Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Isang sumpa ang nag-uugnay sa pamilyang Salvatierre at Fidalgo. Sumpang 'di tukoy kung paano mapuputol. Mahaleah Salvatierre will die when she turns 23. Can Psalmuel Fidalgo save her forever?

Ika Setyembre ng 1995

NAPAHAWAK si Regina sa harapan ng kanyang damit at humugot nang malalim na hininga para sa ganoon ay mabawasan ang sobra-sobrang paninikip ng dibdib niya. Nararamdaman niya na. Malapit nang bumigay ang puso niya. Huwag muna. Piping pakiusap niya sa kanyang puso. Kailangan munang maibigay ni Pancho ang diary na 'yon sa kanyang kuya. Dasal niya ay sana walang mangyaring masama rito.

Pinihit niya pabukas ang pinto ng kanyang silid. Agad siyang naupo sa gilid ng kanyang kama. Nanginginig ang mga kamay na inilabas niya mula sa drawer ng kanyang mesa ang mga gamot niya. Muli ay humugot siya nang malalim na hininga pagkatapos mainom ang mga gamot. Ilang segundo niyang ipinikit ang mga mata nang marinig niyang may kung anong bagay na nahulog sa sahig. Mabilis na nilingon niya ang pinanggalingan ng tunog.

Tahimik lang siya habang pinapakiramdaman ang buong paligid. Rinig na rinig niya ang malakas na hangin sa labas na tila hinahampas ang mga punong nadadaanan nito. Tila galit na galit ang bawat galaw ng mga dahon at sanga ng mga puno.

Bigla-bigla ay nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw ng kanyang silid. Bumigay ang bintana at kusang bumukas 'yon at paulit-ulit na tumatama sa hamba ng pinaglagyan nun. Naramdaman niya ang kakaibigang lamig sa buong silid.

Nandito na naman siya.

Tumayo siya para igala ang paningin sa buong paligid. Alam niyang nandito siya. Alam niyang papatayin rin siya nito. Nagsimula siyang magdasal sa kanyang isip. Hindi siya magpapadaig rito.

"Magpakita ka, alam kong nandiyan ka." Sigaw niya. "Itigil mo na ito. Parang awa mo na. Wala kaming kasalanan sa nangyari sa'yo."

Saktong pagtingin niya sa salamin ay nagpakita ang duguang babae sa likod niya. Nakayuko ito pero unti-unting iniaangat nito ang mukha sa kanya. Sumilay ang isang mapang-uyam na ngiti sa duguan nitong mukha. Nakaramdam siya nang sobrang takot. Tila iginagapos ang buong katawan niya. Hindi niya magawang makakilos.

Tumaas lahat ang balahibo niya sa kanyang buong katawan lalong lalo na nang ilapit nito ang mukha sa kanyang tainga. Kitang-kita niya sa salamin ang paglapit nito sa kanya.

"Regina," bulong nito. "Regina..."

"Itigil mo na ito." Nanginginig na pakiusap niya. "Patawarin mo na kami. Alam kong may pagkakamali ang pamilya natin sa'yo pero parang awa mo na. Itigil mo na ito –" napapikit siya nang biglang sumigaw ito kasabay nun ang pagkabasag ng lahat ng mga babasaging bagay sa loob ng kanyang silid.

"Regina!" paulit-ulit na sigaw nito. Tila nakakatakot na musika 'yon na paulit-ulit na tumutugtog sa utak niya. "Regina! Mamatay ka rin! Mamatay ka! Reginaaaaaaa!" Naitakip niya ang mga kamay sa kanyang mga tainga habang pilit na nilalabanan ang ginagawa nitong paggulo sa kanyang isip.

"Tumigil ka na!" malakas na sigaw niya.

Kinapa niya ang mga kamay sa kanyang harapan nang biglang maramdaman niya ang mga kamay nitong sumasakal sa kanya. Umangat ang mga paa niya sa ere. Nahihirapan siyang huminga. Naramdaman niya ang mga namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Dios ko! Tulungan Ninyo po ako.

Bigla ay nabitiwan siya nito na tila may nahawakan ito sa kanyang leeg na tila mainit na pumaso rito. Sobra siyang napangiwi sa malakas na pagbagsak niya sa sahig. Ang kwentas! 'yon ang gintong kwentas na may pendant na cross. Mabilis na napahawak siya sa kwentas na sumilip na mula sa damit niya.

Paanong?

Pero bago paman niya masagot ang sariling katanungan ay naagaw ng atensyon niya ang isang pares ng duguang paa na nakatayo sa harap niya. Unti-unti niyang inangat ang mukha sa may ari ng mga paa na 'yon.

Napasinghap siya sa gulat nang makita nang mas malapitan ang mukha nito. Napaatras siya sa sobrang takot. Natutop niya ang dibdib nang biglang gumuhit ang matinding sakit sa kanyang puso.

Itinaas nito ang isang pamilyar na diary. Nanlaki ang kanyang mga mata. 'Yon ang diary na ibinigay niya kay Pancho. Muli ay ngumiti ang duguang babae sa harap niya. Tumingkayad ito ng upo sa harap niya. Kasabay nun ang unti-unting pagkasunog ng diary sa harap niya.

Paanong? Si Pancho? Anong nangyari kay Pancho?

Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaiyak. Bakit? Bakit nangyari ito sa pamilya nila? Bakit naging masaklap ang buhay nila?

"Regina..." bulong nito.

"Tama na." Hikbi niya. "Tumigil ka na."

“Mamatay ka rin katulad nila.”


Psalm

"WANT some?" gulat na napalingon ako sa nagsalita.

It was Makisig. Mabilis na itinago ko ang picture ni Halea na kanina ko pa tinititigan. May dala itong isang plastic na may laman ng mga canned beers. Naubos na niya ang isang buong can na hawak niya at kumuha ulit siya sa loob ng plastic na dala. He suddenly tossed the can at me. Muntik na 'yong tumama sa mukha ko kung hindi ko pa nasalo. Damn!

Kumuha ulit siya ng para sa kanya bago naupo sa tabi ko sa isa sa mga baitang sa harap ng bahay nila. Pumagitna sa aming dalawa ang plastic na dala-dala niya.

"Matunaw na 'yang kapatid ko sa kakatitig mo sa picture niya." Basag niya pagkatapos.

"Kanina ka pa ba?" binuksan ko ang can at mabilis na tinungga ang laman nun.

"'Di naman," nakangising binilingan ako ng loko. "But I would love to see you cry in pain while looking at my sister's picture. What a sight." Malakas na tumawa siya.

"Gago," hindi ko na lang gaanong pinansin ang sinabi ni Makisig.

Ilang segundo kaming natahimik pareho.

"When did you realized you love my sister?" mabilis na naibaling ko ang tingin kay Makisig. He wasn't looking at me pero seryosong-seryoso ang mukha niya habang malayo ang tingin.

"I don't know." I shrugged. "I kind of hated the idea of falling in love with Halea before. I hated her for ruining us and for breaking Alyana's heart. I want her to feel every pain of her selfishness that she had brought us. To make her suffer for the lose. Punished her for treating her bad. I blamed her for every bad things in my life."

"I want to kill you right now Psalm."

Napansin ko ang pagtagis ng panga ni Makisig. Mukhang nagpipigil siyang suntukin ako o ‘di kaya patayin na lang ako diretso.

"I’m sorry,” mapait na ngumiti ako. “I almost killed myself for that. Almost." I continued. "When I thought I lost her. Everything came back to me. Every bad things I did to her played in my mind like a horror movie. It haunted me even in my sleep. It emptied my heart. It felt like Halea had took my soul out from my body. It was so hard to live. I wanted to die. I wanted to see her and tell her how much I regretted everything I've done to her. There were so many I wanted in my heart but so little hope in my hand. It was unfair, but I don't deserved to complain because it was I who had pushed her away."

I sighed.

"It feels like, the more I hate her, the more I'm falling for her. The more I hurt her, the more I wanted to protect her. The more I push her away, the more I wanted her to stay. My mind is always quarreling with my heart and they never get a solution. All my hate towards her became love without even realizing it."

"Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ka ng kapatid ko. She had been in love with you ever since she was twelve. Sa loob ng sampung taon ikaw lang ang minahal niya. Ang nakikita ng mga mata niya. Ang nagpapangiti at nagpapa-iyak sa kanya. Ilang beses ko na 'yong penektusan pero matindi talaga ang tama sa'yo ng kapatid ko. I told her to move on already pero 'di ko alam kung anong klaseng pagmo-move on ang ginagawa nun sa lumang wine cellar na pinuno niya ng mukha mo. Tsk.”

Hindi ko maiawasang mapangiti. Alam ko na mahal na mahal ako ni Halea but hearing it from her brother made a different feeling of satisfaction and joy. I could listen to Makisig's stories of Halea all night at hindi ako magsasawa.

"But she didn't have any intention of ruining your relationship. She was against it. Kung hindi lang inatake sa puso si Mama ay hinding-hindi niya gagawin 'yon. She was willing to embrace the pain for the both of you dahil pareho niya kayong mahal. It's just that, she also love our mother and did not want her to lose her. She wanted to live for us."

"I guess, some things are disguised in pain so everyone can live a happy life."

"I think so too."

"So what about you and Alyana?" pag-iiba ko.

"There is nothing going on between us." Mabilis na sagot niya. Nagbukas ulit siya ng canned beer at mabilis na sinaid ang laman nun.

"Wala ba talaga?"

Kumunot ang noo ni Makisig. "Wala kaming relasyon ni Alyana."

"Alam kong mahal mo rin si Alyana pero pinipigilan mo lang ang sarili mo. I've never been a good boyfriend to her before. Marami akong pagkukulang sa kanya. Inaamin ko 'yon. At alam ko rin na kahit ganoon ay minahal niya pa rin ako."

"I'm not interested with your tragic love story."

Natawa lang ako. "Jealous?"

"Hell, no!"

"But to be honest, Alyana had never looked at me in the same way she looks at you." Naibaling ni Makisig ang tingin sa akin. "Masasabi kong, kung minahal niya ako, mas mahal ka niya."

"Stop talking shit Psalmuel." Ibinalik ni Makisig ang tingin sa harap habang inuubos ang panibagong canned beer na hawak.

"I'm not talking shit Makisig." Isinandal ko ang likod sa baitang sa likod ko. "Alam ko ang mga sinasabi ko." Tumingala ako sa madilim na kalangitan na napapalibutan ng mga bituin. "Kilala ko si Alyana at alam ko na matagal na akong nilimot ng puso niya."

"Not sorry to hear that, though."

Bahagya akong natawa.

"Huwag mong pigilan ang sarili mo Makisig.” Baling ko sa kanya. “I tried that before and I almost lost your sister. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan mo lahat ng mga 'tang ina mong desisyon dahil lang sa tingin mo ay tama ka."

"She's gone."

"Anong gone? Nasa San Antonio lang naman siya."

"She's better off without me in her life."

"Lahat ng mga lalaking nagpapaka-martyr 'yan ang sinasabi. Goodluck sa she's better off without me in her life na linya mo. Ibibigay ko kalahati ng lupain ko kapag napanindigan mo ‘yan.”



"HOW'S Halea, Pa?”

"She's fine, Psalm." Sagot ng aking ama sa kabilang linya. "Kung magtuloy-tuloy ang good condition ni Halea ay wala tayong magiging problema. Sana nga ay magising na rin siya."

"Sana magmilagro ang langit na magising na siya bago paman niya maisilang ang anak namin."

"May awa ang Dios, anak. Sa dami nang mga problemang kinasungkutan ng ating mga pamilya sana ay dinggin tayo ng Dios at matigil na ang lahat ng mga ito. Kumusta na nga palayo kayo diyan ni Makisig? Nahanap n'yo na ba ang diary at ang mga gamit ni Regina?"

"Wala pa kaming makuhang lead. Nasuyod na rin namin ang buong hacienda ng Salvatierre at sa bahay natin pero wala kaming mahanap. Nagtanong-tanong na rin kami sa kung saan pero walang bakas ng nakaraan na maaring makatulong sa amin. Ayokong mawalan ng pag-asa. Hindi pwedeng mawala sa akin ang mag-ina ko."

"Huwag kang mawalan ng pag-asa anak. Naniniwala ako kay Regina. Hindi niya pababayaan ang pamilya niya."

"May naalala po ba kayo na pwede niyang pagtaguan ng mga gamit niya?"

"Hindi ko sigurado anak. Teka lang..." ilang segundong naging tahimik ang ama bago ulit nagsalita. "Madalas si Regina sa lumang simbahan ng San Antonio. 'Yong unang simbahan ng San Antonio de Padua na itinayo noong 1874. 'Yong malapit sa lumang sementeryo."

'Yon ba ang lumang simbahan na painting na nakasabit sa silid ni Halea?

"Kung may isang lugar man na pwedeng pagtaguan ni Regina ng mga gamit niya. Natitiyak ko na, baka may itinago roon si Regina.”



"SIGURADO ka bang may makikita tayo dito Psalmuel?" inihimpil ni Makisig ang sasakyan sa harap ng lumang simbahan. Mag-a-alas sais na at papalubog na ang araw. Hindi na ako nag-asksaya ng oras at agad kong sinabihan si Makisig sa sinabi sa akin ng aking ama. Importante ang bawat oras dahil nakasalalay rito ang kaligtasan ng buong pamilya namin.

"Malakas ang kutob ko na oo." Lumabas kami mula sa lumang pick up ni Makisig. Sabay na naingat namin ang tingin sa lumang simbahan. "Ito na lamang ang natitirang nakatayo sa bayan ng San Antonio na maaring naging saksi ng lahat ng mga kaganapan sa nakaraan." Naibaling ko ang tingin kay Makisig. "Wala namang mawawala sa atin kung susubukan natin."

Itinaas ni Makisig ang dala niyang flashlight. "Pumasok na tayo."

Madilim ang buong simbahan. Bakas na bakas ang lumipas na ganda ng naturang simbahan na tila dinaanan na nang maraming bagyo at nakalimutan na nang maraming tao. Itinuon namin ang mga dalang flashlights sa paligid upang matignan kung may mga lagusan o pinto kaming makikita na magdadala sa amin sa kung saan.

"Ang tagal na ng simbahan na ito. I can't believe Tita Regina used to camp in here."

"Maybe she has reasons why she chose this place?"

Makisig shrugged.

"Hindi ko alam. Ang sabi ni Papa ay masyadong malihim si Tita Regina. Madami raw itong itinatago sa kanila noon. Pagkalipas ng maraming taon ay noong isang taon lang namin nalaman ang tunay na ikinamatay niya. Matagal na pa lang may sakit sa puso si tita at ayaw lang niyang mag-aalala ang kanyang kapatid at ama. Hindi rin namin alam na lihim na nagkikita si Tita Regina at ang ama mo noon. Ang hula ni Papa ay baka narinig ni Tita Regina ang pag-uusap nila at ni Lolo Fredericko noon kaya nalaman niya ang tungkol sa sumpa.”

"Did you tried talking to my father after finding the diary?”

"We tried not to, mortal na magkaaway ang pamilya natin kaya alam ni Papa na maaring hindi sumang-ayon si Don Pancho sa gusto namin. Not knowing, your father has already a plan under his sleeves. But before that, we tried consulting to a mambabarang and all the quack doctors pero lahat ay tumangging tulungan kami. It seemed like, may sumusunod sa amin na kinatatakutan nila. They don’t explain to us in details. Basta, sabi lang nila, ayaw nilang mangialam."

"That's quite odd."

"Here!" sigaw ni Makisig. May isang malaking tipak na dingding na kasya ang isang tao papunta sa kabilang bahagi ng simbahan. Hindi gaanong halata ang lagusan na 'yon dahil maraming mga nakatumbang pew at bato sa paligid. "I think this could lead us to somewhere." Naunang pumasok si Makisig saka ako sumunod. "Let's go up there." Itinuro ni Makisig ang lumang spiral staircase gamit ng flashlight.

Dinala kami ng hagdan na 'yon sa ikalawang palapag ng simbahan. May isa na namang spiral stairs doon na magdadala sa’yo sa bell tower ng simbahan. Pinasadahan namin ng flashlight ang madilim na lugar. Base sa itsura nun ay mukhang may taong gumamit sa lugar na 'yon dati. May mga mesa at sirang bombilya ng ilaw na nakasabit sa kisame. May iilang kahon nakakalat sa paligid.

"I can't see anything here." Ni Makisig.

"Let's look for more. I'm pretty sure there is something here." Kinapa-kapa ko ang sementadong pader. "Kung wala tayong mahanap dito baka sa bell tower."

"Wait," nakarinig ako ng crack mula sa kahoy na sahig kaya napalingon ako. Makisig was holding a piece of wooden tile that he took out from the floor. "I think I see something." Mabilis na lumapit ako kay Makisig at tinulungan siyang alisin ang dalawa pang wooden tiles sa sahig.

Nakuha namin mula doon ang ilang lumang envelopes na kung hindi kami nagkakamali ay naglalaman ng sulat. May iilang black and white photos din ng isang masayang pamilya na mukhang kuha pa noong 1920's base na rin sa petsa na nakalagay sa likod ng mga larawan. Nandoon rin ang isa pang diary na mukhang mas luma pa kaysa sa diary na hinahanap namin.

Nakasulat sa talaarawan ang pangalan ni Alonzo Salvatierre.

"This is Lolo Alonzo and his family." Nagtataka na naibaling ni Makisig ang tingin sa akin. "Bakit mayroon nito si Tita Regina? Akala namin ay wala nang natira sa mga gamit noon." Kinuha ko sa kanya ang mga envelope.

"Maybe she has her own reasons why she kept these things from you." I opened the first envelope and unfolded the paper. Bumakat na ang tinta sa papel sa kalumaan pero mababasa pa rin namin. Itinuon ni Makisig ang flashlight sa binabasa ko.

Ika Agosto 13 ng 1943

Pinatay ko ang sarili kong kapatid dahil sa pera at kapangyarihan. Kinalimutan ko ang dugong nag-uugnay sa amin para sa panandaliang kayamanan sa mundong ibabaw. Pero hindi ako pinasaya ng pera at kapangyarihang nakuha ko mula sa pagpaslang namin sa iyo. Araw-araw at kahit sa aking pagtulog dala-dala ko ang maling ginawa namin sa iyo.

Ito rin ang dahilan kung bakit mas lalong naging miserable ang buhay ko at ng aking pamilya. Nawala sa akin ang mahal kong anak na si Yasmin at kinitil ang sariling buhay dahil sa sobrang kalungkutan dahil sa pagmamahal ng isang Fidalgo. At alam ko Kristina na hindi lamang doon nagtatapos ang paghihiganti mo sa ating pamilya.

Lubos ko na pinagsisihan ang pagbabaliwala ko sa sinabi ng matandang babae. Ngayon ay wala na ang aking anak na si Yasmin. Kinitil niya ang sariling buhay dahil sa pag-ibig niya sa isang anak sa labas ng isang Fidalgo. Wala akong nagawa para sa anak ko. Hinayaan ko siyang mawala sa akin nang ganoon lamang. Ito ba ang ganti mo sa akin Kristina? Ito ba ang ganti mo sa ginawa namin sa iyo?

Ika Nobyembre 2 ng 1942

Isang matandang babae ang titig na titig kay Alonzo habang nasa simbahan sila ng San Antonio de Padua. Hinihintay niya ang kanyang asawa na kasalukuyang nagsisindi ng mga kandila para sa mga namapayang pamilya nila.

Lumapit ang matanda sa kanya. Hindi niya maiwasan ang mapakunot-noo dahil mukhang hindi masyadong nakakakita ang matanda dahil halos tumabon na sa buong mata nito ang katarata. Tanging ang isang kapirasong mahabang sanga ng kahoy na lamang na hawak-hawak ng matanda ang mismong umaalalay rito.

"Isang babae sa nakaraan ang unti-unting papatay sa inyong pamilya. Isang babae na walang awa n'yong pinaslang at minaltrato. Dahil sa puot at matinding kagustuhang na makaganti sa kanyang puso ay hindi siya kailanman matatahimik at makakabalik sa kanyang katawan. Ang unang sumpa na ipinataw sa inyong pamilya ng inyong mga kalaban ay hihigitan ng puot na ibinigay ninyo sa babaeng iyon."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

"Ang pamilya ninyo at pamilyang minahal nang lubusan ng babaeng 'yon ay magdudusa. Hindi kailanman magiging masaya ang dalawang pamilyang isinumpa dahil sa puot at pagkakanulo." Nagulat siya nang bigla siya nitong hawakan sa pupulsuhan. "Ang lahat ng babaeng anak ng iyong pamilya ay iibig sa kalabang pamilya at masasaktan nang lubusan. Ang pagmamahal na iyon ay maghahatid ng kalungkutan at kamatayan." Marahas na inalis niya ang kamay ng matanda at itinulak ito palayo. "Habang mahihirapan namang makahanap ng tunay na kasiyahan ang pamilya ng lalaking lubos na minahal ng babaeng humiling sa sumpa."

"Nasisiraan ka lamang ng bait." Akusa niya rito. "Hindi totoo ang mga iyan." Saka niya iniwan ang matanda.

"Dadating ang araw na pagsisihan mo ang lahat ng iyong mga ginawa pero sa panahon na iyon ay huli na ang lahat."


NAGKATINGINAN silang dalawa ni Makisig. Hindi kami makapaniwala sa nabasa namin. Bakas pa rin ang pagkagulat ni Makisig sa nalaman.

"Paanong nagawa ni Lolo Alonzo na patayin ang kapatid niya?"

"Kung ganoon ay pinatay si Kristina?”sandali akong nag-isip. Kung tama ang pagkakaunawa ko sa sinabi ng matandang babae sa sulat ni Alonzo. "Maaring may kinalaman si Kristina sa kamatayan ng mga babaeng Salvatierre."

"At maaring may dahilan kung bakit paulit-ulit na umiibig ang mga babaeng Salvatierre sa mga Fidalgo? Akin na.” Inabot ko kay Makisig ang ilang mga papel at sulat. Naghalo-halo na ang mga ‘yon, mabuti na lamang at may mga petsa ang mga sulat. "Mas magiging malinaw ang lahat kung malalaman natin ang lahat ng mga nalaman ni Tita Regina. Found it! August 29, 1995."

Mahal kong Halea,

Kung nababasa mo ito hayaan mong ikuwento ko sa iyo ang nakaraan upang mas maintindihan mo ang tungkol sa sumpa na bumabalot sa ating buong pamilya. Mga kwentong kailanman ay hindi naisatinig at naikwento sa sumunod na henerasyon. Ang nakaraan na sinadyang ikinubli ng panahon.

Hindi iisang sumpa ang unti-unting pumapatay sa atin kung hindi may isa pa.

“Alonzo’s diary!” Mabilis na kinuha ni Makisig ang itim na diary at ibinigay 'yon sa akin.

Binuklat ko ang kwaderno but the material of the paper is already unreadable dahil sa kalumaan. Parang mapupunit na iyon. Hindi ko na magawang basahin iyon dahil halos humalo na ang tinta ng sulat sa ibang litra ng ibang salita.

"I can't read this."

Muling binasa ni Makisig ang liham ni Regina.

Noon pa man ay isa na sa masugid na manliligaw ni Ysabella Fidalgo si Jaime Salvatierre. Ang pamilya Fidalgo at Salvatierre ay isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa bayan ng San Antonio. Subalit umibig si Ysabella sa isang simpleng guro ng San Antonio na si Rafael Romero at sa kalaunan ay nabuntis nito si Ysabella. Hindi natanggap ng ating Lolo Jaime ang nangyari kaya pinaslang nito ang dalawa sa harap ng unang simbahan ng San Antonio de Padua.

Mahirap sa mga Fidalgo ang magkaroon ng babaeng anak kaya naging hudyat ng sigalot ang pagkawala ng nag-iisang babaeng apo ni Donya Maria Fidalgo na si Ysabella. Isinumpa ng matriarka ng mga Fidalgo ang ating buong pamilya. The Salvatierre will only bear two children. One eldest son and a youngest daughter. Para paulit-ulit na ipaalala sa mga Salvatierre ang masamang nagawa ng ating abuelo kay Ysabella at sa naiwang kuya at lola nito.

The elder brother will suffer the pain and grief of losing his sister and his daughter but the lose doesn't mean death of the youngest daughter. They will suffer great pain and betrayal.  

Ang layunin ng sumpa na ipinataw ng matriarka ay para iparanas sa atin ang sobrang kalungkutan at alisin ang kakayahang maging masaya na ipinagkait ng ating Lolo Jaime sa babaeng apo ni Donya Maria nang paslangin niya ito. Ang inggit ng pagkakaroon ng anak na dapat naranasan ni Ysabella kung hindi naging makasarili ang ating abuelo.

Ipaparanas sa mga lalaking Salvatierre ang naranasang kalungkutan ng mga kapatid ni Ysabella. At paulit-ulit na ipapaalala ang masakit na nakaraan.

Donya Maria, cursed our family with an ill fated life, unhappiness in finding true love and hardship in conceiving a child for the Salvatierre women. Lahat ng mga ito ay magiging hadlang para maging masaya.

If a Salvatierre woman will fall in love with the Fidalgo men they will never be happy for no Fidalgo men will fall in love with a Salvatierre woman.

Loving a Fidalgo is a cursed. Unti-unting papatayin ng pagmamahal na 'yon ang buhay nila habang sila ay humihinga. Unti-unting mawawala ang sigla hanggang sa ito na mismo ang sumuko.

Katulad na lamang ng nangyari sa ating Lola Kristina.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE