Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Psalm

ALAM MO, kahit na minsan sobrang nasasaktan na tayo.

Tila bulong na narinig ko ang boses ni Halea.

Na gusto na nating sumuko. Masarap pa rin ang mabuhay. Sana 'yon din ang maisip ng ibang tao. Kung gusto nilang wakasan ang buhay nila dahil sobrang nahihirapan na sila at sa tingin nila wala ng nakaka-intindi sa kanila.

Mabilis na kinabig ko ang manabela at ibinangga ang sasakyan sa gilid ng daan. Naramdaman ko ang lakas ng impact ng pagbangga pero tila namanhid na ang buong katawan ko. Nakaiwas naman ang katapat na sasakyan sa akin. Kasabay nun ang ugong ng mga nadamay na sasakyan na napahinto dahil sa ginawa ko.

Lumakas ang iyak ko.

"S-Sorry," I buried my face on the steering wheel and cried my heart out. "Patawarin mo ako Halea. Patawad Mahal. H-Hindi ko… s-sinasadya..."

Atsana may dumating sa buhay nila at sabihin sa kanila na huwag nilang sayangin ang buhay na ibinigay sa kanila.

"H-Halea..."


Alyana

HINDI ko mapigilan ang sariling mga luha. Patuloy lang ang mga 'yon sa paglandas sa mukha ko. Kasabay ng paninikip ng dibdib ko ang matinding pangungulila ko kay Makisig. Ilang buwan na ang lumipas pero bakit ang hirap-hirap pa rin na kalimutan siya.

Paano ko pa siya mahaharap? Isa ako sa mga dahilan kung bakit namatay nang maaga si Halea. Dahil sa pangingialam ko ay pinatay ko ang kaibigan ko. Tila lalong naghirap ang kalooban ko sa naisip. Lalong bumuhos lahat ng luha ko. I sobbed in pain. Memories of Halea and Makisig plays in my mind like a film ... making my heart throbbed in pain.

"Alyana, anak?"

"Nay?" mabilis na pinunasan ko ang mga luha sa aking mga mata.

Ang buong akala ko ay tulog na ang lahat. Malalim na ang gabi at tahimik na ang buong paligid nang lumabas ako ng bahay para magpahangin dahil hindi ako makatulog. Naupo ako sa upuan na yari sa kawayan sa ilalim ng malaking puno namin sa likod bahay.

"Anak," tumabi sa akin si nanay. "Okay ka lang ba?"

Sa halip na tumigil sa pag-iyak ay hindi ko napigilan ang panginginig ng mga labi ko. Kasabay nun ang pagbuhos ulit ng mga pinipigilan kong mga luha. Umiiyak na umiling ako sa harap niya. Kumawala ulit lahat ng sakit at pagsisi sa puso ko lalo na nang yakapin ako ni nanay.

"N-Nay,"

Marahang hinagod niya ang buhok ko. "Tahan na." Pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Malakas na yumugyog ang mga balikat ko at lumakas lang ang iyak ko. "Hindi mo kasalanan ang lahat, anak. Walang may gusto sa nangyari." Bumakas ang awa sa boses niya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan..."

Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni nanay pero bakit ang hirap? Bakit ang hirap-hirap tanggapin ng lahat? Bakit kailangang mangyari 'to? Bakit si Halea pa? Bakit sa pamilya pa nila Makisig at Psalm? Ano bang nagawa namin para parusahan kami nang ganito? Ang sakit-sakit. Bakit ang hirap maging masaya?

“Magiging okay rin ang lahat, anak. May awa ang Dios.”

Nakikinig kaya Siya, nay? Nakikita N’ya ba kami?


Psalm

"Pa, I'm fine." Ilang ulit ko nang sabi sa ama habang kausap siya sa cell phone. Napakamot na lamang ako sa likod ng ulo ko habang naglalakad sa lobby ng ospital. "Huwag ng makulit. Ayos lang ako." Tumawag ako para sabihin na huwag na siyang mag-abalang pumunta sa ospital dahil kaya ko naman na. Hindi naman malala ang natamo kong mga sugat. "I'll be staying at my pad. Doon na lang tayo magkita para kumalma ka na riyan."

"Siguraduhin mo lang na didiretso ka sa condo unit mo at malilintikan talaga kitang bata ka. God, Psalmuel, you'll be the death of me. Don't you ever do that again!"

I can't help but laugh. "I wont," tumigil ako bigla sa paglalakad. Napalitan ang tawa ko ng malungkot na ngiti. "Ayokong malungkot si Halea." Baka pati sa langit hindi na niya ako kausapin or worse baka 'di na niya ako harapin.

"You'll be okay, son. Alam kong lagi kang binabantayan ng mag-ina mo. Soon, you'll learn to smile again."

"Thanks Pa."

Hindi ko naman inaalis ang posibilidad na 'yon pero sa ngayon mahirap pa rin na maging masaya. I may learn how to smile again in the next couple of days, maybe laugh or have fun at the same time without thinking about the lose... and it would not be forever because it's temporary.

It will be just a temporary happiness that I want to build just to make myself believe that I'm living a happy life without her. It's because I know at the end of the day. The happiness will fade and the pain will fill the emptiness inside my heart again.

It may take awhile before everything will sink in. It may take years for my heart to love again or it may not beat again for the same reason.

How can I forget you when my heart tells me you're still alive? Kahit na alam kong imposible. Hayaan mo akong mabuhay na iniisip na buhay ka at mas pinili lamang na umalis sa buhay ko kasama ang anak natin.

I heaved a heavy sighed. Damn, these tears.

"P-Psalm? Nandiyan ka pa ba?" natauhan ako bigla. Damn, kausap ko pa pala ang ama ko. "Natahimik ka riyan?"

"Sorry, may naisip lang ako bigla." Nahilot ko ang sentido. "Let's meet at my pad. I'll be on my way." Ibinaba ko na ang cell phone at ipinasok 'yon sa bulsa ng pantalon ko.

Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa lobby ng palapag na 'yon kung saan ang elevator. Nasa harap na ako ng elevator habang hinihintay na bumukas 'yon nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses sa may likuran ko.

"Kumusta na si Halea, Doc?" Kumabog nang mabilis ang pintig ng puso ko. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang marinig ko ang pangalan ni Halea at ang pamilyar na boses ng lalaking nagsalita. "Ilang chance po kaya ang mapanghahawakan namin para mailigtas ang kapatid ko at ang anak niya?"

Tila tren na rumagasa sa akin ang sunod na tanong niya sa kausap ng lalaki. Sakto namang tumunog ang bell ng elevator at bumukas 'yon. Hindi ko magawang pumasok. Hindi ko rin magawang lumingon para kumpirmahin ang hinala ko. Gusto kong sigawan ang sarili ko na mali ako. Na hindi tama ang kutob ko.

Imposibleng buhay pa si Halea.

Hindi ko nagawang lingunin ang dalawang nagsalita nang biglang dumami ang kasabay kung naghihintay na bumukas ang elevator. May iilang taong naitulak ako papasok sa loob. Agad na sumara ang elevator bago paman ako makapagprotesta.

Hindi ako mapakali. I was so anxious. My gut feeling is killing me inside. I want to know the truth. Gusto kong pilitin ang sarili ko na kompormahin na si Makisig ang narinig ko at si Halea ang pinag-uusapan nila. Damn it, but I can't even move a step. Tila naging istatwa ako nang mga oras na 'yon. Hindi ko magawang mag-isip ng tama.

Bumalik sa isipan ko ang mga narinig kong pag-uusap kanina. What are the chances? But why do I feel like this? Bakit tila sasabog ang puso ko sa kaba? Bakit pakiramdam ko buhay nga si Halea?

Would it hurt for me to try?

Nang bumukas ang elevator at makalabas lahat ay mabilis na isinirado ko ang elevator. I didn’t mind the curses and annoyance of other people.

I would hate myself for not even trying.

Habol ang hininga na lumapit ako sa nurse station kung saan may babaeng nurse nakabantay.

"M-Miss," humugot muna ako nang malalim na hininga bago ulit nagsalita. "Pwedeng... pwedeng magtanong?"

"Ano po 'yon sir?"

"May..." I was a bit hesitant to say it but it's now or never. " May Mahaleah Salvatierre bang naka confine dito?" Umiling ako. "I mean, Mahaleah Salvatierre Fidalgo."

"Pakisulat na lang po ng name, sir." Binigyan niya ako ng kalahating papel at ballpen. Mabilis na isinulat ko ang pangalan ni Halea at inabot 'yon sa kanya. Humarap ang babaeng nurse sa screen ng computer niya. "I'll check po sir, for awhile."

Tumango lang ako. I can't help myself but tap my fingers on the counter. Mabilis at malakas na malakas ang tibok ng puso ko. A part of me is already thinking of the worst thing that could happen. Na mali lang ang dinig ko. Na masasaktan lang ako sa maririnig ko. It seemed like every seconds are years already. I could feel my stomach churns. Fuck! This is hell.

Tumigil ang mga kamay ko nang umangat ang mukha ng nurse. I gulped in nervousness. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Ang importante sa akin ay ang malaman kung tama ba ang kutob ko o hindi.

"Wala pong Mahaleah Salvatierre Fidalgo…”

I suddenly felt my heart drop. I was speechless for seconds. So I was wrong, then? Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok.

"It's okay, thanks -" pilit akong ngumiti.

Hindi ko na hinintay ang sagot ng nurse at tinalikuran ko na siya. Nanghina ako sa nalaman ko. Tila mabigat na bato ang bawat hakbang ko.

"Sir!" tawag sa akin ng nurse. "Sir, teka lang." Nilingon ko siya. "Sabi n'yo kasi kanina Mahaleah Salvatierre."

Lumapit ulit ako sa kanya. "Yes, Mahaleah Salvatierre."

"May Mahaleah Salvatierre po kaming naka confine dito."

"T-Talaga?!"



HINDI na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis na pinuntahan ko ang silid ni Halea. Gusto kong ngumiti at magsaya pero alam ko na hindi pa iyon ang tamang oras. Hindi pa rin ako sigurado kung si Halea nga ang may ari ng kaparehong pangalan na 'yon.

Halos takbuhin ko na ang pasilyo ng third floor hanggang sa makita ko na ang room number na sinabi ng nurse kanina. Humugot ako nang malalim na hininga.

Akmang hahawakan ko na ang knob ng pinto nang matigilan ako. Naikuyom ko ang kamay. I stepped back.

Bumalik ang kaba at takot sa puso ko. Paano kung this time, mali ako? Sobra-sobra ang sakit ng pagkadismaya ko kanina. Makakaya ko ba?

Damn it Psalm! Just open the fuckin door. You'll never know the answers if you'll just gonna stand right there.

Bumuga ako ng hangin at lakas loob na hinawakan ang knob ng pinto. Pinihit ko pa bukas ang pinto. And every seconds of it is making my heart throb with fear and excitement. Muli na naman akong napalunok sa kaba. Mabilis na naipikit ko ang mga mata bago pumasok nang tuluyan sa silid.

At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko. Tears immediately fell down from my eyes. Marahas na naisuklay ko ang mga daliri sa buhok habang patuloy pa rin sa paglandas ang mga luha ko sa mukha ko. I couldn't help but smile and cry at the same time.

"Halea," I sobbed and called out her name. "You’re alive.” It barely came out as a whisper.

What should I do? Can I hold her? Can I touch her? Sinubukan ko pang lumapit sa kanya. Halata na ang malaking tiyan ni Halea. May iilang monitor na nakaturok sa katawan niya at medical apparatus. Was she asleep the whole time?

"H-Halea?"

"Anong ginagawa mo rito?!" Marahas na hinaklit ni Makisig ang braso ko palayo kay Halea. Pilit niya akong inilabas sa silid. "Umalis ka na Psalm! Wala ka ng karapatan sa kapatid ko."

Hindi ko maiwasang mainis at magalit sa ginawa ni Makisig. I want to be with my wife. To be with my child. Pinalis ko ang kamay ni Makisig at itunalak siya.

"She's my wife!" sigaw ko.

"Matagal mo nang itinapon ang karapatang mo bilang asawa niya, Psalmuel! So don't tell me what to do. Ngayon umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko at kung ano ang magawa ko sa iyo!"


ISANG sasakyan ang nahulog sa bangin matapos itong ararohin ng isang nawalan na kontrol na delivery truck kagabi. Ayon sa lider ng search and rescue team imposible na buhay pa ang driver na kasama sa nahulog na sasakyan. Masyadong malalim ang kinahuluguhan nito at delikado dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa kagabi. Kinilala ang may ari ng nahulog na sasakyan na si Mahaleah Salvatierre Fidalgo.

Samantala, sa 'di kalayuang lokasyon mula sa pinangyarihan ng aksidente ay isang taxi ang nawalan ng control at bumangga sa gilid ng daan. Patay agad ang driver ng taxi na kinilala bilang si Wilfredo Santos, 45 na taong gulang, at nakatira sa San Antonio kasama ang asawa at tatlong anak nito. Kritikal naman na isinugod sa ospital ang sakay nitong pasahero na babae na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikila ng mga awtoridad…






  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE