Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"PSALM!" sigaw ko.

Pero hindi niya ako nilingon. Patuloy lang siya sa paglalakad na tila ba wala siyang narinig. Hinabol ko siya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko siya nahahabol. Nagsimulang kumulog. Mas lalong dumilim ang kalangitan. Kami lang dalawa ang nasa daan. Walang sasakyan. Walang bahay na malapit. Tila walang katapusan ang daan na 'yon.

"Psalm hintay!" tawag ko ulit sa kanya.

Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Habol pa rin ako nang habol sa kanya. Hinihingal na napahinto ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya naabutan? Kung bakit hindi niya ako naririnig? Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malakas na hangin. Pinilit kong ikurap-kurap ang mga mata para malinaw na makita ang papalayong si Psalmuel.

"Psalm?" mahinang bulong ko nang mawala siya sa paningin ko. Naigala ko ang tingin sa buong paligid. "Psalm?!” I sobbed. “Please, huwag mo akong iwan.”

Bigla-bigla ay may narinig akong malakas na bosena ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan galing pero mukhang papalapit 'yon sa akin. Paglingon ko ay binati ako ng nakakasilaw na liwanag. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay naramdaman ko na lang ang pagsalpok ko isang matigas na bagay. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng pagkatilapon ko sa daan.

I gasped in pain.

Sa bawat pagkurap ko ay sumasama ang mga luha ko. At kahit na 'di ko hawakan ang ulo ko ay alam kong naliligo na ako sa sariling dugo. Dugo na sumasama sa pag-iyak ng langit. Malakas na malakas ang tibok ng puso ko... sa sobrang lakas nun ay natatakot akong ilang segundo mula ngayon ay sasabog 'yon at titigil na sa pagpintig.

Rain clouded my vision but it did not stop me from looking at the dark sky.

Psalm.

Hindi ko na magawang hanapin ang boses ko. Tila hinihigop ng lupa ang buong lakas ko. Naipikit ko ang mga mata at tuluyan nang naiyak.

Hindi ka kailanman magiging masaya Halea. Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig ko mula sa kung saan. Mahal kong Halea.  The same voice I always heard in my dreams. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na mamatay ka rin kayaga nila.

Malakas na tumawa ang babae.

Kailanmay ay hindi tayo magiging masaya!

Napabalikwas ako ng bangon.

Natutop ko ang dibdib sa paghahabol ng hininga. Panaginip. Panaginip lang ang lahat Halea. Hindi 'yon totoo.Pagpapakalma ko sa sarili. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Naibaling ko ang tingin sa mahimbing na natutulog na si Psalmuel. Kumalma ang tibok ng puso ko nang makita ko ang mukha niya. Tila tinunaw niya lahat ng mga nabuong takot sa puso ko.

Hilam ang mga luhang humiga ulit ako at niyakap siya nang mahigpit. I buried my face on his neck. Umungol si Psalm at bahagyang gumalaw para yakapin din ako.

"H-Halea?" tawag niya sa’kin sa paos na boses nang hindi iminumulat ang mga mata. “Did you have nightmares again?”

Bahagya akong tumango. “Pero okay lang ako.”

Humigpit ang yakap niya sa akin. “Matulog ka na,” naramdaman ko pa ang paghalik niya sa noo ko. “Nandito lang ako sa tabi mo.”

Sa ginawa niyang 'yon tuluyan na nang nawala lahat ng mga masamang bangungot. Napalitan ng kapayapaan ang takot na nanahan kanina sa puso ko. Isiniksik ko pa lalo ang sarili sa katawan niya. Kahit papaano ay naramdaman kong ligtas ako sa mga bisig ng asawa ko.



NASA sahig na ang diary ko nang bumalik ako sa kwarto. Bumaba lang ako para kunin 'yong mga box na paglalagyan ko ng mga art materials ko. Hindi ko alam kung paano at sino ang humila ng box sa ilalim ng kama pero kung pagbabasihan ang naiwang marka ng kagat sa isa sa mga napunit na pahina sa diary ko ay mukhang si Nemo nga ang may gawa.

Napangiwi ako nang makitang may naiwan pala akong mga pagkain sa loob ng box. Baka kako naamoy ng asong 'yon at nahanap nga niya 'tong box ko.

Sinubukan kong alalahanin ang isunulat ko sa pahinang 'yon. 'Yong date na lang kasi ang natira. Takte! Anong drama ba ang meron ako noong fiesta ng San Antonio. Oh my gosh! Naalala ko na. ‘Yong tula! Mabilis na ibinalik ko sa ilalim ang box at lumabas ng silid. Kailangan kong makita si Nemo bago paman 'yon makita ni Psalm.

Hindi pwedeng mabasa 'yon ni Psalm. Hindi talaga pwede! Nagkukumahog na bumaba ako ng hagdan. Ilang hakbang na lang sana nang mahagip ng mga mata ko sila Psalm at Nemo. Napasinghap ako at napahawak sa barandilya ng hagdan at nagtago mula roon. Naupo ako sa isa sa mga baitang.

Napapangiwi na ako. Nabasa niya ba? Makakatay talaga kita Nemo! Gagawin na kitang sushi! ‘Yon ang tula na ginawa ko para kay Psalm. Ibinuhos ko sa tulang ‘yon ang kabiguan ko sa kanya. ‘Yon din ang araw na nalaman kong ikakasal na sila Psalm at Alyana.

Sumilip ako mula sa pwesto ko.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Psalm habang nagbabasa sa punit na papel. Nakatingala naman si Nemo sa amo while licking his paws. Itong asong 'to 'di ko alam talaga kung anong level ang galit niya sa’kin at balak talaga akong isabutahi. Mukhang nag-aabang pa ng reaksyon mula kay Psalm. Chismosa talaga 'tong asong 'to!

"Where did you get this?" narinig ko pang tanong ni Psalm kay Nemo.

Baliw 'tong si Psalm. Tama bang kausapin ang aso? Ano naman isasagot ni Nemo? Aw, Aw, Awlea po.

Sakto namang nakita ako ni Nemo dahil napatingin siya sa direksyon ko. Inilabas na naman niya ang mga pangil niya. Mabalis na dumapa ako at nagtago. Seriously? Tao ba 'tong si Nemo? Katakot, ha? Nagsimula akong gumapang paakyat. Ipapa-schedule ko na talaga ng exorcism 'tong si Nemo. Kinakabahan na ako.

"Ahem," someone cleared his throat.

Na sinabayan pa ng tahol ni Nemo. I'm busted! Napangiwi ako at bahagyang napalunok. Hiyang-hiya na nga ako. Pahihiyain pa ako nang sobra. Walangya ka talaga Nemo! May araw ka rin sa aking aso ka.

"Anong ginagawa mo riyan Halea?" tanong sa’kin ni Psalm.

Hindi ko pa rin sila nililingon. "Nagbibilang ng baitang." Lalo akong napangiwi sa naging sagot ko. Seriously, Halea?"Este –" mabilis na tumayo ako at hinarap si Psalm. "Nag-i-exercise lang." Nag-stretching ako. "Woah! I feel so alive.”

"Na naka dapa sa hagdan?"

"Oo, bago 'yon na exercise."

"Mukha kang uod."

Mabilis na tumayo ako.

Natawa lang si Psalm sa akin. Napasimangot naman ako. Grabe 'tong mag-amo sa akin, ha? Pero mas sinamangutan ko si Nemo. 'Di pa tayo tapos na aso ka! Napansin ko naman na pasimpleng tinupi ni Psalm ang papel at ipinasok 'yon sa likod ng bulsa ng pantalon niya.

Gustong-gusto kong kunin ang papel mula kay Psalm pero mukhang wala naman yata itong balak na ibalik sa akin ‘yon. Why? Why Psalm? Anong gagawin mo riyan? Ipapa-laminate? Ipapa-frame? Baka, gagawan pa niya ng reaksyon paper ang nakakaiyak kong tula. Kaiyak.

"Bumaba ka na riyan at kakain na tayo." Tinalikuran niya na ako. "Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Sumunod ka na sa’kin." Tinungo ni Psalm ang direksyon ng dining area. Nanatili naman si Nemo sa ibaba ng hagdan. Nakatingin siya sa’kin.

Bumaba naman ako at nang nasa huling baitang na ako. Inambahan ko siya ng kamao pero ‘tong si Nemo umaktong sasakmalin ako ng mga pangil niya. Naku! Naku! Saka na ako gaganti. I changed my mind. Mabilis na tumakbo ako at sumunod kay Psalm.

"Psalm tulong!" sigaw ko habang rinig na rinig ko pa ang paghabol sa akin ni Nemo na may kasama pang tahol. "Kakainin ako ni Nemo! Tulong!”

Lintik ka talaga Nemo!

Arf! Arf! Arf!


Alyana

I MISSED YOU ALYANA.

Napabutong-hininga ako sa nabasa. Mabilis na binura ko ang text sa cell phone ko. Dapat talaga nagpalit na ako ng number. Hindi na dapat ako nadadawit sa relasyon nila. Pero hindi ko maiwasang matigilan at matulala. Miss na miss ko na rin siya. Pero hindi na pwede. Magiging mali na kung magri-reply ako.

Tama Alyana. Alam kong masakit pero nasaktan ka nila. Tanga ka na kung magpapadala ka pa rin sa bugso ng damdamin mo. Akmang ipapasok ko na sana ang cell phone ko sa maliit na sling bag ko nang biglang mawala 'yon sa mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong may humablot nun sa mga kamay ko.

"Snatcher!" sigaw ko.

Nabitiwan ko ang bike at hinabol ang lalaki. Napangiwi naman ako. Kung hindi ka rin naman talaga tanga Alyana. 'Di sana ginamit mo 'yong bike para habulin ang snatcher.  Hindi ko pa fully paid 'yon! May tatlong buwang installment pa ako sa selpon na ‘yon.

"Tulong! Tulungan n'yo ako! 'Yong cell phone ko!" hindi ko na alintana ang mga taong nasasagi ko sa daan. Natural na maraming tao sa palengke pero wala namang silbi. Wala yatang may gustong tulungan ako. "Bwesit! Tulungan n'yo naman ak –"

Natigilan ako nang biglang bumagsak sa daan ang snatcher nang may kung sinong nagbato sa kanya ng isang sakong uling. Kumalat pa nga sa daan ang mga uling. Napakurap-kurap ako. Hindi nga? Akmang lalapitan ko 'yong bumulagtang snatcher na ngayo'y tinitignan na halos ng mga tao roon nang biglang lumapit ang isang pamilyar na lalaki.

Naka simpleng itim na pantalon lang siya, white shirt at itim na tsinelas. Pag-angat ko ng tingin ay mukha ni Makisig ang bumungad sa akin. Si Makisig Salvatierre na naman?! Ibinalik ni Makisig ang salamin sa mata na mukhang inalis niya kanina.

"Ang hirap talagang umasinta ng hindi naka salamin." Sabi pa niya. Hindi pa siya nakasalamin sa lagay na 'yon, ha?Alam kong medyo malabo ang paningin ni Makisig kaya madalas siyang nakasalamin. Paminsan-minsan ay contact lenses ang gamit niya. ‘Yon ang kwento sa akin ni Halea dati. Yumuko si Mak at kinuha mula sa kamay ng snatcher ang cell phone ko.

Akmang magtatago sana ako nang mapalinga siya sa paligid. Natigilan ako. Pero bakit ako magtatago? Hello! Wala naman akong dapat ikahiya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa maituon niya ang atensyon sa akin.

Seryosong lumapit siya sa direksyon ko.

"Sa tuwing magkikita ba tayo kailangan ko bang magpakabayani para sa’yo?" sarkastiko niyang tanong sa’kin bago inilahad ang cell phone sa akin. "Baka sa susunod pagawan mo na ako ng monumento."

"Salamat ha," pabalang kong pasasalamat sa kanya saka ko hinablot sa kanya ang cell phone. "Sino ba naman kasing nagsabi sa’yo na tulungan mo ako? Diba sabi ko, kung aksaya ako ng oras mo huwag ka nang mag-abala na tulungan ako."

Dumating naman ang mga pulis at lumapit pa 'yong isa sa amin.

"Ma'am, cell phone lang po ba ang nakuha n'ya sa inyo?"

"Oras ko," seryosong sagot ni Makisig sa pulis. "Sa susunod chief, dumating naman kayo sa oras. Hindi 'yong tapos na ang eksena. Hindi lahat ng mga tao may oras na magpakabayani. Pero salamat pa rin. Siguraduhin n'yo lang na makukulong ang 'sang 'yan at nang wala nang maging biktima."

"Pasensiya na sir, salamat na rin sa pagresponde nang maaga. Maari ko ba kayong maimbitihan sa presinto para na rin makunan kayo ng statement."

"Sige –"

"Susunod na kami." Putol sa akin ni Makisig. "Hindi pa ako kumakain." Ibinaling ni Makisig ang tingin sa akin. "Pakainin mo muna ako."

Napamaang ako. Ano raw?

"Chief, 'yong mga uling ko. Pakiligpit na rin." Bigla-bigla ay hinawakan ako ni Makisig sa pupulsuhan. "Kain na muna kami." Saka walang pasabing hinila ako sa kung saan. Ay iba! Wait lang naman. Saan na naman ba ako dadalhing ng ‘sang ‘to? Grabeh!



Halea

"UMIINOM ka ba Nemo?" nilabasan lang ako ng dila ni Nemo. Napabuntong-hininga ako. "Hindi Halea, malamang aso ako. Tanga lang?" sagot ko lang din sa sarili ko.

Nasa pool area kami ni Nemo. Nakalublob ang mga paa ko sa tubig. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging tahimik si Psalm. 'Di ko tuloy makausap. 'Di din ako makalapit. Nag-aalala na ako. Mukhang nandoon na naman siya sa cabin doon sa gubat. Inalabas ko na lang 'yong cell phone ko at hinanap ang To Do List ko before I die.

Ipinakita ko 'yong mga To Do List ko kay Nemo.

"Alam mo Nemo, kapag alam mong may taning ang oras ng buhay mo. Mas masayang sulitin ang mga nabibilang na araw mo sa mundo. Alam mo ba kanina dinatnan ako." I sighed. "Talagang naiyak ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang emotional ko. Siguro iniisip mo na na nababaliw na ako, no? Tulad ngayon naiiyak na naman ako. Kahit na sabihin kong in good terms kami ng amo mo may panahon talaga na feeling ko ang layo-layo pa rin niya sa akin."

I was about to cry when Nemo rubbed his hairy head to my arm. Napangiti ako. "May puso ka rin naman palang aso ka. Akala ko itutulak mo ako sa pool." Marahan kong hinaplos ang ulo niya. "Ikaw pa lang ang nakakaalam sa sekreto kong 'yon. Kaya quiet ka lang, ha?"

Dalawang beses na tumahol lang siya. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita mumultuhin. Love kaya kita." Now Nemo started licking my face. Hindi ko mapigilan ang mapahagikhik dahil sobrang nakakakiliti ang ginagawa niya. "Ay grabe! Baka pagkain na tingin mo sa’kin." I said between giggling. "Tama na, kinakabahan ako sa pangil mo."

Malay ko bang si Nemo pala ang papatay sa akin. Traydor pala siya sa ending. Halea Salvatierre Fidalgo, nilapa ng aso, patay. Que horror! Mamatay na nga lang ako, nilapa pa ng aso.



NAKIPAGKITA ako kay Roan. Hindi ko na lang binanggit kay Psalm na umalis ako. Tahimik pa rin siya. 'Di ko na lang masyadong inusisa pa. Baka may problema lang sa trabaho. Nakahanap kami ng makakainan malapit lang din sa parke. Hindi ako pamilyar sa Consolacion kaya sumabay na lang ako kina Rona at Noreena kanina nang pumunta sila ng palengke.

Nagkita kami ni Roan sa Nanay Nida's BBQ Grill & Restobar. Dim ang ilaw ng buong restobar at wala rin gaanong tao. Siguro dahil weekdays pa naman. Maliit lang din ang bayan ng Consolacion at halos turista lang ang kasabayan namin.

"Akala ko hindi ka na magpapakita sa amin?" may pagtatampong tanong ni Roan. "Hindi ko na lang sinama muna si Criselle at masama pa ang loob nun sa’yo."

"Sorry, biglaan lang kasi ang lahat."

Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha niya. "Mukhang hindi ka masaya."

Mapait na ngumiti ako. "Masaya ako." Pero 'di naman 'yon umabot sa mga mata ko.

"Masaya ka nga ba?"

Pilit akong ngumiti. "Masaya ako. Alam kong magiging masaya rin ako Roan."

"Halea," inabot niya ang mga kamay ko at ginagap 'yon. "Naiintindihan ko kung bakit nagawa mo 'yon. Saksi ako sa mga panahon na itinago mo ang tunay na nararamdaman mo. Oo, kaibigan ko rin si Alyana at nasasaktan din ako na nasasaktan siya ngayon."

"Masama ba ang loob mo sa akin?"

"Alam kong mahal na mahal mo si Psalm. At hindi ko na hawak ang mga desisyon mo. Aaminin kong may bahagi ng puso ko na nasaktan dahil sa ginawa mo. Pero hindi naman kita pwedeng husgahan. Kung may mas nakakaunawa sa’yo 'yon ay ako 'yon dahil mas kilala kita at mas alam ko ang tunay na nararamdaman mo."

Naiyak ako sa sinabi ni Roan. Kahit saang anggulo tignan. Talagang mali ang ginawa ko. Pero hindi ko inakalang may mga tao pa palang nakakaunawa sa akin kahit na hindi ko sabihin sa kanila ang totoo.

"Ano ka ba," alo sa akin ni Roan. "Huwag ka ngang umiyak diyan. Hindi ko expected na magiging madrama tayo. Ilang buwan lang ako sa Maynila at 'di ko naman talaga alam na nag-shift ka na pala sa pagiging praning to emo. Kaloka ka, ha?!" Natatawang pinunasan ni Roan ang mga luha. "Kaya ayokong ma-in-love e.  Masakit sa bangs.”

"Babawiin mo rin 'yang sinabi mo kapag nagmahal ka."

"Hay naku! Sana huwag na lang dumating. Jus ko dae! Ayokong ma-e-stress.”

Hindi na namin namalayan ang oras. Napadami na rin ang order namin ng beer. Hindi kami umiinom pero ewan ko ba at gusto naming maglasing. Hindi ko pa naman sigurado kung gaano kababa ang alcohol tolerance ko. Pero I feel so light headed already. Ramdam ko na ‘yong tama ng alak sa sistema ko.

"Oy, ‘di nga, wala ba talagang nangyayari sha inyo ni Psham?" pangungulit pa ni Roan. Ilang beses na niya ‘yong tinatanong sa akin.

“Ano ka ba,” ramdam ko na ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko. Panay ngiti na rin ako which is very unusual of me when I’m down. Para bang lumulutang ang mga salita at impormasyon sa isip ko na ‘di ko mawari. “Huwag muna ka shi itanong ‘yan nang pahulit-ulit.”

Humagikhik si Roan. "’Di mo ako maloloko, Halea. Imposhibleng wala pa. Nagsashama kayo sa iisang bahay at kama.” Inabot niya ang isang braso ko. "Malalaman ko 'yan." Pinisil-pisil niya ang braso ko. Sandali pa ay tumili na si Roan na para bang kilig na kilig na nakita ang crush niyang artista. "Oh my gosh!" Pinaypayan niya ang sarili gamit ang mga kamay. "Hibinigay mo na nga! Kaloka ka dae!"

Binato ko lang siya ng tissue. "Gaga! Magtigil ka nga."

"Hahalandi mo. Ayaw pa humamin. Okay lang 'yan." Pumupungay-pungay ang mga matang sabi niya. "Kashal naman na kayo. Kahit ebredee pa 'yan. Push lang 'yan. Paweeer!"

“Baliw!” tawa ko. “Ang supportive mong kaibigan.”

"Ako pa! Hala, tagay pa tayo!” itinaas ni Roan ang isang kamay sa waiter. “Dalawang beer pa nga rito! Walang uuwi na hindi nalalasheng! Laban!”



Psalm

"HALEA pick up the phone."

Ilang ulit ko nang tinatawagan si Halea but she won't pick up her phone. Alas diez na ng gabi pero wala pa ring Halea sa bahay. Ang sabi ni Manang Belma ay sumama raw kina Noreena pero naka uwi na ang dalawa. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin. Gabing-gabi na. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?

I dialed her number again.

Again, she won't pick up her phone. Damn it! Saan ko naman hahanapin si Halea? Lumabas na ako ng bahay. Sakay ng motor ay pinuntahan ko ang mga lugar na pwedeng puntahan niya. Sabi naman nila Rona ay malapit lang daw naman sa park nila iniwan si Halea. Nagtatanong daw kung saan ang magandang kainan.

Tumigil ako sa park at iginala ang tingin sa buong paligid. Napansin ko ang sasakyan ni Kurt na na nakaparada sa harap ng isang restobar. Sikat din ang Nanay Nida's BBQ Grill sa Consolacion. Hindi malabong nandoon si Halea. Pinaandar ko ulit ang motor at nag-park sa harap ng restobar.

Pagpasok ko ay napansin ko agad si Halea. Mukhang lasing na lasing na siya pati na rin ang kasama niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko kung sino 'yon. Si Roan. Kaibigan din nila Alyana. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala mag-isa si Halea. Akmang lalapit ako sa kanila nang maunahan ako ni Kurt.

Naikuyom ko ang mga kamao. The nerve of this guy. Sinabing may asawa na ang tao. Lapit pa rin nang lapit.


Halea

NAGULAT ako nang lumapit si Kurt sa amin. Mukhang kararating lang niya. Lasing na talaga ako. ‘Di na ako makatingin nang diretso.

"Halea, mag-isa ka lang yata? Na saan ang –"

"Hoy!" duro ni Roan kay Kurt. "Anong mag-isa? Hindi mo ba ako nakikita? I'm here, okay? My anatomy is in front of you.”

Natawa lang ako. "Kurt, si Roan nga pala." Pakilala ko. Tumango-tango lang si Roan. "Kaibigan ko. Saka Roan, si Kurt. Anak ng mayor ng Consolacion."

"Ay iba! Anak ng mayor." Tumayo si Roan at nakipagkamay kay Kurt. Muntik pa itong matumba kung hindi ito naging maagap sa paghawak sa mesa. "Magandang gabi first son."

"I'm the second son."

"Okay, magandang gabi second son." Bungisngis pa ni Roan. "Madali naman po akong kausap."

"Halea," napatuwid ako ng upo nang marinig ang pamilyar na baritonong boses na 'yon. Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na 'yon ay binati ako ng seryosong mukha ni Psalm. "Umuwi na tayo."

"Oy! Psalm. Hello!" kaway pa ni Roan. "I missh yow."

"Lasing na kayong dalawa." Inalalayan na ako ni Psalm na makatayo. "Iuuwi na kita."

"Hey! Paano naman ako?" reklamo ni Roan.

Binalingan ni Psalm si Kurt. "Iuuwi mo muna si Roan."

"Seriously?" nanlaki ang mga mata ni Kurt. "My mom will kill me if I bring a woman in the house."

"May bahay ako sa San Atonio!" hirit pa ni Roan.

"Do you want me to drive you 'till the next municipality? Wow, no thanks."

"Arte naman nito. Magba-bush na lang ako."

"Ihatid muna Kurt."

"Do you trust me that much Psalm?"

"Alam ko namang ayaw mong ma headline sa dyaryo bukas. I’ll make sure your mother will cut all your credit cards when you screw this up." Tinapik ni Psalm ang balikat ni Kurt. “Call me, when she gets home safely before I hunt you down."

Napasinghap ako nang bigla akong pasanin ni Psalm. Umikot pa nang bahagya ang paningin ko. Dios ko! Lasing na talaga ako. Nahihilo na ako. Wala na akong maintindihan. Basta sumakay ako sa motor at mahigpit na pinayakap ako ni Psalm sa kanya bago niya pinaharurot ang motor.

Pero nasusuka ako. Mabilis na tinapik ko ang braso niya at sinenyasan siyang masusuka na ako. Ang lakas ng tama ng sikmura ko. Lalabas na siya. Ipinarada ni Psalm sa gilid ng kalsada ang motor. Bumaba agad ako para isuka lahat ng mga nakain ko. Napahawak ako sa mga tuhod ko. Ayoko na! Naluluha na ako sa pinagagawa ko. Hindi na ulit ako maglalasing.

Naramdaman ko ang pagtapik ng kamay ni Psalm sa likod ko.

"Maglalasing ka pa ba?"

Naiiyak na umiling ako. "A-Ayoko na." Iyak ko. "Mamatay na yata ako." Nanlalambot pa ang mga tuhod ko. Para bang ano mang maliit na kilos ay iikot ulit ang paningin ko. Parang hinuhukay ang sikmura ko. "Ayoko na talaga." Iyak na ako nang iyak. "H-Hindi na ako uulit."

"Sino ba kasing may sabing maglasing kayong dalawa ni Roan?"

"G-Gusto ko lang namang subukan. H-Hindi ko naman alam na..." hikbi ko. "Nababaliw na ako Psalm." Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. "I need help."

"Seeing you now, hindi na talaga kita hahayaang malasing." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para tulungan na makatayo pero hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. "Come on, umuwi na tayo."

"Gusto... Gusto ko lang naman na... magka-baby tayo..." Iyak na pag-amin ko. I feel so emotional right now. I just want to let this heavy feeling out in my chest. "T-Tapos dinatnan pa ako. Tapos hindi mo pa ako pinapansin nitong mga nakaraang araw. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko. Si Nemo naman 'di ako sinasagot kapag kinakausap ko. I feel so alone. W-Wala akong makausap. Nalulungkot ako.”

"Halea?”

"Paano ba kasi 'yang slow things mo? Bakit minsan nararamdaman ko ang layo mo pa rin sa akin? Tapos 'yang si Nemo kinain pa 'yong diary ko." Iyak ko pa rin. "Nakakainis, inaano ba kasi siya ng diary ko. Alam ba ni Nemo na kahit papel nasasaktan din? Wala ba siyang pakiramdam, ha?!"

Kumunot naman ang noo ko nang marinig ang malutong na tawa ni Psalm. Ang walangya! Tinatawanan pa ako. Ang sakit-sakit na nga ng pakiramdam ko.

"Ano ba, huwag mo nga akong tawanan." Nguso ko sabay alis ng mga kamay niya. Muntik pa akong mabuwal mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ulit ako ni Psalm. "Umiikot na naman ang planet earth. Paparating na ba ang mga Aliens?"

Lalo lang natawa sa akin si Psalm.

"You're hopeless Halea." Hinalikan niya ako bigla sa noo. "Saka na kita kakausapin kapag matino ka na."

"Matino naman ako e."

"No, honey, you're not." He cupped my face.

"Want proof?"

Tinaasan lang niya ako ng isang kilay. "Hmm?"

I look at him straight in the eyes. "I love you." He seem like he was taken aback. Pero dagli rin 'yong napalitan ng ngiti. Pinisil niya ang ilong ko.

"You wouldn't have the courage to say that when you're sober." Iniyakap niya ang isang braso sa akin at inakay ulit ako pasakay sa motor. "C'mon, let’s go home."

Pinaandar ulit ni Psalm ang motor. Isinandal ko ang mukha sa likod niya at niyakap siya nang mahigpit sa baywang. Ipinikit ko ang mga mata.

"Psalm…”

"Hmm?"

"Psalm chapter four verse seven.”

“What did I do to make you love me this much, Halea?”

I don’t know, why? But you always fill my heart with joy, Psalm.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE