Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Psalm

KAKAIBANG katahimikan ang bumungad sa akin paggising ko. Agad kong napansin ang isang nakatiklop na puting damit. Sa itaas nun ay isang sulat.

Itinabi ko muna ang sulat at tinignan ang t shirt. The shirt has a sunflower painted on it. Below the sunflower is a bible verse.

You have filled my heart with greater joy. – Psalm 4:7

Isinunod ko ang sulat na kasama nun.

Happy Birthday Psalm! Always remember that you will always be my Psalm chapter four verse seven. 'Till we meet again. – Halea

Tila doon ko lang napansin ang pamilyar na long brown envelope na kasama ng sulat at damit. I checked the papers hanggang sa huling pahina nun.

May pirma.

Halea signed the annulment papers. Nabitiwan ko ang mga dokumentong hawak.

I should be happy.

But why do I feel like I lost a part of myself?


Alyana

MARAHAS na napakamot na lang ako sa noo. 'To kasing si tatay nilasing si Makisig. Birthday kasi ng kapatid kong si Lorenzo. Wala sana akong balak na isama si Mak sa bahay kaso nadala ko pala 'yong USB niya sa bahay tapos nandoon pa 'yong presentation niya bukas na kailangan niyang i-edit ngayon.

Pagdating namin sa bahay. Ayon hindi na pinaalis nila tatay at Kuya Marko si Mak. Hindi ko tuloy alam kung may lihim agenda ba 'tong dalawa o wala. Sinasadya talagang lasingin si Mak.

"Tay tama na 'yan." Awat ko sa kanila. Kinuha ko ang baso sa kamay ni Makisig. "Makisig lasing ka na."

Namumungay na ang mga mata niya. 'Di nga makatingin sa’kin nang diretso. Tiyak na ano mang minuto mula ngayon ay pipikit na rin ang mga mata ni Mak. Pulang-pula na rin ang mukha pati tainga. 'Yong ekspresyon pa ng mukha niya parang 'di niya na alam kung na saan na siya. Parang may malaking question mark ang mukha.

"'Di pa 'yan lashing anak." Tatawa-tawang komento ni tatay. Inabutan na naman niya ng baso si Mak. "'Yan inom ka pa."

"Tay, may pasok pa kami ni Mak bukas."

"Ay iba!" namumungay na ang mga mata ni Kuya Marko tanda ng kalasingan. Ngumisi pa siya na may panunukso sa mukha niya. "Napaka-protektib naman nitong kapatid ko. Kayo na ba 'tong shi tishoy, ha? Ayiee. 'Tay oh. Naka mob on na ang dalaga natin. Limot na yata niya ang 'langkwenta niyang nobyo na shi Sham."

"Gushto ko 'yang Mak na 'yan. Wala akong pake...halam... kahet na... hisa shang Shalbahetre. Basta gushto ko sha... para shayo... hanak. Hitanan mo na 'yan." Sabay na tumawa sila kuya at tatay.

Itinaas naman ni Mak ang isang kamay sa dalawa at nag-thumbs up.

"Ang shweet naman."

I give my brother a sharp look. "Matulog na nga kayo. Gabing-gabi na. Nay! Awatin n'yo na nga ho 'to sila tatay at kuya. Bukas niyan magri-reklamo na naman 'yan sa sakit ng ulo. Magsuka pa ang mga 'to."

"Kill joy 'talaga 'tong anak ko. Hala! Kunin mo na 'yang hirog mo. Marko, mag-inuman pa tayo. Tagay pa!"

"Hay naku!" Lumabas naman ng bahay si Nanay kasama si Lorenzo. "Pabayaan mo na 'yang tatay at kuya mo. Halika Lorenzo, tulungan mo ang ate mo."

Napabuntong-hininga na lang ako sabay tingin kina nanay. Nagkibit-balikat lamang si nanay saka tinapik ang isang balikat ni Lorenzo at sininyasan na tulungan na siya. Kahit kailan 'tong dalawang 'to pagdating sa inuman walang pinipiling oras kahit hanggang bukas mag-iinum at mag-iinum pa rin.

"Ipasok n'yo na muna sa loob si Makisig." Suhestiyon ni Nanay. "Dito na muna siya matulog at delikado na kung uuwi pa siya. Abisuhan mo na lang ang mga magulang niya Alyana at nang hindi na mag-alala."

I nodded. "Sige ho, Nay."

"Ako na ang bahala sa makulit mong tatay at kuya. Hay naku! Kahit kailan, kayong dalawa sakit sa ulo. Naku, Marko. Huwag ka munang mag-aasawa dahil puro sakit sa ulo ang ibibigay mo sa magiging asawa mo."

"Yes naman Nay!" chest out, may ngiting sumaludo si kuya. "Mabuhay ang mga gwapong shingle!"

Natawa lang kami ni nanay at Lorenzo. Matagal na nagtrabaho sa Dubai si Kuya Marko as project engineer. Ngayon lang nauwi at sa susunod na buwan ay balik trabaho na naman. Sa Japan naman ngayon. Hindi sa San Antonio lumaki si Kuya Marko. Dahil nga walang-wala sila nanay at tatay ay doon na muna si kuya sa poder nila lolo at lola sa Cebu. He practically grew up there.

Kapag bakasyon lang na uuwi. Minsan ay nalalaktawan pa dahil aksaya na ng pera. Noong naka graduate at nakapasa sa board exam si kuya ay ilang buwan lang siyang nag-stay sa bahay dahil pinalad siyang makapag-abroad agad. Kaya nga malaki ang inggit ko kay Halea noon dahil nandiyan lang sa tabi niya ang kuya niya. Apart of me wanted to have a brother like Mak. Ang babaw ng rason ko, pero 'yon talaga ang sobrang kinaiinggitan ko sa kanya.

Milagro na lang na magka-girlfriend 'tong si kuya. Sa itsura nitong si kuya mukhang wala naman yatang siniseryosong babae. Palibhasa may maipagmamayabang na kagwapohan at katalinohan. Kaso kapag inuman, ilang baso lang lasing na. Goodluck na lang talaga sa kanya kung ma-in-love siya. Bahala siya sa buhay niya.

"Halika na Mak," pinatayo ko na si Mak. "Lorenzo, doon ka sa kabila." Inilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko at mahigpit na ipinulupot ang isang kamay sa baywang niya. Ganoon din ang ginawa ni Lorenzo sa kabila. "Hay naku! Makakapasok ka pa kaya bukas?"

Magkatulong na pinasok namin si Makisig sa loob at paakyat sa kwarto ko.

"Ate 'di pa ba kayo ni Kuya Makisig?"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Enzo. "Akala ko ba 'di ka kasing tsismoso ni tatay at kuya."

"H-Hindi pa." Sagot naman bigla ni Mak.

Ako naman ang nagulat. Natawa naman ang kapatid ko. "Hindi pa ate. Pero may chance ka kay Kuya Tisoy. Kapag naging kayo. Magiging-haciendera ka na rin tulad ni Ate Halea."

Natigilan ako nang marining ang pangalan ni Halea. Matagal-tagal na rin nang huling magkita kami. Hindi pa maganda ang huling pagkikita namin. Galit na galit ako kay Halea noon. Lalo na kay Psalm dahil sa paglilihim niya. Alam ko nagawa niya 'yon para protektahan kami ng pamilya ko pero mali pa rin ang ginawa niya. Pinagmukha niya akong tanga.

Hindi ko alam kung bakit hindi nababanggit ni Mak si Halea kapag magkasama kami. Iniisip ko na lang na kaya 'di niya binabanggit ang mga nangyari ay ayaw niyang pag-usapan 'yon at bilang respeto na rin sa akin o pwede ring wala talaga siyang pakialam.

Maingat na inihiga namin si Mak sa kama. Hiningal kami pareho ng kapatid ko dahil mabigat talaga siya. Napa-upo ako sa gilid ng kama.

"Ate maiwan ko muna kayo. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka pa."

Tumango lang ako. "Sige na, tulungan mo muna si nanay sa pagliligpit sa ibaba. Paki patay na rin ang ilaw. Itong lamp shade na lang ang iiwan kong naka bukas."

May panunuksong ngumisi si Enzo. "Oy ate, anong gagawin mo, ha?"

Tinaasan ko ng kilay ang kapatid. Hinablot ko ang unan na nakapa ko at ibinato 'yon sa kanya. "Ikaw, bawas-bawasan mo 'yang pagsama mo kay Kuya Marko at nagiging usisiro ka na rin. Kalalaki n'yong tao."

Tinawanan lang ako ng loko kong kapatid. "Defensive naman nito masyado. Masama po bang magtanong? Bahala ka na nga riyan ate. Matanda ka na para pagsabihan."

Napamaang ako sa huling sinabi niya. "Wow, ha?! Hiyang-hiya naman ako Kuya Lorenzo."

Tawang-tawa pa rin na isinirado ni Enzo ang pinto pagkatapos niyang patayin ang ilaw. Naibaling ko naman ang tingin kay Mak. Sinubukan niyang iangat ang katawan para maihilig ang likod sa headboard ng kama. Hinilot-hilot niya ang ulo.

"Damn," he cursed under his breath.

"O ano, maglalasing ka pa ba?" lumipat ako sa tabi niya. Nagulat naman ako nang bigla niyang ihilig ang ulo niya sa balikat ko. Napakurap-kurap ako ng ilang beses sa kakaibang reaksyon ng puso ko sa ginawa niya. Sa lapit ng distansiya naming dalawa. Tila may daga at pusang naghahabolan sa loob ng puso ko. "M-Mak?"

"S-Sakit ng ulo ko." Halos pabulong na niyang sabi. "Let me stay like this for awhile. Umiikot pa ang paningin ko."

Lasing ba talaga ang 'sang 'to?

"Lasing ka ba o hindi?" bigla itong tumawa. "Lasing ka nga." If he's sane. He wouldn't laugh. Bato kaya 'tong si Mak kapag normal na tao. Minsan lang tumawa. Minsan lang din ngumiti. Madalas sa mga bata lang siya mukhang masaya. Choosy masyado.

Kapag kasi nadadaan ako sa klase niya, aliw na aliw ang mga bata sa kanya. He's well loved by his students na sobrang ikinagulat sa faculty dahil nga sa poker face siya sa amin. Well, minsan nahuhuli ko siyang ngumiti at tumatawa. Mahirap hagilapin ang side na 'yon ni Makisig. Only Halea and his students can bring out that happy side of him.

"Matulog ka na saka huwag ka na lang pumasok bukas kung hindi mo kaya."

"I like your smell."

"H-Huh?"

"I like everything about you. I don't know why?" sinubukan kong silipin ang mukha niya. Kunot na kunot ang noo niya habang nakapikit ang mga mata niya. "I can't just seem to get you out of my mind."

"A-Ako ba ang kinakausap mo Mak?"

Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko. Bakit sobrang effected ako sa mga sinasabi niya? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa’yo Mak?

"Ang totoo niyan ay lagi kitang sinusundan at binabantayan." Nagulat ako sa biglang pag-amin niya. "Pangako ko 'yon sa kapatid ko, Alyana. Sinabi niya lang na bantayan ka hindi ang lagi kang sundan." Natawa ito bigla. "I must be out of my mind. All I thought, si Halea lang ang lapitin ng kamalasan. No wonder, both of you are best of friends. Pareho kayong may kambal na kamalasan."

Ginawa 'yon ni Halea? Pero bakit?

"My sister loves you so much. Kahit na alam niyang galit na galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya. Lagi ka niyang kinakamusta sa akin. Inaaway pa niya ako kapag na iku-kwento ko sa kanya ang mga kamalasan mo sa buhay. I got annoyed, so I stopped telling her, instead I told her you're happy with me."

I don't know what to say.

"Mahal na mahal ko ang kapatid ko, Alyana." His voice broke, it sounded like there was a lump in his throat. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang tahimik na pag-iyak ni Mak. "I can't lose her. Hindi ko kakayaning mawala ang kapatid ko."

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya. Nalilito rin ako sa mga sinasabi ni Makisig. Bakit? May sakit ba si Halea? Bakit niya nasabing 'di niya kayang mawala ang kapatid niya?

"Mak?"

"Please don't hate my sister." He sobbed. "Huwag kayong magalit sa kanya. Please."

Bakit Mak? Bakit ka nasasaktan nang ganito? Bakit ako nasasaktan para sa’yo? Ramdam na ramdam ko sa boses at pag-iyak niya ang lungkot at sakit na kailaman hindi ko narinig at nakita sa kanya. Ibang-ibang Makisig ang yakap ko nang mga oras na 'yon. Isang Makisig na nasasaktan. Isang kuya na nagmamahal.

Hindi ko maiwasan na balikan ang mga masasakit na salita na sinabi ko kay Halea. Ngayon ko lang na realized na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili niya. Kinalimutan ko lahat ng mga pinagsamahan namin dahil sa galit ko. Sa kabila nun, ay hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin. Kaibigan pa rin ang turing niya sa akin.

"Mak, tahan na." Alo ko sa kanya. "Hindi mawawala si Halea sa’yo."

"I can't lose her, Alyana. I can't…”



"MAK!" sigaw ko nang makita ko si Makisig na lumabas ng faculty.

Mabilis ang mga kilos niya na animo'y may importante siyang pupuntahan. Kinailangan ko pang tumakbo para makahabol sa kanya. "Mak, saan ka pupunta?!"

"Bumalik ka na sa klase mo Alyana."

"Saan ka nga pupunta?!"

Seryosong-seryoso ang mukha niya na tila ba galit na galit siya. "Pupuntahan ko ang walangyang Psalm na 'yan!" Doon ko lang napansin ang pagkakakuyom ng mga kamao niya. Bigla akong kinabahan.

"A-Anong nangyayari? Bakit mo pupuntahan si Psalm?"

Tumigil siya at hinarap ako. "That fuckin bastard!" punong-puno ng galit ang bawat pagbitiw niya ng salita. "Damn it! Halea's missing."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nawawala si Halea?!"

"Halea's acting weird for the past few days habang nandito siya. Binaliwala ko lang 'yon dahil mukha namang masaya siya. I should have known it. Ako dapat ang unang nakapansin na may iba sa kanya... that there is something wrong. Dapat napansin ko na 'yon Alyana."

"Mak, huwag mong sisihin ang sarili mo. Maybe Halea has her reasons kung bakit umalis siya –"

"You don't know anything Alyana! Wala kayong alam sa pinagdadaanan ng kapatid ko."

"Relax Mak!"

"How can I calm down when my sister is missing?!"

"Sa tingin mo ba may magagawa ka kung ganyan ka? Makisig naman!"

"Mapapatay ko ang lalaking 'yon!" tinalikuran ako ni Makisig at diri-diretsong naglakad palayo. "Hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama sa kapatid ko."

"Mak!" sinubukan ko siyang habulin hanggang sa parking lot. "Makisig! Ano ba?!" Pero mabilis na nakapasok si Makisig sa sasakyan niya. Ilang beses ko na kinatok ang salamin na bintana ng sasakyan para ibaba 'yon ni Mak pero tila hindi na niya ako naririnig. "Makisig bumaba ka riyan! Mak! Makisig!"

Napalayo ako nang umandar ang sasakyan at mabilis na pinaharurot 'yon. Dinukot ko ang cell phone sa bulsa ng uniform ko na blouse. Mabilis na tinawagan ko si Psalm. Pero naka ilang missed call na ako sa kanya pero 'di niya pa rin ako sinasagot.

"Ano ba Psalm, sagutin mo ang tawag ko."

Dios ko! Ano bang nangyayari? Wala na akong maintindihan. Makisig is acting weird. Parang may itinatago siya na hindi niya pwedeng sabihin sa kahit na sino man. Ano ba talagang nangyayari kay Halea?



ILANG araw nang nawawala si Halea. Walang may alam kung na saan na siya. Ni sulat ay wala siyang iniwan. Tila naglaho na lang na parang bola si Halea. Ilang araw ng aligaga si Mak. Naintindihan naman ng principal kung bakit hindi na muna makakapasok si Mak. Pabalik naman na si Ma'am Krystel kaya 'di na rin malaking problema ang pagliban niya.

Nag-aalala na ako sa kanya. Pati kay Halea. Hindi ko na rin mahagilap si Psalm. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung paano o kung saan ako magsisimula. Hindi ko makausap nang maayos si Makisig. Hindi ko matawagan.

Umuwi na lang ako sa bahay. Naabutan ko si nanay nagluluto. Nag-mano ako sa kanya bago humila ng silya at naupo. Hindi ko na napansin na ilang minuto na pala akong nakatulala. Kung hindi pa ako sinita ni nanay 'di ko pa mapapansin.

"Okay ka lang ba Alyana?"

Nahilot ko ang batok. "Okay lang ho ako, Nay."

"Nag-away ba kayo ni Makisig? Hindi ko na nakikita ang batang 'yon dito. Kako ay baka nag-away kayo. Ilang araw ko nang napapansin na laging wala ka sarili mo at tila may malalim kang iniisip." Pinatay nito ang kalan at itinigil ang ginagawa. Humila siya ng silya at naupo sa tabi ko. "May problem ba anak?"

Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. "Nawawala po si Halea, Nay."

“Nawawala?” nanlaki ang mga mata ni nanay. “Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko nga ho rin alam, Nay. Akala ko ay okay sila ni Psalm. Hindi ko rin mahagilap at matanong kung bakit umalis si Halea. Pati si Makisig, 'di ko makausap nang maayos. Hindi ko na nga alam kung anong iisipin ko. May mga sinasabi si Mak na hindi ko maintindihan noong malasing siya. Sinabi niyang hindi pwedeng mawala si Halea. Na hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa kapatid niya. Naisip ko nga, kung baka may sakit si Halea o kung mamatay na siya? Na sana huwag naman mangyari."

"Anak," hinawakan ni nanay ang isa kong kamay. "Ayokong isipin na konektado ito sa sabi-sabi ng mga tao noon tungkol sa pamilya nila. Pero wala pang babaeng Salvatierre na nabuhay nang matagal."

Kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noon paman ay sinasabi na nila na may sumpang bumabalot sa pamilya ng mga Salvatierre. Sumpang ipinataw ng matriarka ng mga Fidalgo. Bagama't hindi na 'yon pinagtuonan ng atensyon ng ibang tao ay nanatiling usap-usapan 'yon ng mga matatanda noon. Natigil lamang ang pagpapasa-pasa ng kwento nang mawala ang mga Fidalgo sa San Antonio at dahil na rin sa pananahimik ng mga Salvatierre."

"Ano ho ang sumpa, Nay?"

"Pinatay ng binatang Salvatierre ang kaisa-isang babaeng anak ng mga Fidalgo na si Ysabella dahil sa pagmamahal nito sa huli. Bente tres pa noon si Ysabella at ikakasal na sa nobyo nito nang patayin ito ni Jaime. Nang mga panahon na 'yon ay dalawang buwan na pa lang buntis si Ysabella. Dahil sa ginawa ng binatang Salvatierre ay napuno ng puot ang puso ng Matriarka ng mga Fidalgo at ipinataw ang sumpa sa pamilya nila."

Sumpa? ‘Yon ba ang hindi pwedeng sabihin ni Mak sa akin? Totoo kaya ang tungkol doon?

"Lahat ng mga babaeng Salvatierre ay mamamatay bago ito tumuntong ng ika-bente-tres na edad nito."

Sobra akong natigilan. Bente dos pa lang si Halea. At ilang buwan mula ngayon ay sasapit na ulit ang kaarawan niya.

"Totoo po ba 'yan Nay? Baka ho 'di 'yan totoo."

"Hindi ko rin alam anak." Bumukas ang lungkot sa mukha ng aking ina. "Iyon ay kwento lamang ng iyong namayapang abuela. Hindi ko na masyadong pinagtuonan ng atensyon ang kwentong ‘yon. Pilit ko 'yong kinalimutan. Dahil nagdulot rin ‘yon ng ‘di mabuting karanasan sa ating pamilya.”

Naalala ko bigla ang mga larawan ng mga babaeng Salvatierre sa sala ng mansion nila Halea. Bakit hindi ko agad napansin ang kakaiba sa mga larawan na 'yon? Lahat ng mga babaeng anak sa pamilya nila Halea ay maagang namatay.

"Nay, wala ho bang nabanggit si lola kung paano mapapawalang bisa ang sumpa?"

“Hindi sigurado,” iling nito. “Walang may alam kung paano mapapawalang-bisa ang sumpa. Noong una ay  may sabi-sabi na kailangang mag-isa ang isang Fidalgo at Salvatierre pero hindi naman malinaw kung paano at kung totoo nga ba 'yon. Meron namang nagsabi na wala nang makakaputol sa sumpa. Kung ano pa man 'yon,  tanging ang matriarka lamang ng mga Fidalgo ang nakakaalam."

Humigpit ang pagkakahawak ni nanay sa mga kamay ko.

"Anak, nakikiusap ako. Layuan mo na ang mga Fidalgo at mga Salvatierre. Aaminin ko sa’yong nakahinga ako nang maluwag nang maghiwalay kayo ni Psalmuel. Bagama't nanahimik ako sa relasyon n'yo ay walang araw na hindi ako nag-aalala para sa’yo.”

"Nay,"

"Lumayo ka na kay Makisig habang maaga pa. Mahirap magmahal ng lalaking Salvatierre, anak. Kaakibat ng pagmamahal na 'yon ang sumpa na maaring maipamana mo sa magiging anak ninyo. Hindi man tayo sigurado kung totoo nga 'yon pero mas mabuti na lumayo ka na sa kanila habang kaya mo pa."



PINUNTAHAN ko si Makisig sa bahay nila. Hindi niya ako pinapasok sa loob kaya naghintay na lamang ako sa labas ng gate nila. Seryosong-seryoso ang mukha niya nang lumabas siya ng gate.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong niya sa akin.

Aaminin kong medyo nasaktan ako sa tono ng pananalita niya. Pero maiintindihan ko. The past few days must have been tough for him. Lalo't lalo ng wala pang balita kung na saan si Halea.

"May gusto lang akong malaman."

"Saka na tayo mag-usap Alyana. Madami pa akong iniisip. Masama pa ang pakiramdam ni Mama. Tatawagan na lang kita -"

"Totoo ba ang sumpa?!" lakas loob at diretsang tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Makisig. Tila gulat na gulat siya sa itinanong ko. Kung ganoon ang reaksyon ni Makisig hindi malabong totoo nga ang sumpa. Dios ko!

"Ano ba ang pinagsasabi mo Alyana? Pwede ba -"

"Sagutin mo ako Mak! Totoo ba?"

"Why does it matter to you or not? Halea has nothing to do with you. Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo."

"Importante sa akin 'yon dahil kaibigan ko si Halea?!" galit na sagot ko sa kanya.

"Umalis ka na." Tinalikuran na ako ni Makisig. "Wala rin akong sasabihin sa’yo."

"So totoo? Totoo ang sumpa?" nagsimulang manikip ang dibdib ko. Mabilis na pinahid ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Kahit hindi sabihin sa akin direkta ni Makisig alam kong totoo ang sumpa. Na may dahilan kung bakit nagpakasal si Halea kay Psalm.

"Umalis ka na!”




NANGINGINIG ang mga kamay na i-denial ko ang numero ni Psalm. Hindi ko mapigilan ang mga sariling luha. Guilt washed over me after knowing everything. Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak sa kwarto ko.  

Natutop ko ang bibig sa pagpipigil ng iyak. Kailan kong tawagan si Psalm. Kailangan niyang malaman ang totoo.

Psalm, pick up the phone. Sagutin mo ang tawag ko, please.

Sobra akong nasasaktan para kay Halea. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya. Dios ko! Iligtas N'yo po si Halea. Huwag N'yo po siyang pabayaan. Parang awa n'yo na.

Sobrang bigat ng kalooban ko.

Ang sakit-sakit.  

Naalala ko ang mga masasayang ngiti ni Halea. Ang mga pinagdaanan niya. It must have been hard for her to keep it to herself. To fight alone. To act happy in front of other people. To smile without breaking.

Anong klase akong kaibigan? Bakit hindi ko agad 'yon napansin? Isa-isang nagbalik lahat sa’kin ang mga bagay na isinakripisyo ni Halea para sa akin. Ang mga panahon na lagi akong ipinagtatanggol ni Halea sa mga umaaway sa akin. Binibigyan niya ako ng pagkain kapag wala akong baon. Sa tuwing binibigyan niya ako ng mga paintings ng mga paborito kong mga bulaklak.

Sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko tuwing sumasali ako ng mga kompitisyon. Sa bawat magagandang salita na sinasabi niya para palakasin ang loob ko. Sa ilang beses na niyakap niya ako at inalo tuwing natatalo ako o nalulungkot.

Sa bawat oras ng buhay ko nandiyan ka. Sa masasaya at kalungkutan nandiyan ka para sa akin. Pero hindi man lang kita nasamahan sa mga oras na mas kailangan mo ng isang taong mas makakaunawa sa'yo.

Bakit ko kinalimutan ko lang ang mga 'yon?

"Sorry," hikbi ko. "Patawarin mo ako, Halea. Patawad."

Sinubukan ko ulit na tawagan si Psalm. Isang beses lang nag-ring 'yon at mabilis na sinagot 'yon ni Psalm. "Psalm!"

"Alyana?"

"Psalm," hikbi ko. "Psalm, please save Halea. She needs you. Hanapin mo si Halea, please."

"Alyana, calm down. Hindi kita maintindihan."

"Please save Halea. Kailangan ka niya Psalm. Halea is dying."


Makisig

NAALIMPUNGATAN na nagising ako sa paulit-ulit na pagri-ring ng cell phone ko. Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Kinapa-kapa ko ang cell phone sa bedside table. Bumangon ako para sagutin ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello?" sagot ko sa paos na boses. "Sino 'to?!"

"Kuya!" bigla akong nagising nang marinig ang boses ni Halea. Mabilis na in-on ko ang lampshade para tignan ang nag-register na numero sa screen pero unknown number ang lumabas. Inilapit ko ulit sa may tainga ang cell phone. "Si Halea 'to, kuya."

Bakas sa boses niya ang pag-iyak. Tila ba kanina pa siya umiiyak.

"Halea, na saan ka? Susunduin kita riyan."

"Kuya, okay lang ako. U-Uwi na ako diyan."

This time narinig ko na siyang umiiyak. Imbes na kumalma ay lalo lang akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong oras na. Tiyak akong madaling araw pa dahil madilim pa sa labas. Bakit sa ganitong oras tumawag si Halea?

"Kuya hintayin n'yo ako diyan." She sobbed. "Uuwi ako... K-Kuya..."

"Halea?"

"Kuya buntis ako." May himig ng ngiti at saya ang pag-iyak niya. "Kuya magkakaanak na kami ni Psalm."

Lalong tumindi ang hikbi ng kapatid ko. Sa sinabi niya mas lalo akong hindi mapakali. I want to know where she is right now. Kung kaya ko, liliparin ko ang lokasyon kung na saan siya para maiuwi ko siya nang ligtas at ang magiging pamangkin ko. Oh God, please huwag N'yong hayaang may masamang mangyari sa kanila.

"Halea, sabihin mo sa akin kung na saan ka." Tumayo ako at hinanap ang susi ng sasakyan ko. "Pupuntahan kita diyan."

"Kuya papunta na ako diyan. Hintayin n'yo –" naputol bigla ang linya. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay bigla na lang akong nakarining ng sigaw mula kay Halea. Kasunod nun ang malakas na pagbosena ng sasakyan at matinis na tunog ng mga gulong hanggang sa marining ko ang malakas na pagsalpok ng kung ano.

"Halea?! Halea!" sigaw ko. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. "Halea," ni hindi ko magawang huminga nang maayos. "H-Halea sagutin mo si kuya..." pero wala na akong marinig sa kabilang linya. Hindi ko namalayan ang paglandas ng mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay na paulit-ulit kong tinawagan ang numero pero hindi na ako sinasagot ni Halea.

"Halea, please don't die. Huwag mo munang iwan si kuya.”

Hindi ko pa kaya.

Huwag muna, please.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE