Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

PINIHIT ko pasara ang gripo.

Umuulan ba? Hawak ko pa rin ang tabo nang mapansin ko ang papalakas na ingay ng mga patak ng ulan sa labas. Naingat ko ang ulo sa kisame. Kumunot ang noo ko. Okay pa naman ang panahon kanina. Although it was not that typical sunny today.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto. Nabitiwan ko ang hawak na tabo. Nahulog 'yon sa kaliwang paa ko kaya napangiwi ako nang sobra. Bahagyang napaawang ang bibig ko. Shuks! Ang sakit.

"Are you done?" tanong ni Psalmuel mula sa labas.

"A-Ano... m-medyo... bakit?"

"Open the door a bit."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Open the door a bit? Anong gagawin niya? Papasok siya? Makiki-join ng ligo? Napalunok ako. Hindi pa ako ready. Wait lang. Halea! Kalma! Kumalma ka. Nayakap ko tuloy nang wala sa oras ang sarili.

"I'm not gonna do anything.” His voice was calm. Sa tuno pa lang ng boses ni Psalm, tila alam na niya ang mga tumatakbog ideya sa isip ko. “Just open the door."

"O-Okay," napabuga ako ng hangin. Tama na ang pagka-assumera Halea. Buksan muna. Mahina kong pinihit pabukas ang knob ng pinto.

Dumikit ako sa kahoy na pader ng banyo nang bahagyang bumukas 'yon. Napapikit pa ako sandali bago iminulat ang isang mata para tignan kung tama nga 'yong pag-a-assume kong papasok si Psalmuel sa banyo. Pero sa halip ay ang isang kamay lang niya ang nakita kong pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko kung ano ang hawak niya. Isang itim na boxer shorts. A-Anong gagawin ko riyan?

"I haven't used this." He waved the boxers. "It'll be uncomfortable for you not to wear anything underneath so… take this."

Pinamulahan ako ng pisngi. Hindi ko na tuloy alam kong dapat ko bang tanggapin 'yon o hindi. But Psalmuel's right as well, talagang maloloka ako kung 'yong shirt niya lang ang susuotin ko.

"Or you might want to just forget about this –“ akmang isasarado na ulit niya ang pinto nang pikit mata kong hinawakan ang boxers. Pero bakit matigas? "Kamay ko 'yan Halea." Naimulat ko ang mga mata. Totoo nga, sa may pupulsuhan ko pala siya nahawakan.

"Sorry!" mabilis na hinaklit ko ang boxer shorts sa kamay niya. "Okay na. Thank you." Inalis na niya ang kamay niya kaya mabilis ko ring naisarado pabalik ang pinto.

Naisandal ko ang likod sa pader. Kipkip ang boxer shorts sa may dibdib ay napabuga ako ng hangin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko. Napangiwi ako sa isip. Naman! Boxers pa nga lang ay sobra na ang pagkabog ng dibdib ko. Paano na lang kaya kung gumawa ako ng paraan na maakit siya?

Lalo lang akong napangiwi.

Paano ako magkakaanak? Itinaas ko ang hawak hanggang sa mukha ko. Pwede kayang mabuntis ako kung isusuot ko 'tong boxer shorts niya? Pero 'di pa niya nasusuot. Pa suot ko kaya muna?

Okay, ayoko na mag-isip.

Tinapos ko na ang pagligo at lumabas ng banyo na suot ang mga ibinigay na damit ni Psalm sa akin. Hanggang sa itaas ng tuhod ko ang itim na t shirt at maluwag naman sa’kin ang boxer shorts na mukhang simpleng shorts lang din naman.

Inalis ko ang naka-wrap na towel sa ulo ko at humarap sa full length mirror malapit sa kama. I tilted my head habang pinapatuyo ang basang buhok gamit ng tuwalya. I tiptoed trying to have a better view of what's outside through the windows. Puro puno at halaman lang ang nakikita ko. Na saan kaya 'yon?

Umayos ako ng tayo at napabuntong-hininga.

Alam kong galit pa siya. 'Di ko tuloy alam kung paano ko siya i-a-approach. Baka kapag kinausap ko siya na parang wala lang nangyari ay mainis siya sa’kin at makulitan. Mas lalo siyang magalit. Baka pauwiin niya ako sa mansion. Medyo madilim na rin sa labas. Baka kung sino pang masalubong ko sa daan at 'di na ako sikatan ng araw bukas.

Plot twist, hanggang twenty two lang pala ang life span ko. Surprise!

Kalungkot.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa may pintuan. Nakasuot na siya ng puting shirt pero mukhang nasayang lang din dahil basang-basa siya. Bumakat ang damit sa maganda niyang katawan revealing a perfect well toned body and broad shoulders. Napatitig tuloy ako sa kanya nang sobra.

Wala akong mabasang emosyon sa mukha niya. Doon ko lang din napansin ang hawak niya. Napasinghap ako talaga nang makita ang basang-basang pares ng sapatos at cell phone ko. Mabilis na lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko.

"S-Sorry,"

"Itabi mo muna ang cell phone mo." Seryosong utos niya sa’kin. Bigla-bigla ay hinubad niya ang suot na damit sa harap ko. Napaatras ako nang konti. Teka lang, na sho-shookt ang sistema ko. "It would be a waste. I'll see what I can do with that."

Hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan niya.

"Okay –“ at bago ko pa matapos ang sasabihin ay hinawakan niya ang ulo ko at pinihit patalikod sa kanya. Napakurap-kurap ako sa ginawa niya.

"If you don't want to lose your husband then stop staring. Sa sobrang titig mo sa akin ano mang oras malulusaw na ako." Napalunok ako. Ano raw? "If you're hungry feel free to cook anything. Maliligo muna ako."

Mayamaya ay narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng banyo at ang malakas na lagaslas ng tubig. Napahawak ako sa mga pisngi ko. Ramdam na ramdan ko ang pag-init ng mukha ko. Dios ko! Ganoon na talaga ako ka obvious?

Mula sa kinatatayuan ko ay nahagip ng tingin ko ang mukha ko sa salamin. Pulang-pula na talaga ang buong mukha ko. Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Psalmuel.  Naitakip ko ang mga kamay sa mukha at parang batang naipadyak-padyak ang mga paa sa sahig. Nakakahiya ka Mahaleah Salvatierre.

Magluluto na nga lang ako.

Inhale. Exhale. Nilingon ko ang kusina. Sabi niya feel free to cook anything. Pwede kaya 'yong lamesa saka silya? Anything naman, diba? Pero nakakahiya pa rin talaga. Na saan na ba ‘yong kutsara, igigisa ko na ‘yon.




CUP noodles lang ang nakita ko sa kusina kaya 'yon na lang ang inihanda ko. Tahimik lang akong naka upo sa isa sa mga silya sa maliit na dining area sa isang panig ng cabin habang hinintay si Psalmuel na lumabas ng banyo. Matagal pala siyang maligo. Pati siguro kaluluwa nun sinabon niya.

Bumukas bigla ang pinto ng banyo kaya madali kong naibaling ang tingin sa cup noodles sa harap ko. Mula sa gilid ng mga mata ko at tinignan ko siya. Halos bihis na pala siya. May suot na siyang lumang pantalon. Dumiretso siya sa cabinet at humugot doon ng puting t shirt at isinuot 'yon. He rake his hair while drying it with the white towel.

Ibinalik ko na ang atensyon sa cup noodles. At baka ano pang maisip ko. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Parang galit na galit ang langit. Napaigtad pa ako nang biglang gumuhit ang malakas na kulog. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kulog dahil bahagyang yumanig ang buong cabin.

"Alam ba ni Manang Belma na nandito ka?"

'Di ko namalayan ang paglapit niya kaya hindi ako nakasagot. Naiangat ko ang tingin sa kanya dahil talagang lumagpas sa tainga ko ang tanong niya.

"H-Huh?"

Naupo siya sa harap ko. "Alam ba ni Manang Belma na nandito ka?" ulit niya.

"Hindi,”sagot ko. "Nag-iwan lang ako ng sulat sa kanya na huwag na niya akong akyatin sa itaas kapag natapos siya sa lahat ng gawain sa bahay."

Bahagya lamang siyang tumango at nagsimulang kumain. Habang kumakain hindi ko maiwasang isipin kung ano kaya ang iniisip ni Psalmuel sa mga oras na 'yon. Hindi ko maiwasang alalahanin 'yong galit na nakita ko sa mga mata niya noong gabing 'yon. Bagamat wala akong mapansin ni isang emosyon sa mukha niya hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-alala.

Hindi ko personal na kilala si Psalmuel.

Hindi rin kasi kami close noong high school. Sila Alyana lang naman ang laging magkasama. Bago paman naging sila Alyana at Psalmuel. Gusto ko na talaga siya. Akala ko noong una ay simpleng crush lang ‘yon. Na nagagwapohan at nababaitan lang ako sa kanya. And I guess he wouldn't remember it now... he saved me... noong muntik na akong mahulog sa puno ng mangga sa eskwelahan.

Napangiti ako sa alaalang 'yon.

I think, that was the exact day I admitted to myself na tuluyan na ngang nahulog ang puso ko sa kanya.

OCTOBER 2009

Masyadong namang malaki at mataas 'tong puno ng manggang 'to. Pinapahirapan pa ako ng punong 'to. Kung bakit ba kasi ikaw lang ang maraming bunga, ha? Anong ginagawa ng mga kasama mong puno? Tinatamad ba sila, ha? Araw-araw naman namin kayong dinidiligan. Kulang pa rin ba?

Buti na lang talaga at naka PE uniform ako.

Inabot ko ang isa pang sangay para tuluyan na nga akong makahanap ng magandang posisyon para masungkit ang mangga. Napangiti ako nang mapansin ang pinakamalaking bunga. Mahihirapan akong abutin pero kaya naman kung pipilitin.

"Halea!" sigaw ng isa kong kaklase na si Roan. "Bumaba ka na riyan oy. Baka makita ka pa nila sister. Naku mapapatay talaga tayo."

"Halea bumaba ka na. Dios ko! Mahulog ka pa riyan. Baka 'di na ako pansinin ng Kuya Makisig mo." Dagdag pa ni Criselle. "Mangga lang 'yan."

"Hindi kaya 'to." Kailangan din talaga namin ng mangga para sa home economics class namin. Kami ang nakatuka sa paggawa ng mango float pero ni isa sa amin walang nagdala. "Huwag nga kayong mag-ingay riyan at baka mabuko pa tayo!"

"Roan, padating na si Alyana."

"Halea, bumaba ka na riyan. Baka natawagan na ni Alyana ang nanay niya para maihatid 'yong mangga."

"Hindi konti nal –" maabot ko na sana ang mangga nang biglang dumulas ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa katawan ng puno. “Uh oh!”

"Halea!" sabay na sigaw nila Roan at Criselle.

Naipikit ko ang mga mata at hinintay na maramdaman ko ang matigas na kababagsakan ko. Dios ko! Kung bakit kasi hindi ka na nagtatanda Halea. Alam mo namang lapitin ka ng disgrasya. Makulit ko pa rin.

Napasinghap ako nang maramdaman kong may sumalo sa’kin. Naimulat ko ang mga mata at bumungad sa’kin ang pawisan na mukha ni Psalmuel. Lumakas ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Halatang tumakbo siya para masalo ako dahil hingal na hingal siya.

"Halea!" narinig kong sigaw ni Alyana.

Napalingon si Psalmuel kay Alyana. Matagal at titig na titig pa habang sa kanya pa rin ako nakatingin. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya na tila nakakita siya ng isang anghel.

Sighs.

Ako nga ang nahulog sa mga bisig niya nang araw na 'yon. Ibang anghel naman ang bumihag sa puso niya. Naisip ko noon, baka mangga lang ang tingin ni Psalmuel sa’kin nang mga panahon na 'yon. That was also the exact day that that mango had her first heartbreak.

Kaya kung may mahulog na mangga at maasim 'yon.

Isa rin 'yong Halea.

"Psalm," basag ko. "May pag-asa bang maging okay tayo?" Humugot ako nang lakas ng loob para masabi 'yon.

"I need more time Halea. Let's not rush things." Sagot niya nang 'di ako tinitignan sa mukha.

"H-Hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang sana sabihin sa’yo na hindi mo naman kailangang pilitin agad na pakisamahan ako nang mabuti. Alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sa inyo ni Alyana. Pero sana, huwag mong isara ang puso mo."

Naibaba niya ang hawak na tinidor.

"I'm not gonna cheat on you. I'm not that type of person. We are married. I'll respect that." Inangat niya ang mukha sa’kin. "I don't want to give you false hopes so I'm not gonna promise anything. Sana maintindihan mo 'yon Halea."

"N-Naintindihan ko."




NATAGPUAN ko ang sarili sa isang gubat. Malakas ang buhos ng ulan at basang-basa na rin ako. Nakayapak lamang ako at tila may hinahanap ako sa paligid. Napaigtad ako at naitakip ang mga kamay sa tainga nang gumuhit ang malakas na kulog at kidlat.

Mayamaya ay may narinig akong boses ng babae na sumasama sa ihip ng hangin. Naigala ko ang paningin sa madilim na kapaligiran. Nanginginig ang mga kamay ko sa lamig at sa takot.

Mamatay ka rin. Mamatay ka rin. Paulit-ulit na bulong sa’kin. Mamatay ka rin Halea. Na sinabayan pa nang malakas na tawa.

"S-Sino ka?!" sigaw ko sa kawalan. "M-Magpakita ka sa akin."

Lalo lang lumakas ang tawa niya. Ramdam na ramdam kong malapit lang siya sa’kin… na nakatingin lang siya sa’kin. Dios ko! Gisingin n'yo na po ako kung panaginip lang ito. Parang ano mang oras ay sasabog na ang dibdib ko sa takot.

Halea. Bulong niya ulit sa tainga ko. Napalingon ako sa likod. Halea. "Sino ka ba?!" sigaw ko. "Tigilan mo na ako. Please." Halea. Napaupo ako at tinakpan ang dalawang tainga ko. Ipinikit ko ang mga mata at umusal ng dasal. Pero hindi pa rin tumitigil ang mga boses na naririnig ko. Mas dumami pa sila.

Iyak na ako nang iyak. "P-Please tigilan n'yo na ako."

Halea. Halea. Halea. Mahal naming Halea.

"Tama na," I sobbed. "Tama na."

Halea! Naingat ko ang tingin sa harap ko sa narinig kong pagsigaw sa pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pares ng mga paa sa harap ko. Bigla-bigla ay naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

Bumungad sa akin ang mukha ng isang duguang babae. Sa gulat ko ay tuluyan na nga akong napasalampak sa maputik na lupa. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumabas sa bibig ko.

Sa itaas ng babae ay apat pang pares ng mga paa na nakalambitin sa mga puno. Kumulog bigla at mas lalo akong natakot sa apat na katawan na nakalambitin sa harap ko. Napaatras ako sa sobrang takot at napasigaw. Dios ko!

Pamilyar sa akin ang mukha ng apat na babae na nasa itaas. Mukha nila Lola Kristina, Lola Rossita, Lola Yasmin at Tita Regina. Pero hindi ko mamukhaan ang duguang babae sa harap ko. Pero kakaibang ngiti ang ibinibigay niya sa akin.

Halea. Bumuka ang bibig niya pero tila bulong pa rin ang naririnig ko sa tuwing nagsasalita siya. Naipikit ko ang mga mata nang lumapit ang mukha niya sa akin. Dios ko! Tulungan N’yo po ako. Sobra-sobra na ang panginginig ng mga kamay ko. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay sa pisngi ko. I could feel the scars on her palm everytime she brushed her hand on my face. Lalo 'yong nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko.

Maligayang huling kaarawan Halea. Bulong niya sa’kin.

Gumuhit ang isang malakas na kidlat at kulog kasabay nun ang papalakas na papalakas na tawa niya. Halea! Halea! Halea! Tila echo na sumasabay sa malakas na ulan ang boses niya. Paulit-ulit na tawag niya sa pangalan ko. Mamamatay ka rin!

"Halea!"

Napabalikwas ako ng bangon. Hindi ako makahinga. Napahawak ako sa harap ng damit ko habang sinusubukang huminga. Ramdam na ramdam ko ang mga luhang dumaloy sa mga mata ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa takot. Panaginip lang ba 'yon? Please someone tell me it's just a dream.

"Halea," naramdaman ko ang masuyog paghagod ng kung sino sa likod ko. Mula sa madilim na paligid ay unti-unti kong naaninag ang nag-aalalang mukha ni Psalmuel. Lalo lang akong naiyak. Thank God! "Are you okay?"

"Psalm –" yakap ko sa kanya.

Tila nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niya lang ako. I buried my face on his chest and cried. Takot na takot ako. Akala ko totoo. Akala ko 'yon na ang huling gabi ko. Akala ko hindi na ulit kita makikita.

"Calm now," hinagod niya ang buhok ko. "Panaginip lang 'yon. I'm here."

Pero 'di ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Gusto kong kalimutan ang masamang panaginip na 'yon pero lalo lang nung pinapaalala sa’kin ang oras na meron na lamang ako. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

Sakabila ng dilim ay nagtagpo ang aming mga mata.

"Halea?"

Hindi ko alam kung anong nagbigay sa’kin ng lakas para halikan siya sa mga labi. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero nagpatuloy pa rin ako. Napahawak ako sa harapan ng damit niya. Pero sobra akong nasaktan nang hindi man lang niya tinugon ang mga halik ko. Sa sobrang pagkapahiya ay bahagya akong lumayo para lang magulat sa sunod na ginawa niya.

Mabilis na hinawakan niya ako sa batok at marubdob na hinalikan ulit sa mga labi. May kaonting saya akong naramdaman sa puso ko nang tumugon siya. I opened my mouth for him as he deepened the kiss. Marahas man ang pagkakahalik niya sa’kin noong una pero unti-unti namang naging masuyo ang bawat halik na binibigay niya sa’kin. Para yata akong mababaliw sa sensasyong ibinibigay niya sa’kin nang mga oras na 'yon.

Bumaba ang mga halik niya sa panga ko. Giving me all the hot feeling that's slowly growing inside me. Dinama ko ang matigas niyang dibdib hanggang sa malapad niyang likod. Naramdaman ko ang unti-unting paghiga niya sa’kin sa kama nang hindi pinuputol ang paghalik sa’kin.

Pumasok ang isang kamay niya sa loob ng damit ko as he pinned my hand above my head. Napasinghap ako sa init ng palad na humaplos sa balat ko mula sa impis kong tiyan pataas ng dibdib ko. I wasn't wearing anything underneath kaya madali para sa kanyang mahawakan at himisan ang mga dibdib ko. I can’t help but moaned at the pleasure his hands are giving me.

Patuloy pa rin siya sa paghalik sa buong katawan ko. Ang bawat haplos, halik at pagdama sa buong katawan ko ay nagbibigay sa’kin ng kakaibang pakiramdan na sobrang nagpapabaliw sa isipin ko nang mga oras na 'yon.

Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba 'yong ginagawa namin sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang malinaw lang sa akin ay tinutugon ni Psalmuel ang bawat halik at haplos ko sa kanya.

Bumalik ang mga labi niya sa mga labi ko at muli akong hinalikan. Dinala niya ang mga kamay ko sa laylayan ng suot niyang damit para tulungan siyang hubarin 'yon. Isinunod niyang hubarin ang suot kong damit. Napasinghap ako nang maramdaman ang lamig. Naiyakap ko ang mga kamay sa hubad kong katawan. Nag-init ang mga pisngi ko. Sandaling pinutol niya ang paghalik sa’kin at tinignan ang mukha ko.

Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Kaya naibaling ko ang tingin sa ibang direksyon. Parang ngayon ko lang gustong pagsisihan ang ginawa ko.

"Halea," naramdaman ko ang masuyong paghaplos niya sa isang pisngi ko.

Napatingin ako sa kanya. "Psalm –"

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil muli na naman niya akong siniil ng halik sa mga labi. I could feel the warmth emanating my body. Ang pagnanasa na tuluyang maangkin ng pinakamamahal kong si Psalmuel. He pressed himself hard on my belly until I could feel him, huge and hard. Tila lalo 'yong nagpabaliw sa naghahalong emosyon at pagnanasa sa katawan ko. Lalong-lalo na sa pagitan ng mga hita ko.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang kamay ni Psalmuel sa loob ng boxer shorts kong suot. Oh God! My mouth gaped open as he pleasured me there. Mababaliw na yata ako.

"Psalm –” anas ko habang patuloy pa rin siya ginagawang pagpapaligaya sa’kin. “Oh!” hindi ko mapigilang ungol.

Napayakap ako sa kanya nang sobrang higpit nang maramdaman kong may kung anong sasabog sa loob ko na 'di ko maintindihan kung ano. Halos habol ko na ang hininga as he thrust his fingers inside me. Sumasabay naman ang balakang ko sa bawat paggalaw niya. Pabilis nang pabilis hanggang sa maramdaman kong parang sasabog na ako. Oh God!

"P-Psalm," hinihingal kong sambit sa pangalan niya.

"You're ready for me baby."

Mabilis na hinalikan niya ako sa labi bago bahagyang lumayo para mahubad ang suot niyang pantalon. Naitakip ko pa ang mga kamay sa mga mata nang tuluyan na nga siyang maghubad sa harapan ko. I heard him chuckle for a bit bago pumwesto sa itaas ko. Napasinghap ako nang isunod niyang tanggalin ang boxer shorts kong suot.

"Psalm!"

Bago paman ako makapag-protesta ay muli na naman niya akong siniil ng halik sa mga labi. He kissed me gently hanggang sa maging mapusok ulit 'yon. Dinala niya ang mga kamay ko sa dibdib niya habang pinagsawa niya ang sarili sa paghalik sa buong mukha ko pababa sa leeg ko. Parang papanawan na yata ako ng ulirat sa ginagawa niya.

Tanging ungol lang at halinghing lang ang naririnig namin sa isa't isa na sumasabay sa malakas na buhos ng ulan at kidlat sa labas. Mayamaya ay naramdaman ko ang mga kamay niyang pinaghiwalay ang mga binti ko. Doon ako mas lalong kinabahan. He would be my first and it would be painful. But it didn't matter now. It's now or never Halea.

Bumalik ang mga labi niya sa mga labi ko at sa ilang saglit ay naramdaman ko na ang kahandaan niya sa pagitan ng mga hita ko. Napasinghap ako sa biglang pagpasok niya dahilan para impit akong maiyak sa sakit. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sariling lalong maiyak. Dumiin ang mga kuko ko sa likod niya.

"P-Psalm..." halos wala nang boses na lumabas sa bibig ko.

Pero tila hindi naman ako naririnig ni Psalm as he continued thrusting himself in and out from me. Sobra 'yong sakit na naramdaman ko. Para akong nahati sa dalawa. Ang kaonting saya na naramdaman ko kanina ay napalitan ng lungkot.

Would this make you feel better? Magiging masaya ka ba kung ako naman ang nasasaktan? I gave myself whole but you chose to tore me in pieces, Psalm.




PAGGISING ko ay nagulat ako nang makita si Kuya Makisig na nakaupo sa dulo ng kama. Mabilis na bumangon ako para lang bahagyang mapangiwi. Masakit pa rin talaga. Maaga kaming bumalik sa mansion kanina at habang pabalik ay hindi kami nag-imikan ni Psalm. Dumiretso agad ako sa silid namin at itinulog na lamang ang sama ng loob ko.

"K-Kuya," tawag ko sa kanya.

Sumilay ang malaking ngiti sa mukha niya. Tumayo siya at lumipat sa gilid ng kama para mahalikan ako sa noo.

"Happy Birthday Halea,” napangiti ako.

"Salamat kuya." Niyakap ko siya nang mahigpit. Natawa lang siya. "I missed you."

"I missed you too." Kumalas siya sa pagkakayakap sa’kin. "Kumusta ka naman? I've been trying to reach you since yesterday pero 'di kita ma-contact." May himig na pagtatampo sa boses niya.

"Nasira 'yong phone ko. Nahulog sa tubig kaya ganun." Ngumiti ako. "Kumusta sila Mama at Papa?"

"Mama is still asleep. Papa's here."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nandito si Papa?" na excite akong malaman na kasama niya si papa.

He nodded and playfully messed my hair. "He's downstairs. Kausap ang asawa mo." Nawala naman ang ngiti ko. Kahit na wala naman akong karapatang mag-demand ng kung ano sa kanya. May damdamin din naman ako. "O, bakit?" mukhang napansin naman din agad ni kuya ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ko. "May problema ba kayong dalawa?"

"Lagi naman talaga kaming may problema. Ano bang bago?"

Kumunot ang noo niya. "Sinasaktan ka ba niya?"

"Physically? No. Cold war lang."

Kilala ko ang kuya ko lalo na kapag nagagalit. Ayoko ring palalain ang lahat sa amin ni Psalm. Magulo na nga, baka lalo pang gumulo.

"May nangyari na ba sa inyo?”

Kinabahan ako bigla sa tanong niya. Ayokong sabihin ang totoo kay kuya. Kaya umarte ako na sobra akong na eskandalo sa tanong niya.

"Kuya naman e! Sa tingin mo ba magagawa namin 'yon kaagad sa sitwasyon namin ngayon?" pagsisinungaling ko. At mas mabuti na ring ‘di na muna alam ni Kuya Mak. Mabilis pa naman niyang nababasa ang nasa isip ko.Tinulak ko na si Kuya Mak patayo. "Bumaba ka na muna. Maliligo muna ako at magbibihis. Susunod na lang ako."

"Twenty two ka na,”

"Oo, alam ko." Pinilit kong tumayo kahit na masakit pa at tinulak si kuya hanggang sa pinto. "Baba na.”

"Dalian mo. Nakahanda na ang pagkain sa ibaba."

"Oo na!”

Mabilis na isinarado ko ‘yon saka ko naisandal ang likod sa malamig na katawan ng pinto. Marahas na napabuntong-hininga ako. Twenty two ka na Halea. Ilang buwan na lang ang meron ka. Bumaba ang isang kamay ko sa impis kong tiyan. Magbubunga kaya 'yon? Hindi ko sigurado dahil irregular ako. Isa rin sa mga pino-problema ko at baka maging dahilan para mahirapan akong magbuntis.

Mabilis na pumasok ako sa banyo at naligo. Bumaba agad ako pagkatapos kong magbihis. Isang simpleng yellow floral halter dress ang isinuot ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at alon-alon kong buhok.

"Ay kabayo!" gulat na sigaw ko nang salubungin ako ni Nemo sa ibaba ng hagdan. Natutop ko ang dibdib. Nakalabas na naman ang pangil ng asong ‘to. "Nemo naman e. Aatakihin naman ako sa’yo ng 'di oras."

Tumahol lang si Nemo ng maraming beses.

"Nemo!"

Sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng boses. Kumabog naman nang mabilis ang puso ko nang makita ang mukha ni Psalmuel. Masama ang loob ko, oo. Pero hindi ko rin naman maiwala sa isipin ko ang namagitan sa amin kagabi. Kaya bago paman umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ay iniwas ko na ang tingin sa kanya.

Umalis si Nemo sa harapan ko at lumapit kay Psalmuel.

"Mahaleah!" narinig kong tawag sa’kin ng isang pamilyar na boses. Mula sa dining area ay lumabas ang ama ko. Nawala ang inis ko at patakbong yumakap sa aking ama. "Anak ko."

"Papa!" sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Naiyak pa ako sa sobrang pagka-miss ko sa kanya. "Papa miss na miss na kita."

"I missed you too, honey." Pinunasan niya ang mga luhang umalpas sa mga mata ko. "Happy Birthday Halea." Saka ako masuyong hinalikan sa noo.

"Thank you." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sana ay nandito ang mama mo pero hayaan mo't isasama ko rin siya rito kapag magaling na siya. Natitiyak kong miss na miss ka na rin ng 'yong ina."

"Miss na miss ko na rin si Mama, Papa."

Ngumiti si Papa at masuyong hinaplos ang buhok ko bago ibinaling ang tingin kay Psalmuel. Ngumiti ang huli sa ama ko. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Wala rin akong alam sa kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa.

"Tatawagin ko muna ang kuya mo, hija." Paalam sa’kin ni papa. "Mauna na kayo sa garden at nakahanda na roon ang mga pagkain na dinala namin para sa’yo."

Kumunot ang noo ko. "Na saan po si kuya?"

"May kausap lang sa cell phone."

"Ako na lang po ang tatawag –" prisenta ko na tinutulan nito.

Umiling siya. "Hindi na, mauna na kayo." Tinapik ni papa ang balikat ni Psalm bago umalis.

Napabuntong-hininga ako.

"Ang lalim naman yata nun?"

Napalingon ako kay Psalm. Bumalik ang blankong ekpresyon ng mukha niya. Kinakausap mo na ako ngayon? Close po tayo?!Lumapit siya sa’kin.

"Birthday mo pala,” basag niya.

"Oo, e, ano naman?"

"Happy Birthday."

Walang ka ngiti-ngiting bati niya sa’kin. Kumunot lang ang noo ko sa kanya. Babati ka na nga lang wala pang ngiting kasama. Wow!

"Salamat, ha?!" sarkastiko kong sagot.

Tinalikuran ko na siya at naunang maglakad sa kanya.

"Sorry," natigilan ako nang magsalita ulit siya. "Sorry, alam kong nasaktan kita kagabi. And I noticed something last night," he trailed off. Bigla-bigla ay nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang isang balikat ko. Naingat ko naman ang mukha sa kanya. "You have something written on your back."

Napansin niya?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE