. Tahol nang tahol naman ang aso at parang susunggaban pa si manang kung lalapit ito sa kanya.

"Ikaw na nga 'tong pinapakain. Ikaw pa 'tong galit?!" inis na sabi ni Manang Belma sa aso. "Paano ko naman malalagyan ng pagkain 'yang lalagyan mo kung 'di ka aalis diyan." Nemo gritted his teeth and bark again. "Ay ewan ko sa’yong aso ka."

"Manang," napatingin siya sa’ken. "Ako na ho riyan."

"Hay naku, hija." Napakamot na lamang si manang sa noo. "Hindi ko na alam ang gagawin sa asong 'to. Hindi nakikinig." Lumapit ako sa kanya at kinuha rito ang dog food.

Lalo lang tumahol si Nemo. Pinanlisikan ko siya ng mata. Tumigil naman siya at medyo napaatras pa. Huwag ako Nemo! Huwag ako at ganitong wala pa akong tulog.

"Huwag kang masyadong lumapit diyan, hija."

"Okay lang ho, manang. Kaya ko na 'to."

Humila ako ng silya at pinwesto 'yon malapit kay Nemo. Malayo lang naman nang slight at baka dakmalin ako ng asong 'to. Sumampa ako sa silya at patingkayad na naupo roon. Saka ko ibinuhos ang laman ng karton ng dog food sa asul na kainan niya.

"Oh hayan, kain ka na. Masyado kang choosy." Mabilis na nilantakan ni Nemo ang pagkain niya. "Mabubusog ka ba sa kaartehan mo, ha?" sermon ko pa sa kanya.

Narinig ko namang tumawa si Manang Belma sa likuran ko.

"Maiwan ko muna kayo at ako'y magluluto muna sa kusina." Paalam ni manang bago siya umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Nemo. Ang sarap ng kain ng asong 'to. Napaka-insensitive. Napanguso ako habang tinitigan siya.

"Hoy Nemo," tawag ko sa kanya. "Na saan na 'yong amo mo? May balak pa ba 'yong bumalik? Alam mo birthday ko na bukas. Wala ka bang pa-cake diyan?" Inangat ni Nemo ang mukha sa akin at pinakita ang pangil niya. Natawa lang ako. Brutal talaga! "Hindi muna ako madadala riyan sa mga pangil mo. Tignan mo. Nasa taas ako. Ikaw nasa baba."

Nag-evil laugh ako. Tumahol lang siya ng isang beses at nagpatuloy sa pagkain. Tumigil na rin ako. Mukha akong tanga e.

Natahimik ako saglit bago napabuntong-hininga.

"Nami-miss ko na ang amo mo. Kailan kaya siya uuwi?" Tinaholan lang ako ng aso. “Kumain ka na lang diyan. Huwag mo akong anohin. Tsk.”


TITIG na titig ako sa malaking painting na naka display sa sala.

Ang ganda kasi ng pagkakagawa. Parang totoo. At saka parang ang gandang puntahan. May maliit na falls sa ibaba nun ang isang malinaw na malinaw na batis na napapalibutan din ng malalaki at maliit na bato. Belib na ako if purely imagination lang 'yon ng artist. Lumapit ako at tinignan ang nakalagay na initials ng artist.

"A.F.," basa ko. "Sino kaya si A.F.?"

"Maganda ba?" napalingon ako kay Manang Belma sa tabi ko. "Sa hacienda lang din 'yan."

"Talaga ho?" namilog ang mga mata ko. "Nasa hacienda lang ang lugar na 'yan?" I point a finger at the painting. "Saan ho?"

Malayo-layo na rin ang nalakad ko. Pataas na 'yon at hinihingal na rin ako. Hindi ko pa nalilibot ang buong hacienda. Ang alam ko lang ay may matatagpuang batis sa may gawing timog ng hacienda. Kapag nakita ko raw ang isang lumang tunnel ay 'yon na raw 'yon.

Hindi na nga ako nagpaalam kay Manang Belma at baka 'di ako payagang umalis dahil hapon na. Tumakas lang ako.

Naingat ko ang tingin sa harap. Isang lumang kweba lang naman ang nakikita ko. The whole cave was surrounded by thick vines of flowers and moss. 'To na ba 'yong tunnel na sinasabi ni Manang Belma? Baka sa ibang mundo naman ako dalhin ng kwebang 'to.

"Well, it's now or never."

Inilabas ko ang cell phone at in-on ang flashlight. Pumasok ako sa tunnel na 'yon. Naingat ko ang tingin sa buong tunnel gamit ang ilaw ng cell phone ko. Halatang luma na talaga at feeling ko ay ginawa pa noong panahon ng mga Kastila.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang papalakas na lagaslas ng tubig hanggang sa may makita akong liwanag sa harapan ko. Patakbo ko na 'yong nilakad at nang tuluyang makalabas ay sobrang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Wow!" tanging nasabi ko.

Rinig na rinig ko ang lagaslas ng tubig at huni ng mga ibon. Sumasama sa hangin ang malinis na amoy ng tubig at mga halaman. Mukhang inalagaan ang buong lugar at sinadyang huwag pakialaman.

Naipikit ko ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin.

Iminulat ko muli ang mga mata. This would be my new hideout. Sa mansion namin sa San Antonio sa lumang wine cellar ako laging nagpapalipas ng oras. Halos nandoon lahat ng gamit ko sa pagpinta. Kaso mukhang pampalipas sama lang ng loob ang pwede kong gawin dito.

Magpagawa kaya ako ng kubo malapit dito?

Hinubad ko ang suot na sapatos. Napasinghap ako nang maramdaman ang lamig ng tubig. Dumulas pa ako buti na lang at napahawak ako sa malaking bato na nandoon. Naupo na lang ako at baka tuluyan na akong madulas.

Kumuha ako ng ilang pictures sa buong lugar. Nag-selfie na rin. Bigla-bigla ay naalala ko si Psalmuel. Naibaba ko ang cell phone at napatulala sa kawalan. Na saan na kaya 'yon? Sana lang ay okay lang siya. Bigla namang may narinig akong kaluskos sa kung saan.

Na alarma ako at naigala ang tingin sa buong paligid. Wala bang mababangis na hayop dito? Bampira? Aswang? Baka isipin nilang ako ang itinakda. Jus ko! Muli kong narinig ang mga kaluskos. Mabilis na humanap ako nang mas mas malaking bato para doon ay magtago.

Mula sa kung saan ay lumitaw ang isang lalaki. Wala itong damit pang-itaas at naka itim na pantalon lang siya na nakatupi nang konti. Napasinghap ako sa gulat nang tumagilid siya ay tumambad sa’ken ang mukha ni Psalmuel. Anong ginagawa niya rito?

Naisandal ko ang likod sa bato.

Malamang Halea, lupain nila 'to kaya pati 'tong batis na 'to sa kanila. Napangiwi ako. Kung ganoon, nasa lugar lang pala na 'to si Psalmuel buong linggo. Sinilip ko ulit si Psalmuel mula sa pinagtataguan ko, pero jus ko wrong timing dahil mukhang huhubarin na niya ang pantalon niya. Napalunok ako. Ramdam na ramdan ko ang malakas na tibok ng puso ko.

Pwede kayang panoorin ko siyang maligo?

Natigilan naman ako nang maramdaman ko na may kung anong kumakain sa daliri ko sa paa. Pagbaba ko ng tingin ay may malaking isdang sinisipsip ang isang daliri ko sa paa.

"Waa!" impit na sigaw ko at mabilis pa sa alas quatrong inihagis ang isda at umakyat ako sa bato. Napangiwi pa ako nang masobraan yata ang pagkapit ko sa bato at nagasgas ang siko ko.

"Sino 'yan?!" malakas na sigaw ni Psalm.

Mabilis na nagtago ulit ako pero sa kamalas-malasan ay tuluyan na akong dumaosdos sa tubig at talagang tumama pa ang pwetan ko sa isa pang bato. Shuks! Ang sakit. Sobra akong napangiwi sa sakit.

"A-Aray ko," iyak ko sabay himas sa nasaktang pwet.

"Halea?!" gulat na tawag sa’ken ni Psalmuel. Pag-angat ko ng tingin sa kanya ay kunot na kunot ang noo niya sa’ken. "W-What are you doing here?"

As much as I wanted to answer you ang sakit talaga ng pwet at siko ko. Nilalamig na rin ako. 'Di na yata ako makakalakad pang muli. Jus ko! Huwag naman sana. Joke lang po Lord. Huwag n'yo pong didibdibin. May likod naman po kayo, diba?

Naingat ko ang dalawang kamay sa kanya.

"P-Patulong muna."

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Psalmuel bago ako nilapitan. Bahagya siyang yumuko bago niya isinampay ang isang braso ko sa balikat niya. Napaigtad naman ako nang maramdan ang init ng katawan niya nang pumulupot ang isang braso niya pababa sa beywang ko.

Mula sa gilid ng mata ko ay mas lalo kong nakita ang seryoso niyang mukha sa malapitan. Napalunok ako nang maalala kong wala nga pala siyang damit pang-itaas. Ramdam na ramdan ko ang tigas ng braso niya sa katawan ko.

Maingat na inalalayan niya akong makaupo uli sa bato.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Halea?" ulit na naman niya tanong sa seryoso pa ring mukha. Napakurap-kurap ako. "Halea?" Teka, saan na nga ba ako?

Napakamot ako sa ulo at naibaling sa ibang direksyon ang tingin. "A-Ano nga 'yong tanong mo?" napangiwi ako sa isip. Jus ko! Nagtapat na nga pala ako.Ang awkward nito.

"Tinatanong kita kung bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"Pumasok ako sa painting. Paglabas ko nandito na ako." Nadi-distract talaga ako sa katawan niya. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Umakto akong manghang-mangha. "Wow! Ang galing." Ang galing nga, Halea. Mukha kang tanga.

"That's not funny, Halea."

Napalunok ulit ako. "Naglakad-lakad lang naman ako." Sabi ko na lang. "Tapos napadpad ako rito. 'Di ko naman alam na nandito ka lang pala." Bigla namang umihip ang malakas na hangin. Nayakap ko ang sarili. Nilalamig na talaga ako.

"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo puro problema ang dinadala mo sa’ken?" marahas na bumuntong-hininga siya. Napasinghap ako sa gulat nang bigla na lang niya akong pasanin. Napakurap-kurap ako nang magkalapit ang mga mukha namin. Seryosong ibinaling niya ang tingin sa’ken. "I'm still mad at you so don't assume things."

"W-Wala naman akong sinabi," halos pabulong ko nang sagot.

Hindi talaga ako kumapit sa kanya. Magkadaop lang ang kamay ko sa itaas ng dibdib ko. Pero saan naman ako dadalhin ni Psalmuel? Ang layo-layo ng mansion sa lugar na 'yon. Hindi kaya maloka ang 'sang 'to?

"Kung gusto mong kumapit sa’ken. That's fine." Napatingin ako sa mukha niya. Talaga, pwede? May makakapitan ba ako? "I hate it when you look at me like that."

"H-Huh?"

"I just hate it."

Tumahimik ka na lang Halea. Don't me!

Mayamaya pa ay napansin ko ang isang triangle shaped log cabin sa 'di kalayuan. So may bahay pala malapit sa batis? Kaya pala ang lakas ng loob ng asawa kong layasan ako?

Patagilid na binuksan ni Psalmuel ang pinto na yari din sa kahoy. Namangha siya sa desinyo ng loob ng cabin. Maliit lang 'yon. Parang isang buong silid lang. May maliit na kusina, sala at isang malaking kama. Malapit sa sala ay isang wood burning fireplace. Hula ko ay 'yong isang pintuan sa loob ay bathroom yata. Mukhang kompleto sa kagamitan ang lugar na 'yon.

Napalunok ako nang makita ang kama. Iba ang naiisip ko. Hindi! Tumahimik ka isip.

Maingat na ibinaba ako ni Psalmuel sa malambot na kama. Tahimik lang na sinundan ko ng tingin si Psalmuel. May kung ano siyang hinanap sa cabinet.

"You should take a bath first." Lumapit ulit siya sa’ken at ipinatong ang puting tuwalya sa ulo ko. Wala na tuloy akong makita. "I don't have any clothes for you." Inalis ko ang tuwalya pero isang malaking itim na T Shirt ang ipinatong ulit niya sa ulo ko. Great! Ayaw niya talaga akong makita. "Use that for the meantime."

Inalis ko ulit ang T Shirt at pagtingin ko wala na si Psalmuel.

Na saan na 'yon?

Naibalik ko ang tingin sa tuwalya at damit sa kandungan ko. Napalunok ulit ako. Parang hindi ko kayang magpakita sa kanya ng walang kung ano sa loob ng damit na 'to. Naitakip ko ang mga kamay sa mukha ko.

Lord, I need strength. Paki LBC naman po from Heaven. Love, ang mamatay nang sunflower girl ng San Antonio.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE