Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Halea

"KUMAIN ka muna Halea."

"'Di pa ako gutom Psalm. Bantayan ko muna si Nemo."

Hindi ko magawang ngumiti man lang. Nitong mga nakaraang araw ay napansin namin na matamlay si Nemo. Lagi na lang siyang natutulog. Hindi na rin kumakain. Kahit anong pilit namin sa kanya ay umuungol lang siya na tila ba may masakit sa kanya na 'di niya masabi sa amin.

Nag-aalala na ako sa kondisyon niya kaya sinabihan ko si Psalm sa napansin kong pagbabago kay Nemo. Kanina ay dinala namin siya sa isang pet clinic sa bayan. At 'yon nga, sabi ng vet may gastric cancer daw si Nemo. The reason kung bakit ayaw niyang kumain. Masakit daw kasi para sa aso ang bawat pagkain na ini-intake ng body niya. Malala na rin daw. Kaya sobra kaming nagulat dahil hindi agad namin 'yon na pansin.

Isa pang rason ay matanda na din daw siya. Maliit lang ang life span ng aso. Lalo na sa uri ng breed ni Nemo. Ayon sa vet ay may minimum life span of 9 years lang ang mga Chow Chow dogs. Ma swerte na daw na makaabot sila ng 15 years. At dahil nga sampung taon na sa poder ni Psalm si Nemo ay 69 years old na siya sa edad ng mga kauri niya. Kaya nagkaroon na rin siya ng Glaucoma. Nanlalabo na ang mga mata niya at baka tuluyan na siyang hindi makakakita.

"Hayaan mo munang magpahinga si Nemo, Halea." Parang dinudurog ang puso ko habang nakatitig sa nakahigang si Nemo sa dog house niya sa sala. Mukhang hinang-hina na siya. Ilang beses na kumukurap-kurap siya na tila ba pilit niyang iminumulat ang mga mata. "Hindi makakabubuti para kay Nemo na makita kang nalulungkot."

Tinulungan akong makatayo ni Psalm mula sa pagkaka-upo sa sahig. Pinihit niya ako paharap sa kanya at masuyong pinisil ang mga balikat ko. Sinubukan niyang ngumiti pero alam ko na hindi 'yon umabot sa mga mata niya. Kung may higit mang nasasaktan sa kondisyon ni Nemo bukod sa akin ay si Psalm 'yon. Pilit lang niyang itinatago ang nararamdaman niya.

Sobra naman ang paninikip ng dibdib ko. Sa ilang buwang nakasama ko si Nemo napamahal na sa akin nang sobra ang asong 'yon. Kahit na takot ako sa aso ay siya lang ang kaisa-isang aso na napalapit sa akin. Kahit na lagi niya na lang akong inaaway at gustong sakmalin. Kahit na lagi niyang ipinaparamdam sa akin na kontrabida ako sa buhay niya at ng amo niya. Kahit na isa lang siyang aso, higit pa sa alaga ang turing ko sa kanya. Itinuring ko na siyang kaibigan. Kaya masakit para sa akin na isipin na... baka... ilang araw mula ngayon... tuluyan na kaming iwan ni Nemo.

"H-Hindi ko kayang iwan tayo ni Nemo, Psalm." Hindi ko mapigilang iyak. "Kahit na malaki ang galit sa’kin ng asong 'yan. Mahal na mahal ko pa rin siya." Niyakap ako ni Psalm. I buried my face on his chest. "W-Wala siyang karapatang iwan ako. Hindi ko siya hahayaang iwan tayo."

"Halea," naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa buhok ko. "Ayoko rin namang iwan tayo ni Nemo. He's been with me for a long time now. I would hate to see him go. Pero ayoko rin siyang mahirapan. Don't cry now. Let's be strong for Nemo."

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko. Sobra akong nasasaktan para kay Nemo. Iniisip ko na kung pareho lang ba kami ng nararamdaman ng mga oras na 'yon? 'Yong takot na alam mong ano mang araw mula ngayon ay maari ka nang mamatay. 'Yong alam mong ilang oras na lang ang natitira sa buhay mo.

Sa mga oras na 'yon pareho kami ni Nemo. Nemo can't speak or even voice out his pain. The same thing with me. Hindi ko magawang sabihin sa kanila ang totoo kong nararamdaman. Ang takot sa puso ko. Ang lungkot na bumabalot sa buong katawan ko. The curse is already a burden to my family. Ayoko nang dagdagan pa 'yon ng magpapabigat lang sa nararamdaman nila. And I can't even tell Psalm the truth.

My time is ticking. If he founds out about the curse, my life will be shortened. And who knows, kung ilang araw na lang ang kaya kong ipaglaban.

Or baka wala ng oras pang matira sa akin.



ILANG araw na ang dumaan at ganoon pa rin ang kondisyon ni Nemo. Kaya sinasamahan ko na lang siya. Ayaw na niyang tumayo o maglakad man lang kaya kinakarga ko na lang siya para naman mahanginan at maarawan naman ang tamad na aso. Kinakausap ko na rin para 'di naman maburyo. Busy kasi si Psalm kaya laging wala sa bahay. Hindi pa dumadating 'yong bagong makina na binili nila para mapabilis ang trabaho sa factory nila ng mga dried mangoes.

Maingat na ibinaba ko si Nemo sa picnic blanket sa garden. Malawak ang garden at punong-puno ng mga bulaklak at mga halaman. Maganda rin ang panahon. Hindi rin gaanong mainit. Isinuot ko ang shades sa mata.

"O, hayan Nemo," pinasuot ko rin sa kanya 'yong malaking shades na binili ko para sa kanya. "Dapat protektahan mo ang mata mo." Napangiti ako nang malaki. "Bagay! Mukha ka ng artista. Nagmukha kang aso." Masuyong tinapik-tapik ko ang ulo niya. Binuksan ko ang malaking payong at ipinuwesto 'yon sa itaas ng ulo ni Nemo para 'di kami mainitan.

Nag-init muna ako saka ako humiga sa tabi niya. Iniunan ko ang dalawang kamay sa likod ng ulo ko at pinakatitigan ang asul na asul na kalangitan at ang mahinang paggalaw ng mga ulap.

"Ang ganda ng mundo, diba, Nemo?" nakangiting sinulyapan ko siya bago ko ibinalik ang tingin sa langit. "Pero sabi nila mas maganda raw doon." Gamit ang isang diliri ay itinuro ko ang kalangitan. "Pero, sa tingin ko mas maganda pa rin dito.Alam ko namang maganda rin doon sa langit. Wala ng paghihirap. Lahat ay nasa ayos na. Pero ayoko pang pumunta doon. Alam mo kung bakit? Kasi nandito pa sila Mama, Papa at Kuya Mak. Si Psalm... ang mga kaibigan ko... sila Manang Belma. Saka nandito ka pa rin. Hindi ko pa kayo kayang iwan. Kaya huwag ka munang mamamatay. Sabay na lang tayo." Natawa ako. "Joke!"

Silence.

"Alam mo ba, noong nalaman kung may taning na ang buhay ko sobra akong nalungkot. Sa araw-araw na gumigising ako hindi ko magawang maging masaya. Kasi naisip ko, what's the point of being happy? Sa lupa rin naman ang bagsak ko. Na mamamatay rin naman ako. I deprived myself with things that would make me happy. Kasi natatakot akong masanay. Na baka hanap-hanapin ko na. Inalagaan ko sa puso ko ang sumpa. Hinayaan kong ikulong ako ng lungkot at awa sa sarili dahil sa sumpang nasa dugo ko."

"In between my life and death situations, doon ko na realized na mali ako. Kasi, diba? Mamamatay na nga ako. Pinapatay ko naman ang sarili ko kahit buhay pa ako. Instead of living my life to the fullest. I ended up living a life in darkness. 'Yong walang saya. Puro na lang kalungkutan at self pity." I glanced at Nemo and smiled. "Kaya, nagbago ako. Naging matigas ang ulo ko. At ang sabi nila, anak, bakit ka nagkaganyan?" Natawa ako sa sarili kong joke. Kaso, ang pangit pala. Pero hindi ko naman magawang alisin ang ngiti sa mukha ko. "Kaya Nemo, huwag kang malungkot. Nandito lang ako." Tumagilid ako ng higa para magkaharap na kami ni Nemo. "Hindi ka nag-iisa." Hinaplos-haplos ko ang katawan niya. "Alam kong mahirap pero kung kaya mo pang lumaban. Lumaban ka, ha? Huwag ka munang susuko. Laban lang tayo!"

Naglapat ang mga labi ko sa pagpipigil na huwag maiyak. Nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. Ni minsan, hindi ko naisip na sobra akong masasaktan ng dahil lang sa aso.

"At dahil diyan may regalo ako sa’yo." Bumangon ako at ibinaling ang katawan sa basket na dala ko. Kanina may nakita akong sunflowers sa palengke. Kumuha ako ng isa at pinutol ang tangkay nun saka ako bumaling ulit kay Nemo. "Tadan!" malaki ang ngiti na pinakita ko sa kanya ang bulaklak.

"Tatlo lang ang binili ko kasi sobrang mahal pala. Alam mo naman 'di ako mayaman. Wala rin akong trabaho. Umaasa lang ako sa asawa ko." I chuckled before tucking the sunflower on his ear. "Pasensiya na, at isa akong dakilang dukha. 'Yan! Bagay na bagay pala sa’yo e. Oy isang daan 'yan. Napagastos pa ako ng 300 pesos para lang sa tatlong sunflower. Hindi na kita sisingilin dahil kusang loob ko namang binili 'yan."

Kumuha rin ako para sa sarili and tucked the sunflower behind my ear para same kami. Kinuha ko rin ang polaroid camera ko. "Nemo, picture tayo. At dahil napapansin kong tamad ka na nitong mga nakaraang araw. O, sige na. Ako na ang mag-a-adjust." Inihiga ko nang bahagya ang sarili para magkasya naman kami sa lens ng camera. "Nangangawit na braso ko. Dios ko! Wait lang. Hayan. Smile Nemo!" Nagulat ako sa pag-flash ng camera kaya napapikit ako. At sure akong nakapikit din ako sa picture.

Tama ako. Nakapikit nga ako. Mukha pa akong tanga. "Ay! Wait." Pinaypay ko pa ang film para mas maging malinaw. "Ay kaloka! Tignan mo Nemo." Pinakita ko sa kanya ang film. Tawa na ako nang tawa this time. "Nakapikit ka rin. It's atay and kidney! Cute! Isa pa. Huwag kang pumikit, ha? Walang pikitan. On my count. One. Two. Three. Smile!"

Bali naka tatlong pictures lang kami. Ang mahal pala ng film. Magtitipid muna ako. Ang layo pa naman ng bayan.

"Tignan mo Nemo! Ganda-ganda natin dito oh."

"Nemo is a boy, Halea."

Gulat na napalingon ako sa sa nagsalita. "Psalm!"

Naupo si Psalm sa tabi ko. "Kung saan-saan ko kayo hinanap. Nandito lang pala kayong dalawa." He squinted his eyes at me na para bang may ginagawa kaming masama ni Nemo. "Nagdi-date kayong dalawa kapag wala ako. Mga taksil."

Napamaang ako. "Ay grabe siya."

Natawa si Psalm. "Joke lang." Kinuha niya ang natitirang sunflower at punutol din ang tangkay nun saka inilagay sa likod ng isang tainga niya. Now it was my turn to laugh. Humarap siya sa’kin. "Bagay ba?" tanong niya sa malanding boses ng babae.

Lalo lang akong natawa. "Nahihindik ako sa boses mo." Umakto akong kinalibutan. "Huwag mo ng ulitin, ha? Pero in all fairness, bagay nga sa’yo."

Lumapad ang ngiti ni Psalm. "Picture tayo." Tumayo si Psalm at lumipat ng puwesto. Tumabi siya kay Nemo. "Umisod ka nang konti, hon." Agad na tumalima naman agad ako. Now, Nemo's in between us. Maingat na kinarga ni Psalm si Nemo. "Lapit ka na ngayon sa amin." Mabilis na lumapit ako.

Inabot ko ang polaroid cam at itanaas 'yon sa ere. "Psalm, idikit natin sabay ang mukha kay Nemo para magkasya tayo." Nag-thumbs up si Psalm kahit na medyo nahihirapan. Ngumiti ako. "On my count, ha? One. Two. Three. Say Nemo!" kasabay ng pag-flash ng camera ay ang malaking ngiti naming dalawa ni Psalm.

Pagtingin ko sa picture ay sobrang nagandahan ako. Naluluhang natawa ako. Hindi ko inasahang magagawa pa niyang ilabas ang pangil niya na nami-miss ko na mula sa kanya. Sa ilang araw na matamlay siya. Hindi na niya nagagawang i-bash at isabotahe ako sa pag-isa-isang pagkagat niya sa mga pahina ng diary kong nahahanap niya lagi. O ang taholan ako bilang pantakot sa akin o pagsagot sa mga tanong ko sa kanya. Isa sa nami-miss ko ay ang paglabas ng mga pangil niya sa akin kapag naiimbyerna siya sa akin.

"Maganda."

"Ayokong umiyak." Mabilis na pinahid ko ang mga namuong luha sa gilid ng mga mata ko. Pero, ang sakit talaga ng dibdib ko. Ang hirap huminga. "Hindi ako iiyak."

Inakbayan ako ni Psalm. "I can see that Nemo is happy... with you."

"T-Talaga?"

Tumango si Psalm. "I've been with him for 10 years. At kahit na mapili siya sa mga taong nilalapitan niya ay ikaw lang ang pinaka-ayaw niya na lagi niyang sinusundan at nilalapitan. If Nemo can talk, I believe, sasabihin niya sa’yong... I hate the fact that I love you."

Napatitig ako sa mga mata ni Psalm. Ilang segundo rin siyang napatitig sa akin pero madali niya lang ibinaling sa ibang direksyon ang tingin niya.

"Wala ba kayong dalang pagkain? Nagugutom na ako." Pag-iiba niya.

Hindi ko alam kung bakit iba ang nakita kong emosyon sa mga mata niya kanina. Sa ilang segundo na 'yon, mabilis na iniwas ni Psalm ang tingin sa akin. May ibig sabihin kaya ang sinabi niya sa akin? Ay hindi. I shook the idea in my head. Masyado ng naiinitan ang utak mo Halea. Walang ibang kahulugan ang kakaibang reaksyon na 'yon ni Psalm.

Okay kayong dalawa.

Period.


Alyana

"HINDI mo naman na kailangan akong ihatid hanggang sa bahay Makisig." Panay ang tingin ko sa paligid. Ang kulit kasi nitong lalaking 'to. Talagang hinatid pa ako hanggang sa labas ng bahay namin. Baka maabutan pa siya ni nanay. "Sige na umalis ka na." Bahagya ko siyang itinulak.

"Ewan ko ba naman kung bakit lapitin ka ng masasamang loob. Pinanganak ka yatang malas." Walang ka emo-emosyong sagot ni Makisig sa akin.

Napamaang ako. "Wow, ha?! Na touch naman ako sa sinabi mo."

"I was just joking." Sumilay ang ngiti sa mukha ni Makisig. Ngiting once in a blue moon lang na lumabas sa mukha niya. And I won't deny the fact that his smile could swoon any woman's heart. Gwapo talaga siya. Lalo na kung nakangiti. "I'll go ahead."

Hindi ko alam kung anong status namin ni Mak. Hindi ko rin masasabing magkaibigan kami dahil lagi pa rin kaming nag-aaway. Siguro civil lang kami sa isa't isa. Isa pang ilang beses na niya akong naililigtas. Aaminin kong masakit pa rin sa akin ang ginawa ni Halea at ang pamilya nila sa akin pero hindi ko alam kung bakit natatabunan ng pagka-aliw ang galit ko kapag si Makisig ang kasama.

"Alyana?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si nanay na papalapit sa amin. Napatingin din siya kay Makisig na papasok na sa sasakyan niya. Napalunok ako ng wala sa oras. Sa itsura ng mukha ni nanay ay mukhang hindi siya masaya sa nakita niya.

"Nay!”

"Magandang gabi po Nay Belen." Pagbati ni Makisig kay Nanay. "Inihatid ko lang po si Alyana dahil madilim na."

Hindi ko maiwasang kabahan nang sobra-sobra dahil titig na titig lang si nanay kay Makisig. Hindi niya naman siguro isasampal sa mukha ni Makisig ang dala niyang bayong na punong-puno ng mga pinamalengke niya.

"Salamat kung ganoon." Sa wakas ay sagot ni nanay. "Mag-ingat ka sa pag-uwi mo." At salamat sa Dios dahil hindi ibinato ni nanay ang mga patola kay Makisig. Nakahinga ako nang maluwag.

"Salamat ho, nay.”

Huling beses pa na tinignan ako ni Makisig bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan niya at umalis. Lumapit naman si nanay sa akin.

"Mano po, nay." Nagmano ako kay nanay. "Tulungan ko na po kayo." Akmang kukunin ko sa kanya ang isa pang bayong nang pigilan niya ako.

"Huwag na." Naingat ko ang tingin kay nanay. "Kaya ko na. At saka isa pa, may dala ka pa. Baka mahulog mo pa 'yang lesson plan at gamit mo. Pumasok na tayo."

"Nay wala hong ibig sabihin 'yong nakita mo –"

"Totoo pala talaga ang sabi-sabi nila Minda at Lene na lagi na kayong magkasama ni Makisig."

"Nay –"

"At hanggang kailan mo ililihin sa’kin 'yan Alyana?" ibinaba ni nanay ang mga pinamalengke niya sa lamesa sa kusina.

"Wala naman ho kaming relasyon ni Makisig, Nay. Nagkataon lang na nandiyan siya kapag nalalagay ako sa panganib."

"Hindi naman sa pinagbabawalan kita, anak." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Sobra kang nasaktan dahil sa ginawa ng pamilya nila at ni Psalm sa’yo. Ang akin lamang ay, ayokong masaktan ka ulit dahil sa pamilya nila. Kailanman ay hindi ako tumutol sa relasyon n'yo ni Psalm dahil nakita ko naman na seryoso siya sa’yo kahit na nanggaling siya sa mayamang pamilya at anak siya ng dating mayor ng San Antonio. Hindi na ako nangialam sa buhay n'yong dalawa. Tahimik lang ako nang maghiwalay kayo ni Psalm. Pero alam ko, sobra kang nasaktan doon, anak. Ina mo ako. Ramdam ko ang sakit kahit 'di mo pa sabihin."

Lumapit si nanay sa akin. "Nay?" inabot niya ang dalawa kong kamay saka 'yon masuyong pinisil.

"Hanggat maari ay iwasan mo ang mga taong magdadala lang sa’yo ng sakit."

Ngumiti ako kay nanay. "Huwag kayong mag-alala Nay. Wala ho kami sa lebel na iniisip n'yo. Hindi ko rin masasabing magkaibigan kami ni Makisig. Kaya imposible po ang iniisip n'yo. At sa tingin ko ay malabo rin hong magkagusto ang isang Salvatierre sa isang katulad ko. Wala ho din akong planong magmahal ng isang Salvatierre o ng Fidalgo ulit. Tama na ho ang isang pagkakamali Nay. Tanga na po ako kung uulit ako sa isang pagmamahal na imposible."

"Alyana, anak."

"Huwag na ho kayong mag-aalala sa akin Nay. Kaya ko ho ang sarili ko." Niyakap ko siya. "Malakas po kaya ang anak n'yo. Saka isang buwan lang naman na sub bilang HELE teacher sa elementary si Makisig. Naka maternity leave po kasi si Ma'am Krystel."

Biglang nawala ang ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang apektado ako sa katotohanang kailanman hindi ako magugustuhan ni Makisig. Bakit bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko?

"Pwede ba 'yon, anak? Diba hindi naman teacher si Makisig?"

Ibinalik ko ang ngiti sa mukha bago kumalas ng yakap kay nanay

"Isang buwan lang naman, Nay. At saka, may mastery degree po sa agriculture at home economics si Makisig."

"Ah ganoon pala 'yon. Mukhang matalino talaga ang batang 'yon."

"Siguro nga po,” tipid akong ngumiti. “Magbibihis lang muna po ako.”

Tumango lang siya saka ako pumanhik sa itaas. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ko ay mabilis na naisandal ko ang likod sa katawan ng pinto. Ilang segundo akong nakatulala. Bumalik sa isipan ko ang na isip ko kanina.

Hindi! Nababaliw ka na Alyana. Umayos ka riyan! Walang puwang ang isang Makisig sa buhay mo. Wala! Wala! I shook the idea out of my head.

Ibinaba ko ang gamit sa mesa sa kwarto ko. Kumunot naman ang noo ko nang mapansing naka ilang missed call na naman si Psalm sa akin. Marahas na napabuntong-hininga ako.

Ano bang dahilan mo Psalm at tawag ka pa rin nang tawag? Natutop ko ang noo. May asawa ka na. Tapos na tayo. Akmang tatanggalin ko na sana ang battery ng cellphone ko nang mag-pop up sa screen ang message ni Makisig. Mabilis na binasa ko 'yon.

Akla ko tlga ihahampas na sken ng nanay mo ang dala nyang bayong kanina. Thnk God! 'di na pla kta ihhtid sa inyo. Bka d nko abutan ng umaga. Goodnyt Aly. – Makisig Pangit

Hindi ko alam pero imbes na maasar ay natawa lang ako. Nai-imagine ko pa ang seryosong mukha niya habang nagta-type ng message. Pati na rin ang walang ka emo-emosyong boses niya ay naririnig ko habang binabasa ang text.

Ngayon mo sabihin Alyana na ‘di ka affected sa lalaking ‘yan. Ay ewan!


Halea

NANLAKI ang mga mata ko nang makita ang ilang patak ng dugo sa sahig. Pag-angat ko ng mukha ay hindi lamang sa bahagi na 'yon ang may dugo.

“Nemo!” singhap ko.

Tumahip ang dibdib ko at binalot ako ng takot. Sinundan ko ang mga patak ng dugo hanggang sa makarating ako sa garden. Ganoon na lang talaga ang gulat ko nang makitang walang malay na nakahiga si Nemo sa damohan. Punong-puno ng dugo ang bibig niya na kumalat na sa makapal na balahibo niya.


"Nemo!" iyak na sigaw ko. Mabilis ko siyang dinalohan at niyakap. Iyak lang ako nang iyak habang hinahaplos ko ang katawan niya. Sinubukan kong punasan gamit ng isa kong kamay ang mga dugo. "Psalm! Psalm si Nemo!" Hysterical ko nang sigaw dahil 'di ko na maramdaman ang paghinga niya. “Manang Belma! Psalm! Tulungan n’yo si Nemo. Nemo, please gumising ka. Gumising ka naman oh. Huwag mo muna kaming iwan.”

"Halea!" hinihingal na napahinto sa may hamba ng pinto si Psalm. Gulat ang ruhimistro sa mukha niya. "N-Nemo," he stuttered as if he couldn't believe what was happening.

"Psalm si Nemo." I sobbed. "A-ayaw na niyang gumising. H-hindi na siya humihinga."

"Dios ko!" natutop ni Manang Belma ang bibig. "Anong nangyari kay Nemo? Tatawagin ko si Berto. Ipapahanda ko ang sasakyan.” Mabilis na umalis si Manang Belma.

Lumapit naman si Psalm. Lumuhod siya sa tabi ko. Inihilig niya ang ulo ko sa dibdib niya saka ako niyakap. Iyak pa rin ako nang iyak.

“Psalm si Nemo,” hikbi ko. “I-Iniwan na tayo ni Nemo.”

“Tahan na,”

"Psalm," sobra-sobra ang paninikip ng dibdib ko. Para bang sasabog na 'yon kung hindi ko pa ilalabas lahat ng nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. "B-Bakit si Nemo pa? Bakit kailangan pa niyang mamatay?”

"Tahan na, Halea. Huwag ka ng umiyak. Hayaan na nating magpahinga si Nemo." Rinig na rinig ko ang pag-garalgal ng boses ni Psalm. “He’ll be fine now.”

"N-Nemo," iyak ko pa rin. Hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. Nasasaktan ako para kay Nemo. "Nemo…”

"Everything will be alright. Trust me."


Psalm

NAABUTAN kong naglilinis si Manang Belma sa dining table.

“Si Halea?” agad na tanong ko nang hindi ko siya makita sa sala at sa kusina.

Natutulog pa si Halea nang iwan ko kanina. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng isang pitsel na tubig. Inabutan naman ako ng baso ni Manang Belma. Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso at sinaid ang laman nun.

Alas singko pa lang ng madaling araw ay kinailangan ko nang lumuwas ng bayan dahil nagkaproblema ang delivery truck na maghahatid sa mga mangga sa bayan at sa San Antonio. Ginamit na muna namin ang sasakyan ko. At umarkila ng dalawa pang pick up truck.

Alas nuebe na ng gabi nang makabalik kami ng Consolacion. Mag-a-alas diez na rin.

"Naku, ayaw kumain. Hinatiran ko na lang ng pagkain sa kwarto. Nag-aalala na ako sa batang 'yon. Simula nang mamatay si Nemo naging matamlay at tahimik na si Halea. Ni hindi nga makalapit sila Noreena at Rhona dahil laging may malalim na iniisip."

Hindi pa rin kaya siya kumakain hanggang ngayon? “Salamat po Manang,” tipid akong ngumiti sa matanda. “Ako na ho ang bahala kay Halea. Magpahinga na ho kayo.”

“O, siya sige, maiwan ko na kayo dito. May ininit akong mga pagkain kanina. Kapag nagutom kayo, nasa kusina lang.”

"Sige ho, salamat." Akmang aalis na ito nang may maalala ako. "Ay Manang, may itatanong ako."

"Ano 'yon, hijo?"

"Naalala n'yo po ba 'yong lumang shoe box doon sa kwarto ko? Nawala kasi. Nakita n'yo ba?"

Ilang segundong inaalala ni Manang ang bagay na hinahanap ko. "'Yong itim na shoe box?"

Tumango ako."'Yong may mga pictures namin ni Nemo."

"Ah oo! Naalala ko. Naibaba ko pala sa opisina ng papa mo. 'Di ko lang sigurado kung saan pero mukhang nailagay ko 'yon sa itaas ng isa sa mga book shelves na nandoon."

"Okay, I'll look for it later. Thanks. Ingat sa pag-uwi manang."

Umakyat na ako sa kwarto namin. Pagkabukas ko ng pinto ay binati ako ng kadiliman at katahimikan. Kahit lamp shade ay nakapatay rin. Gamit ng cell phone ay lumapit ako sa kama. Pina-ilaw ko ang lampshade para lubos na makita ang mahimbing nang natutulog na si Halea. Mukhang buong araw na naman siyang umiiyak. Kahit tulog ay kapansin-pansin pa rin ang pamumugto ng mga mata niya.

Mapait na napangiti ako.

"It must have been hard for you." Masuyong hinaplos ko ang mukha niya at pinahid ang natitirang mga luha sa mga pisngi niya. "Magpahinga ka na lang muna." Ibinaba ko ang mukha para magawaran siya ng halik sa noo.

Tumayo ako at inayos ang kumot niya. Isang beses pang tinignan ko ang mukha niya bago ako umalis. May kailangan lang akong hanapin. 'Di ko sigurado kung saan ko na itago ang mga pictures ni Nemo noong bata pa siya. I wanna share that happy memories I have with Nemo to Halea. Kahit na wala na si Nemo ay alam kong mapapangiti pa rin nun si Halea.

I missed her smile. I can't help but sighed. Inilibing namin si Nemo katabi lang sa cabin. Ang pinaka paboritong lugar ni mama sa hacienda. Simula nang mailibing si Nemo ay hindi na umaabot sa mga mata ni Halea ang ngiti niya. Sobrang nasaktan siya sa pagkamatay ni Nemo.

Kahit na ako, hanggang ngayon ay halos hindi pa rin ako makapaniwala na wala na nga si Nemo. I would really missed that stubborn dog.

Bumaba ako sa lumang opisina sa mansion. Matagal nang hindi nagagamit ang silid na iyon. Madalas ang ama ko roon. Pero nang lumipat kami sa San Antonio nang mamatay si mama ay hindi na 'yon nagagamit.

Kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader at in-on 'yon. Bumungad sa akin ang malinis na opisina. Mukhang nililinis naman pala iyon ni manang kaya wala akong makitang ni isang alikabok at cobwebs. Pumasok na ako at dumiretso sa mga book shelves na naroon.

Inangat ko ang ulo sa itaas ng mga bookshelves. May iilang shoe boxes na naroon. In fact, may dalawang black na shoe box na magkatabi. Alin naman kaya sa dalawa na 'yon ang akin?

"Well, there is no harm in trying." Inabot ko ang sa tingin ko ay ang shoe box na hinahanap ko. Nahirapan ako nang konti dahil medyo mataas ang pinaglagyan nun. I extended my hands para tuluyan nang mahawakan ang box nang masagi nun ang isa pang itim na box. Nauna 'yong mahulog at kumalat ang laman nun sa sahig.

"Damn," mabilis na lumuhod ako sa sahig para maibalik ang mga gamit sa box nang maagaw ng isang lumang larawan ang pansin ko. "Ano 'to?" sumilip ang isang lumang larawan na mukhang isinilid sa lumang libro. Natatakpan ng nakatiklop na papel ang kalahati ng larawan. Mukhang luma na rin ang papel dahil naninilaw na.

Inalis ko ang papel at ganoon na lang talaga ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa larawan. I couldn't believe it with my own eyes. Nanginginig na inabot ko ang lumang larawan. Totoo ba talaga 'to? Imposible namang ako ang nasa larawan. Tiyak akong, larawan ‘yon ng ama ko.

Laging sinasabi nila na kamukhang-kamukha ko ang ama ko noong kabataan niya pero hindi ko inasahan na ganoon pala kalaki ang pagkakahawig namin sa isa't isa.

Pero sino ang babaeng kasama ng ama ko sa larawan? Naka puting bestida ang babae at may alon-along buhok. Malaki ang ngiti ng ama niya at ng babae.

Pero bakit malaki ang hawig ng babae sa larawan kay Halea?

Sino siya?

Naibaling ko ang atensyon sa nakatiklop na papel. I immediately unfolded the paper. At hindi ko inasahan ang laman ng sulat na 'yon.

Tuluyan na akong napasalampak ng upo sa sahig.

God, this can't be real.

Mahal kong Regina,

Mali mang maituturing ang lahat pero paniwalaan mong tunay ang nararamdaman ko sayo. Mahal na mahal kita Regina. Kaya kong talikuran ang lahat para sayo. Hindi ko kakayaning mawala ka sa buhay ko. Ikamamatay ko iyon. Handa kong iwan ang karangyaan para sa'yo at talikuran ang sarili kong pamilya...



"EXPLAIN this to me!" I said with gritted teeth. Humigpit ang pagkakahawak ko sa sulat saka ko iyon itinapon sa harap ng ama ko. Kumalat ang lumang papel at ang larawan na kasama sa sulat sa sahig.

Nagulat siya sa ginawa ko.

"Psalmuel!"

"Siya ba ang babae mo?! Ang babaeng pinagpalit mo sa sarili mong pamilya?!"

"Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo Psalmuel."

"Bakit?! Dahil totoo? Tita ni Halea ang kalaguyo mo."

"Enough of that Psalm."

"At dahil hindi natuloy ang love story n'yong dalawa kaya pati sariling buhay ng anak mo sinira mo para lang mapagbigyan ang sarili mo." Puno ng galit na sabi ko. "Masaya ka na ba? Naging pamilya mo pa rin ang pamilya ng kabit mo."

"Hindi ko kabit si Regina! Tumigil ka na Psalmuel. Wala kang alam."

"Ano bang hindi ko alam, Pa? You left us and chose that woman over us. When that woman died you came back like nothing happened. Mama accepted you with all her heart and forget everything you did to us and forgave you. Pero ni minsan hindi ko nakitang umabot sa mata ni Mama ang ngiti niya. I always see her crying silently in her room habang nagpapakasaya ang asawa niya sa ibang bagay. I bet, mas naging masaya ka nang mamatay si Mama dahil wala nang pabigat sa buhay mo –"

"Tumigil ka na Psalmuel!"

"Bakit? Takot ka bang marinig ang mga katarantaduhan mo bilang asawa at ama? You were never a good husband to Mama. You were never a father to me. You're too selfish to even think of other people aside from your own happiness. Sarili mo lang laging ang iniisip mo."

"Enough! You can think whatever you want."

"And I can do whatever I want."

Nanlaki ang mga mata ng ama ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"You made the lives of the people I love miserable. Now, it's my turn."

"Anong binabalak mong gawin Psalmuel?!"

"I'll make sure you regret everything you did to us, to Mama and to Alyana. Sisiguraduhin kong magdudusa rin ang lahat ng mga taong importante sa’yo."

"Don't you ever think of hurting Halea. She has nothing to do with what I've done to your mother –"

"Try me,"

Mabilis na tinalikuran ko ang ama at naglakad palabas ng opisina niya.

"Psalmuel! Huwag na huwag mong sasaktan si Halea."

Too late for that father. I intend to hurt her in the first place. And now is the perfect time to end everything.

"Psalmuel!"


Halea

"PSALM –" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong siniil ng halik ni Psalm sa mga labi. Nalasahan ko mula sa kanya ang alak. Bahagya kong itinulak siya mula sa mga balikat. "Psalm lasing ka ba?"

Tumaas lang ang isang gilid ng labi niya. Pumupungay ang mga matang ngumiti siya. "Hindi ako lasing. Nakainom lang ako nang konti." Hinapit niya ako sa baywang palapit sa kanya. Nailapat ko ang mga palad sa dibdib niya. Tumaas ang isang kamay niya para ilagay sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa gilid ng mukha ko.

"Kumain ka na ba?" pag-iiba ko.

Umiling siya. "Pero hindi ako gutom." Bumaba ang mukha niya sa leeg ko. Giving me butterfly kisses there. "I’m craving for my wife." Tumaas ang halik niya sa panga ko. "I want you." Hinuli niya ang mga labi ko at marubdob na hinalikan.

"P-Psalm," anas ko sabay ganti ng halik. Bigla niya akong kinarga nang hindi pinuputol ang halik. I securely locked my legs around his waist and hugged him tight as we hungrily kissed each other.

Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa malambot na kama. Psalm straddled on top of me. Kumalas muna siya para tanggalin ang damit niya. Mabilis naman ulit na bumaba ang mukha niya para halikan ulit ako sa mga labi habang naglilikot ang mga kamay niya sa ibang parte ng katawan ko. Mapusok at marahas ang klase ng paghalik niya sa akin. Madiin at may pwersa. Isa-isa naman niyang tinanggal ang mga damit ko hanggang sa tuluyan na nga kaming walang saplot sa katawan.

Napuno ng halinghing at ungol ang buong silid. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba sa pag-angkin sa akin ni Psalm. Tila kapareho iyon nang unang may mangyari sa amin sa cabin. Marahas at tila may galit. O baka, dahil parehong lasing ang Psalm noon at ngayon.

Napasinghap ako nang bigla na lang niyang ipasok sa loob ko ang kanya. Napaluha ako dahil sa sakit at pagkakabigla. Bumaon ang mga kuko ko sa mga balikat niya.

"P-Psalm?" mahinang ungol ko habang patuloy lang siya sa pag-ulos sa loob ko. Nasasaktan na ako. Pero tila hindi ako naririnig ni Psalm. Patuloy pa rin siya sa paglabas-masok sa loob ko. "P-Psalm," iyak ko pero hindi pa rin ako pinakinggan ni Psalm.

A-Anong nangyayari?

Ilang beses pa akong inangkin ni Psalm ng gabing 'yon. Paulit-ulit nang hindi man lang pinapansin ang nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Sa ilang beses na pagniniig namin. 'Yong una at ang ngayon ang sobrang nasaktan ako. Mas maintindihan ko pang magalit siya sa akin noon kaysa sa ngayon. Hindi ko alam kung bakit biglang naging marahas si Psalm ngayon.

Tumagilid ako ng higa at tahimik na umiyak.

Sana lamang ay hindi tama ang kutob ko. Hindi ko yata kakayanin ang pagbabalik ng dating Psalm na kinasusuklaman ako.



"I NEED to talk with you." Mabilis na nagtago ako sa gilid ng hagdanan nang marinig ang boses ni Psalm. May kausap siya sa cell phone sa sala. "Alyana, please. Just listen to me first. We need to talk." Biglang tumambol nang malakas ang tibok ng puso ko. Magka-usap sila ni Alyana? Pero bakit? "Thanks. I promise. Everything will be okay. Don't worry."

Anong pinag-uusapan nila? Napahawak ako sa harapan ng damit ko. Unti-unting naninikip ang dibdib ko. Alam kong may mali. Ang kagabi. Noong isang araw pa. Napapadalas din ang pag-alis ni Psalm at hindi man lang niya sinasabi kung saan siya pumupunta. Kinakabahan ako.

Buong araw ko na lang na inabala ang sarili ko sa pagpipinta. Paminsan-minsan ay natutulala ako sa harap ng canvas hanggang sa naghahalo-halo na ang kulay sa pinipinta ko. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kakaibang ikinikilos ni Psalm.

Alam kong may taning din ang relasyon namin. If I die, Psalm wouldn't have a problem. If I live, decision pa rin ni Psalm kung gusto niya pa rin akong manatili sa buhay niya o hindi. I wouldn't have any choice but to give him back to Alyana. Diba, 'yon naman talaga ang plano? Ang tuluyang mawala sa buhay ni Psalm.

Pero bakit sobra na ang sakit sa tuwing naiisip ko pa lang 'yon? Mas gugustuhin ko na yatang mamatay kaysa ang mabuhay na wala si Psalm sa buhay ko. Kaya ayokong masanay. Kasi baka hanap-hanapin ko na hanggang sa hindi ko na kayaning lumayo pa.

Hindi ko namalayan ang pag-alpas ng mga luha ko sa mga mata. Tuluyan na akong napahikbi. Nabitiwan ko ang hawak na paint brush at napayuko.

Hindi pa nga ako tuluyang nakaka-move on sa pagkawala ni Nemo. Mukhang may isang tao na namang mawawala sa buhay ko.

"P-Psalm..." I silently sobbed.



MATAMLAY na pumanhik na ako sa silid namin ni Psalm. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng katawan ko. Tila pagod na pagod ako. Siguro dahil sa bigat ng nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Naupo ako sa gilid ng kama at tinignan ang screen ng cell phone ko kung saan naka wallpaper ang mukha naming tatlo ni Nemo at Psalm.

Mapait na napangiti ako. Gabi na pero ni isang text wala man akong natanggap mula kay Psalm. Dati naman ay nagti-text siya kung gagabihin siya o kung itatanong niya sa akin kung kumain na ba ako o kung okay lang ba ako sa bahay. Ilang araw na ring naging malamig si Psalm sa akin.

Kumunot ang noo ko nang mapansin ang naka usling itim na bagay sa ilalim ng kama na kung hindi ako nagkakamali ay wallet ni Psalm. Naiwan niya ang wallet niya? Yumuko ako at kinuha 'yon. Pagbukas ko ng wallet ay mukha ni Psalm at Alyana ang nakita ko. Bigla akong naghina dahilan para mabitiwan ko ang wallet.

Sobra-sobra ang paninikip ng dibdib ko nang mga oras na 'yon. Nararamdaman ko na naman ang panginginit ng gilid ng mga mata ko.

Kung si Alyana pa rin, bakit pinaparamdam sa’kin ni Psalm na mahal niya ako? Tila doon ako natigilan. Oo nga pala. Ni minsan hindi ko pa narinig mula kay Psalm ang salitang mahal kita o I love you man lang.

"Let's talk Halea."

Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko nang marinig ang boses ni Psalm. Naibaling ko ang tingin sa kanya. Sa ekspresyon ng mukha niya mukhang alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Bumaba ang tingin ko sa hawak-hawak niyang long brown envelope.

"M-Makikinig ako Psalm."

Nahihirapan kong tugon.

"I can't do this anymore." Naikuyom ko ang mga kamay sa itaas ng mga hita ko. Pigil ang mga luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko. "I can't love you Halea. I tried but I can't. I don't wanna to pretend that I do. My heart is still with Alyana. Maghiwalay na tayo hanggat hindi pa natin nasasaktan ang mga sarili natin."

Humugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko kaya 'yong sakit na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Parang sasabog na ang dibdib ko. Sobra-sobra 'yong sakit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanong kung bakit Psalm? Pero alam ko na wala akong karapatang itanong sa’yo 'yon dahil ako ang unang sumira sa buhay n'yo ni Alyana. Pero ang sakit talaga. Gusto ko nang mamatay nang mga oras na 'yon. Para hindi ko na maramdaman pa ang sakit.

Marahang tumango lang ako. "I-Iwan mo na lang 'yan diyan."

"I'm sorry," ipinatong niya ang long brown envelope sa itaas ng kama. Hindi ko magawang tignan ang pagtalikod niya sa akin.

Narinig ko na lamang ang papaalis na yabag ng mga sapatos niya at ang marahang pagsara ng pinto. Bumuhos lahat ng kinikimkim kong sakit at tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Maghihiwalay na kami ni Psalm. Mawawala na rin ang pag-asa kong mabuhay. Naalala ko sila Mama at Papa. Si Kuya Makisig. Binigo ko sila.

Pero hindi ko kakayanin na sirain pa ang buhay ng taong mahal ko.

"P-Patawarin n'yo ako Ma, Pa at Kuya Mak. I tried but I couldn't bear seeing Psalm miserable because of me. I want to give him his happiness. I've had enough of my selfishness. Tama na siguro ‘to.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE